Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan at kasabay nito ay ang boses na gumising sa natutulog kong diwa. "Boss, narito na tayo sa tapat ng gate ng mansion mo…" wika ng assistant ko sa tonong inaantok. "Hmn…nakarating na pala tayo?" wika ko sa namamalat na boses. Kaagad akong nagmulat ng aking paningin at tinapunan ko saglit ng titig ang assistant ko na nasa aking tabi at nakatingin sa harapan ng gate ng aking mansion. "Ang bilis natin, ah? Limang oras lang yata ang biyahe natin," turan ko habang naghihikab at saka umayos ng upo pagkatapos. Hindi naman ako natulog mula ng umalis kami ng Manila patungo rito sa La Union. Nakapikit lang ako habang nakikinig ng music sa earphones ko. Ewan ko ba kung dahil sa excitement na nadarama ko dahil gusto ko siyang makita. O, talagang hindi lang ako