"Zia, tuloy ba tayo mamaya?" Naulinigan kong tanong ni Guia na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin. "Huh?" React ko na medyo nagulat sa kanyang pagsulpot kaya nabitiwan ko ang hawak kong cellphone. "S-sorry nagulat yata kita," hingi naman niya nang paumanhin at kaagad na dinampot ang cellphone ko at inabot sa akin. Nilagay ko sa gilid ng tainga ko ang ilang strands ng buhok ko na tumakip sa mukha ko, bago ko siya nilingon at saka ngumiti. "It's okay. Yeah, tuloy daw tayo mamaya. Nine p.m. sharp tayo magkita-kita, sa dating lugar," I answered then yawn. Hindi ko na napigilan dahil bored na ako. Mag-isa lang kasi ako rito sa bench habang nakatulala sa kawalan. Kanina pa ako naghihintay na tawagin ako ng coach namin na mag-sub ngunit mukhang tutok siya na pagpraktisin ang mga