Chapter 7. He kept his promise

2005 Words
"S-sorry, baby. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko…" malungkot na turan ni Uncle Vulcan sa akin nang tumigil siya sa paghalik sa akin. Parang napapasong lumayo siya sa akin at malungkot na ngumiti. Tapos ay hinagod niya ng marahas ang kanyang buhok at mahinang nagmura. "Damn! Nababaliw na nga talaga ako sa iyo!" he hissed and kept on cursing. Ako naman ay tulala lang habang dinadama ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Saglit lang ang halik na iyon ngunit sapat na para maramdaman ko ang matinding lungkot na nadarama ni Uncle Vulcan sa mga oras na 'to. Damang-dama ko sa halik niyang iyon na ayaw niya talagang kalimutan ang nadarama para sa akin. He really likes me and I know it is hard for him to let go of his feelings for me. Gustong-gusto ko siyang sampalin dahil sa muli niyang pagnanakaw ng halik sa akin. Ayaw kong isipin niya na nagustuhan ko iyong halik niya. Ngunit ewan ko ba kung bakit walang lakas ang mga palad ko na umangat para sampalin siya. Windang din ang isip ko dahil sa malungkot na titig na ibinabato niya sa akin habang kagat niya ang kanyang ibabang labi. He looks hot with this expression, sa totoo lang. But this is not the right time to praise him in my mind. Baka makita niyang apektado pa ako ay kunin niya itong pagkakataon para huwag ng kalimutan ang pangako niya. "Why am I so into you?" He asked as if he was only talking to himself. "I don't want to let go of my feelings…I love—f**k! Ang hirap naman ng ganito! Bakit sa iyo pa ako nagkagusto?" nahihirapan niyang sabi habang nagmumura na naman. Ang hilig niya talagang magmura! Nakaka-turn off ito sa isang lalaki. Gusto ko iyong banal, tahimik at maginoo. Hindi katulad ni Uncle Vulcan na parang bulkan na hindi maintindihan. Kung kailan siya sasabog at mananahimik at hindi mo alam. Bagay sa kanya ang pangalan niya, maihahalintulad talaga siya sa isang bulkan. "Tell me, baby. What will I do to forget ko? Tingin ko mahihirapan akong kalimutan ka," nahihirapan niyang sabi. I didn't say a word. I was just stunned by him as I wondered why he liked me. Gaano ba kalakas ang tama niya sa akin? Hindi pa ba sapat ang salitang baliw na baliw para tumugma ito sa kanyang nadarama? "Pamangkin mo ako, Uncle. Ilagay mo iyan palagi sa utak mo para mabilis mong kalimutan ang nadarama mo para sa akin. Hindi tamang magkagusto ka sa akin because it's forbidden…" ani ko na tila paulit-ulit ko na lang pinapaintindi sa kanya ang katotohanang ito. Nasaan ba ang kanyang utak? Bakit hindi niya maintindihan na mali nga na magkagusto siya sa akin. "I know…I tried…but I can't stop liking you. Masyado akong hulog na hulog sa iyo na parang pakiramdam ko ay ginamitan mo ako ng gayuma," he said and chuckle a little. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ako pa talaga ang sinisisi niya? Kasalanan ko pa pala kung bakit siya nagkagusto sa akin. "Umalis ka na, Uncle. Pakiusap, umalis ka na. Kalimutan mo na iyang feelings mo sa akin. You're just obsess with me. Hindi mo ako talagang gusto. Baka gusto mo lang talagang maglaro, baka china-challenge mo lang ang sarili mo dahil bored ka na sa buhay. Maghanap ka kaya ng babaeng masa-sarisfy iyang pantasya mo nang sa gayon ay mabura ang kung ano mang nadarama mo sa akin," wika ko nang makita kong tila nahihirapan siyang magdesisyon kung ano ang gagawin niya. "Damn! Pinamimigay mo ako sa iba?!" sigaw niya na halos pumiyok pa siya. "Hindi ako naglalaro lang, Malzia. Hindi lang ito obsession na mahirap kalimutan!" Hindi ako nakaimik. Ano ba'ng mga salita ang dapat kong gamitin sa lalaking ito? Nasira na yata ang tuktok niya! Ayaw niya talagang kalimutan ang nadarama niya para sa akin. Pero ito ang nararapat niyang gawin. Kahit kailan hindi magiging tama ang umibig siya sa kanyang pamangkin. "Uncle, please! Ako na ang nakikiusap sa iyo. Hindi pwede ang gusto mo. Pakiusap, kalimutan mo na ako! Natatakot na ako sa iyo. Ayaw ko ng ganito! Hindi ko gusto na makita ang sarili ko na kinamumuhian ng mga taong mahalaga sa buhay ko! Isipin mo sana iyan dahil kahit kailan hindi magiging tama ang isang bawal na relasyon! Isa pa, hindi kita gusto! Huwag mo akong pilitin na makipagrelasyon sa iyo dahil gusto mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita ng ganito. Ang hirap niyang pakiusapan! Ako pa na fourteen years ang mas mature mag-isip sa kanya. Nakakabaliw ba talagang magmahal? Kung oo, ayaw ko ng subukan! Nakita kong nanghina si Uncle Vulcan sa sinabi ko. Sinabi ko lang ang totoo. Hindi ako kailanman magkakagusto sa kanya. "Alright, I guess wala nga akong mapapala sa ganito. Goodbye, Malzia. This is the last time you will see me getting near you. I will keep my promise and I hope you will be happy," he said bitterly. "Sana nga," gusto kong sabihin sa kanya. Paano napako na naman ulit iyong sinabi niya na hindi na niya ako hahalikan. Nakuha niya ulit iyong second kiss ko at pasalamat siya nawindang ako sa halik niyang iyon kaya hindi ko siya nasampal. "Bye, baby…" hinaplos niya ang mukha ko bago siya tumalikod at tuluyang tinungo ang bintana at lumabas doon. Naiwan akong hinang-hina habang hawak ko ang pisnging hinaplos niya. Somehow I felt relieved. Sana tuparin niya ang sinabi niya. Pero ayaw kong pakampante sa sinabi ni Uncle Vulcan, tingin ko hanggang salita lang ulit siya. Dalawang beses na niya akong na-scam kaya dapat ako na talaga ang gumawa ng paraan para dumistansiya sa kanya. Lumapit ako sa bintana nang kumalma ang aking nadarama. Sinarado ko ito at ni-lock mula sa itaas hanggang sa baba. I make sure na hindi na siya makakapasok pang muli rito sa kwarto ko kahit kailan. Simula ngayon ay hindi ko na ito bubuksan at ibibilin ko mamaya sa mga katulong na kapag naglinis sila ng kwarto ko ay huwag na huwag nilang kakalimutan na i-lock ang mga bintana. Nang masiguro kong hindi na ito mabubuksan ni Uncle Vulcan ay saka ako nagpasyang ibaba ang makapal na kurtina at saka ako mabilis na tumalikod dito at nagbihis. Tarantang nag-ayos ako ng aking sarili. Nawala sa isip ko na kailangan kong magmadali. Dapat makakain na ako ng almusal bago pa bumaba si Papa para magkape. Ayaw kong magpang-abot kami dahil nagtatampo ako sa kanya. Hindi man lang siya nakinig sa paliwanag ko, nakakalungkot na mas pinagkakatiwalaan pa nila ang lalaking iyon. "G-good morning, Ma," alanganin kong bati kay Mama nang makita ko siyang humihigop na ng kape. Kaagad na lumipad agad ang tingin ko sa plato niya at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nagsisimula pa lang siyang kumain. "Good morning too, Zia. Maupo ka na at kumain…" malumanay na sabi Mama. Iminuwestra niya ang upuan sa tapat niya na kaagad ko namang tinungo para maupo. "Okay, Ma." Pinagsilbihan agad ako ng mga katulong nang makaupo ako. Pinagtimpla ako ng gatas ng isa at nilagyan naman ng isa ng hotdog, bacon, at sliced bread ang plato ko. Nanginginig na humigop ako sa baso ng gatas ko at pinilit kong kumalma pagkatapos. Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng katawan ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Uncle Vulcan. Nakakapanghina, mauubos ko yata ang pagkain na nasa plato ko lalo na at naalala kong hindi pala ako kumain kagabi. "Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo, Zia. He's just too angry last night kaya kung ano-ano ang mga nabitiwan niyang masasakit na salita. Ikaw kasi, bakit ka naman nakipaghalikan. Ang bata mo pa para sa ganyan. Tapos nahuli pa kayo ng Uncle mo," pagbubukas ng usapan ni Mama. Tingin ko hindi naman siya nagalit na malamang nakipaghalikan ako sa boyfriend ko kuno na nilikha ng walanghiyang kapatid ni Papa. Baka nabigla lang siya kagabi kaya nagalit lalo na at narinig kong nagsisihan silang dalawa ni Papa kung bakit ang aga ko raw lumandi. Kung alam lang sana nila ang buong katotohanan. Kung sana ay pinakinggan nila ang paliwanag ko. Pero mabuti na lang siguro na hindi nila nalaman ang totoo, tama si Uncle Vulcan na mas malaking gulo kapag nagsumbong ako sa kanila. Sana tuparin niya this time ang pangako niya. Kung hindi, mapipilitan na talaga akong magsumbong kapag hindi pa siya tumigil sa kakalapit sa akin. Mabilis na lumipas ang panahon. Mag-e-eighteen na ako this year at ilang buwan na lang ay kaarawan ko na. Tinupad ni Uncle Vulcan ang pangako niyang kakalimutan niya ang nadarama para sa akin. Akala ko hanggang salita lang siya ngunit tinotoo niya talaga. Hindi ko na siya nakikitang pumupunta rito sa bahay namin. Maging sa sarili niyang bahay ay hindi ko siya maispatan. I heard sobrang busy raw niya sa pagpapayaman sabi ni Papa. Narinig ko lang ito nang minsan ay marinig kong nag-uusap ang aking mga magulang. Good for him. Sana makakita na siya ng babaeng aasawahin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako kampante na kinalimutan na nga niya ang pagkagusto sa akin. What if kumukuha lang pala siya ng tamang timing para muling nakalapit sa akin? "Malzia, okay lang ba kung kukunin natin na panghuli sa eighteen roses mo ang Uncle Vulcan mo?" Isang araw ay tanong ni Mama sa akin. Namumroblema kasi sila kung sino-sino ang kukunin para kukumpleto sa kakailanganin na tao sa birthday ko. Wala naman akong maisip dahil konti lang ang kaibigan ko. May naimbitahan na ako sa mga kaklase ko ngunit kulang pa rin dahil iyong mga pinsan ko ay busy naman sa pag-aaral at lahat sila ay nasa abroad at malalayong lugar. "Wala na po bang iba na pwede, Ma?" balik tanong ko kay Mama. Hindi ako kumportable na si Uncle Vulcan ang panghuling magbibigay ng rosas sa akin. Kung pwede lang sabihin kay Papa at Mama na huwag na siyang imbitahin ay ginawa ko na. Hindi ako kumportable sa presensiya niya. Nasa isip ko pa rin ang nakaraan na minsan ay bumabalik sa isipan ko. "Wala na anak, siya na lang ang wala sa list mo. Nakakahiya naman kung hindi natin siya isasali. Uuwi pa naman siya at nag-abala pa siyang bilhan ka ng mamahaling regalo," turan ni Mama. "Bakit? Nasaan po ba siya?" "Nasa America, hindi ba nabanggit ng Papa mo?" Umiling ako. Ang alam ko lang ay busy siya sa trabaho at nasa ibang lugar lang tulad ng Manila. Hindi ko naman alam na nasa America pala siya. "Hin-di po, Ma. Hindi ko po alam." "Isang taon na siyang naroon. Sabi ng Papa mo ay may negosyo ang pamilya nila roon na inaasikaso niya at uuwi rin kapag stable na ito." "Ahhh..." tangi kong nasabi. "At sa birthday mo babalik na siya rito sa Pilipinas at aasikasuhin naman ang mga trabahong iniwan niya sa Papa mo." Sa birthday ko pa talaga siya uuwi? Bakit ang timing yata? "Bakit? Ayaw na po ba niyang manatiki sa America?" "Hindi ko alam, anak. Ang sabi niya sa Papa mo ay lalagay na raw siya sa tahimik at pakakasalan ang babaeng matagal na niyang minamahal." Napamaang ako sa sinabi ni Mama. May babae ng mahal si Uncle Vulcan? Kailan pa? "Kilala po ba ninyo kung sino?" curious kong tanong. Mabuti naman at nakahanap na siya ng babaeng kanyang mamahalin. Sabi ko na nga ba, gusto lang niyang maglaro noon. Buti at hindi ako bumigay sa kanya. "Hindi, masyadong malihim ang Uncle mo para magkwento siya ng whereabouts niya sa amin ng Papa mo. Tingin ko sabi-sabi niya lang iyon. Wala naman kaming nababalitaan na babaeng sineryoso na niya. Puro fling lang ang nakikita namin ng Papa mo na nali-link sa kanya." Wow, ha? Ang dami niya sigurong naging fling. "Baka naman may sineryoso na siya sa ngayon kaya uuwi siya para pakasalan na ang babae." "We will see. Ipapakilala naman niya ang babae kung totoong may pakakasalan nga siya pag-uwi niya." I can't wait for that day to come. Mabistahan nga ang babae kung maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD