Chapter 3

1479 Words
Masama talaga ang gising ko kaninang umaga, hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa sore throat. Eto tuloy ako ngayon ang laki ng ayebags. "Sorry I'm late." Humahangos kong bukas sa pinto. Napatingin silang lahat sakin pati na si Ms. Wilson na kasalukuyang nagtuturo. "You're 20 minutes late Ms. Guillermo. I've considered you absent but if you want to attend the class you're free to do so." "Thank you ma'am." Nahihiya akong pumasok at umupo sa usual seat ko. Nagpatuloy naman si ma'am sa pagtuturo. "San ka galing ha? Di ka na umabot sa quiz." Bulong sakin ni Jeremy. "Nakatulog kasi ako sa library, hindi ko namalayan ang oras. Ilang items yung quiz kanina?" "30 lang naman bhe." "Aw shocks.. Sayang yun." 60 items ang quiz sa isang term kaya kalahati kagad ang nawala sakin. "Okay lang yan, mahahabol mo yun ikaw pa!" Sagot niya na parang hindi big deal ang nangyari. Nilabas ko na ang libro ko at highlighter. Habang nagbabasa basa ako'y pasimple pa kong nauubo kaya kahit ayaw ni ma'am ng may umiinom sa klase niya'y ginawa ko na lang din. Kesa naman kahol ako ng kahol dba? Napansin ko namang puro highlighted na ang part na tinuturo ni Ms. Wilson kaya ibig sabihin nabasa ko na yun. Tumingin na lang ako sa kanya na ngayo'y nagsusulat sa white board. Namangha pa ko nang humarap siya dahil nakasuot siya ng reading glasses. Napakagat labi ako dahil napaka attractive niya tingnan. Para siyang model na inirarampa ang simple niyang casual dress na pinatungan lang ng blazer para magmukha siyang professional lalo. Masasabi ko talagang mukha siyang manika. Sa tingin ko two inches din ang heels ng sandals niya pero parang wala lang sa kanya ang maglakad suot ito. Muli akong nag focus sa mala anghel niyang mukha. Wala talaga kong maipipintas dito. Nagsusungit man siya, napakaganda pa rin niya. Is it really possible for someone to be this perfect? She has beauty and brains, and I think her personality is also one hell of a something too by the way she comforted me last night. Nasa malalim na pag iisip ako nang biglang may papel na lumanding sa table ko. Napatingin ako sa katabi kong si Prince na nginitian lang ako. Nagtataka kong tinanggal ang pagkakatupi ng papel at binasa ang nakasulat dun. Hi! :) Anong trip nito? Hello? Sulat ko tapos tinupi uli ito sa kalahati at pasimpleng binigay sa kanya. Maya maya'y bumalik din yun kagad sakin. Ate Riley, dba? Kumunot ang noo ko. Wag ng ate, lakas makatanda, hahaha. Sorry! Istorbo ba ko? Boring kasi. Sasabihin ko sanang oo pero naalala kong gawain ko rin palang mangulit kapag may klase kaya di na lang. Natatawa ako sa sarili ko. Hindi naman. Nabasa ko na rin naman yung tinuturo ni ma'am kaya ayos lang. Naks! Talino mo talaga. Kaya crush kita eh. Taas kilay ko siyang nireplyan. Oh? Pinatong ko ang pisngi ko sa may palad ko, medyo tinatamad na rin kasi akong makinig. Napansin ko naman si Prince na halos isubsob na ang mukha sa desk niya habang nagsusulat ng reply. Actually he's got the looks. Napansin ko kagad siya nung umpisa pa lang ng semester. Truth is naging crush ko siya. I even checked his sss at dun ko nalaman na may girlfriend na siya. Oo nga! Ang cute mo kaya, lagi ka lang tahimik sa isang tabi pero once na magsalita ka napapanganga kami. Kakaiba nga din aura mo eh, nakaka-tense. Ugh. Guys. Lagot ka sa girlfriend mo :P Tatawa tawa kong binalik sa kanya ang papel. Hinding hindi na talaga ko madadala ng pang uuto ng mga lalaki na yan. I've had enough of that. Girlfriend? Aba maang mangan ka pa ha. Yes, Sheena :3 Yup. I checked his girlfriend's profile too. Crazy right? Wala kasi akong ka-chat masyado sa sss kaya minsan umiiral ang habit ko na mang stalk ng kung sino sino. Alam mo ha, stalker ba kita? :P I smirked. Hindi, stalker ako ng girlfriend mo :P Dama ko ang pagyugyog ng balikat niya dahil sa pagtawa. Maya maya'y lumanding na sa table ko ang papel. Oh. Edi dapat alam mo din na wala na kami :9 Ahh.. Really huh? Sorry, I stopped stalking her a long time ago. Don't worry I'll check her status mamaya, hahaha. Wag na, baka ligawan mo pa eh xD Natawa ako. Bakit hindi? :D No way. Uunahan ko na siya sayo crush :) "Excuse me Ms. Guillermo and Mr. Sy." Gulat kaming napatingin sa nakasimangot na si Ms. Wilson. "Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan, may I see that piece of paper?" "Ma'am..." Wala na kong nagawa ng damputin niya ang papel sa kamay ko. Patay. Pinasadahan niya yun ng tingin saka tumingin sakin ng hindi maganda. I disappointed her, am I? "I assume the both of you will perfect the exam next week." Madiin niyang tuon saming dalawa. May kumirot sa dibdib ko in the way she looks at me. Pakiramdam ko inabuso ko ang kabaitan niya kagabi kaya nagalit siya sakin. "Class dismissed." Pagkaalis ni Ms. Wilson kakaibang tinginan ang ipinukol samin ng mga classmates namin. Well, actually sakin lang naman yata dahil parang balewala lang naman kay Prince ang nangyari. Nagtatawanan pa sila ngayon ng mga barkada niya. Tumayo na ko at nagbalak pumunta sa sunod kong klase nang pigilan ako ni Prince. "Galit ka sakin?" "Hindi, okay lang yun." Pilit ako ngumiti sa kanya at lumabas na ng room. Relax, Riley. Minsan ka lang mapapahamak, ienjoy mo na lang. Nailing na lang ako sa sarili ko. May point naman ang utak ko eh, bahala na si batman. Confident naman ako na kakayanin ko ang exam next week, hindi ko lang sigurado kung perfect ang makukuha ko dun. Absent ang professor ko sa last subject kaya nag decide na lang ako pumunta sa library para mag research about OFWs. Hindi na ko nakakanood ng news kaya masyado na kong huli sa balita. Hindi naman ako makakapagsulat ng editorial pag wala akong alam sa balita. Alas siyete na ko tumigil sa ginagawa ko. Kundi pa ko sinabihan ng librarian na magsasara na sila hindi ko pa mamamalayan ang oras. Pagbaba ko sa lobby nakita ko si Ms. Wilson na nakaupo dun mag isa. Bago pa man ako makaiwas nagkatinginan na kami. "Hey," bati niya. "Are you going home?" "Opo." Pilit kong ngiti. "I see. Malakas ang ulan, guess inabutan tayo ni Habagat." Tumingin ako sa labas at tama nga siya. "I've been sitting here for an hour waiting for the rain to stop but it just won't, hindi tuloy ako makapunta sa parking lot." "May payong po ako, hatid ko na kayo dun ma'am?" Nagliwanag ang mukha niya. "Really? You're a life saver, kanina ko pa talaga gusto umuwi." Napangiti na lang ako dahil gumaan na ang aura ni Ms. Wilson kumpara sa itsura niya kanina na napaka-intimidating. Hinatid ko na nga siya kung saan naka-park ang kanyang convertible car. Aalis na sana ko pero namilit na naman siya na ihatid ako kaya wala na kong nagawa. "I don't mind, just place it at the back." Sabi niya nang mapansing hindi ako mapakali dahil nababasa ang maganda niyang kotse ng payong kong tumutulo. Nagsimula na siyang magmaneho at tahimik lang kami sa loob. Ang awkward talaga. "So type ka pala ni Sy?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Eto na ang interrogation. "Binasa niyo po?" "Yeah." Binalingan niya ko ng nakamamatay na tingin. "Nang ti-trip lang yun." Nagkibit balikat lang siya at nag focus sa pagmamaneho. Feeling ko may mali, hindi tamang hayaan ko na lang na ganun yun. May kailangan akong sabihin. "Sorry ma'am. Di na po mauulit." Tanging nasabi ko. "I hope so. Okay lang naman kung mag love life ka, just don't let it be a hinder to your studies." Seryoso niyang pangangaral. Tumango tango na lang ako. "Don't hurry, fix your heart first. You've been through pins and needles, all you need right now is rest." "Wala naman po akong balak makipagrelasyon. Wala pa yan sa isip ko ngayon." Ngumiti siya pero agad ding nawala yun. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa bintana. Tumila na rin pala ang ulan pero hindi pa rin visible ang mga bituin sa langit. Uulan pa siguro mamaya. Nagsimula ko ng maramdaman ang ginaw sa loob ng kotse dahilan para ubuhin na naman ako. Pigilin ko man dahil ayaw ko basagin ang katahimikan hindi ko naman magawa. "Are you okay? " Medyo napalingon si Ms. Wilson sakin habang nagmamaneho. Sunod sunod na ubo lang ang naisagot ko sa kanya, pilit akong tumango tango para sabihing ayos lang ako pero mukhang hindi siya nakuntento. Naglabas siya ng isang tumbler mula sa maliit na compartment ng kanyang kotse at inabot yun sakin. "Heto, dali inumin mo." Hindi na ko nagdalawang isip na kunin yun at inumin kahit nakakahiya dahil maluha luha na ko sa sobrang kati ng lalamunan ko. Pansin ko ang mainit na pagguhit ng likido sa mahapdi kong lalamunan. Halos maubos ko na ang laman ng tumbler bago ko mapansin ang lasa nito. "Ma'am?" Garalgal na ang boses ko. "Hey, ayos ka lang? Nahihilo ka ba?" "Ano po ba tong... ininom ko..." Tiningnan ni Ms. Wilson ang bote, isang mahinang mura ang narinig ko mula sa kanya bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD