Curse

3184 Words
Ten Curse   “S-s-s-si Ryle? Kaya niyang mag-compel?” Siniko ko si Cheen. Nagpalinga-linga ako para siguraduhin na walang nakarinig sa sinabi niya. Mukha namang wala dahil tahimik namang naglalakad papasok ng gate ng Academy ang mga students ng Day Class at hindi kami napapansin pwera sa mga lalaking mukhang engot na tingin ng tingin sa akin. “Ssssh. H’wag kang maingay d’yan.” “Sorry naman nabigla lang. Eh teka. Anong balak mo?” Bumuntong hininga ako. Natanaw ko na si Zero sa entrance ng Pentagon na nakatingin na naman ng masama sa akin. Wala talagang kupas. “Wala. Wala pa sa ngayon.” “Ibig sabihin hahayaan lang natin siya? Paano kung i-compel ka niya? O ako? Paano kung malaman niya ang sikreto mo?” “Hindi ako tinatablan ng gano’n, Cheen. Ikaw ang dapat na mag-ingat. H’wag kang hihiwalay sa akin o kaya hindi ka dapat sumasama kay Ryle ng mag-isa. Kung pwede nga lang h’wag ka nang lumapit sa kanya, eh.” Huminto kami sa tapat ni Zero. Hindi na rin nagsalita pa si Cheen dahil nga nand’yan na ang mokong. “Hindi mo ako ipinag-drive kanina.” Ang bungad niya sa akin. “May tutorial classes ako.” Pero ang totoo’y napuyat ako kaya na-late ako ng gising. “Fine. Drive me home later.” “Opo.” Nakita ko siyang ngumisi saka kami nilampasan. Tumawa si Cheen kaya I turned to her. Tinignan ko lang siya hanggang sa tumigil siya. “I can’t believe this, Thees. Driver ka ng mortal mong kaaway. Pero alam mo magandang way ‘yan ng spying.” Maryosep. Sasakalin ko ito pigilan n’yo ako.  “Wala ring kwenta, ‘no. Hindi naman niya ipapakita sa akin ang mga kabalbalan niya. Tuso ‘yang si Zero. Gusto lang niya akong paglaruan. Asaness naman siya, ‘no. Mas matalino ako sa kanya.” “Well good thing naturuan ka ni Mr. Cain na mag-drive no’ng High School ka.” I used to get mails from the post office para kay Mr. Cain kaya para hindi na ako mag-bus tinuruan na lang niya akong mag-drive para magamit ko ang kotse niya. Buti na nga lang talaga marunong akong mag-drive. “Miss Prefect?” Napahinto kami ni Cheen sa paglalakad. Lumingon ako sa tumawag sa akin. She’s a girl na nakabihis ng pang-doctor. That’s when I realized na nasa tapat kami ng infirmary. “Yeah?” Ngumiti siya. “Can you help me out? May mga bago kasing supplies ng gamot na nasa stock room. Gusto ko sanang kunin kaso wala akong katulong. Mabigat din iyon, eh. Would you happen to know someone that can help us?” Agad na pumasok sa isip ko ang halimaw. Si Zero? H’wag na lang. Magrereklamo na naman iyon, eh. Ayoko na kayang masira ang umaga ko dahil lang sa pa-bossy niyang ugali. “Ako na lang,” then I turned to Cheen. “Una ka na sa room, sunod na lang ako. Pakisabi kay Zero magkita kami sa President’s office mamaya.” Tumango siya. “Okay.” Naglakad na paalis si Cheen. Ngumiti ang school doctor sa akin nang balingan ko siya ng tingin. Naglakad siya. Sinundan ko. “Excuse me? Bago ka lang ba?” I asked her. Ngayon ko lang kasi siya nakita rito sa school. Well she’s a face though. Kulot ang buhok niya pero mahaba. Matangkad din siya, kasing-tangkad ko. Fair skin, small face. Ang inosente niyang tignan kapag ngumingiti. “Oo. Nag-resign kasi ang school doctor n’yo kaya ako muna ang substitute.” “So… how did you know that I’m a prefect?” She chuckled. “Your arm patch. That’s a prefect’s arm patch, isn’t it?” Lihim na naningkit ang mga mata ko. Then