Earlier... "Salamat sa paghatid dito sa condo ko, Boss. Nakakahiya man pero maraming salamat pa rin dahil nag-abala pa kayo," wika ni Jake sa nahihiyang tono nang tumigil kami sa tapat ng building ng condo na tinutuluyan niya. "No worries. Alam mo namang mahirap mag-commute kapag ganitong oras. I just want you to keep safe too lalo na at marami kang dalang mahahalagang dokumento." Hindi lang mahahalagang dokumento ang dala niya. Maraming bungkos din ng salapi iyon na kailangan niyang ideposito sa bangko sa Lunes. "Iniisip ko nga rin iyan, Boss. Buti na lang at hindi ko na kakapalan ang mukha ko para magpahatid," natatawa niyang ani na tinanguan ko lang. "Oh, paano? Hindi na rin kami magtatagal," ani ko sabay tingin sa aking relo. "See you on Monday na lang, Boss. Salamat ulit sa pagh