Zero Schneider

3574 Words
Eleven Zero Schneider   Bakit nga ba? Nakapasok siya ng Academy. Nakuha niya ang loob ni Mr. Cain. It’s not because of money. Si Mr. Cain ang tipo ng taong mababaw pero may ibang pinaplano. He’s behind Zero Schneider. What does he want? “Zero.” Napalunok ako. Bumukas ang pintuan. Nakita ko siyang sumilip kaliwa’t kanan. Pero agad din siyang pumasok ulit nang wala siyang makita. I knew it. Mr. Cain’s senses. Why? How? Sino siya? Anong kinalaman niya sa pananatili ni Zero rito? “I don’t sense any energy, Sir.” “Gano’n ba? Para kasing… para kasing may tao talaga sa labas na nakikinig sa atin, eh. Anyway, make sure Althea is safe. That’s all.” Ako? Safe? Bakit? “Kamahalan, posible kayang…” Alagad sila ni Hydra? Posible bang nasa paligid lang siya? Bakit nila ako poprotektahan kung alagad sila ni Hydra? Hindi, eh. May kakaiba rito, Raikki. Hindi lang basta gano’n. Hindi lang basta ganito. “Althea. Saan ka na naman ba nanggaling?” Dreamy eyes that turns red, flashing ability, super senses, strength, skills, immortality. f**k! What are you? “May… problema ba?” “Wala. Broke lang ako, pautang.” I have to keep an eye on Zero. May kutob akong may dapat akong malaman. Konektado siya sa akin. Alam ko iyon, nararamdaman ko. “Oh.” Nag-abot siya ng two thousand na kinuha ko naman kaagad. Ngumisi ako. “Galante. Thank you.” “Utang ‘yan, h’wag kang matuwa.” Napangiti ako. Siya lang ang kilala kong halimaw na nag-aasal tao. Nadaanan ko ang infirmary kaya napahinto ako. Kasunod ko pala si Zero sa likuran ko kaya napahinto rin siya nang huminto ako. Then suddenly nakita ko na lang ang facial expression niya na nag-iba. Para siyang hirap na hirap. Para siyang tino-torture. “Okay ka lang?” pagtataka ko. Napakapit siya sa laylayan ng dress ko. Nalamukos niya iyon. His eyes, it’s turning red again at parang hindi na iyon by impulse. Parang may something na nagpapa-transform sa mga mata niya ng gano’n. Napamaang ako. “Zero…” Is he insane? What’s happening? “Althea. Oh. Nagda-dramahan kayo ng boyfriend mo?” nakangising epal ni Zoe na nadaanan kami. Hinawakan ko ang kamay ni Zero na nakahawak sa uniform ko then I hugged him para maitago ang mga mata niya. I felt his breathing went fast. Napayakap siya ng mahigpit sa akin. Shit… Don’t tell me… “Don’t. Control. Control it, Zero.” Pakinshet. What exactly is happening? “Wow. You make a good—” “Dammit, Zoe, will you just leave?” I snapped at Zoe. She was a little taken aback with my shout pero nakuha niya marahil ang galit kong itsura so she left me alone with Zero. Hinatak ko si Zero malayo sa infirmary. Nakita ko ang laboratory kaya’t doon kami pumasok. Ini-lock ko ang pintuan at hinayaan siyang makahinga lang mula sa nangyari. Mukha na siyang stable pero hindi pa rin nawawala ang pagpula ng lens ng mga mata niya. Sinubukan ko siyang lapitan pero umatras siya. Napakunot ako ng noo sa pagtataka. “Hey… what’s up?” “H’wag kang lalapit. Leave me alone.” “Zero—” “I SAID LEAVE ME ALONE!” Mabilis pa sa alas kwatrong nilayasan ko siya at nagtungo pabalik sa infirmary. Naroon si Maria at may tina-type sa computer habang may ilang natutulog sa loob. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at tumayo. “Hi, how are you? May kailangan ka ba?” Noon ko lang napansin ang suot niyang kwintas. Quite weird ang dating sa akin. It was a green crystal na may two inches ang sukat. Malaki iyon para sa isang pendant. “Hindi, wala. I was… planning to drop by and… ask you kung… how’s your working job in here.” Something’s wrong. There’s something wrong. “So thoughtful. Okay naman ako. Plano ko rin sanang puntahan ka kasi may itatanong sana ako. Do you happen to know someone named… Cyrus Schneider?” Schneider. Zero Schneider. “No. Bakit?” “Hindi, wala. May ibibigay lang sana ako.” saka napahawak siya sa kwintas niya. For a second ay gumuhit ang isang ngisi sa kanya ngunit daglit ding nawala, marahil ay dahil nakatingin ako. “That crystal?” tanong ko. “Is he… your boyfriend?” Ngumiti lang siya at umiling. Napatitig ako sa kwintas niya. Ano nga bang meron sa kwintas na ‘yan at anong koneksyon ni Zero kay Maria? HINDI pa rin ako mapakali nang mga oras na iyon. Para akong hindi maanak na pusa sa opisina ni Sir Ed habang nakikinig sa mga pinag-aaralan niyang artifacts na nanggaling daw sa India. Wait a minute. “Sir, may alam ba kayo about aged creatures? I mean… super humans, beasts, folklores… anything?” Napatingin siya sa akin. Tinanggal niya ang salamin niya at pormal ang mukhang hinarap ako. “Why?” “Can you possibly guess what kind of creature I’m going to describe to you about? “Go, speak.” Maraming alam si Sir Ed. He’d been a history teacher and an archeology professor for fourth year students. T. A. na niya ako High School pa lang. Favorite ako n’yan hindi lang halata. Pero hindi magiging malaking pagkakamali kung sa kanya ako magtatanong dahil alam kong may alam siya. “Dreamy eyes turning into red ones. Flashing ability. Super senses. Immortality. Can compel. And lastly… reacts badly against a single green crystal necklace.” “Does he react from blood?” Napatigil ako. Napalunok. Narinig kong bumuntong hininga si Sir Ed at sumandal siya sa swivel chair niya na kaharap ko lang. “I have told you once that I got an artifact from Western Europe na sinasabi nilang pagma-may ari ng isang bampira. It was in eighteenth century that they said the vampire existed. Pero maraming nagsasabi that they existed long before they were figured.” “Vampires…” Patay na ako no’n, eh. Hindi ko na sila inabutan. I don’t know the exact century that the sacred sword have stolen my life pero alam kong wala pang mga katulad nila ang nag-e-exist nang mga panahong iyon. “Do you know… that the Sunny Dale had once sheltered a vampire? This town is cursed as the old residents describes it.” Hindi ako nakasagot. Si Cheen. Lagi niyang sinasabi sa akin na isinumpa ang Sunny Dale. Na mas worst ang city na ito kaysa sa Devon. I never knew why. Dahil sa vampires? “On the early centuries, maraming Europeans ang napadpad dito sa lugar natin,” patuloy na pagku-kwento ni Sir Ed. “Without knowing, marami nang bampira ang nagkalat sa East and Western Europe nang mga panahong iyon. Matagal silang nanatili rito. With the purpose of converting humans into vampires para dumami ang race nila. They succeeded. Pero madali ring naubos ang gaya nila sa pagdami ng mga tao and they finally came to extinction.” “So… wala nang vampires na nag-e-exist ngayon?” “With so many films portraying vampires, hindi posibleng naubos na nga sila. But who knows? It was just a folklore, Althea.” Binawi ko ang obvious kong puzzled na itsura. Nagpatuloy lang si Sir Ed sa pag-observe sa akin at pag-iisplika ng topic. But then I wasn’t satisfied na siguro ay nahalata niya. “You seemed to be more interested with vampires so I think we can just drop this and continue with that folklore instead.” “S-sir… eh kasi…” “That’s okay, Thea. You’re my favorite student.” Then he smiled and went on. “Vampires feed through life essence of a living being. Blood in specific. Hindi nila kayang i-resist ang dugo and that is their main vampire instinct. In 1860 to 1865, Sunny Dale is doomed with hundreds of murders na kagagawan ng isang beast. They don’t name the beast in particular but… it showed a lot of vampire’s marks.” “Vampire’s marks?” “Here.” He reached for my neck at itinuro niya ang kaliwang bahagi ng leeg ko. “Their fangs.” “Fangs…” “Yes. Some myths says na hindi naman talaga kasama sa feature ang fangs nila. They can hide it. Though… it’s hard to tell a vampire by just looking at them. They are beasts who takes the form of humans to adapt. They can be bad, they can be good. But eitherway, they are beast who need humans to live.” Beasts. Si Zero… Beast… Eitherway, they have to kill to live. Blood is their food, they can’t live without it. And so they need a human’s blood. “Paano ba sila… nag-exist?” “No one knows how exactly they came. But theories suggests that sorcerers and priestesses wished for a beast who can disguise as human but can take on their enemies’ blood at once. Spiritual Gods and Godesses still exist that time and so… when the priestesses died, their blood were offered to a certain spirit goddess and their wish of creating a beast was granted. And voila. Vampires existed.” Gano’n na ka-desperado ang mga babaylan para matalo ang Lost Society noon at nagawa nilang humingi ng halimaw kapalit ng mga buhay nila? Nahihibang na ba talaga sila? “Bueno… hindi ba’t magra-rounds ka pa?” pagtatapos ni Sir Ed sa usapan. Oo nga pala.  “Ah, opo. Salamat, Sir. Babalik na lang po ako bukas para tulungan kayo with the Indian artifact. Sorry po talaga sa abala.” “Don’t mention it. Sige na, lumakad ka na.” Nagmadali akong lumabas ng opisina ni Sir Ed. Dumiretso ako sa library kasi alam kong naghihintay si Cheen doon. Natagpuan ko siyang nagbabasa sa may bandang unahan pero kausap niya si Ryle. Lumapit kaagad ako. “Yo’, Thees.” bati ni Ryle sa akin. “Yo’.” Then I turned to Cheen at bumulong. “Didn’t I tell you not to be alone with Ryle? Kapag naibulgar mo ang sikreto ko ng wala sa oras ibibitin talaga kita ng patiwarik.” “Kasama namin si Zoe kanina, eh. Kinukwento pa nga niya ang dramahan n’yo ni Zero kanina sa hallway. Uyy…” pambubuska niya. “may hindi ako alam, ‘no?” “Kukwento ko sa ‘yo mamaya. Basta umuwi ka na muna.” “Huh? Hindi ba sabi mo hihintayin kita?” “H’wag na, mauna ka na.” Nagtataka pa rin si Cheen pero tumayo na siya at kinuha na ang bag niya. Tumayo na rin si Ryle pero hindi sumunod kay Cheen nang lumabas siya ng library. Naiwan kaming dalawa. “May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. “Hindi, wala. Maiinip lang kasi iyon kapag pinaghintay ko siya rito. Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?” “Hihintayin ko lang si Zoe.” Tumango lang ako at ngumiti saka ko siya tinalikuran. “Thea.” Napahinto ako mula sana sa paglalakad ko palabas ng library pero hindi ko siya nilingon. “Zoe and I… it’s nothing.” Walang lingong lumabas ako ng library at nagsimula nang mag-ikot hoping to find Zero. Sa halip na si Zero ay si Maria naman ang nakasalubong ko. Bumababa siya sa hagdanan. Hula ko’y nanggaling siya sa classroom na pinagdadausan ng Night Class ngayon. “May… naging problema ba sa itaas, Maria?” nagsususpetya kasi ako kung anong ginagawa niya roon. “Wala. Nag-check lang ako, mag-a-out na rin ako. Gabi na rin kasi. Isa pa… tapos na ang klase.” Nilampasan niya ako. Nakita kong nag-ilaw ang crystal. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. No. Hindi pa dapat tapos ang klase not unless may nangyaring hindi maganda na naging sanhi ng pagtigil ng session ng Night class. Tumakbo ako papunta sa classroom ng Night Class. Tahimik na. Patay ang mga ilaw. What the hell? “Aaaaaaaaaaah!” Binuksan ko ang pintuan. Napako ang mga paa ko sa nadatnan kong eksena sa loob no’n. Blood… Blood… He saw me. Itinulak niya ang biktima niya na parang nagtatapon lang siya ng isang basura. Wala siyang pakialam sa babae. Pinunasan lang niya ang dugo na nagkalat sa bibig niya. His uniform is stained with blood. “Scared?” “Zero… Schneider,” nausal ko sa sarili ko na parang hindi sigurado kung siya nga talaga ang nakikita ko. Ngumisi siya. Nakita ko sa kadiliman ang nakakatakot na pula ng mga mata niya. Like it wanted to feed on me. “T-tulong…” nanghihinang sabi ng babae na nakahandusay sa may mesa na malapit lang sa akin. Buhay pa siya… Nilapitan ko ang babae. Naghihingalo na siya. Mauubusan siya ng dugo. Itinapat ko ang kamay ko sa leeg niya na kinagat ni Zero kung saan nanggagaling ang dugo na umaapaw at pumupuno sa kanyang balikat. Nawala ang sugat, tumigil ang pagdudugo. I made her look at my eyes. Mayamaya lang ay nakatulog na siya. “Zero.” I stood up and found him sitting on the floor. “Detention. Now.” “Leave me alone.” Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan si Cheen. She picked up. “Could you lend me a hand? I’ve got some trouble cleaning something in here. Saka ko na lang ipapaliwanag.” “Cleaning? Teka, Thea, nakakatakot ba ‘yan?” “Sort of. Don’t worry, nabura ko na ang alaala niya. Kailangan lang siyang malinisan so hindi niya makikita ang bagay na magpapaalala sa kanya sa gabing ito.” “O-okay…” Pinatay ko ang telepono. Pinuntahan ko si Zero. Nakasalampak pa rin siya sa sahig at nakasandal sa pader. Nakapikit siya, like he’s in pain, regretting what just happened. Hinatak ko ang necktie niya kaya napatayo ko siya. Kinaladkad ko siya hanggang detention. “Thea…” “Shut up.” Pinapasok ko siya sa detention. Sumunod ako at ini-lock ang pintuan. Naupo lang siya sa sofa na parang wala lang. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang panghihina na dala ng ginawa niya. Disappointed siya, nagsisisi. Tao pa siya. Dahil kung hindi, he’ll probably be without remorse and instead, hindi lang iyon ang nagawa niyang damage sa estudyanteng iyon. “What are you?” diretso kong tanong. It pisses me off na umabot na kami sa ganitong punto ngunit hindi ko pa rin alam kung anong nilalang ba siya. “You don’t have to know.” Talaga naman. Ang tigas ng ulo. Nakapa ko sa toolbox ang swiss knife na hinahanap ko. Naupo ako sa may mesa na medyo malayo sa kinauupuan niya. Tinitignan niya lang ako. Minsan nag-iiwas ng tingin kapag tinitignan ko rin siya. “Ayaw mo talagang sabihin?” “Just leave.” Hiniwa ko ang kaliwang palad ko ng swiss knife. Segundo lang ang itinagal bago maging visible ang dugo na gumuhit sa pahabang sugat ng palad ko. Tinignan ko si Zero. Napangisi ako nang makita siyang nagtakip ng ilong at parang hindi mapakali sa upuan niya. “Anong… g-ginagawa mo?” Kinakapos siya ng hininga. Or rather… hindi siya makahinga. He’s trying to resist the lovely smell of blood lingering in this room. “Does he react from blood?” naalala kong tanong ni Sir Ed noong inusisa ko siya tungkol sa mga bampira. Oh sure he did. May iba pa bang creature na gustong-gustong lumaklak ng dugo maliban sa isang vampire? Alangang werewolf? As far as I know nangangain lang at nangangalmot ang werewolf pero hindi nainom ng dugo. Bumaba ako sa lamesa at lumapit sa kanya. Kulang na lang gumapang siya para lang makalayo sa akin kaso nga hindi na niya magawa dahil wala namang ibang paraan para makatakas dito sa detention. “You’re a… vampire.” One last long gasp then he grabbed my palm and sucked the blood from the wound. Pinapanood ko lang siya habang walang pakundangan sa pag-inom ng dugo na nanggagaling sa akin. At nang hindi siya makuntento, lalo pa niyang hinila ang kamay ko, he bit my pulse and he sucked the blood from there. I felt the sharpness of his fangs. So I was right. Zero’s a vampire. Namayani ang katahimikan. Lumalalim na ng husto ang gabi pero nandito pa rin kami sa detention at nagpapakiramdaman pagkatapos ng session niya sa pagsipsip ng dugo. Hindi siya nagsasalita, hindi rin naman ako nagsasalita. Kakatapos ko lang pawalain ang sugat ko. Now… ano na bang gagawin ko? “Vampires are on the verge of extinction.” Napatingin ako sa kanya. Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako. Mula sa table na kinauupuan ko ngayon ay kita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin pati na ang pagyuko niya para lang hindi ko makita ang itsura niya. “To be honest with you… bilang na ang mga natitirang bampira sa panahong ito. They died through either liquidation or self destruction. Only pure bloods are those who survived.” Naningkit ang mga mata ko. “Pure… bloods?” “Pure bloods. They are royal bloods. They are one of a kind. They were born with a pure vampire’s blood and gifted with a power.” “Power? Like?” Tumingin siya sa akin. Bigla ko na lang naramdamang humangin sa likuran ko eh imposible namang makapasok ang hangin sa detention dahil walang bintana rito. “An element.” I whispered which he probably had heard. “Right.” “Kung gano’n… pure blood ka.” Yumuko lang siya at hindi sumagot. Naramdaman kong nag-init ang dibdib ko which indicates that Raikki is about to speak to me. “Kaya ng mga pure blood na tumagal sa isang kwartong puno ng dugo, Kamahalan. Hindi sensitibo ang abilidad nilang magutom kapag nakakaamoy ng dugo.” Eh bakit hindi na-resist ni Zero ang amoy? Yes, I know he can resist it dahil matagal na niyang ginagawa iyon. Ngayon lang naman nangyari ang ganitong bagay. He was always so cool. Pabuntong hininga akong nailing saka bumaling sa kanya. “Get up. I’ll drive you home.” Hindi siya tumayo. Nainis ako kaya hinatak ko siya pero pinalis lang niya ang kamay ko then he stood up and glared at me. “Why are you doing all this? Kalaban mo ako, Althea! Hindi mo dapat ako tinutulungan. Dapat hinahayaan mo akong masira. Hindi mo dapat ako tinutulungan ng ganito!” Hindi ko alam pero nagkusa na lang ang palad kong lumanding sa mukha niya. Hindi naman talaga ako nananampal eh. I just thought that I had to do that to stop him from being so hysterical. “I’m doing this because you’re my partner,” sagot ko sa kalmadong tinig. “Bakit, sa tingin mo libre ito? Ano ka naka-jackpot sa lotto? Asaness kang gagawin ko ng libre ito. Tandaan mo itong mga ginagawa ko. Sisingilin din kita kapag dumating ang tamang panahon.” Hinatak ko siya palabas ng Academy. Hindi siya pumalag sa pagkakataong iyon. Natagpuan ko ang kotse niya sa may parking area kaya isinakay ko siya roon at pinaandar iyon palayo sa school. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagda-drive. “Zero. Napalakas ba?” tanong ko nang mapansin kong namumula ang nasampal ko. “No, don’t mind—” I pulled off. Hinawakan ko lang ang pisngi niya na nasampal ko kanina. He seemed to be shock with the action but I didn’t mind him. Gusto ko lang mapagaan ang pakiramdam niya by cupping this tough but fragile face of his. “Why did I suddenly feel like you’re my responsibility now?” Nakatitig lang siya sa akin. Strange. Pamilyar sa akin ang mga mata niya. So strange. Very strange… “Gusto kong malaman kung anong iniisip mo, Althea.” “Guilty. I made you feel horrible for letting you out of my sight and drinking someone’s blood. I should have stayed.” “Are you… scared?” Ngumiti ako. Paulit-ulit na niyang itinatanong ‘yan pero paulit-ulit ko rin namang hindi nasasagot. “No, I’m not.” “Your hands…” may pagtataka niyang tinignan at dinama ang mga kamay ko. “why are they warm?” He looked down habang idinidiin niya pa ng husto ang mga kamay ko sa mukha niya. Bakit ko nga ba nararamdamang responsibilidad ko na si Zero ngayon? Dahil ba nalaman kong bampira siya? Dahil ba nai-reveal ko ang tunay niyang identity kaya ako nagi-guilty at parang gusto ko na lang siyang ilagay sa kargo ko? Gano’n ba iyon, Althea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD