Black Mist

4391 Words
Twelve Black Mist   “THEEEEEES! KAILANGAN MO BA TALAGANG MAG-PARAMORE NG GANITO KAAGA?” Tumawa ako saka pinatay ang DVD ko. Gaya ng inaasahan ko, lumitaw siya sa sala na parang dinaanan ni Ondoy ang buhok. Naka-pyjama pa siya at hawak pa ang Winnie the Pooh niyang unan. Tumawa ako. “Sorry, sorry. Sige na, maligo ka na. Late na tayo.” Nakanguso siyang tumalikod at nagtungo sa banyo. Habang inaalis ko ang DVD sa component, nakarinig ako ng kalabog na mula sa labas. Sumilip ako sa bintana na nasa sala. Nakita ko sa labas si Zero na mukhang kaaway ang gate ko. Kasi naman eh. “Huy.” Tawag ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan. “Anong ginagawa mo r’yan?” “Uh… itatanong ko lang sana kung gusto n’yo nang sumabay sa akin kaso mukhang ayaw akong papasukin ng gate mo.” Hindi sinasadyang natawa ako sa itsura niya. Napatingin lang siya sa akin. Pinuntahan ko siya pagkatapos ay binuksan ang gate. Nakapasok siya. “How’d you learn that kind of spell?” Nagkibit-balikat lang ako. Pumasok na ako ng bahay na kasunod siya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa DVD component kanina habang nagpapalinga-linga siya sa loob ng bahay ko. “Nice. Malaki rin pala ang Cross.” Patango-tango niyang komento. “Acting like you’ve never intruded this house ever?” Taka siyang tumingin sa akin. Dahil nagtaka rin ako sa naging itsura niya ay napatayo ako mula sa pagsalampak sa throw pillow. “Ito pa lang ang pangalawang beses na nakapasok ako rito.” Natigilan ako. “Are you sure?” “The first time was when I tried to steal your bird. This is the second time, Thea. Why are you looking so terrified? Did anyone tried to intrude this house before I did?” Lumapit ako sa kanya. Inamoy ko ang pabangong gamit niya. It was the same scent I used to smell everytime na bubukas na lang ng biglaan ang bintana ko. Zero says it wasn’t him. I can tell he’s not lying. “Ay kabayong gala! Anong ginagawa n’yo?” Humiwalay ako kay Zero. Naka-uniform na si Cheen nang balingan ko ng tingin. Hindi ko na pinansin ang reaksyon niya. Iniligpit ko na lang ang CD. “Sabay na tayo kay Zero. Nag-offer siya.” “Ah okay.” Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Himala ngang si Zero ang nag-drive, eh. Kinukuha ko ang susi kaso ayaw niyang ibigay. Oh hindi ba? Bumabait na siya. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Iyong itsura niya kagabi. Iyong itsura niyang parang bata sa mga kamay ko. I didn’t sired him or anything. Pure bloods cannot be tamed. Pero kagabi, ibang-iba siya kagabi. The first time that he showed vulnerability. “Thees, gumawa ka ba ng homework kagabi?” Aw. “Eh… pwedeng pakopya na lang, Cheen?” “Akin na. Gagawin ko na habang nasa sasakyan pa tayo.” Naghalungkat ako sa bag ko. Kinuha ko ang notebook at iniabot kay Cheen na nakaupo sa likuran. “Ikaw, Zero? Gusto mo gawin ko na rin?” alok ni Cheen kay Zero. Umiling ang katabi ko. “No, thanks. I had someone to do it for me.” Nakataas ang kilay na tumingin ako sa kanya. “Sino? Kinompel mo, ‘no?” “Hindi, sira. Hindi ko na kailangang mag-aksaya ng panahon para sa compulsion. Siya nga pala, since na-reveal mo ang identity ko, maire-reveal mo rin kaya ang identity ng kaibigan mong marunong mag-compel?” Si Ryle. Bakit ko ba kailangang pag-aksayahan ng panahon si Ryle? Mukha namang hindi siya nakakapanakit, eh. I’m not just that interested with Ryle’s true colors. Ang masama lang, kapag nasalisihan ni Zoe. Anong malay natin baka mauto niya si Ryle na gamitin ang compulsion para sa sarili niyang kapakanan. “Ideas?” No choice, nakakatakot masalisihan, eh. “Ever heard of sorcerers?” “Nope. Ryle’s not a sorcerer. I can make sure he’s not.” Ipinarada na niya ang kotse sa parking space ng Saint Claire. Nakita kong nagtitinginan ang mga estudyante sa amin since open top nga iyon kaya paniguradong nakikita nila kami. Busy pa rin si Cheen sa pag-kopya ng homeworks sa notebook ko kaya saglit kaming bumaba ni Zero pero roon lang din tumambay. “Compulsion… ano ba?” “Why don’t you just ask him? Or compel him to tell you what kind he is.” I huffed. “Nahihibang ka na ba talaga, Schneider? May utak ba talaga ang mga pure bloods o puro angas lang kayo? Paano kung hindi tumatalab ang compulsion sa kanya? De nagkanda-gulo-gulo na?” “Patayin mo.” Ang simpleng sagot niya. Anak ng tokwa. Utusan pa ako. “Ikaw ang nakaisip de ikaw ang gumawa.” “Talaga?” “Hoy, hinde. Joke lang.” Agad kong bawi at mukhang may balak pa siyang totohanin iyon. Tumawa siya. Tinignan ko lang siya habang tumatawa. Napangiti ako. A vampire laughing. Wow. Paano mo nga ba naman aakalaing isang halimaw ang ganito ka-charming na lalaki? Gwapo naman talaga, eh. Hindi ko lang halata. “Zero!” May tumatakbong estudyante na may kasamang isang lalaking naka-suit at isa pang lalaking may dalang camera. Naku lagot. Bat’ nandito ‘yan? “Nagawa mo?” salubong ni Zero. Ibinigay noong student ang notebook ni Zero. Pambihira. Si Tale ang pinagawa niya ng homework niya. “Hi, Althea.” Nasapo ko ang noo ko. Alam kong by now eh nakatitig na ang lalaking iyon sa akin. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na bumaba si Cheen at nagpunta sa kinatatayuan namin. “Oy, Bricks! Wow, long time no see!” Tama, si Bricks. What the heck is he doing at my school? “Excuse me? Who the hell are you?” maangas na tanong ni Zero. “Ah, sorry we forgot to introduce ourselves. We’re just a little distracted with this… uh… beauty beside you.” Pambobola ng ugok na kasama ni Bricks. Malay ko kung sino ‘yan. Cheen nudged me. I nudged back ng mas malakas kaya napasandal siya sa kotse ni Zero. “Ehem. Uh… may klase pa tayo hindi ba, Cheen? Zero, una na kami.” “Hep, teka.” Hinigit niya ang braso ko pabalik kaya nahila ko rin si Cheen pabalik sa pwesto namin kanina. “Sabay-sabay tayo, h’wag mo akong takasan.” Naku naman! “Okay… so uhm… Mr. Zero Schneider, right? We’re from ADN modeling agency. Gusto sana kitang i-feature sa magazine ko. I heard you’re an aristocrat from Europe. Glad to have you here in our country.” “I’m not interested.” Nilagpasan ni Zero iyong lalaking naka-suit at hatak ako. Parang kidlat lang sa bilis na nahablot niya si Bricks nang subukan ng kapatid ko na hatakin ako mula sa paghawak niya. S’yempre to the rescue ako kasi nga prefect ako kaya’t inalis ko ang kamay ni Zero sa kwelyo ni Bricks. “Stop that, we’re running late.” Ginawaran niya ng matalim na titig si Bricks bago tuluyang hatakin ako palayo sa parking area in the same way na hatak-hatak ko rin naman si Cheen. NAKANGITI siya nang salubungin ako ng yakap pagkakita pa lang niya sa akin na pumapasok sa infirmary. Mabait si Maria. Pero hindi ako convinced sa ipinapakita niyang kabaitan ngayon. Mukha namang hindi siya nakakatunog sa akin, eh. Da-dramahan ko na lang. “Narinig mo na ba? Puro dugo raw ang Section G nang madatnan ng janitor. Ano kayang nangyari roon?” Tinignan ko ang reaksyon niya sa sinabi ko. Nakita kong ngumisi siya ng palihim. What’s with you? “Nga pala, Maria. Nag-offer ka sa akin dati na tuturuan mo ako sa mga gamot, hindi ba? Can you teach me now?” Ngumiti siya at iginiya ako sa may mesa niya. “Here. Ito ang para sa lagnat, sa sipon, sa ubo…” Her necklace. That crystal. What is that crystal? I have to know. Hindi ko siya pwedeng i-compel. Hindi pwede lalo na’t hindi ko alam kung anong nagagawa ng crystal na ‘yan. “Ano ito?” Napatingin siya sa hinawakan ko. Malamya ang naging ngiti niya at ni hindi nga niya inagaw sa akin iyon. “Do you believe in vampires, Althea?” Tinawanan ko lang siya. Malamya pa rin ang ngiti niya sa naging sagot ko sa itinanong niya. “Malamang sasabihin mong nababaliw ako pero… ang gamot na ‘yan, kayang pumatay ng mga bampira.” Lihim akong napalunok. Though mukhang tinitignan ko lang ang gamot at walang reaksyon, lubha na akong nagtataka sa koneksyon niya sa mga bampira. “Interesting. Tell me more.” “Look at this.” May ipinakita siyang tube sa akin na hinugis sa bullet ng baril. “Nakapaloob dito sa tube na ito ang gamot. When you shoot a vampire using this bullet, they will vanish.” “Bakit meron ka nito?” Ngumiti siya at iniligpit ang mga ipinakita niyang bala sa akin. Sinundan ko ng tingin iyon para alam ko kung saan niya ilalagay. “Sabi ko naman sa ‘yo, eh. Pagkakamalan mo lang akong baliw.” “I’m interested with vampires. Favorite characters ko sila.” “Really? You’re like every teenagers.” Then she chuckled. “Hey, do you know that this necklace…” Sasabihin na niya. Gano’n kadali? “This crystal, it attracts vampires to lose their will power.” Will power… How ironic. “Really? How?” “Well… mag-iilaw ang crystal kapag naka-detect siya ng vampire and right at the exact moment, that certain vampire will lose its will and he will hunger for blood kahit pa kaya niyang i-resist. Kahit pa pure blood siya. Maghahanap siya ng magiging biktima niya, it’ll be torture kapag hindi siya nakainom ng dugo at hindi niya na-satisfy ang hunger niya. And this crystal is called black mist.” Black Mist. What a name. Paano naging black ang green? “Let me guess. Collection mo ‘yan, ‘no? Saang show mo ba napanood ‘yan? Anime ba ‘yan? Ang cute naman ng story.” Napatawa rin siya after ng initial reaction niyang halos magpabaliw sa itsura niya. The reason why a pure blood like Zero couldn’t resist his hunger for blood that night is the black mist. Tama. Gumagala kagabi si Maria. Alam niyang mangyayari iyon. Pero anong pakay niya kay Zero? Why Zero? “But seriously, Maria. What’s up with vampires? Why does it feels to me that you want to kill them?” Nakapatong na ang baba ko sa dalawa kong kamay at nanonood lang sa ginagawa niya. “They are beasts, Althea.” “They are handsome beasts.” Tumawa siya. Isang pekeng tawa na nahuli ko. “Hindi gaya ng mga napapanood mo sa TV, Thea, halimaw sila. Hindi sila tao. Mga halimaw sila. Pumapatay sila para mabuhay. Wala silang awa. Hindi sila marunong maawa. Pinapatay lang nila ang mga tao, iniinom ang dugo, pagkatapos itatapon na nila na parang isang basura.” Like what Zero did last night. Napabuntong hininga ako at tumayo. Hindi ko kayang sisihin si Maria kung gano’n nga ang tingin niya sa mga uri ni Zero dahil kahit ako, gano’n din ang tingin sa kanila not unless mapatunayan ni Zero sa akin na sa kabila ng lahat ay kaya nilang magkaroon ng kontrol sa sarili nila. “I better be going. Thank you sa oras, Maria. See you next time.” Tumakbo ako palabas pagkatapos niya akong ngitian at tanguan. Black Mist. Paano ko makukuha iyon sa kanya? Hindi safe na nasa kamay niya iyon with her dark intentions, hindi rin magiging safe kung mapapasakamay ni Zero ang crystal na iyon with his hidden agendas. Dapat sa akin mapunta iyon, eh. Paano ko ba makukuha iyon? “Napaka-ocean deep naman ng iniisip mo.” Kasabay ko na palang naglalakad si Zoe na parang tanga lang na kumakaway sa mga nakatingin sa amin habang naglalakad sa hallway. Lalong dumidilim ang aura ko sa baliw na ito. “Problema mo?” “Wala,” with that tone I knew she’s going to change tack with me. “Althea, best friend kita. Masama bang sumabay ng paglalakad sa best friend ko? Don’t tell me ipagpapalit mo kami ni Ryle doon sa hot tempered mong prefect partner? Which I remember, pwede mo ba akong ipakilala sa kanya?” “Oh sure, iyon lang pala, eh.” “Really? You’re so nice, Althea.” Plastik. Dumiretso ako sa rooftop. Nakasunod pa rin si Zoe sa akin. Pagdating doon, nadatnan naming nagkakainitan sina Ryle at Zero. Magsasapakan na yata kung hindi lang kami pumasok. S’yempre wala naman akong pakialam kung magsaksakan silang dalawa r’yan. Kailangan ko lang alamin kay Zero ang koneksyon niya sa school doctor namin. “Zero, meet Zoe. Wala lang. Gusto ka lang niyang makilala.” “Hi!” masiglang bati ng bruhang katabi ko sa nakasimangot namang bampira. “Psh. What’s up with you, Thea? Kanina pa kita hinahanap, ah. Saan ka na naman ba nagsususuot?” “D’yan lang sa tabi-tabi, nakikipagtaguan sa ‘yo. Oh anong meron dito? Bakit kausap mo itong boyfriend ni Zoe?” “Thees, he’s not my boyfriend.” React ni Zoe. Wow. Samantalang dati gustong-gusto niyang madikit sa pangalan ni Ryle. Mga katulad nga naman ni Zoe oh. “Really? So you wouldn’t mind if… I’m gonna ask Ryle out?” Narinig kong umismid si Zero. Medyo nagulat si Ryle sa sinabi ko. Si Zoe naman mukhang hindi makapag-decide. Masyadong bukakaw sa lalaki. “Well… not if you wouldn’t mind me asking Zero out, too.” “By all means go ahead.” Then I turned to Ryle. “Oh narinig mo iyon, ah. Sunday, eight AM, square, I’ll see you there. Okie?” “Oh God, this is bullshit.” Hinatak ako ni Zero palabas ng rooftop dirediretso pababa. Tawa lang ako ng tawa. Hindi siya tumitigil sa paghila sa akin hanggang sa marating namin ang kotse niya. Binuksan niya ang kabilang side at pilit akong itinulak papasok. Ni-lock niya iyon mula sa labas. Tumatawa pa rin ako. “What’s funny?” “Pfft! Jino-joke ko lang si Zoe, Zero. Peace tayo. As if naman hahayaan kong i-take out mo iyon, ‘no.”  Umiling lang siya. Napangiti ako. Sumandal siya sa pintuan na nasa side ko. Nakatingin siya sa unahan niya na parang nagmumuni-muni. “Zero. Are you familliar with a crystal called… Black Mist?” Automatic na napalingon siya sa akin na kulang na lang eh palabasin niya ako at hablutin ang leeg ko. “Paano mo nalaman ang tungkol d’yan?” “Last night… pure bloods aren’t suppose to be like that. They can resist, they don’t need that much blood and not in that kind of time. So what happened to you? Sabihin mo sa akin ang totoo kung hindi, hindi kita matutulungan.” Napahinga siya ng malalim. Unti-unti siyang dumausdos at naupo na lang sa may gilid ng kotse, sa side ko. Sumandal na siya sa pintuan habang nakatingin lang sa unahan. “Black mist. It’s the crystal that weakens vampire’s resistance and they were prone to thirst on blood if a black mist is around. Walang partikular na rason kung bakit ginawa ang gano’ng bagay. They just want to destroy pure blooded vampires and make us look like a beast.” “Aren’t you?” “Iyon ba ang tingin mo sa akin?” Ay kwek-kwek. Maling tanong. Mali, mali, mali. Althea, anubey? Shemay kang wagas. Hindi mo ba alam kung anong pakiramdam ng matawag na halimaw sa mga katulad ni Zero na maraming umaalipusta? Baliw ka talagang sagad. Dumaan ako sa kabilang pintuan para makalabas dahil nakasandal si Zero sa pintuan ng side na kinauupuan ko. Nahuli ko ang shock at nagtataka niyang itsura nang makita ako sa harapan niya pero hindi na tumagal iyon nang bigla ko na lang siyang yakapin. “T-Thea…” “I’m a little childish sometimes. Sorry. I didn’t mean to say those silly things to you.” Ilang minuto rin siyang tahimik. Then afterwards, tumawa siya na parang engot eh wala namang nakakatawa. “The very first time I met you, akala ko napasobra ang pagka-matured mo sa edad mong ‘yan. Childish ka rin pala.” I saw him smile a sweet smile though he’s not really looking at me. Pambihira! May mga gano’n naman talagang pagkakataon, eh. Siguro dati sobrang tahimik ko lang at saka prim and proper kaya hindi ko masyadong na-a-unleash iyong side ko na gano’n. “Tama na nga.” saka kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumayo. “Tsansing na ‘yan, eh.” “Ikaw ang yumakap.” “Natuwa ka naman.” MUKHANG haggard si Cheen habang naghahalungkat sa library nila. Siguro nagtataka kayo kung paano kami napupunta bigla sa bahay nila ng ganitong mga oras. Rich kid kasi ‘yang si Cheen. Isang tawag lang niya may limousine na kaagad sa harapan ng Academy kaya nakakatakas kami pagkatapos nakakabalik din sa oras. Hindi mukhang nag-ditch, hindi ba? “Thees, you seem to not mind about you and Zero’s issues.” “Anong issues?” “Kalat na sa Academy, ‘no. Mag-jowa raw kayo.” Sus maryosep. Kaya naman pala laging nakatingin sa amin ang mga students na usisero sa school, eh. Ano bang magagawa ko? Eh hearthrob daw iyon eh. “Ayokong pansinin. Uusok lang ang bumbunan ko sa kanila. Kung alam lang nilang vampire iyong si Zero para namang gugustuhin pa nila ang lalaking iyon, ‘no. Kung hindi ko lang kailangang bantayan ang kilos niya I won’t stick with that D-bag.” “Oh, jeez. They would love to be bitten by someone as handsome as Zero.” “Ibahin mo ako.” “Eh hindi ba nakagat ka na?” “Hindi pa uy. Sa wrist ko lang iyon, hindi counted.” Tumawa lang si Cheen. May ipinakita siyang papel sa akin na nagmula sa page ng kinuha niyang libro kanina. “That’s what a Black Mist looks like.” Isplika niya sa akin. “Now… kung kaya niyang pawalain sa katinuan ang isang pure blooded vampire na kagaya ni Zero, don’t you think Saint Claire is in danger?” “With Zero?” kunot-noo kong tanong. “No. With the one who’s carrying the crystal.” Napatingin ako sa kanya ng litong-lito. “Bakit?” “Makokontrol niya si Zero sa pamamagitan ng crystal, Althea. If he wants him to eat and eat and kill and drink blood from a victim, kaya niyang gawin iyon by just staying around and attracting Zero’s vampire instincts.” “What on earth are you trying to say?” “Nawawala lang ang cravings ng isang pure blood kapag nailayo ang crystal sa kanila. That’s the time when their instinct calms down. Pero habang nasa malapit ang Black Mist, kahit ilang tao pa o kahit sagarin pa niya ng bongga ang dugo ng biktima niya, hindi siya makukuntento, Althea. Then he will become a beast in no time.” Kung gano’n, as long as nando’n si Maria hindi titigil ang cravings ni Zero sa dugo. Pero bakit naman niya gustong mang-biktima si Zero eh galit nga siya sa mga bampira? Hindi ba dapat pinapatay na lang niya? It sure sucks to be a vampire. “Let’s head back. Hindi natin pwedeng alisin ang paningin natin sa bampirang iyon. Wala rin palang kwenta ang pagiging pure blood niya.” “He just benefit with the additional power na kaakibat ng pagiging pure blood niya, ‘no. Teka, dadalhin ko ang ilang mga libro. Baka kasi makahanap tayo ng spell na kokontra sa Black Mist.” Tinanguan ko lang siya. Nauna na akong lumabas at sumakay sa limousine. “Bakit mo siya tinutulungan?” Si Raikki. Galit na galit ako sa kanya noon. Madalas siyang nakikialam sa mga plano ko. Natuto akong mawalan ng awa sa mga nagiging kalaban ko nang dahil sa pagkamatigas niya sa akin. Hindi siya sunod-sunuran. Minsan nga parang ako na lang din ang nagiging sunod-sunuran sa sarili kong keeper. At sigurado akong mangyayari ulit iyon. “Dahil gusto ko siyang tulungan. Dahil kailangan.” “Hindi mo siya kargo, Althea.” “Hindi ko kailangang maging kargo ang isang tao para maobliga akong tulungan siya. May iba akong pinaplano kay Zero. May nararamdaman akong kakaiba sa existence niya. Konektado kami. Nararamdaman ko ‘yon.” Sumakay na ng sasakyan si Cheen. Sandali lang ang naging byahe pabalik ng Sunny Dale at napasukan pa namin ang klase ni Sir Ed. Luckily, nando’n din si Zero kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos naman ng klase ay pinatawag kami ni mokong sa President’s office. Pinasunod ko na lang din si Cheen dahil baka masalisihan ako ni Ryle. “Saan ba kayo galing kanina?” usisa ni Zero habang naglalakad kami sa hallway. “Kina Cheen. May kinuha lang.” “Hinahanap ka sa akin ng kaibigan mo.” “Sinong kaibigan?” “Iyong babaeng malandi.” Babaeng malandi. Bastos talaga. Kahit alam kong magtataka si Zero, iniiwas kong dumaan kami sa infirmary dahil naroon si Maria. Last time na napadaan kami roon muntikan na niya akong kagatin. Napaka-precious ng dugo ko, ba’t ko ibibigay sa kanya? Neknek niya, humanap siya ng ibang biktima. “Althea!” Niyakap ako ni Mr. Cain. Hindi na ako nag-react. Nando’n kasi si Bricks. Humiwalay si Sir at naupo sa swivel chair niya. Nakatitig lang ang kapatid ko sa akin. Malamang naninibago ito. “Mr. Warren, that’s Zero Schneider whom you were asking for a moment ago. Zero, meet Mr. Warren. I think he’s a got a business to discuss with you.” “Didn’t I told your boss that I’m not interested?” paangas na namang sagot ni Zero. “Pasensya na sa abala pero… sana tanggapin mo ang offer. I mean publicity din naman para sa ‘yo. Hindi mo ba gustong sumikat?” “I’m full of that, Mister.” “Conceited.” bulong ko pero sinadya kong iparinig iyon kay Zero kaya binalingan niya ako ng matalim na titig niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Sa pangwawalang bahala mo sa kasikatan ko kaya tayo nai-issue, Althea Warren. Kaya pwede ba, imulat mo ‘yang mga mata mo. Mauntog ka naman. Dikit kasi ng dikit sa akin, eh.” Aba! Sira ulo ito ah! “Wohoy, excuse me. As if magkakandarapa ako sa ‘yo, ‘no. Ikaw itong bigla-bigla na lang sumusulpot out of nowhere at may I remind you, Mr. Schneider, ikaw ang nangangailangan ng tulong ko.” Tinitigan lang niya ako at hindi na sumagot. Good. Hindi na dapat. Baka i-reveal ko pa ang identity niya ng wala sa oras. “Thea. Mag-uusap pa tayo.” pigil ni Bricks sa akin nang palabas na sana kami. Sumunod siya sa amin paglabas ng President’s office. Nauna si Cheen sa library. Si Zero naman magpi-prepare daw para sa rounds mamaya sa Pentagon. Dismissal na kasi. Malapit na ring mag-gabi. “Hindi ganyan ang inaasahan kong dadatnan ko rito.” Bricks said coldly. “Malay ko sa aasahan mo.” “I thought I figured your tone strange the last time you talked to me on the phone. Hindi na lang pala ang pananalita mo ang nagbago. Pati ugali mo, itsura mo, mga kaibigan mo. Ang sabi sa akin ni Zoe nagmamaldita ka raw dito. Althea, I’m telling you. H’wag na h’wag mo kaming bibigyan ng kahihiyan.” Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Hinarap ko siya no’n. Mukha namang medyo nasindak siya pero hindi pa rin nawala ang pagkalamig ng reaksyon niya towards me. Well he’s Bricks. What can I do? “Masyado na rin namang malaki ang naging gap sa pagitan natin, hindi ba? Will you mind breaking it once and for all? Maybe when you’ve finally disowned me as your little sister, hindi mo na ako dadakdakan ng dadakdakan tungkol sa mga issue mo sa nakalipas. I’m tired of your blah blah blah, Bricks. I don’t wanna deal with it anymore. Leave.” Then I swiftly walked out. Nakarinig ako ng kalabog mula sa infirmary. Napasugod ako roon. Bago ko pa man mabuksan ng tuluyan ang pintuan, nakita kong tumalon si Zero sa bintana ng silid at naiwan si Maria sa dilim na tumatawa ng mahina. Pabuntong hininga akong lumabas ng Pentagon. Hinanap ko kung saan bumagsak si Zero. Nasa likuran nga pala ng botanical garden ni Mr. Cain iyon. Nadatnan ko siyang halos gumapang na palayo sa kinabagsakan niya nang dahil sa hirap. Maybe gano’n nga ang epekto ng Black Mist sa mga katulad niyang vampire. “Zero.” Tinulungan ko siyang tumayo. Gaya ng dati, hindi normal ang heartbeat niya. Naghahabol siya ng hininga and his eyes are crimson red. “Blood… I need blood…” His breathing were heavy. Mamamatay ba siya kapag hindi nakainom ng dugo? “There’s no blood. You have to control.” “I can’t. It’s hurting…” Napatingala ako. Si Maria. Hindi siya aalis sa kinalalagyan niya not until she’s satisfied with what was happening.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD