#IHaveALover CHAPTER 31 Nakaupo sa gilid ng kama si Primo na nasa loob ng kanyang kwarto. Nakatingin sa kawalan at halatang malalim ang iniisip. Hanggang ngayon ay iniisip niya ang mga sinabi sa kanya ni Ronnie kanina sa park. Hindi niya maitatanggi na puno siya ng kaba dahil sa napipinto niyang pagbabalik sa mga taong nakalimutan ng kanyang isipan. May bahagi sa kanya na gustong bumalik pero mas nangingibabaw ngayon ang pag-atras lalo na at nalalapit na ang takdang araw na iyon. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, kung paano pakikiharapan ang mga taong sinasabing pamilya niya. Mula naman sa kusina, lumabas si Ronnie na may dalang baso na iniinuman nito ng tubig. Napatingin siya kay Primo at napansin niya ang pagkakatulala nito. Alam naman niya kung ano ang dahilan n