Nagtataka talaga ko. May ginawa ba kong mali para kausapin ako ni Ms. Wilson? As far as I remember di pa ko nangongopya sa subject niya. Nag aaral naman ako ng maayos eh, nangongopya lang ako kapag may numbers ng pinag uusapan.
Nasa harap na ko ng faculty at medyo nag aalangang pumasok pero sige na, para matapos na to papasok na ko.
"Oh, hi Guillermo." Bati sakin ni Ms. Wilson na nakaupo sa swivel chair niya. Nabungaran niya kasi ako kagad hindi pa man ako nakakalapit. "How are your classes?"
"Okay po, tapos na lahat. Actually pauwi na rin ako." Nahihiya kong sagot.
"Then I'll make this quick, have a seat."
Umupo ako sa vacant swivel chair na nasa tabi ng cubicle ni Ms. Wilson. Wala na yung ibang professors kaya ang awkward na ng katahimikan sa loob ng faculty, feeling ko nga kaming dalawa na lang dito.
"Do you have an experience?"
"P-Po?"
Napangiti siya sa naging reaksyon ko, gosh ang cute lang. Nawawala pagka-strict ng aura niya when she smiles. "Sorry, I mean in journalism. I'm recruiting members and I think you can be good at it."
Nakahinga ako ng maluwag, kala ko kung ano na eh. "Ah, wala po. Di ko pa na-try sumali sa mga ganyan ever since."
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Wala lang po. Hindi lang talaga ko mahilig sumali sa mga ganyan." Totoo naman. Kung may free time ako mas gugustuhin ko na lang matulog.
"Trying something new isn't that bad, why not give it a shot? I'm personally recruiting you dear, I can see you have what it takes for this."
"Pero ma'am..."
"Please? Just... try. It won't hurt." Nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sakin. Parang kulay grey ang mga yun. Very attractive. "I want you to right an editorial about OFWs. Try it, okay? Then let's see what will happen."
Talaga nga naman, imbis na manonood na lang ako ng Attack on Titan mamaya eh! Binigyan pa ko ng trabaho.
"Sige ma'am, try ko po."
"Thank you dear." Ngumiti siya ng ubod tamis at dahil dun parang nalusaw ang inis ko kanina.
Natameme ako sa kanya pero pinilit ko itago. "Sige po, una na ko."
"Wait up, saan ka ba nakatira?"
Alam ko na kung saan patungo ang pagtatanong niya pero sana wag naman. "Sa Las Pinas po."
"Great, sumabay ka na sakin. I won't be able to relax if I don't make sure you've gone home safely, masyado ka ng ginabi."
Alangan akong ngumiti. Sabi na nga ba eh. "Wag na po ma'am, dadaan pa kasi ako ng mall baka ma-traffic ka na masyado. Kaya ko na po umuwi."
"Then I'll be going to the mall too." She said as if batas siya at wala akong karapatang umangal. "Samahan mo na lang din ako mag dinner, I'm starting to feel hungry." Kinuha niya na ang car keys at isinukbit na ang shoulder bag niya. "Let's go?"
Makakaangal pa ba ko?
"You don't want to go with me?" Patampo effect niyang tanong. "It's so obvious with your face."
"H-Hindi naman ma'am! Nakakahiya lang kasi." She pouted and my heart skipped a beat. Ano ba to si ma'am parang bata!
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, tila may na-realize siya na nakapagpabagabag sa kanya. "Oh sorry hija, I'm so dense."
Ano bang sinasabi nito?
"So where in the Earth is your date with boyfie? Ihahatid na kita."
"Ma'am!" Saway ko sa kanya, ano ba naman kasi yan eh!
"Hey Ms. Guillermo are you shouting at me?" Taas kilay niyang tanong. Umayos naman ako.
"Hindi po, sorry! Wala naman kasi akong date at lalong wala akong boyfriend."
Oh you stupid, Riley. You should have bought that para hindi na siya magpumilit.
Tumango tango siya. "Then let's go. No buts, okay? Rush hour na we should be heading now unless you want to sleep in my car."
"Sige na nga."
Naiilang kong sinundan si Ms. Wilson papunta sa parking lot. Ayoko kasing sumabay sa kanya maglakad nagmumukha akong alalay. Sumakay kami sa maroon niyang convertible car. Akmang uupo na ko sa backseat nang sawayin niya ko.
"Sitting there without anyone sitting on the passenger seat is rude Ms. Guillermo." Tiningnan niya ko sa rear-view mirror.
Nahiya ako bigla, ano bang dapat? Pati ba naman sa pagsakay ng kotse may etiquette parin? Tila nabasa niya naman ang iniisip ko kaya tinapik niya ang upuan na nasa tabi niya para sabihin na doon ako umupo. Hindi na ko pumalag at ginawa na lang yun.
"So where are we going?"
"Riley's house."
Natawa siya. "Dora the explorer?"
"Hindi pa ma'am, dapat kinanta mo." Nakitawa na rin ako.
"No, not yet. Call map first." Natawa na kami pareho.
"Nanonood ka pala ng Dora the explorer ma'am ah."
"You can't help it if you have a kid." Ngiti niya habang minamaneobra na ang kotse palabas ng parking lot.
Nabigla ako dahil hindi ko alam na may anak na pala siya.
"Kylie likes the character of Iza the Iguana so much. Siguro dahil mahilig siya sa color green. I remembered when it was her fifth birthday, I gave her the kind of car Iza has. The reaction of her face once she opened the gift that time was priceless. Sa sobrang tuwa niya sa regalo na yun she slept on it every night, I have to transfer her on the bed and that was such a hassle. Can you imagine that? Oh.. kids." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ms. Wilson. Bakas sa kanya ang tuwa habang nagkukwento. Ito yung side niyang hindi mo malalaman na meron siya dahil strikta at professional siya sa school.
Naimagine ko si Ms. Wilson na nakikipaglaro sa bata. Yung simple niyang itsura na walang magagarang damit at make up. Naiisip ko din kung gano siya kasaya na makipaglaro sa anak niya without minding kung may poise pa ba siya o wala.
"Riley? Hey," Hinawakan niya ang kamay kong mahigpit palang nakahawak sa upuan. May kakaiba akong sensasyon na naramdaman sa ginawa niya pero hindi ko yon ininda.
"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"H-Hindi po."
"Pagod ka na siguro. Are you sure na dadaan pa tayo sa mall? You need to rest."
Ang totoo niyan wala naman talaga kong gagawin sa mall, palusot ko lang sana yun.
"Sige po uwi na lang tayo. Pero pano pala ang dinner mo ma'am? Baka gutom ka na."
"Drive thru, okay ba sa'yo?"
"Oo naman ma'am. Hindi naman ako nag iinarte sa pagkain kapag may kasama akong kumain." Natatawa ako, parang ang non sense kasi ng sinabi ko tapos may rhyme pa.
"So minsan ka lang mag inarte sa pagkain?" Seryoso niyang tanong habang nag-u-u turn. Natagalan ako sa pagsagot kaya nagpatuloy siya. "You can't tell because you always eat alone, aren't you. Tell me, sinong kasama mo sa bahay Riley?"
Tiningnan niya na ko. Napako na lang din ang mga mata ko sa kanya kaya huli na nang mapansin kong nakapila na kami sa drive thru.
Her questioned hit me on the skull. Bakit kailangan niya pa itanong sakin to? Big deal ba kung mag isa lang ako kumain dahil wala na kong pamilya?
"Riley.." Naramdaman ko ang malambot na kamay ni Ms. Wilson sa pisngi ko.
"S-Sorry, di ko sinasadyang maiyak." Bahagya akong tumawa habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko na nag uunahang bumagsak.
Nag iwas ako ng tingin at pilit pinakalma ang sarili pero huli na, nag umpisa ng magbalikan sa alaala ko lahat ng nangyari; kung bakit nawala ang pamilya ko pati na lahat ng dinanas ko nung nawala sila.
"Good evening. May I take your order ma'am?"
Binalingan ni Ms. Wilson ng atensyon ang crew. Matapos makuha ang mga inorder niya nag drive na siya. Akala ko nga uuwi na kami pero nag park lang kami sa kung saan.
Tiningnan ko siya na animo'y nagtatanong pero ginantihan niya lang ang tingin ko ng mga matang puno ng pag aalala.
It is said that eyes are the mirror of someone's soul. Hindi ako naniniwala dun dahil sa tuwing titingin ako sa mata ng iba wala naman akong nakikitang kakaiba, but this woman right here, how can she do that? Her eyes are full of emotions they're almost drowning me.
"What happened to them Riley?" Pagbasag niya sa katahimikan. Malinaw sakin kung sino ang tinutukoy niya.
"They died... on an accident two years ago."