Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila may humalik sa labi ko. Dampi lang iyon ngunit sapat na para maramdaman ko at magising ang natutulog kong diwa. Kumunot ang noo ko at mabilis na nagmulat ng aking paningin. "Huh?" mahinang bulalas ko sabay hawak ko sa ang aking labi. I saw nothing in front of me. Shit! Ramdam ko na may dumampi talaga! Pero bakit wala akong nakitang tao sa harapan ko nang magmulat ako ng aking mga mata? Takang-taka na ginalugad ko ng tingin ang paligid at hinanap ang pangahas na umistorbo sa aking pagtulog. Walang tao...ako lang talaga ang narito. Tumingin ako sa buong paligid ng swimming pool. Ang tahimik…wala talagang tao! Pero bakit… "S-sino 'yan?" Kinakabahan na tanong ko nang maramdaman kong may paggalaw sa mga halaman na nasa harapan ko. Hinawaka