we reached the stock room. Naglabas siya ng flashlight. Pagkatuntong ko sa loob ay sumarado ang steel door ng stock room. Sumama ang kutob ko. “Kamahalan.” Naramdaman din ni Raikki. Hindi ako pwedeng magkamali. There’s something about this woman. What’s up with her? “Hindi siya. Nasa kanya.” “Hindi ka ba pamilyar sa mga gamot, Miss Prefect?” inosenteng tanong niya na nagpaalerto sa akin. Nasa kanya. What the hell? Kung hindi siya, anong nasa kanya? Anong kailangan niya rito? Si Hydra kaya? Hindi, imposible. Mararamdaman ko iyon kung si Hydra nga ang kaharap ko. Sino ba siya? “Hindi, eh. Wala akong alam sa mga gamot.” “Gusto mo bang turuan kita?” Napatitig ako sa kanya. Sa kabila ng kadiliman, kita ko ang pagngiti niya. Pero katulad no’n nakikita ko rin ang isang bagay na itinatago niya. Galit. Galit siya. Pero kanino? “Sa susunod siguro. Okay na ba ‘yan?” Tumingin siya sa mga box na hinatak niya mula sa mga kumpol ng naka-stock na boxes doon. Pagkatapos ay tumango siya so I helped her lift up the other box palabas ng stock room papunta sa infirmary. “Anong pangalan mo?” nakangiti niyang tanong nang ibinababa na namin ang mga kahon. “Althea.” “Oh. Nice name. As beautiful as you.” Nginitian ko lang siya. “I like your eyes. Contact lens ba ‘yan?” Nahawakan ko ang isang mata ko dahil sa pagpuna niya rito. But then ngumiti ulit ako pagkaalis ko ng kamay ko sa mata ko. “Nope, this is… uhm… my Dad is American so… yeah.” “Ah. By the way, I’m Maria.” Then she smiled. Tumango lang ako and headed out of the infirmary. Hindi na talaga pwede itong ganitong disposisyon ng kapangyarihan ko. I need to find that enchanter. Kailangan na. Hindi na ako pwedeng magpa-easy go lucky sa sitwasyon kong ito. “THERE’S another option.” Napag-alaman lang naman naming wala naman pa lang kakayahang mag-reincarnate ang mga enchanter. Curses made by them can be broken through two options, either if it’s allowed by the Councils or if I kill the one who conceived the cursed talent. Alangan namang patayin ko ang nanay ko? “Raikki!” Bigla na lang siyang lumabas ng wala ang pahintulot ko. Buti na lang may damit na siya nang i-revert ko siya sa Seldom kaya at least nakadamit siyang lumabas ng kwintas. “Sinong may sabi sa iyong lumabas ka? Gusto mo bang may makakita sa ‘yo?” Tumingin ako kay Cheen. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi siya makasigaw. “Oy adik. Kumalma ka. Baka ma-stroke ka r’yan” “B-b-b-bakit may gano’n?” gulat na gulat niyang reaksyon “Gano’n lumalabas ang mga gabay sa Seldom, Cheen. Lalabas sila from the center of my chest as a sphere energy saka magta-transform to which form they want. Quit looking like natalo ka sa kung anong competition.” “Kasi naman, eh. Hindi mo na naman sinabi sa akin.” Malay ko ba naman kasing lalabas ng ganito ka-unexpected itong si Raikki. Malay ko ba. “Raikki,” binalingan ko siya. “Bakit ba bigla ka na lang lumalabas?” Bahagya siyang yumukod tanda ng pagbati bago magsalita. “Patawad, Kamahalan. Ngunit may naisip akong paraan upang maputol ang sumpa na ikinabit sa ‘yo.” Napaarko ang kilay ko. “Talaga? Ano?” “Siya.” Then he looked at Cheen. Nagkatinginan kami ng loka. “B-bakit ako? Sabi ko lang naman may iba pang option, ah.” “Totoo. Meron. Nagsimulang maging ganap ang sumpa nang mamatay ka, Kamahalan. Kung mamamatay kang muli ay maaari ring mabawi ang sumpa na iyon sa pamamagitan ng isa pang nilalang na may kakayahan na gawin iyon.” “Damn.” I whispered while realizing what Raikki said. “Tama. A witch will do. A witch, Cheen!” “E-eh? Hindi ako witch!” “Isa kang witch.” Ngumiti si Raikki kay Cheen. Nahinto si Cheen sa pag-atungal niya. Napatitig siya kay Raikki. Pambihira. May naaamoy akong love affair dito. Asus, dalaga na talaga siya. “H-hindi nga? Seryoso kayo? Witch ako?” “Ang mga librong ito…” Iniligid ni Raikki ang paningin niya sa mga librong nakapalibot sa amin. “Ito na lamang ang ilan sa mga natitirang libro na naisalba mula sa pagkasunog ng dating gusali ng mga ninuno mo, Binibini.” Ampanget pakinggan ng binibini. Hindi bumabagay sa kagaya ni Cheen. “Tawagin mo siyang Cheen. Kadiri ‘yang binibini. Para sa mga mahihinhin lang ‘yan. Hindi naman mahinhin ‘yang si Cheen.” Hinataw ako ni Cheen sa braso. Pinandilatan lang niya ako nang tignan ko siya na nagpatawa sa akin. “Thees, anong sinasabi ni Raikki?” “Ang gusaling sinasabi ni Raikki ay ang dating gusali ng mga witches sa Europe. It was there in early fourteenth to seventeenth century CE. It was burned down when the war between guardians and Lost Society started. Sinunog nila dahil nag-aagawan sila sa kaalaman ng witches sa witchcraft so imbis na may makinabang, sinunog na lang nila para pantay ang laban. May ilan sa kanila na nakapagsalba ng mga libro bukod sa mga buhay na naisalba rin. Ang milyong mga libro na nailigtas nila ay nahati sa mga pure blood witches at naipasa ng naipasa hanggang sa maikalat ito sa buong mundo.” Umakting na mahihimatay si Cheen. Kumuha ako ng libro saka pinukpok sa bumbunan niya. Bigla siyang tumayo. “Aray, ah! Masakit iyon!” “Ang epal mo kasi, eh.” “P-pero…” at muli na naman siyang umatungal. “Mangkukulam ako, Althea?” Ang kulet ng lahi nitong babaeng ito. “To think na may ilang orasyon kang nakabisado, na naturuan kang makipag-usap sa puno at sa hangin, na kaya mong sundin ang mga weird na languages sa mga weird na librong ito, na kaya mong mag-perform ng isang magic sa pagsunod lang sa mga nakasulat dito, na may kakayahan kang makaramdam ng mga negative energy like the ones with Zero… Cheen… hindi ka mangkukulam. Isa kang witch.” “Mukha namang walang ipinagkaiba iyon pero dahil maganda naman ang delivery mo sa dialogue mong ‘yan de sige pagbibigyan kita. Ano bang gagawin?” Kailangan lang palang utuin para pumayag. Gaga talaga ‘to. “Dapat mong baliktarin ang sumpa na sanhi ng pagiging limitado ng kapangyarihan ng Kamahalan,” wika ni Raikki. Nag-isip si Cheen. Mayamaya ay tumayo siya at may kinuha sa kabilang shelf ng malaki nilang library. Pagbalik niya may dala na siyang libro na hinahalungkat niya ang bawat pahina. “Found it! Reversal spell for the barrier. Demon… barrier… shamanic… ability… yes! Ability!” Naghahanap ba siya? “Mouse ashes, black candles, white petals… teka lang, babalik ako.” Tumakbo siya palabas. Tumayo na rin ako. Naghanap ako ng pwede kong magamit sa loob ng library na iyon. “Kamahalan…” “The reason for the petals and candles is… kailangang ihiga niya roon ang patay na katawan ng taong gagawan niya ng sumpa. Kailangan niyang umpisahan iyon the moment I lose my life.” “Kamahalan, kailangang makabalik kayo.” “Makakabalik ako. It’s just that… naninibago ako. Nagsisimula na ang gulo, Raikki. Lalong lalala kapag naibalik ko ang kapangyarihan ko. At mas lalong magiging mahirap sa akin ang tumakas. But then… I don’t wanna run away.” Nahanap ko ang isang baston na nakatabi sa antique collection ng library nila Cheen. Hinugot ko ang top ng baston at gaya ng inaasahan ko, nakapaloob doon ang isang matalas na kutsilyo. “Nakuha ko na—ALTHEA!” Ah paksyet. Ang saket. Pambihira, may tinamaan na naman yata akong lamang loob. Bakit ba ang malas ko kapag ako ang sumasaksak sa sarili ko? Kainis lang. “H’wag ka nang mag-react, gawin mo na ‘yan!” madaling bulyaw ko kay Cheen na nakanganga sa gilid. “S-sure ka? H-Huy… paano kapag namatay ka?” “That’s the point, Cheen. I’m suppose to die para ma-perform mo ng maayos ‘yan.” Idiniin ko ang nakatusok sa tagiliran ko. “Bilis. Ayokong magkalat ng dugo rito sa bahay n’yo.” “Althea—” Kinuha ni Raikki ang mga dala niya. Iniligpit ng keeper ko ang mga nagkalat na libro. Like knowing what to do, he scattered the ashes ng pabilog. Inside that circle, he scattered the remaining ashes in a star shape. After ng initial shock ni Cheen ay kumilos na rin siya at ikinalat ang white petals. Si Raikki na ang nagpaikot ng black candles sa labas ng bilog. He lighted it. Kinakapos na ako ng hininga. Umiikot na rin ang paningin ko. Natamaan ko nga yata ang delicate nerve na nasa tagiliran ko. Oh de ako na ang sharp shooter. HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa sarili ko sa salamin. Sigurado akong naramdaman nila iyon. Naramdaman nilang may dumagdag na mas malakas na kapangyarihang minsan nang nangibabaw sa lahat noon. Ngayon makikita ko na kung sinong mga natirang maghahabol sa kapangyarihan na ito. “OMG! Althea, why did you break your mirror?!” Huh? Napatingin ako sa salamin. Tumambad sa akin ang mga basag nitong piraso. Pambihira naman. “Sorry. May iniisip lang kasi ako.” “Kung tinetesting mo kung nagana na ‘yang nakakatakot mong powers, utang na loob h’wag dito sa bahay mo. Lumabas ka kung gusto mo okay? Kapag ganyan ka ng ganyan mauubusan ka ng gamit, eh.” panenermon niya habang dinadampot ang mga bubog sa sahig. Lumuhod ako para tulungan siyang mag-pulot. “Cheen, salamat sa tulong, ah. You lifted the curse.” Ngumiti siya. “Ako nga ang dapat na magpasalamat, eh. Hinayaan mo akong sumama sa adventures mo. Alam mo namang dream ko ito, eh. Kaya maraming-maraming salamat, Althea.” Ngumiti lang ako then patted her head saka lumabas ng bahay. Gaya ng inaasahan ko, nando’n siya sa harapan ng gate niya at inaabangan ako. “Lumalakas ang senses mo, ah,” puna niya sa akin habang binubuksan ko ang gate ng bahay ko. “Bakit wala ka kanina?” “May ginawa lang akong importante. Ano, sa’n ka pupunta?” “Clique.” Natigilan ako. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya. Why would a monster go in a night club? Why else but to…. Feed. “Hey, hey calm down, Thea.” “Calm down?” nanlalaki ang mga matang ulit ko sa sinabi niya. “You’re telling me to calm down? Hoy, Schneider, ang magpakalat-kalat palang sa lugar na ito hindi na dapat para sa isang kagaya mo. Magpasalamat ka pa ngang hinahayaan kong nakatago ‘yang identity mo, eh. Why would you want to go to Clique?” His palm clenched in a fist habang nag-iwas siya ng tingin sa akin. He looked down saka tumalikod sa akin. “Never mind. Just… just take me out of here. Drive me anywhere. Anywhere just don’t… don’t make me stay here for this night.” Pambihira. Nagi-guilty naman ako. Para siyang isang presong gustong tumakas sa kulungan niya. What could be his problem? Noong isang araw pa siya mukhang pagod na pagod, eh. Ano kayang pinaggagagawa nito? Pinaandar ko ang kotse niya. Walang eksaktong destinasyon, patuloy lang ang pag-andar no’n. Kung saan mapadpad, kung saan makarating. “What’s happening?” Finally. Akala ko hindi ko na maitatanong iyon, eh. “Do you know… how lonely it is to live differently from others? Do you know how? Of course you don’t.” He smirked. “Nabuhay ka ng normal. Nabuhay kang hindi kinatatakutan. Look at you. You dresses fine, you make friends with everyone, you live… you live normally. Everything is fine. Unlike you, I can’t live like that. I live like my every breath is a curse that I have to endure.” Umalingawngaw sa tahimik na kalye ang tunog ng gulong na kumaskas sanhi ng bigla kong pag-apak sa brake. Dahil hindi siya nag-seatbelt, muntik siyang sumubasob sa harapan. Buti nga. Dami kasing sinasabi, eh. “Hey! What the hell!” Bumaba ako ng sasakyan. Umikot ako sa kabilang gilid at binuksan ang pintuan sa side niya. Hinatak ko ang denim jacket niya at hinila siya palabas. We’re on a bridge. Hawak ko pa rin ang kwelyo niya when I made him lean on the bridge’s railing. Malakas ang ihip ng hangin nang oras na iyon. Malapit na kasing sumikat ang araw. “May sayad ka ba talaga sa ulo, Zero? Kung makapag-drama ka sa harapan ko akala mo ikaw na ang may pinakamalalang sitwasyon. Bakit, naranasan mong magutom? Naranasan mong mamatayan? Naranasan mong magkaroon ng ketong? You’re a talent and you’re conceived as a talent! That’s a gift not a curse! Isa pa, timang ka talaga! Driver mo lang ako at hindi shock absorber!” sabay bitaw ng marahas sa kanya. Syet lang. Nakakasira siya ng magandang poise. Nanlalaki ang mga mata niya na parang na-shock sa pagsigaw ko sa kanya. Bumuntong hininga ako at medyo hinihingal ding tumanaw sa may tulay. Nanatili siyang nakasandal doon habang gulat pa rin. “Hindi ako mayaman,” mahinahon kong dagdag ng hindi tumitingin sa direksyon niya. “Hindi rin ako naging special kagaya mo. Minsan lang akong naging masaya. Iyon iyong mga panahong kaya ko pang tawaging pamilya ang mga taong nagpalaki sa akin. Hindi lang ikaw, Schneider. Marami kami. Kaya h’wag kang umasta na parang napaka-unfair ng buhay para sa ‘yo. Bakit, sa amin hindi? Hindi ba?” Hindi siya sumagot. I looked at him. Gano’n pa rin ang itsura niya. Hindi nagbabago mula sa pagkagulat. Iyong mga nakita ko sa isipan niya noong gabing iyon, I was sure it’s his doing. Kagagawan niya ang mga pagpatay na nasa clippings na kinolekta niya. Pero bakit siya nandito ngayon? Posible bang dahil sa cyathea? Dahil nga ba sa cyathea? Hindi, imposible. Hindi si Zero ang tipo ng papatay ng mga tao. Kung gano’n siya, matagal na akong napahamak sa kagagawan niya. But the fact that I can walk towards him and be close to him like this means hindi siya gano’ng klase ng nilalang. “The world is divided with two colors,” tumingin siya sa akin nang simulan ko iyon. “Black and white. Which side do you belong to?” “Both.” Walang kagatol-gatol niyang sagot. “Half black and half white?” tumawa ako. “Ah, dude. We’re in the same boat.” Tumingin siya sa akin. Ngumiti lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD