bc

Professor Detained (Completed-Filipino)

book_age18+
3.7K
FOLLOW
21.3K
READ
love-triangle
sex
teacherxstudent
student
drama
sweet
gxg
bisexual
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Two years after the horrendous death of her family, Riley Guillermo— a scarred Psychology student, finds herself tangled in a messy love triangle between the exiled American heiress turned professor, Anastacia, and the Chinese campus crush Prince.

Apart from deciding who to choose given her heterosexual nature, Riley with her own volition must find her purpose between love and self-redemption.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. All activities, description, information, and material contained herein are included for entertainment purposes only and should not be relied on for accuracy.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
     RILEY "Ano ba yan Riley, nakaka-distract naman yan eh. Alisin mo nga yan." "Inaano ka ba ni Teddy ko? Hayaan mo lang siya diyan, aantukin ako sa discussion na to kapag wala siya diyan." Inayos ko paharap sakin ang mini teddy bear na nakapatong sa desk ko. Lagi talagang nakasabit sa ID lace ko si teddy pero kapag ganitong bored ako nilalaro ko siya. Tuloy lang ang lecture ni Mrs. Mendez sa subject naming Philosophy. Sumulyap ako sa wrist watch ko para lang makita na may trenta minutos pang natitira sa nakakaantok na subject na to. Ibinaling ko na lang uli kay teddy ang paningin ko nang makita kong pinipitik na siya ni Mia. "Hoy, ano ba yan pati teddy bear pinapatulan mo." Bulong ko sa kanya. Nasa harapan lang kami kaya siyempre ayoko magpahuli. "Eh kasi nakaka-distract nga, para siyang nakatingin sakin oh!" Napahagikhik ako. "Imagination mo lang yan." Saka ko hinarap sa kanya si teddy. Pinilit niya mag-concentrate pero maya maya lumingon na naman siya sa nananahimik na teddy bear. "Hinarap mo pa talaga sakin no?" "Sabi mo kasi nakatingin sayo edi yan, nakatingin na nga." Natawa ako ng batukan niya ko, she always does that. Napatingin ako sa kanang kamay niya kung saan may nakasuot na dalawang singsing, isa dun ay galing sakin. "Binili mo?" Tuon ko sa singsing niya. "Hindi ah. Hiningi ko lang to." "Kanino?" "Kay Gab, best friend ni Jade. Nasa church sila nung Sabado, eh nakita kong ang daming singsing ni Gab kaya eto hiningi ko na yung isa." Tumango na lang ako. "Mukha ka ng gangster sa dami ng singsing mo." "Sira." Tawa niya. Halos mabatukan na naman niya ko kung di lang ako nakailag. "Totoo naman eh. Ako nga wala ng singsing, nawawala yung suot ko dati. Alam mo ba fourth year high school pa nasa akin yun. Sayang, dami na naming pinagsamahan." "Pinagsamahan talaga?" "Oo. Kahit loner kasi ako feeling ko meron akong kasama kapag may suot akong ganun or necklace." Ngiti ko. Tumaas ang isang kilay niya na tila nawirduhan sakin. Yeah right, weird na kung weird. "Eto oh." Pakunwari'y binibigay niya sakin yung isang suot niyang singsing which is galing din sakin. Ngumisi siya ng nakakaloko. "Ayoko, sayo na yan." Natatawa kong itinulak palayo sakin ang singsing. "Eto na nga eh, sayo naman talaga to. Di ka pa nakaka move on sa kanya no? Haay na ko Riley." "Porket ayaw kong kunin yan ibig sabihin hindi pa rin ako nakaka move on? Hindi ba pwedeng sayo na kasi yan?" Pamimilosopo ko dahil mukhang disappointed siya sakin. "Sabi mo eh." Sinuot niya na uli ang singsing na may disenyong paru-paro. "Nasan yung ganito niya?" "Suot niya." "Oh kita mo na?" Mapang asar na naman siyang ngumiti. "Ikaw bumili ng singsing na to para sa inyo tapos itong sayo ayaw mo naman suotin. Ano kaya yun." "Adik, siyempre wala na kami eh!" Tumawa siya. "Sabi ko nga po eh." Kulit talaga. "Past your learning activities next Tuesday, August 17." Napatingin kami kay Mrs. Mendez na noo'y nililigpit na ang laptop niya. "Kung wala ng tanong, class dismissed." "Ilang learning activities ang nasa module two, Grace?" Tanong ko sa katabi kong nasa left side. Si Mia kasi ang nasa right side ko. "Apat. Ayan kasi, makikinig ha?" Natatawang sagot ni Grace. Pano kasi kung hindi si Mia ang dinadaldal ko siya naman. "Sorry na!" Tawa ko habang naglilipit ng mga gamit ko sa back pack. "Nakakaantok kasi eh." "Alam mo Riley mukha ka ng masayahin ngayon." Puna sakin ni Mia. "Talaga?" Medyo gulat pa kong napalingon sa sinabi niya. Ang alam ko kasi emo ako. "Pano mo nasabi?" "Lagi ka ng tumatawa eh." "Bakit di ba ko tumatawa dati?" "Tumatawa naman, basta!" Tila naubusan na siya ng paliwanag. Tinawanan ko siya. "Oo na lang. Alis na ko may next class pa ko sa second year eh." "Sige ingats!" Lumabas na ko ng classroom patungo sa Hospitality Industry building kung nasan ang Tourism. Doon kasi ang subject kong Public Speaking, nahalo ako sa kanila kahit Psychology ang course ko. Hindi ko maiwasang di matuwa habang inaalala ang sinabi ni Mia. Alam ko ang ibig niyang sabihin na masayahin na daw ako. Proud ako sa sarili ko kung ganun nga dahil sa wakas na-overcome ko na ang pagiging anti-social. Ganun pa man hindi ako sigurado kung nagbago na nga ba talaga ako o sadyang kumportable na kasi akong kasama sila kaya ganun na lang ang kakulitan ko. Pero ewan ko, medyo nasasanay na rin kasi ako makihalubilo dahil irregular student ako at iba't ibang tao ang mga nakakasama ko araw araw. "Hi bhe!" Bati ni Jeremy sakin hindi pa man ako nakakapasok ng classroom. "Are we in the same batch sa assessment mamaya?" Naartehan ako sa pagsasalita niya pero di ko pinahalata. Bukod kasi sa bakla siya ay call center agent din siya na nagbabalik pag aaral. Sa idea pa lang na malaki ang advantage niya sa subject na to nakaramdam na ko ng pagbaba ng self esteem. "Oo. Good luck satin, kinakabahan na ko!" "Jusme! Ikaw kakabahan? Sa talino mong yan? Nako ateng hiyang hiya naman ako sayo halos iperfect mo na nga mga exams natin eh!" Tumawa ako. "Iba naman yun." May sasabihin pa sana siya pero dumating na si Ms. Wilson kaya di na niya naituloy. Bago siya bumalik sa upuan niya'y ngumiti pa siya sakin sabay tingin kay ma'am at umirap. Napangiti na lang ako, hanggang ngayon ba naman mainit parin ulo niya kay ma'am? Umupo na ko sa likod katapat lang ng kay Jeremy na nasa isle ng right side row. Nagsitahimik ang lahat sa presensya ni Ms. Wilson na ngayo'y nakatayo na sa gitna at pinagmamasdan kami. Hindi ko masabi kung natahimik ba sila dahil sa pagiging strikta niya o dahil sa lakas ng dating niya. Prente lang akong nakaupo habang tinitingnan si ma'am at naghihintay ng sasabihin niya. Without even noticing it, I'm now checking her out; Well, mahaba at blonde ang buhok niya na madalas kong ipagtaka kung natural ba yun o kinulayan lang. She has this heart shaped pale face na laging may make up. Her statute? It's perfect. Chin up, shoulders and back straight and tummy in. Maski pagtayo niya at paghakbang tila calculated with poise. Ang ikinabibilib ko talaga sa kanya ng lubusan ay ang maganda niyang pagdadala ng damit. She can manage to stay cute despite her tall height. Naging habit ko na nga yatang punahin ang itsura niya kapag nakikita ko siya ng matagal. "So the first one will be... Hernandez followed by Guillermo, Ramirez then Dela Cruz." Ako ba yun? "When it's your turn proceed to the room beside the one infront of us, got it?" Tumango tango na lang kaming mga natawag sa sinabi ni ma'am. "Gosh bhe! Una pa ko!" Pabulong na angal sakin ni Jeremy. "Talagang may galit sakin tong mama ninyo!" Oo, mama tawag niya sa professor namin, ewan ko ba sa kanya. Napansin ko ang pagtingin ni Ms. Wilson sa gawi namin pero binalewala ko na lang. "Galingan mo, ako na susunod sayo." Ngiti ko kay Jeremy na kamot ulong tumayo na sa kinauupuan niya. Naalala ko tuloy ang first impression ko sa kanya, hindi ko mawari dati kung bakla ba siya o hindi dahil sa laki ng katawan niya at sa mga tattoo na nandun. Pero ngayon, confirmed na confirmed ng gay nga siya specially by the way he, I mean she becomes so irritated with Ms. Wilson. Pansin ko lang talaga, saang section, course o year man ako mapunta laging may bakla sa isang classroom, sinadya ba nila yun o sadyang dumarami na lang talaga ang lahi nila ngayon? Nilibang ko na lang muna ang sarili ko sa pakikinig kay Avril Lavigne habang naghihintay na matapos si Jeremy. Nang magsawa ako naglaro naman ako ng Cytus. Chapter 9, Coma ng favorite vocaloid kong si Gumi Megpoid ang napili ng mga daliri kong pag-practice'an. "Guillermo! Ikaw na daw!" Sigaw ng kung sino kong classmate na nasa backdoor. Oh crap. Tinago ko na ang mumurahin kong tablet sa bag. Nagsalamin din ako saglit at inayos ang sarili. Nang makuntento na ko sa mukha ko kalmado na kong naglakad papunta sa kabilang kwarto kung nasan ang assessment. Okay na siguro tong make up ko. Relax, Riley. Isipin mo lang na mag uusap lang kayo. In English nga lang. Nasalubong ko si Jeremy na kakalabas pa lang sa room na pupuntahan ko. Nakabusangot niya kong nilapitan. "Hindi ko talaga makuha kung pano siya nagbibigay ng grade!" Asar na turan nito habang pinapakita sakin yung index card niyang may marka na 27/30. Wala akong masabi dahil puro injustice ang nakikita niya kay Ms. Wilson. I mean, the heck, she's the professor, of course she knows what she's doing. We have no right to question her intelligence nor her judgment. Masyado lang bilib sa sarili niya si Jeremy kaya na-disappoint siya sa nakuha niya. Inis na umalis sa harap ko si Jeremy kaya tumungo na ko sa room kung nasan si Ms. Wilson. Kumatok muna ko ng dalawang beses sa pinto, which is dapat tatlo, tapos binuksan ko na yun at pumasok. "Good afternoon ma'am." Bati ko sa kanya at nginitian niya naman ako na talagang naappreciate ko. "Good afternoon, have a seat." "Thank you." Kalmado akong umupo sa seat na nasa harap ng table niya. Hinahanap niya sa tumpok ng index cards yung akin kaya wala na naman akong magawa kundi tingnan siya. Napakakinis lang naman ng mukha niya kapag malapitan. Nagpapa-derma kaya siya? Imposible yata na wala man lang flaws sa kutis niya. Yung labi niya na akala mo'y laging naka-pout ay namumula dahil sa lipstick. Kahit kailan talaga hindi ko makuha ang art sa pag aapply ng make up. Gaganda rin kaya ko ng ganito kapag natutunan ko yun? Haay na ko Riley. "Ms. Guillermo." Napakislot pa ko sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Kanina pa pala ko nakatitig sa kanya nakakahiya! "Y-Yes ma'am?" Tila binabasa niya ang isip ko dahil sa tingin niya sakin. Di na ko nakatiis kaya napakagat ako sa labi ko habang nag iiwas ng tingin sa kanya. Ang awkward talaga nito. "You look great." Ngiti niya tapos nagsulat sa index card ko. So nire-rate niya lang pala itsura ko. Napahugot ako ng hininga. "Thanks." Pilit akong ngumiti. May kinuha siyang pouch sa gilid ng table at binuksan yun. "I assigned your batch for Extemporaneous Speaking, ready?" Wala naman po akong choice di ba? Pangungulit ng utak ko, palibhasa'y kinakabahan. "Yes ma'am." "Your topic will depend on this. Here, pick one." Bumunot ako sa hinarap niyang pouch sakin na maraming nakarolyong papel sa loob. Kabado kong tiningnan yun. "LGBT." Basa ko sa nakasulat sa papel. Tumingin ako kay ma'am at binalik yun sa kanya. "Please, move to the front," turo niya sa harap ng classroom. "You can start now." Habang naglalakad sa dapat kong pwestuhan kinakalma ko ang sarili kong utak at mainam na kinokolekta ang mga information na related sa LGBT. Medyo sensitive ang topic na to pero bahala na. "LGBT.” Panimula ko. “LGBT stands for Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender. In a general sense, they are those people who are often mistreated because their s****l preferences doesn't follow the norm. Uniqueness they say, is a gift because it makes harder for anyone to forget a person, but for LGBTs, is it really a gift or a curse? Their uniqueness made them experience rejection from other people, worst, from their own families. This is also the reason why some lesbians, gays and bisexuals remain closeted." Binalik ko ang tingin ko kay Ms. Wilson, kapag nag iisip kasi ako kailangan ko mag iwas ng tingin para hindi ako ma-distract. Nagtagpo ang mga mata ko at ang mga mata niya na kakikitaan mo ng interes sa sinasabi ko. That's how good she is at listening, she can make you feel na worthy ang sinasabi mo to be listened for. "Can you imagine yourself stucked inside a tiny confined locker?" Pagpapatuloy ko. Tila napaismid naman siya sa direkta kong tanong. "Threatened by the outside forces, you have no choice but to stay inside forever. That's how lesbians, gays, and bisexuals feel. They deserve high respect for being so strong and brave especially those who came out of their families to show the world how proud they are for their uniqueness. LGBT like other human beings is deserving of loved. If our current society won't do so, as a responsible citizen, we should at least start by putting the hate to a halt and start learning to accept them." Mahabang katahimikan ang nanaig sa buong kwarto. Tapos na ko pero di pa rin nagsasalita si Ms. Wilson, hindi niya yata nagustuhan ang ginawa ko. Maya maya'y nagsulat na siya sa index card ko tapos inabot yun sakin. "Well done, Ms. Guillermo." Dali dali akong lumapit sa kanya at kinuha ang index card. "Thank you po." "Please call the next one... Ramirez." "Sige po." "Wait." Pigil niya sakin nung lalabas na ko. Nagtataka ko siyang nilingon. "Go to the faculty after your classes, I'll talk to you."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

Just A Taste (SPG)

read
911.3K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.2K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.0K
bc

His Precious Property

read
619.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook