Walang kahirap-hirap na binuhat ko si Malzia palabas ng sasakyan nang makarating na kami sa hotel kung saan nagpareserba na ang assistant ko bago pa kami dumating. I called my assistant to get a reservation. Gusto ko pagdating namin doon sa hotel ay iabot na lang sa akin ang card key. Hindi iyong ang dami pang tatanungin sa akin bago makakuha ng kwarto. Good thing he's still awake kaya hindi ako nakadama ng hiya na baka naistorbo ko na ang kanyang pamamahinga. "Nangangamoy kasal na 'yan, Boss." Biniro pa nga niya ako na tinawanan ko lang noong una. "Baka naman para naman makaranas man lang na dumalo sa isang magarbong kasalan. I'm sure, bonggang kasalan iyan na malalathala sa magazine." Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ito kay Jake. Kung pwede lang sana, why not? Hanggang