I Can Tame Him

3210 Words
Thirteen I Can Tame Him   Just like any other normal mornings. Ang ipinagkaiba lang, naunahan ng pagtunog ng cell phone ko ang beep ng alarm clock ko. Tinignan ko kung sinong ponsyo pilato ang nambubulabog sa akin ng maaga. It’s Zero. “Seriously? Hindi ka ba natutulog?” I answered the call. “I’m preparing for school. Baka lang gusto n’yo ulit sumabay sa akin.” How did we survive the commotion last night? Napilitan akong kumuha ng estudyante para lang maibsan ng kahit papaano ang uhaw niya sa dugo. Ginawa ko iyon ng malayo sa infirmary para unti-unting kumalma ang vampire instinct niya at nang hindi na siya maghanap pa ulit ng panibagong round ng dugo. Pero gaya dati, hindi pa rin niya sinasabi ang lahat sa akin. May mga bagay pang kulang ng paliwanag na ayaw niyang sabihin kahit alam niyang malalaman ko rin eventually. “Thees, si Zero na yata iyon.” nakasilip si Cheen sa bintana habang inaayos ko ang butones ng uniform ko. “Papasukin mo.” “Ayaw. Baka kagatin ako.” Lumabas ako para pagbuksan siya ng gate. Nadatnan ko na naman siyang ginegera ang gate ko. “Kailan kaya ako makakapasok dito ng hindi kinukuryente n’yang gate mo?” “Malay. Maybe kapag wala ka nang gustong nakawin sa akin?” Umismid lang siya. Hindi na namin kailangang pumasok sa loob dahil nakalabas na rin naman si Cheen at dala na ang backpack ko. Sumakay kami sa kotse ni Zero. Pinakiramdaman ko kung ibibigay ba niya ang susi sa akin pero siya pa rin ang nagmaneho. “Naalala ko lang. Hindi ba driver mo ako?” “Ano naman ngayon?” “Hindi ba dapat ako ang nagmamaneho?” “Saka na kapag kailangan. You still drive me home every night, right?” Oo. Eh kasi kada gabi na lang nawawala sa kontrol ‘yang letsugas mong vampire instinct. Anong klaseng pure blood ka? “H-hi!” Si Jess. Siya ang sumalubong sa amin pagbaba namin ng kotse. Ewan ko kung bakit nandito ‘yang babaeng ‘yan. Kadalasan tuwing pupunta lang kami ni Cheen ng cafeteria saka lang siya nagpapakita. Hindi na siya kasali sa cheering squad. Normal na school uniform na lang din ang suot niya though nakaka-attract pa rin naman siya ng mga varsity players. “Sino naman ‘yan?” kunot-noong pag-aangas ni Zero. “Dakilang alila ni Cheen.” “Oh?” naghagis siya ng notebook sa babae. “Pakigawa ang homework ko. Nakalimutan ko kagabi.” “P-pero…” Naglabas ng notebook si Cheen at nakangiting inabot kay Jess. “D’yan mo na kopyahin. Classmates naman kami kaya pareho lang ng homework ‘yan.” Ang bait niya talaga. Dumiretso kami sa classroom. Nakabuntot ang aso ni Cheen sa amin. Tinginan naman ang buong Section A. As usual. Kailan kaya matatapos ‘yang ganyang eksena? Nakakairita na talaga. “Oh my gosh! Nabasag ang salamin!” someone screamed. Cheen nudged me. Tinuktukan ako ni Zero ng makapal na libro dahil nasa itaas ko siya. Paano naman nila nalamang ako iyon? “Kainis, eh.” “H’wag dito.” Pambihira, duet pa silang dalawa. Naku naman. Nakakabaliw. Para kasing ang bagal-bagal ng takbo ng oras. Parang pakiramdam ko dapat nararamdaman ko na ang mga dapat maramdaman ko. Nagiging boring na dito. Walang masyadong aksyon. “Hi, Althea. May mail para sa ‘yo.” Hinablot ko ang inabot ng lalaki na sobre. Binuksan ko iyon at binasa ang sulat na nasa loob. Nakibasa rin si Cheen na nasa tabi ko. Si Zero nakasilip mula sa itaas ko. Edi sila na ang mga usisera’t usisero. “Wow. ADN Media? Sikat ‘yan, Thees, ah.” Komento ni Cheen nang mabasa ang papel. “Modeling offer. I wonder why.” May halong pang-iinsulto ang paghinga ni Zero ng malalim. “You don’t have to wonder why. The reason is very clear, you moron.” “Conceited much?” “Sa pangwawalang bahala mo sa kasikatan ko kaya tayo nai-issue, Zero Schneider. Kaya pwede ba, imulat mo ‘yang mga mata mo. Mauntog ka naman.” Wala siyang naging reaksyon ng ilang segundo. Saka mayamaya bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Napangisi lang ako. Sabi nga ni Beyonce, what goes around comes back around. Buzz. Buzz. Buzz. Tumigil na sa pagtawa si Zero pero nang tingalain ko siya at lingunin eh nakangiti siya sa akin na parang tempted pang tumawa muli dahil sa pagbalik ko ng mga litanya niya sa akin kahapon. “Pero, Thees, anong gagawin mo? Tatanggapin mo?” pagbabalik ni Cheen sa usapan. “Of course. Sayang naman, datung din ito, ‘no.” HINDI ko alam kung bakit nagpauna ng payment ang agency pero tinanggap ko na rin. Grasya na ‘yan, tatanggihan ko pa ba? Napadaan ako sa Sunshine Mall. Nakakita ako ng iPod na maganda ang kulay kaya binili ko na. Malaki-laki rin kasi ang bayad sa akin doon. Pagkatapos dumiretso ako ng school. Sa restroom na ako nagpalit ng uniform. Flag ceremony ngayon kaya bawal ang late. “Good morning.” nakangiting bati ni Ryle na sumabay sa akin papuntang Villa—iyong open area kung saan madalas gawin ang mga stage activities sa Saint Claire at pinagdadausan ng flag ceremony. “Morning.” “Zoe’s been sticking with that dude.” Pasimple niyang bulong na nagpatigil sa akin. Kumunot ang noo ko. That dude? “Zero?” Tumango siya. Hinanap ng mata ko ang pwesto ni Zero. Kausap nga siya ni Zoe. S’yempre as usual nang-iisnab siya. Pero mukha namang nag-eenjoy si Zoe sa pangungulit sa kanya. “Why does it feels to me like you’re reporting?” “Sinasabi ko lang. I just thought na maybe attached ka sa partner mo. So you’ll know what’s going on.” “Why are you hanging out with Zoe, Ryle?” Hindi siya sumagot. Hinayaan na niya akong maglakad mag-isa. Now he smells fishy. Parang gusto ko na tuloy halungkatin ang itinatagong sikreto ni Ryle. What’s up with these people? Dug-dug! Dug-dug! Natigilan ako. Iginala ko ang paningin ko. Where could she be? Iniligid ko ang mga mata ko, hinanap ang puting clinical coat na iyon at ang pamilyar na berdeng kwintas. Bulls eye. She was talking to Mr. Cain. At ang kinaroroonan niya ay malapit kay Zero at Zoe. Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Zero at Maria. Zero was feeling uneasy already. Konti na lang at magiging visible na sa lahat ng tao ang mga mata niya. Konti na lang… Konti na lang… “Zero! Detention!” sinadya kong isigaw iyon hindi para makatawag ng atensyon ngunit para ilayo sila sa duda sakaling hatakin ko bigla si Zero paalis sa line up sa Villa. “Anong violation niya? Thees, nag-uusap pa kami, eh.” react ni Zoe na sinusundan ang paghatak ko kay Zero. Nakita kong sumusunod din ng palihim si Maria. Lintek. Hanggang saan ka susunod? Hanggang kailan? “It’s… Althea… It’s hurting… kill me now… I can’t… hold it…” “Shut up, Zero, or I’m gonna leave you here and let you eat Zoe.” I said with gritted teeth habang hatak siya sa kwelyo at kinakaladkad samantalang halos hindi na siya makatayo sa hirap. “Stop following, Zoe! Gusto mong ma-detention?” “S-sasamahan ko si Zero.” “Oh really? Pero kapag na-detention ka, mapaparusahan ka. Gusto mong tumakbo ulit ng bonggang-bongga?” Tumigil na siya sa pagsunod. Pagdating sa Pentagon, kinailangan ko munang umikot ng daan para hindi masundan ni Maria. But I guess hindi pa rin. Nade-detect ng crystal ang presence ng isang vampire kaya walang kwenta. At titigil lang siya kapag nasiguro niyang lumalaklak na ng dugo si Zero. Ipinasok ko si Zero sa detention at ini-lock ang pintuan. Hirap na hirap siyang kumilos. Hawak niya ang lalamunan niya like he’s telling me na nauuhaw siya. His eyes were already crimson red. It’s scary. No, it’s supposed to be scary pero hindi gano’n ang tingin ko sa mga matang iyon. Shit. Maria is around. Posible bang natutunugan niyang ako ang tumutulong kay Zero? Damn. What is she? I have to know what she is. “Zero…” Hinawi ko ang buhok ko at lumapit kay Zero na nasa sofa at namimilipit sa sakit. Tinakpan niya ang ilong niya to resist the scent of blood na nanggagaling sa bare neck ko na nawalan na ng harang. Nakatitig lang siya roon. Battling on whether or not he should bite it. “Go,” the silent urge was there. “Do it.” “No…” “If you don’t, she’ll never leave you!” Tinignan niya ako. His eyes were pleading. Na parang gusto niyang sabihin na h’wag kong gawin iyon. Umiling ako. Ngumiti upang masiguro siyang ayos lang sa akin ang nais niyang gawin. “It’s okay, I won’t mind.” I hugged him knowing na ilalapit lang niyon ang leeg ko sa labi niya. Sa bibig niyang nauuhaw sa dugo. And then I felt it. That cold, sharp thing burying into my neck. Napapikit ako sa saglit na kirot na dala ng pagkagat niya sa akin. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likuran ko, pulling me further into him. His lips savoring the blood that flows out of the hole his fangs had made. Zero… a pure blooded vampire sucking a priestess’ blood. How ironic. An impure colliding with a pure like me. Matagal ko na sana siyang pinatay kung alam kong hindi ko siya mapapakinabangan. But I know Zero is more than that. I won’t make him my slave. No. Maybe an ally but not a slave. “I’m… sorry, Althea.” Nakayakap siya sa akin. I don’t know if he’s guilty about the matter pero pakiramdam ko natatakot siyang harapin ako kaya ayaw niya akong pakawalan sa yakap niya. “That’s nothing. Siguro naman may balak ka nang sabihin sa akin ang lahat?” Dahan-dahan niya akong binitawan. Pinunasan niya ang nagkalat na dugo sa paligid ng bibig niya. Ang dugo ko. Ang dugo ko iniinom na lang ng isang nilalang na ni hindi ko pa kahit na kailan nakasalamuha noon. Hay buhay parang life. Ayos sa trip itong si destiny. Kakatwa ang definition niya ng joke. “Hindi mo na kailangang malaman,” he dismissed me before indifferently standing up ready to leave. “Aalis na ako.” I gritted my teeth in irritation. “Gusto mo ba talagang daanin sa laro ito, Zero? Do you know that I can sire you? Do you know that I can compel you to be my slave? Do you know that I can make a deal with your life without moving at all? Do you know how easy it is for me?” Kung alam niya lang marahil kung sino talaga ako at kung anong kaya kong gawin sa kanya’y matatakot siya. Aminado akong nararamdaman ko ang kaibahan niya sa maraming makapangyarihang nilalang na nakasalamuha ko. Tila ba’y may koneksyon siya sa akin. Ngunit hindi sapat iyon upang maliitin ko at kunsintihin ang mga ginagawa niya. Napatigil siya mula sa pagbubukas ng pintuan. Lumingon siya. Sakto namang inilagay ko ang kamay ko sa leeg ko na nakagat niya at agad na naghilom ang sugat no’n. I saw his eyes widened in disbelief. “Althea… you can…” Heal? Pinigilan ko ang ngising poporma sa labi ko. “Yes, I can.” Naging matalas ang kanyang mga mata. Naalarma ang kanyang tindig at naging maingat ang galaw. “Who the hell are you?” Nagkibit ako ng balikat. “I sure came from hell but I don’t know who I am. Actually that’s what I’m trying to figure out just now.” Nakatingin lang siya sa akin. Walang pag-asa. I can’t make him tell me what’s going on with him. Then maybe I’ll let him deal with it. As long as walang masasaktan, baka okay pa. “KAWAWA naman si Zero.” Nasa auditorium kami. As a prefect kailangan kong bantayan ang klase na hindi ginagawa sa classroom. Katatapos lang ng sophomores na mag-klase kaya malaya kami ni Cheen na humiga-higa sa audience seat at saka gumala sa stage ng auditorium. Hindi rin naman ako gaanong nabo-boring dahil ginagamit ko ang bagong bili na iPod ko. “Eh kung i-compel ko na kaya talaga siya, Cheen?” I wondered out loud. “H’wag. Ano ka ba, Thees? Baka mas masaklap ang bagsak sa ‘yo kapag nagising siya mula sa compulsion mo. That’s not the right way to tame someone.” Yes. I have to tame Zero. May silbi siya sa akin. May mga bagay siyang alam na hindi ko nalalaman. Kapag nagawa kong maging co-league si Zero, I’m just a few steps away on finding the sacred sword na kumitil sa buhay ko at nagkulong sa akin sa isang sumpa ng sobrang tagal. “Ano ba kasi talagang meron sa sacred sword na ‘yan, eh.” Hindi ko na sinagot si Cheen at kinalikot na lang ang iPod. The sacred sword. Kung sana naunahan ko si Hydra na makuha iyon dati, hindi hahantong sa ganito. Eesh! Naalala ko na naman. Nakakainis! This is a game… Napabuntong hininga ako. Napapikit. Why did I became a warrior after being pushed out of my position as a priestess? Why can’t I be someone who can connect to a spiritual God when they can? Ano bang naging mali sa akin? Ano bang kasalanan ko? “Ano bang mali?” Strange. I was the one who’ll be forever strange. Why me? Why not them? Ako lang ba ang pwedeng magdusa sa naging kalagayan ko noon at maski na ngayon? Wala na bang iba? Ano bang dahilan ng buhay ko? Bakit ba ako lumalaban? Bakit ba ako nandito?  “Ah…” Naamoy ko na naman ang pamilyar na pabango na iyon. Bago ko pa man maimulat ang mga mata ko, naramdaman ko na ang pamilyar na lamig ng matulis na bagay na tumusok sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Nagdilat ako ng mata. Hindi ako nagkamali. “Z-Zero…” Hinanap ng paningin ko si Cheen. Wala siya. Walang tao. Walang makakakita. Walang sasaklolo. Walang sisigaw. Kahit pa ubusin niya ang dugo ko, walang makakakita. Huminto siya. His fangs, I can’t feel it anymore. All I felt was his lips kissing my neck. What the hell is wrong with this person? “Zero, ano bang nangyayari sa ‘yo?” “I just… suddenly… wanted you…” Naramdaman ko ang init ng hininga niya na parang humahaplos sa balat ko. Wala naman akong ginawa, hindi ba? Wala naman akong ginawa rito kung hindi ang maupo at makinig lang habang kumakanta sa sarili ko. What exactly did I do? Hindi ito kagagawan ng Black Mist I am sure. Tick. Tock. Tick. Tock. “Zero, may tao.” Itinulak ko siya ng dahan-dahan. Mabilis kong pinunasan ang dugo sa bibig niya pati na rin sa leeg ko. Ginamit ko ulit ang kapangyarihan ko para mapagaling ang kinagat niya. At gaya ng inaasahan ko, dumating na nga ang mga susunod na magka-klase sa auditorium. Hinila ko na siya palabas. Wala sa sarili si Zero. Hindi siya nauuhaw sa dugo. Hindi naman kasi niya nilaklak ang dugo ko. Tinikman niya lang. Like… hinalikan lang niya. Hindi ko maintindihan. Basta gano’n. “Thees!” patakbo kaming nilapitan ni Cheen. “Here, I got you a sandwich. Hindi ka pa kasi nanananghalian.” Yeah. Nakalimutan ko tuloy ang gutom ko. “Thanks.” Napabaling si Cheen kay Zero na tahimik na nakatayo sa tabi. “Uy, nandito ka pala, Zero. Teka, okay lang ba kayong dalawa? May nangyari ba? Bakit parang… namumutla kayo?” “Cheen.” Zero finally spoke. “Mind if I borrow your friend for a moment? Kakausapin ko lang. Five minutes.” “H-huh? S-sige…” Nge. Kay Cheen nagpaalam at sa akin hindi? Anak ng! “Weh? Teka, may binabantayan pa ako!” Wuley na. Hinila na niya ako palayo. Walanjo talagang bampira ito oh. Kailan kaya siya matututong gumalang ng kahit na konti lang? Konting-konti lang pwede na. Eesh! Dinala niya ako sa track field ng Saint Claire. Malayo-layo rin sa Pentagon iyon dahil nga nasa oval na kami. Well… he’s really acting strange. Hindi na lang pala ako ang strange ngayon. “Ano ba kasi iyon?” iritado kong tanong nang bitawan niya ako. “Isang tanong, isang sagot. Why are you helping me when I’m suppose to be your enemy?” Napatitig ako sa kanya. Naalala ko ang sinabi niya kanina. “I just… suddenly… wanted you…” At para bang may bigla na lamang pumasok na pamilyar na tinig sa isipan ko at tila sirang plaka na pinauulit-ulit ang mga katagang “No… no! You can’t die… no! Kill me I beg you, you can’t die!” na sinasabayan ang sinabi ni Zero kanina hanggang sa wari’y maging iisa ang tinig na iyon. Why does it felt like this? What is this feeling? Napaisip tuloy ako. Bakit ganito na lang ang kagustuhan kong paamuhin ang isang mabangis na halimaw na katulad niya? Sino ka, Zero Schneider? Bakit? “Althea,” dinig kong untag niya sa akin. Kumuyom ang palad ko. “Do you feel… Can you feel that certain connection too?” Nag-iba ang reaksyon niya. Na parang medyo nagulat dahil sa sinabi ko. For now I can confirm na nararamdaman nga niya ang nararamdaman ko. Kaya hindi niya ako kayang patayin. Is it because of Cyathea? “I’ll…” nag-iwas siya ng tingin. “I’m gonna help you. Whatever it is that you’re trying to achieve, I’m going to help you, Althea.” “You don’t have to.” then I turned on my back to leave. Hahakbang na sana ako pero nakuha niya ang kamay ko na siyang nagpahinto sa akin. He squeezed it kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin. Lumingon ako sa kanya. “Just let me help you.” And then there’s the question. What if he betrays me? How am I gonna kill that someone I once trusted? How? Should I let him help me? Ito naman ang pangunahing rason kung bakit ko siya tinutulungan hindi ba? It’s because I have to tame him so I’ll get him as my ally. “Fine!” I’ve tamed a monster. I can tame him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD