CHAPTER 3 AND 4

3851 Words
#IHaveALover CHAPTER 3     Nakaupo sa ibabaw ng kama si Theo, nakasandal ang likod sa headboard habang nakatingin sa asawa na si Sofia na nakatalikod ng higa mula sa kanya at mahimbing ng natutulog. Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lamang at hindi nito kasama ngayon si Ronnie kaya nagkatabi sila sa kama dahil madalas, sa kabilang kwarto siya natutulog kapag nandito ang lalaking iyon.     Speaking of him, hanggang ngayon ay napapaisip si Theo sa mga naging kilos ni Ronnie nung huli silang mag-usap. Nakakapagtaka at sa totoo lang, hindi rin niya maiwasang maghinala.     Napabuntong-hininga siyang muli.     “Sino ka ba talaga Ronnie? Niloloko mo ba ang asawa ko?” tanong niya sa kanyang sarili.    Nakakatawa lamang isipin na siya nga niloloko pero nag-aalala pa siya na naloloko ang asawa niya ng ibang lalaki. Mas nag-aalala pa siya sa mararamdaman ng asawa kaysa sa nararamdaman niya.     Ganun nga siguro talaga kapag mahal ang isang tao, kahit ang sariling damdamin, nagiging balewala basta lang hindi masira ang damdamin ng minamahal.     First love ni Theo si Sofia. Nagkakilala sila thru online, isa ito sa mga estudyanteng pilipino na tinuruan niya ng basic english. Bukod kasi sa mga chinese, nagtuturo rin siya sa mga kapwa pilipino pero siyempre, may bayad dahil iyon ang trabaho niya.     Sa unang kita pa lamang niya kay Sofia ay nabighani na siya. Napakaganda nito sa kanyang paningin kahit sa screen lang pero mas lalong gumanda nung personal na niyang nakita. Akala nga niya ay hanggang sa online na lang ang ugnayan nila pero siyempre, pursigido siyang makuha si Sofia kaya naman inaya niya rin ito na mag-date sila hanggang sa naging magkasintahan at ngayon nga ay mag-asawa na. Naging mabilis lang ang lahat kaya naman naiisip niya ngayon, dapat pala nagdahan-dahan lang siya kasi kung anong bilis na makuha niya ito, ang bilis rin na mawala ang nararamdaman nito para sa kanya.     Pero ganun pa man, hindi niya hahayaang mawala ito ng tuluyan sa kanya. Hinding-hindi niya ito hihiwalayan kahit ano pang mangyari.     - - - - -  - - - - - - - - - - - - - -     Nasa loob ng kanyang opisina si Theo. Isa sa mga kwarto dito sa bahay na ginagamit niya sa trabaho. Naginat-inat siya para ma-flex ang muscles niya dahil sa ilang oras din niyang pag-upo sa swivel chair at pagharap sa mga estudyanteng chinese sa computer. Kakatapos lamang ng klase niya.     Inalis ni Theo ang suot na salamin sa mata at pinatong sa mesa na nasa gilid lamang. Tumayo mula sa inuupuan saka lumabas ng kwartong iyon.     Saktong paglabas niya ay tumunog ang doorbell. Nagtaka siya. Alam niyang wala si Sofia dahil pumasok ito pero kung umuwi man ito ngayon, hindi na iyon magdo-doorbell pa kasi may sarili naman iyong susi at makakapasok ito kaagad.     Napabuntong-hininga na lamang si Theo saka bumaba. Titingnan kung sino ang nasa labas na patuloy lamang na nagpapatunog sa doorbell.     Pagkabukas ng pinto, kumunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Theo dahil ang nakita lang naman niya sa labas ay si Ronnie. Hindi ito naka-business attire dahil naka-polo shirt na kulay navy blue na hapit sa katawan nitong hubog ngayon at black jeans at sneakers... ibig sabihin... wala itong pasok dahil hindi naman ito mukhang galing sa opisina, e bakit pumasok si Sofia? Sa pagkakaalam niya, sabay lagi ang day-off ng dalawa.    “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Theo.     Napangisi si Ronnie habang nakatingin kay Theo.    “Si Sofia?” tanong nito.    “Pumasok.” Sabi ni Theo.     Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Ronnie.     “Pumasok? Day off namin ngayon.” Sabi niya.    So saan nagpunta si Sofia?     Napapalatak si Ronnie. Napailing-iling pa ito.    “Matindi din talaga ang kati sa katawan na taglay ng asawa mo.” Sabi nito.     “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Theo.    Napangisi si Ronnie.    “Ang sinasabi ko... malandi talaga ang asawa mo... Hindi pa nakuntento sa akin.” Sabi nito.    “Huwag mong sabihan ng ganyan ang asawa ko.” Sabi ni Theo. Galit.     “Masakit ang katotohanan pero kailangang tanggapin.” Sabi ni Ronnie. “Sa tingin mo... nasaan siya?” tanong pa nito.    Walang naisagot si Theo, hindi rin naman kasi niya alam kung nasaan ang sariling asawa. Ang alam nga niya, nasa opisina ito pero ngayong nandito si Ronnie, ibig sabihin ay nasa ibang lugar ito na hindi nila alam.     “Papasukin mo na lang ako at hihintayin ko siya.” Sabi ni Ronnie.     Napabuntong-hininga si Theo, binigyan niya ng daan si Ronnie na parang hari naman na pumasok sa loob ng bahay, dumiretso sa sala at naupo sa sofa. Dumekwatro pa. Akala siya ang may-ari ng bahay.     Sinara na lamang ni Theo ang pintuan at pinuntahan si Ronnie sa sala.     Napatingin naman si Ronnie kay Theo, napangisi.    “Ipaghanda mo naman ako nang makakain... Bisita mo kaya ako.” Sabi ni Ronnie.    “Hindi kita bisita... Hindi nga dapat kita patutuluyin kasi nanunuklaw ka.” Sabi ni Theo na ikinatawa ni Ronnie.     “Grabe ka naman sa akin... Di ba magkaibigan na tayo?” tanong ni Ronnie.    “Hindi kita kaibigan.” Sabi ni Theo.     Napangisi na lamang muli si Ronnie.     “Ipaghanda mo na lamang ako ng makakain... Kahit ano basta luto mo, kakainin ko.” Sabi nito.    “Lason gusto mo?” tanong ni Theo.     “Huwag naman... mababawasan ang lahi ng mga gwapo at macho.” Sabi ni Ronnie at nagpogi sign pa.     Nayabangan naman si Theo. Napailing-iling.     “Maghintay ka diyan.” Sabi nito saka kaagad na tinalikuran si Ronnie at nagpunta sa kusina. Naghanda ng makakain ni Ronnie.     Habang naghahanda, natatawa na napapailing si Theo. Natatawa siya sa sariling katangahan dahil ang kabit ng asawa niya, pinaghahanda niya ng makakain. Hays! Malala ka na nga talaga Theo.   - - -- - - - - - -  - - - - - -     “Anong tingin mo sa akin? Bata?” tanong ni Ronnie kay Theo habang nakatingin sa pagkaing inihanda nito para sa kanya. Cookies na nakalagay sa plato at isang basong gatas. “Cookies at gatas talaga?” tanong pa nito na tiningnan na si Theo na nakatingin lang rin sa kanya habang nakaupo sa single sofa na katabi lamang ng inuupuan ni Ronnie.     Hindi sumagot si Theo, nanatili lamang siyang nakatingin.     Napailing na lamang si Ronnie saka kumuha na lamang ng cookie, sinipat-sipat ng tingin saka inamoy pa.    “Baka nilagyan mo ito ng lason.” Sabi ni Ronnie.     “Kung meron man... sisihin mo ang pinagbilhan ko niyan kasi sa kanila galing ‘yan.” Sabi ni Theo.     Napailing na lamang muli si Ronnie saka kinain ng buo ang cookie. Napapatango pa ito habang kumakain, nasasarapan kasi siya sa lasa.    “Sarap a.” Sabi ni Ronnie.     Hindi sumagot si Theo.     Kinuha naman ni Ronnie ang baso ng gatas. Sinipat-sipat rin iyon nang tingin.    “Baka ito may lason.” Sabi ni Ronnie.     Hindi sumagot si Theo. Umiwas siya nang tingin.     Napangisi na lamang si Ronnie saka uminom ng gatas. Nasarapan siya.    “Ang sarap ng gatas mo a... nang timpla mong gatas.” Sabi ni Ronnie saka natawa. Napatingin naman muli sa kanya si Theo.     “Di ba Chairman at CEO ka ng kumpanya?” tanong ni Theo. Hindi pinansin ang sinabi nito.     Napangisi naman si Ronnie.    “Whoa... Nagsaliksik ka pa sa buhay ko a...”    “Dapat busy ka kasi marami kang ginagawa... pero nagkakaroon ka pa ng oras para maging kabit.” Sabi kaagad ni Theo.     “I have the time in the world... isa pa, magaling ako kaya lahat, nagagawa ko.” Sabi ni Ronnie.     “At dahil isa ka sa tinitingalang business tycoon ng bansa... dapat maingat ka sa bawat kilos at galaw mo... hindi ka man lang ba nag-aalala na ma-isyu at mapag-usapan ng lahat?” tanong pa ni Theo.    Napangisi si Ronnie.    “Sa tingin mo ba tatagal ako bilang kabit ng asawa mo kung may pakielam ako sa sasabihin ng ibang tao?” tanong nito. Natahimik naman si Theo. “Kahit nga sayo, wala akong naging pakiealam.” Sabi pa nito.   “Nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko, napapamahalaan ko ng mabuti ang mga kumpanyang meron ako... at nakakapagpasok ako ng milyon-milyong pera sa bank account ko... Iyon ang pinakamahalaga sa akin.” Sabi pa ni Ronnie.     Napatango na lamang si Theo. Napatingin naman si Ronnie sa kanyang wrist watch na suot.   “Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Tsk!” sabi pa nito.    “Bakit hindi mo tawagan?” tanong ni Theo. Kung siya kasi ang gagawa, tiyak na hindi siya sasagutin na lalong ikinasasakit ng damdamin niya.    “Kanina ko pa paulit-ulit na ginagawa ‘yan ang kaso... wala.” Sabi ni Ronnie.    Natahimik na lamang si Theo.     “Alam mo bilib rin ako sa tibay mo... Hindi ko alam kung dakila ka o tanga ka lang talaga.” Sabi ni Ronnie.     Nakatingin lamang sa kanya si Theo.    “Bakit mo natitiis si Sofia?” tanong ni Ronnie.     “Dahil mahal ko siya... mahal na mahal.” Sagot ni Theo.     May bahagi naman kay Ronnie na natamaan sa sinabi nito.    “Kaya kahit na ikaw na ang maging tanga sa buong mundo, ayos lang sayo?” tanong ni Ronnie.     “Dahil lang naman sayo kaya kami sirang-sira na.” Sabi ni Theo.     Napangisi si Ronnie.     “Edi suntukin mo ako... Bugbugin mo hangga’t gusto mo.” Sabi nito.     “Gusto kong gawin... pero hindi ko magawa dahil si Sofia ang makakalaban ko pagdating sayo... Sa oras na may gawin akong ikasasakit mo, tiyak na hihiwalayan niya ako.” Sabi ni Theo.     “Isa kang malaking duwag.” Sabi ni Ronnie. Napangisi. “Kalalaki mong tao, takot kang maiwanan...”    “Dapat alam mo ang pakiramdam ng maiwanan dahil naranasan mo na ‘yan nung nawala ang magulang mo.” Sabi kaagad ni Theo na ikinatahimik ni Ronnie. “Masakit maiwan... kaya ayoko nang maranasan ulit.” Sabi pa nito.     Namayani ang katahimikan. Pamaya-maya ay muling nagsalita si Ronnie na pumutol dito.    “Alam mo at alam ko na hindi ako ang unang lalaki ng asawa mo... Kaya kung may dapat sisihin, siya lang iyon at hindi ako... dahil ako ay tagatanggap lamang ng biyayang binibigay niya.” Sabi nito. “Maswerte lang ako na matagal na siya sa akin.” Sabi pa nito.     Umiwas nang tingin si Theo.     “Nakakaawa ka.” Sabi ni Ronnie.     Muling napatingin si Theo kay Ronnie.    “Kung naaawa ka sa akin... hiwalayan mo ang asawa ko.” Sabi ni Theo.     Napangisi si Ronnie.     “Ang dapat mangyari... ikaw ang makipaghiwalay kay Sofia dahil kung patuloy ka pa rin sa pagkapit sa kanya... mas lalo ka lamang magiging kaawa-awa. Kahit naman kasi hiwalayan ko si Sofia, hindi matatapos ang kalbaryo mo sa piling niya.” Sabi nito.     Napaiwas nang tingin si Theo. Tinamaan siya sa sinabi nito.     “Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko... hihiwalayan mo ba siya kahit na mahal na mahal mo siya?” tanong nito.     Napatitig naman si Ronnie kay Theo.     “Kung nakakasakit lang sa sarili ko ang pagmamahal ko para sa kanya... Bakit hindi?” sabi ni Ronnie. “Hindi kasi ako tanga kagaya mo Theo... alam ko sa sarili ko na kung mapunta man ako sa kalagayan mo ngayon, natitiyak ko na hindi ko hahayaang patagalin ang lahat.” Sabi pa nito.     “Ganun ba ako katanga sa paningin mo?” tanong ni Theo.    “Sa paningin ko Oo.” Sabi ni Ronnie. Diretsahan talaga magsalita. “Pero tingin ka pa rin sa salamin, baka makita mo rin sa sarili mo na masyado ka ngang tanga.” Sabi pa nito. Kumuha ulit ng cookie at kinain saka uminom ng gatas. “Baka maging dahilan rin ‘yan para magising ka na.” Sabi pa nito.     Napaiwas nang tingin si Theo. Hindi niya ba alam kung bakit siya nakikipag-usap sa kabit ng asawa niya. Nababaliw na talaga siya.   Siguro kaya sinasabi lamang sa kanya ni Ronnie ang lahat ng ito ay dahil para maisip niya na hiwalayan na nga si Sofia at maging malaya na ang dalawa. Iyon nga kaya dapat hindi siya nakikinig dito.     Tumayo si Theo mula sa inuupuan, napatingala naman nang tingin si Ronnie sa kanya. Hindi din naman kasi papahuli sa tangkad ang una, nasa 5’11 ang taas nito.    “Saan ka pupunta?” tanong ni Ronnie.     Napatingin naman sa kanya si Theo.    “Pagkatapos mong kumain diyan... iwanan mo na lang at ako na ang magliligpit mamaya... Kapag umalis ka para hanapin siya, isara mo na lang ang pinto.” Sabi nito saka iniwan na si Ronnie at umakyat papunta sa taas.     Nakasunod naman ang tingin sa kanya ni Ronnie, pamaya-maya ay napailing saka napangisi.   #IHaveALover CHAPTER 4     Nasa loob ng kwarto si Theo na nagsisilbing opisina niya dito sa bahay, nakaupo sa isang upuan habang nakatingin sa kawalan.     Hawak at nakapatong sa magkabilang hita niya ang isang gitara na lagi niyang gamit kapag tumutugtog, tinitipa-tipa niya iyon at kahit hindi siya nakatingin sa ginagawa, nakakalikha pa rin siya ng kaaya-aya sa pandinig na tunog. Kumbaga, wala man siyang eksaktong tunog at awiting sinusundan ay kusang gumagawa ang mga daliri niya ng tunog na akala ay tono ng isang awiting kakantahin rin nito kinalaunan.     Napabuntong-hininga si Theo, hanggang ngayon ay iniisip niya ang naging usapan nila ni Ronnie kanina. Sinong mag-aakala na makakapag-usap sila ng ganun? Kahit siya ay hindi niya iyon akalain dahil sa palagian nitong pagpunta dito sa bahay kasama si Sofia, hanggang tingin lamang ang nagiging ugnayan nilang dalawa dahil ayaw rin naman niya itong kausapin.     Masasabi niyang may sense naman kausap si Ronnie ‘yun nga lang, masyadong matalas ang dila kung magsalita. Hindi man lamang naiisip na nakakasakit na ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Aminado siya, may bahagi sa kanya na nasaktan sa mga sinabi nito lalo na at patungkol sa pagmamahal niya para kay Sofia.    On the other side, hindi rin naman niya itatanggi na may mga punto rin naman ang mga sinabi nito. Sabi nga, ang pinakamasakit na salitang maririnig ng isang tao sa buong buhay niya ay ang katotohanan na pilit itinatanggi kahit na kitang-kita naman.     Muling napabuntong-hininga si Theo.     Naputol ang kanyang pagkakatulala at napatingin sa pintuan ng kwarto dahil narinig niyang bumukas iyon, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Ronnie na napangisi naman nang makita siya.     “A-Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Theo. Bakit ba nauutal siya minsan kapag kaharap at kausap niya ito?  “Ang boring sa baba kapag walang kausap.” Sabi ni Ronnie na tuluyang pumasok at sinara ang pintuan, naglakad palapit kay Theo. “Iwanan ba ako sa baba ng nag-iisa lang.” Sabi pa nito. Napansin niya ang hawak ni Theo, isang gitara.    “Wala pa ba siya?” tanong ni Theo.   Napailing si Ronnie. Napangisi.     “Alam mo... Bukod sa pagiging tanga... isa ka ring malaking sorpresa para sa akin.” Sabi ni Ronnie.    Kunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Theo.    “Ako? Malaking sopresa?” pagtatakang tanong ni Theo.     Napatango si Ronnie. Nilapitan nito ang mesa na nagsisilbing office desk ni Theo at doon sinandal ang pwetan, humalukipkip pa ang magkabilang braso nito.     “Tarantado ka kasi...” natatawang sabi ni Ronnie. “I mean... talentado pala.” Sabi pa nito.     Nagtatakang nakatingin lamang sa kanya si Theo.    Umismid si Ronnie.    “Magaling at masarap kang magluto... Mukhang magaling ka ring tumugtog ng gitara dahil hindi mo naman hahawakan ‘yan para paglaruan lang... at hindi rin malayong magaling ka ding kumanta.” Sabi nito. Hindi nito maitatanggi na may paghanga na nararamdaman. “Hindi malayong magugulat muli ako kung may iba pa akong matutuklasan pagdating sayo.” Sabi pa nito.     Napaiwas nang tingin si Theo. Binitawan ang hawak na gitara at sinandal iyon sa inuupuan niya.     “Hindi ko na tuloy maintindihan si Sofia kung bakit ka niya niloloko.” Sabi ni Ronnie.     Hindi nagsalita si Theo, nanatili lamang itong nakaiwas nang tingin sa kausap.     “Pwede mo ba akong tugtugan?” tanong ni Ronnie na muling ikinatingin ni Theo. Gulat ang rumehistro sa mukha nito.    “At bakit naman kita tutugtugan?” tanong ni Theo.     Napangisi si Ronnie.     “Gusto kong makita kung magaling ka nga sa gitara at kung maganda ang boses mo.” Sabi nito. “Malay mo, kunin kita bilang isa sa mga musician sa mga event na ioorganize ng kumpanya ko... malaki rin ang kikitain mo dun.” Sabi nito.     “Babayaran mo ako ng pera?” tanong ni Theo. Nakakatangang tanong.     Mulutong na tawa ang pinakawalan ni Ronnie.     “Malamang...” sabi ni Ronnie. Matapos matawa ay napangisi ito. “O baka naman may iba ka pang gusto na ipambayad ko... Sabihin mo lang, willing naman ako kahit sarili ko ang maging kabayaran.” Sabi pa nito sa tono na nang-aakit.    Nakatingin lang sa kanya si Theo, may pagtatakang mababanaag sa mukha.    ‘Anong ibig niyang sabihin?’ tanong nito sa isipan. Matalino siya pero minsan, slow.     Napangiti saka umiling na lamang si Ronnie.     “Sige na... tugtugan at kantahan mo na ako.” Sabi nito. “Kailangan mo munang dumaan sa matalas at mapanuri kong tenga bago kita kunin bilang musician.” Sabi pa nito.    “Ayoko nga.” Sabi ni Theo sabay iwas nang tingin.    “50,000 pesos.” Sabi ni Ronnie na muling ikinatingin sa kanya ni Theo. Pagtataka na naman ang mababanaag sa mukha nito.    “ ‘Yan ang ibabayad sayo sa oras na kunin kitang musician sa mga event na gagawin ng kumpanya... per 3 songs, may 50k ka na.” Sabi ni Ronnie.     Umiwas nang tingin si Theo. Napailing ito.    “Ayoko.” Sabi nito. Kaya niya iyong kitain sa loob lamang ng isang buwan.     Napangisi si Ronnie.  “100k.” Sabi nito. Muling napatingin sa kanya si Theo na nanlalaki pa ang mga mata. “100k na ang ibabayad sayo, ayaw mo pa?” tanong nito.   “Seryoso? Magbabayad ka ng 100k para lamang sa pagkanta?” tanong ni Theo.     “Kung mag-eenjoy naman ang mga magiging bisita sa event, bakit hindi?” tanong nito.    “Pero hindi ako propesyonal na musikero...”    “Hindi ka man propesyonal pero kung magaling ka namang tumugtog at kumanta... deserve mo na mabayaran ng ganun kalaking halaga.” Sabi kaagad ni Ronnie.    “Paano ka naman nakakasiguro na magaling nga ako?” tanong ni Theo.    Napangisi si Ronnie.    “Magaling akong kumilatis ng tao... Ang pagiging tanga mo nga, napansin ko... ang pagiging talentado mo pa kaya.” Sabi nito.     Napakamot naman sa batok si Theo. Umiwas ito nang tingin.    “Asawa ko lang ang tinutugtugan at kinakantahan ko...”    “150k...” sabi kaagad ni Ronnie na muling ikinatingin ni Theo sa kanya, this time, mas lalong nanlalaki ang mga mata nito. Hindi biro ang 150 thousand pesos. “Tatanggi ka pa ba?” tanong pa nito.     Sa puntong iyon, napaisip si Theo. Hindi naman siya mukhang pera pero kung babayaran siya ng ganun kalaking halaga, madadagdagan ang pera niya sa bangko, mabibili niya pa kung anong gusto ni Sofia.     “Ano? Kantahan mo na ako para ma-judge kita at kunin kita sa mga events... bawat events ay tumataginting na 150k ang talent fee mo... hindi mo kikitain ‘yan sa pagiging language instructor mo sa mga intsik sa loob ng isang buwan.” Sabi ni Ronnie.     Mas lalong napaisip si Theo. Tama nga naman ito pero...    “Hindi ko kayang humarap ng personal sa maraming tao.” Sabi nito.     “Edi kayanin mo.” May inis sa tono ni Ronnie. “Lahat na lang hindi mo kaya... ang makipaghiwalay at ang humarap sa maraming tao.” Sabi pa nito.     Napaiwas nang tingin si Theo.     Napailing-iling naman si Ronnie.    “Kung kanina ay hindi ko maintindihan si Sofia kung bakit ka niya niloloko ng harap-harapan... ngayon naiintindihan ko na, bukod sa tanga ka, ang hina pa ng loob mo.” Sabi nito na muling ikinatingin sa kanya ni Theo nang masama.    “Kanina ka pa a...” inis na sabi ni Theo.    “Bakit? Totoo naman kasi.” Sabi ni Ronnie.   Muling umiwas nang tingin si Theo, napatingin siya sa kanyang gitara. Napabuntong-hininga saka hinawakan ang gitara at muling pinatong sa magkabilang hita niya.     Napangisi naman si Ronnie. Effective ang mga ginawa niyang pamimilit.     “Sige na simulan mo na.” Sabi ni Ronnie.     Sandaling tiningnan ni Theo si Ronnie. Pamaya-maya ay umiwas rin ito at muling napabuntong-hininga. Tiningnan ang gitara, tinono ito.     Ilang sandali lamang ay tinitipa-tipa na nito ang strings ng gitara, lumilikha na ng tunog. Napangiti si Ronnie na nakikinig naman.       Nagsimula si Theo na tugtugin ang tono ng kantang aawitin niya. Napatingin siya kay Ronnie na nakatingin rin sa kanya at nakikinig. Napaiwas siya nang tingin at ibinalik ang tingin sa gitara.     Pamaya-maya ay nagsimulang kumanta si Theo habang patuloy sa pagtugtog ng gitarang hawak.   There goes my heart beating ‘Cause you are the reason I’m losing my sleep Please come back now     Hindi maikakaila ni Ronnie na magaling nga tumugtog at kumanta si Theo. Ang boses nito ay iyong tipong pwedeng pampatulog. Nakakarelax at malamig sa pandinig.   There goes my mind racing And you are the reason That I’m still breathing I’m hopeless now     Nakatingin lamang si Theo sa kanyang gitara habang kumakanta. Ramdam na ramdam niya sa kalooban niya ang lungkot. Hindi naman niya ikakaila, para kay Sofia ang kinakanta niya. Ang babaeng una at sa tingin niya, huling niyang mamahalin.   I’d climb every mountain And swim every ocean Just to be with you And fix what I’ve broken     Hindi naman naalis ang tingin ni Ronnie kay Theo. Napapailing pa ito dahil alam naman niya kung bakit malungkot ang kanta nito. Ramdam niya ang lungkot at hindi niya maiwasang mainis.   Oh, ‘cause I need you to see That you are the reason My hearts keep bleeding I need you now     Patuloy lamang sa pagtugtog at pagkanta si Theo na dalang-dala na sa ginagawa. Sa pagtugtog niya inilalabas ang tunay na nararamdaman niya at sa pagkanta naman niya inilalabas ang mga gusto niyang sabihin.   If I could turn back the clock I’d make sure the light defeated the dark I’d spend every hour, of everyday Keeping you safe     Umiwas nang tingin si Ronnie. Napapikit na lamang ito ng mga mata habang patuloy pa rin sa pakikinig.   And I’d climb every mountain And swim every ocean Just to be with you And fix what I’ve broken Oh, ‘Cause I need you to see That you are the reason     Pinipipigilan ni Theo na maluha. Damang-dama niya ang kanyang ginagawa pero hindi niya hahayaang tumulo ang luha niya sa harapan ng kabit ng asawa niya. Hindi niya hahayaang pati ang pagluha niya, makita nito. Ok na makitang nasasaktan siya huwag lang pati ang luha.   I don’t wanna fight no more I don’t wanna hurt no more I don’t wanna cry no more   Come back, I need you to hold me closer now    Muling idinilat ni Ronnie ang kanyang mga mata, napatingin kay Theo. Ngayon niya napatunayan sa sobra nga nitong mahal ang asawa. Sa kanta pa lang nito, ramdam na niya.   You are the reason, oh Just a little closer now Come a little closer now I need you to hold me tonight     Nagpapatuloy pa rin si Theo kahit na sobrang sakit na nang nararamdaman niya. Kung ito lang ang paraan para mailabas niya kahit na sa pagkanta lang ang nararamdaman niya, gagawin niya para kahit papaano ay gumaan.   I’d climb every mountain And swim every ocean Just to be with you And fix what I’ve broken ‘Cause I need you to see That you are the reason       Natapos sa pagtutog at pagkanta si Theo, napatingin ito kay Ronnie na umismid naman ang labi.     “Hindi ako nagkamali... Magaling ka nga.” Sabi nito. “Pero hindi ganyan ang dapat mong kantahin sa mga events ko... ayokong pati ang mga bisita, hawaan mo ng pagiging sawi sa pag-ibig.” Sabi pa nito.     “Ibig mong sabihin... Kukunin mo ako?” tanong ni Theo.    Napangisi si Ronnie.    “Bakit? Magpapakuha ka ba?” makahulugang tanong nito.     Nangunot ang noo at nagsalubong naman ang magkabilang kilay ni Theo. Nagtataka sa kung anong ibig sabihin ni Ronnie.    Napangiti na lamang si Ronnie.     “Kokontakin kita once na maayos na ang mga event schedules kaya maghanda ka na rin.” Sabi nito.     Napatango si Theo. Hindi na lamang pinansin ang nauna nitong sinabi. Napangiti ito. Hindi maikakaila ni Ronnie na mas lalong gumagwapo ang asawa ni Sofia kapag nakangiti, bihira na makita niya pero ngayon, muli niyang nasilayan.    “ ‘Yung pangako mong 150k.” Sabi ni Theo. Ngayon pa lang, nae-excite na siya sa magiging sweldo niya kahit hindi pa siya nagpe-perform.     “Hindi ako bumabali ng salita.” Sabi ni Ronnie.    “Mabuti at malinaw.” Sabi ni Theo. “Pero... bigla kong naisip si Sofia... baka hindi niya ako payagan.” Sabi pa nito.     “Akong bahala.” Sabi ni Ronnie. Napaiwas naman nang tingin si Theo. Mabuti pa ito, napapasunod si Sofia samantalang siya. Napailing-iling na lamang siya.     Napangisi na lamang si Ronnie habang nakatingin kay Theo na natulala na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD