Chapter 21.You are mine.

2224 Words

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng hotel na pinagdalhan sa akin ni Uncle Vulcan. Hanggang sa pumara ako ng taxi at ituro ko ang daan patungo sa amin ay pakiramdam ko lutang ang aking isip. Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin nang magsalita ang driver. "Narito na tayo, Miss." "O-okay po." medyo napapitlag pa na sabi ko at litong tumingin sa matanda. Kumunot naman ang noo ng matanda at tinanong ako kung ayos lang ako. Tumango ako. Bahagya ko pang pinilig ang ulo ko at tumingin sa harap ng gate namin. Nandito na nga kami, ang bilis naman. Hindi ko man lang namalayan dahil buong biyahe ay tulala lang ako sa labas. Humugot agad ako ng perang papel sa purse ko at inabot ito sa matanda bago ko binuksan ang pinto para lumabas. "Ouch!" daing ko sa aking isip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD