Para akong robot na naglalakad patungo sa pwestong madalas kong upuan nang iwan ako ni Uncle Vulcan. Iniisip ko kung tama ba ako ng naamoy sa bibig niya. Amoy ng mint ang hininga ni Uncle Vulcan. Hindi kaya, siya ang humalik sa akin kanina sa pool? Wala sa sariling naupo ako at nilagay ko ang napkin sa kandungan ko at saka sumandok ng konting kanin at ulam pagkatapos. Sumubo ako ng isa ngunit naging matabang ang panlasa ko sa pagkain nang makita kong nakatingin sa akin si Uncle Vulcan habang hinihiwa niya ang karne sa kanyang plato. Magkatapat pala kami ng inuupuan at parang gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit ako natapat sa kanya. Mas lalo tuloy akong nawalan ng gana sa pagkain lalo na nang makita kong ngumisi siya sa akin bago niya itinaas ang kanyang tinidor at mahalay na isin