CHAPTER 5 AND 6

3419 Words
#IHaveALover CHAPTER 5     Sumapit na ang gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Sofia sa bahay kaya naman si Ronnie ay nandito pa rin at kasama ni Theo.     Abala si Theo sa pagluluto ng makakain sa hapunan. Kasalukuyang niluluto niya ang ginataang tilapia habang pinapanuod naman siya ni Ronnie na nakasandal ang pwetan sa lababo at nakahalukipkip ang magkabilang braso. Hindi naman niya ito masabihan na maghintay na lamang sa sala dahil siguradong tatanggi na naman ito sa gusto niya.     “Kalalaki mong tao pero ang galing mong magluto.” Sabi ni Ronnie.     Sandali namang napatingin si Theo kay Ronnie, muli ring ibinalik nito ang tingin sa niluluto.    “Nagmana ako sa Mama ko... Magaling din kasi ‘yung magluto saka batang kusina din ako noon, laginng nanunuod kung paano magluto si Mama.” Sabi ni Theo.     Napatango-tango si Ronnie.    “Ikaw? Hindi ka ba marunong magluto?” tanong pa ni Theo. Ewan ba niya, imbes na hindi niya kausapin ay ito siya, nakikipag-usap sa kabit ng asawa niya.   “Hindi... may sarili naman akong chef na ipagluluto ako.” Sabi nito.     Napatango na lamang si Theo.     “Ang tagal dumating ng asawa mo... Saan kaya nagpunta ‘yun?” tanong ni Ronnie.    “Umuwi ka na kasi.” Sabi ni Theo.    “Ayoko ko nga... Kakain pa ako ng niluluto mo.” Sabi ni Ronnie.     Napailing-iling si Theo. Ang kapal ng mukha ni Ronnie.     Tiningnan ni Theo ang sinaing na kanin, pinatay niya ang kalan ng makitang luto na ito at ipinagpatuloy ang pagluluto sa ulam.    “Oo nga pala... May extrang damit ka ba na mapapahiram sa akin?” tanong ni Ronnie.    Muling tumingin si Theo kay Ronnie. Kunot ang noo at salubong ang magkabilang kilay.    “Bakit?” pagtatakang tanong nito.     Napangisi si Ronnie, inamoy-amoy ang sarili.     “Pakiramdam ko kasi amoy pawis na ako... Gusto kong maligo para mamayang pagdating ni Sofia, handa na ako sa bakbakan.” Sabi nito. “Wala kasing aircon itong bahay niyo kaya ang init-init.” Sabi pa nito.     Napaiwas nang tingin si Theo. Napailing-iling na lamang sa inis na nararamdaman.    “Umuwi ka na lang sa inyo at doon maligo.” Sabi ni Theo ng hindi tumitingin kay Ronnie.     Napangisi naman si Ronnie.    “Gusto mong isumbong kita kay Sofia? Pinapaalis mo ako.” Sabi nito.     Masamang tiningnan ni Theo si Ronnie.     “Pwede ka naman kasing umuwi at maligo muna sa inyo at bumalik na lang...”     “E ayoko nga munang umuwi... Gusto ko na dito maligo.” Sabi kaagad ni Ronnie.     Umiwas nang tingin si Theo. Napabuntong-hininga at kinalma ang sarili.     “Pumunta ka sa kwarto... kumuha ka ng twalya at damit ko sa cabinet.” Sabi ni Theo. “Alam mo naman iyon dahil lagi kang nasa kwarto naming dalawa.” Sabi pa nito.     Napangisi si Ronnie.    “Ok.” Sabi nito saka iniwan si Theo para pumunta sa kwarto.     Muli na lamang napabuntong-hininga si Theo. Bakit ba ganito siya? Walang magawa sa lahat ng mga maling nangyayari?     Ilang minuto ng wala si Ronnie sa paligid ni Theo, natapos na rin sa pagluluto ang huli kaya pinatay na niya ang kalan.     “THEO!!!!!!” malakas na pagtawag sa kanya ni Ronnie. May banyo din kasi sa taas na pwedeng paliguan bukod sa banyo na meron din dito sa ibaba, malapit sa kusina.     Kunot ang noo at salubong ang magkabilang kilay ni Theo.    “Ano namang kailangan nun?” pagtatakang tanong nito sa sarili.    “THEO!!!! BILISAN MO NGA!” sigaw pa muli ng damuho mula sa itaas.    Napakamot na lamang sa batok si Theo saka kaagad na naglakad palabas ng kusina at umakyat papunta sa itaas.     Pumunta siya sa banyo, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pintuan.     “Hindi man lang nag-abalang isara ang pinto.” Sabi ni Theo sa sarili.     Hindi siya lumapit sa pintuan ng banyo pero malapit naman siya sa kinaroroonan nito.    “Anong kailangan mo?” medyo pasigaw na tanong ni Theo.     Nagbukas naman kaagad ang pinto pero halos manlaki ang mga mata ni Theo sa nakita. Si Ronnie, hubot-hubad at basa ang buong katawan. Hindi niya maikakaila na maganda nga ang katawan ng lalaki pero ang nagpagulat talaga sa kanya ay ang nakita niyang tirik na tirik nitong sandata. Tayong-tayo kaya kitang-kita niya ang kahabaan nito, sa palagay niya, mas mahaba pa sa kanya, mataba at ang ulo, hugis mushroom at namumutok sa pula. May konti ring balahibo sa paligid at nakalaylay ang may kalakihan nitong mga itlog.     Napangisi naman si Ronnie sa kanya, walang pakiealam kung nakabuyangyang sa harapan ng asawa ni Sofia ang buong kahubdan niya.     “Nakalimutan kong kumuha ng twalya... Ikuha mo nga ako.” Sabi ni Ronnie.     Hindi kaagad nakatinag si Theo, tulala siya dahil sa nakikita, napapalunok pa nga. Ewan ba niya pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman dahil may bahagi sa kanya na...     “Alam kong nakakatulala ang kagandahang lalaki ko at malaki kong pag-aari... pero ikuha mo na kaya ako ng twalya kasi nilalamig na ako.” Sabi ni Ronnie.     Sa puntong iyon, bumalik sa sarili si Theo na sandaling nawala at kaagad na tumalikod. Sunod-sunod na paghinga ang ginawa niya.    “Lintik.” Sabi nito sa sarili at kaagad na naglakad papunta sa kwarto. Kumuha ng twalya at kaagad ring lumabas. Iniiwasan niyang mapatingin kay Ronnie na nakangisi habang nakasunod ang tingin sa bawat kilos ni Theo. Inabot ng huli ang twalya na kaagad namang kinuha at pinampunas sa katawan at lahat ng parte ng katawan nito.    “Ngayon alam mo na kung bakit baliw na baliw sa akin ang asawa mo.” Sabi ni Ronnie sa tono ng kayabangan. “Hindi rin malayong maging ikaw... mabaliw sa akin.” Sabi pa nito.     Masamang tiningnan ni Theo si Ronnie, iniiwasan mapatingin sa hubad na katawan nito.    “Anong sinasabi mo diyan?” pagtatakang tanong ni Theo.     Itinapis muna ni Ronnie ang twalya sa bewang niya, natakpan man pero halata pa rin ang paninigas ng sandata nito dahil mistulang naging tent ang twalya na may poste sa gitna.    “Kung alam mo lang... kahit ang pinaka-straight pang lalaki na kilala mo... siguradong luluhod din sa harapan ko at mababaliw sa taglay kong sarap.” Sabi nito na dahan-dahang naglakad palabas ng banyo.     Umiwas nang tingin si Theo. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Nag-iinit siya kasabay ng malakas na kalabog ng puso niya.     Napatalon naman sa gulat si Theo dahil naramdaman niyang nasa likod na pala niya si Ronnie, tumutusok nga sa bandang pwetan niya ang sandata nito.     “Kahit ikaw... alam kong mapapaluhod kita sa harapan ko at mababaliw sa akin.” Bulong na sabi ni Ronnie sa kanang tenga ni Theo. Mapang-akit ang tinig nito.     Kaagad na lumayo si Theo kay Ronnie, hinarap niya ito at lalong tiningnan ng masama ang lalaki ng asawa.    “Gago ka ba? Straight ako at kailanman... hindi mo ako mapapaluhod sa harapan mo at mababaliw sayo... Kay Sofia lang ako nababaliw.” Sabi ni Theo.     Napangisi si Ronnie.     “Huwag kang magsalita ng tapos.” Sabi nito. “Gusto kita.” Pag-amin na sabi pa nito na lalong ikinalaki ng mga mata ni Theo. Nagulat siya sa sinabi nito.     “Kung alam mo lang... bukod kay Sofia... pinagpaparausan din kita kahit sa isipan lang at gamit ang kamay.” Pag-amin ni Ronnie.     Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Si Ronnie? Pagpaparausan ang isang lalaking gaya niya? Ang lalaking-lalaki na si Ronnie?     Napailing-iling si Theo, halata sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala.     “Ano ka ba talaga?” tanong ni Theo. Ngayon, ang paghihinala niya noon ay nabubuo na ng unti-unti.     Napangisi si Ronnie, bigla nitong hinapit sa bewang si Theo na nasubsob naman ang mukha sa maumbok niyang dibdib, pumipiglas ang huli pero mahigpit ang hawak sa kanya ng una kaya hindi siya makawala. Masama niya itong tiningnan, nakatitig lamang ito sa kanya at gamit ang isang kamay na hindi nakahawak sa kanya, itinaas nito iyon at pinunta sa noo niya, hinaplos gamit ang daliri nito pababa sa kanyang ilong hanggang sa mahaplos rin nito ang malambot niyang labi.     “Sabihin na lang nating trip kita.” Bulong na sabi ni Ronnie. Sa lapit ng distansya ng kanilang mga mukha, amoy ni Theo ang mabangong hininga nito, kahit na ang katawan, humahalimuyak ang bango ng sabon na ginamit nito sa pagligo.     Gamit ang buong lakas, tinulak ni Theo si Ronnie at nagtagumpay naman siya na makalayo dito.    “Tarantado ka!” galit na galit na sabi ni Theo. “Pumapayag ako na kalantiriin ang asawa ko tapos ngayon... may balak ka pa sa akin? T*ng ina mo!” galit na galit pa na sabi nito. Hindi palamura si Theo pero dahil sa matinding galit, nailabas ng kanyang bibig ang mga salitang hindi niya madalas na nasasabi.     Ngumiti si Ronnie saka natawa. Malutong na tawa.     “Alam kong bibigay ka rin sa akin... Kahit kailan walang nakatanggi akin.” Buong pagmamalaking sabi ni Ronnie. “Dahil ang mga bagay na gusto ko... nakukuha ko.” Sabi pa nito.     Napailing-iling si Theo. Umiwas nang tingin. Nakita ni Ronnie ang pagkuyom ng magkabilang kamao nito.    “Umalis ka na.” Pinipigilan ni Theo ang sarili na mas lalong magalit.    “Hinihintay ko pa ang asawa mo... Saka kakainin pa kita... ang ibig kong sabihin ay kakainin ko pa ang luto mo.” Sabi pa nito saka malutong na tumawa ulit.       Masamang tiningnan siya ni Theo. Wala lang naman kay Ronnie ang mga nakikita niyang reaksyon dito dahil sa totoo lang, nag-eenjoy siya na panoorin ito.     “Bakla.” Sabi ni Theo na ikinatigil ng pagtawa ni Ronnie. Napangisi ito.     “Bakla? Ako bakla?” tanong nito. Muli nitong hinapit si Theo sa bewang, nagpumiglas muli ito pero dahil mahigpit na naman ang pagkakahawak sa kanya ni Ronnie, hindi na naman siya makawala. Napatingin si Ronnie sa labi ni Theo. “Sige... Bakla na ako kasi trip kita.” Sabi pa nito at kaagad na marahas na hinalikan si Theo sa labi.     Nanlalaki ang mga mata ni Theo habang pilit na nagpupumiglas. Sa buong buhay niya, ngayon lamang may humalik na lalaki sa labi niya. Magkahalong pandidiri at galit ang nararamdmaan niya. Pinipilit niyang ilingon at iiwas ang kanyang mukha at labi pero mahigpit na hawak na rin ni Ronnie ang kanyang ulo at mas naging marahas ang paghalik nito, may kasama pang kagat na ikinadadaing din niya sa sakit.    Sarap na sarap naman si Ronnie sa ginagawang paghalik sa malambot na labi ni Theo, sa totoo lang ay matagal na rin niyang gustong gawin ito pero napipigilan lamang niya ang sarili. Nalalasahan niya ang laway at dugong humahalo sa isa’t-isa dahil alam niyang nakakagat ng ngipin niya ang labi nito.     Ginamit naman ni Theo ang natitirang buong lakas niya, sinuntok niya ng malakas sa tiyan si Ronnie dahilan para matigil ito sa marahas na paghalik sa kanya at malayo. Napahawak sa sinuntok na tiyan at galit siyang tiningnan.     “Baliw ka na!” sigaw ni Theo habang hinihingal sabay pahid sa labi nito. Nakita niya pang may dugo ang likurang palad niya.     Hindi nagsalita si Ronnie, galit lamang siyang nakatingin kay Theo, hinihingal at iniinda ang sakit ng tiyan na dulot ng malakas na pagsuntok ng huli.     Tiningnan pa ni Theo ng masama si Ronnie saka napailing-iling at iniwan ito, bumaba para makalayo sa gagong lalaki ng asawa niya.     Nakasunod naman ang tingin sa kanya ni Ronnie.     “Makukuha din kita.” Sabi nito sa sarili. Hindi siya titigil hangga’t hindi iyon nangyayari.       Samantala, nanghihinang napaupo naman si Theo sa sofa. Natulala dahil hindi siya makapaniwala sa mga narinig at nangyari. Kahit sa panaginip, hindi niya iyon inasahan.   Napahinga ng malalim si Theo. Iniisip niya ngayon kung sasabihin niya ba kay Sofia ang ginawa ng kabit nito sa kanya pero maniniwala kaya ito?     Wala sa sariling napahawak ang mga daliri niya sa kanyang labi, napapikit pa siya dahil sa hapdi dahil nasangga ang sugat na natamo.     “Lintik talaga.” Sabi ni Theo sa sarili ng muling dumilat. Napatingin siya sa hagdanan ng masama. “Gago ka Ronnie.” Galit na sabi pa nito.     Hindi marunong magalit si Theo... pero dahil kay Ronnie, alam niyang lalabas rin sa kanya ang mga kinikimkim niya sa mga susunod na araw.     #IHaveALover CHAPTER 6     Bata pa lamang si Ronnie ay alam na niya kung anong pagkatao niya. Sa una ay wala lang sa kanya kung bakit siya humahanga sa kaparehas niyang batang lalaki pero nung siya ay nagbinata, nagsimula na rin ang pagkalito niya sa kanyang sarili, doon pumasok ang sinasabing curiosity. Sa edad na 17, napatunayan niya na iba siya kumpara sa ibang lalaki, na kaya siya humahanga at nagkakaroon ng atraksyon sa kaparehas ng kasarian ay dahil sa isa siyang alanganin.     Katulad ng kanyang mga magulang, hindi rin niya ito matanggap nung una. Pilit niyang pinapasok sa kanyang isipan na lalaki siya at babae ang hanap niya, ‘yun rin ang sinabi sa kanya ng magulang, ang magpakalalaki siya. Ginawa naman niya, tumikhim siya ng mga babae, iba’t-ibang klase at putahe na akala mo ay pumipili lamang siya sa karinderya.     Nagkakagusto at naaakit rin naman siya sa mga babae ngunit naging mahirap rin sa kanya ang itago ang isa pang kakaiba na nararamdaman. Oo, naitatago niya ito sa pananamit, kilos at pananalita dahil lalaking-lalaki pa rin naman siya pero kapag damdamin na ang siyang kumilos, wala ng magagawa ang sarili niya kundi ang magpatangay na lamang sa agos.     Sa edad na 18, una siyang nakatikim ng lalaki. Hindi niya napigilan ang sarili lalo na at trip na trip niya ang nakaulayaw na lalaki noon na ngayon ay hindi na niya nakita pa.     Sa huli ay tinanggap na lamang niya sa kanyang sarili na iba siya. Kahit ang mga magulang niya na namayapa na ay ganun na lamang rin ang ginawa kasi wala naman na silang magagawa pa. Ang dapat na lamang niyang gawin ay ang itago ang tunay na siya sa damit, kilos at salita.     Hindi naman sa itinatago niya ang tunay na siya, sabi nga niya ay wala siyang pakiealam sa salita ng ibang tao. Kaya lamang niya ito ginagawa ay dahil sa gusto rin niya.     Naging sekretarya ni Ronnie si Sofia tatlong taon na ang nakakaraan. Aminado siya na nagandahan at na-sexyhan siya rito pero nung una ay wala siyang interes dahil sa may asawa na ngunit naisama ito sa kanyang mga plano dahil muling nabuhay ang kanyang libido pagdating sa kapwa lalaki ng makita niya si Theo.     Hindi maintindihan ni Ronnie sa sarili pero sobrang atraksyon ang naramdaman niya para rito, litrato pa lamang nito ang nakikita niya dahil ipinakita ito noon ni Sofia pero iba na ang dating sa kanya. Ang gwapo at maamo nitong mukha na kahit kailan ay hindi na naalis sa isipan niya. Mas matindi pa ito sa naramdaman niyang atraksyon sa lalaki noong disi otso anyos siya. Iyon kasi ang una at ngayon lang ulit dahil hindi siya basta-basta naa-attract sa lalaki. Oo, iba siya pero masasabing pihikan ang puso niyang alanganin.     Nainis nga siya dahil asawa ito ni Sofia, ibig sabihin hindi niya makukuha kahit kailan.     Pero ang motto nga ni Ronnie, lahat ng bagay na gustuhin niya, nakukuha niya.     Ramdam niyang may pagnanasa sa kanya si Sofia, doon niya napatunayan na hindi nga talaga nito mahal si Theo kaya naman kinuha niya ang pagkakataong iyon para pumasok sa mga buhay nila.    Wala na siyang pakiealam kung maging kabit siya, wala na siyang pakiealam kung masaktan ang damdamin ni Theo dahil sa kanya at sa pangangaliwa ng asawa niya basta ang mahalaga, lagi niya itong makita, makausap kahit sandali, makasalo sa mainit na tagpo balang araw.     Makasarili mang matatawag, Wala siyang pakiealam.     Masasabing baliw na nga siya dahil sa mga pinaggagawa pero anong gagawin niya? Pipigilan ang atraksyon? Hahayaan ang sarili na malubog sa maraming tanong? Marami siyang gustong gawin sa piling ni Theo, marami siyang tanong na gusto ring masagot sarili... ang tanong na nakataktak sa kanyang isipan hanggang ngayon at unang gusto niyang masagot ay...     Bakit siya nagkakaganito pagdating kay Theo? Atraksyon nga lang ba o higit na pala?     Mas pinipili niyang maging masama sa paningin ni Theo, mas pinipili niyang maging gago para makasama ito.     Ilang taon na siyang bihag ni Theo... pero hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang tingin niya rito.     Alam ng isipan at pakiramdam niya ang ibig sabihin ng salitang atraksyon at pagkagusto. Alam naman ng isipan niya ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal ngunit hindi niya pa nararamdaman. Kailanman, hindi niya pa ito naramdaman kanino man kaya hindi rin niya alam kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya, ayaw niyang bumase sa napapanuod o nababasa.        Napabuntong-hininga si Ronnie. Nakatayo siya sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas. Madilim ang kalangitan, maliwanag ang buwan na sinamahan pa ng mga nagkikislapang bituin.     Napatingin siya sa kanyang sarili, napangisi dahil suot niya ngayon ang damit na pinahiram sa kanya ni Theo. Tshirt na plain white na sobrang hapit sa katawan niya kaya hubog na hubog ito at cargo short na medyo masikip rin sa kanya.     Napatingin si Ronnie sa kanyang suot na wrist watch. Maga-alas diyes na pero wala pa rin si Sofia.     Naalala niya ‘yung nangyari sa kanila ni Theo kanina. Napangiti siya dahil sa wakas, natikman na niya ang labi nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapakagat-labi. Naging marahas man ang halik niya rito pero hindi maitatangging nasarapan siya, kahit na hindi ito gumaganti pero ang masayaran lang ng labi niya ang labi nito ay sapat na para maging maligaya siya.         Kaagad na napatayo si Theo mula sa sofa nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, nakita niyang pumasok si Sofia na napataas ang kanang kilay ng makita siya.    “Saan ka ba galing?” tanong ni Theo ng lapitan niya ito.     Mas lalo siyang tinaasan ng kilay ni Sofia, kulang na lang ay umabot iyon sa kisame.    “E ano namang pakiealam mo?” mataray na tanong ni Sofia.     “Asawa mo ako kaya nag-aalala rin ako para sayo...”    “Asawa lang kita ok.” Mataray na sabi kaagad ni Sofia.     Natameme naman si Theo. Bakit ba pagdating kay Sofia, lagi siyang talo?    Napatitig naman si Sofia sa mukha ni Theo, lalo na sa labi nito.    “Bakit may sugat ang labi mo?” tanong ni Sofia. Pamaya-maya ay natawa. “Nakipaghalikan ka ba sa bampira?” biro pa nito.     ‘Hindi siya bampira... kabit mo siya.’ Sabi ni Theo pero sa isipan lang.    “A... Nakagat ko lang ng madiin.” Sabi na lamang ni Theo.     Napairap si Sofia. Wala naman siyang pakiealam.    “Oo nga pala... day off mo pala ngayon pero pumasok ka sa opisina...”     “Ang daldal mo.” Sabi kaagad ni Sofia na nagpahinto kay Theo sa pagsasalita.     Napabuntong-hininga si Theo, kinakalma ang sarili.    Sasabihin na sana ni Theo na nandito rin si Ronnie sa bahay pero saktong pababa ito ng hagdan na kaagad nakita ni Sofia at nilapitan.    “Hon... nandito ka pala.” Malanding wika ni Sofia. Kaagad pa itong yumakap sa malamang braso ni Ronnie.    Napatingin si Ronnie kay Theo na nakatingin sa asawa. Mababanaag ang kalungkutan sa mukha nito. Napailing-iling siya saka tiningnan si Sofia.    “Saan ka ba galing? Kanina pa ako naghihintay dito.” Inis na sabi ni Ronnie kay Sofia.     “Sorry na Hon... Nagkita kasi kami ng mga friends ko, nag hang out ganun sa bahay ng isa sa mga kaibigan at hindi namalayan ang oras.” Malambing na sabi ni Sofia.     Napatango na lamang si Ronnie, muling tumingin kay Theo na nakaiwas na ang tingin sa dalawa.     “Nagugutom na ako.” Sabi ni Ronnie kay Sofia.    “Hindi ka man lang pinakain ni Theo?” may inis na sabi ni Sofia.     “Hinintay lang din kasi kita kaya hindi muna ako kumain.” Sabi ni Ronnie.     Humiwalay si Sofia kay Ronnie, napansin niya ang suot nito.    “Kay Theo ba ang mga damit na suot mo?” tanong ni Sofia.   Napatango si Ronnie.     “Naligo kasi ako dahil pinagpawisan ako kakahintay sayo... para handa rin ako sa pakikipagbakbakan sayo mamaya.” Sabi ni Ronnie saka ngumisi, medyo nilakasan pa ang boses para marinig ni Theo na nasa sala at nakaupo sa sofa.     “A... How sweet of you naman.” Maarteng wika ni Sofia. “Wait lang Hon a, puntahan ko lang ang magaling kong asawa para utusan.” Sabi pa nito.    “Sure go ahead.” Sabi ni Ronnie.     Lumayo nga muna si Sofia kay Ronnie para puntahan si Theo.    “Hoy Theo!” sigaw ni Sofia. Napatingin naman sa kanya ang asawa. “May niluto ka bang pagkain?” tanong pa nito.     Napatango lamang si Theo. Hindi man lang napapansin ni Sofia ang kalungkutan ng mukha nito.    “E di maghain ka na at kakain kami ni Ronnie.” Sabi pa ni Sofia.     “Nakahain na... Kakain na lang kayo.” Nanlalamig na sabi ni Theo saka umiwas nang tingin, kunwari ay muling pinanood ang palabas sa tv.     “Good.” Sabi ni Sofia. Lumayo kay Theo at muling nilapitan si Ronnie. “Halika na Hon at kumain na tayo.” Sabi nito.    “Hindi mo ba aayaing kumain ang asawa mo?” tanong ni Ronnie.     Napataas ang kanang kilay ni Sofia.    “Kailan ka pa naging concern sa kanya?” tanong nito.     Napangisi si Ronnie.     “Ikaw naman... Hindi ako concern.” Sabi nito.     Napairap naman si Sofia.    “Hayaan mo siya... Kakain rin siya mamaya kapag gusto na niya.” Sabi nito saka nauna nang maglakad papunta sa dining.     Napapailing na lamang si Ronnie sa inaasal ni Sofia, tiningnan si Theo na nakatalikod mula sa kinaroroonan niya.     Sa totoo lang, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para dito. Tunay na nagmamahal ngunit tunay ring sinasaktan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD