Friends And Foes

3586 Words
Seventeen Friends And Foes   Nilampasan lang niya ako. Tuloy lang din ako sa paglakad na parang walang nakita pero nang makalayo ay huminto ako at nilingon ko siya. Pinanood ko lang siyang maglakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. “That’s a shame to watch a love one went away.” Nagpanting ang tenga ko. Hindi lang dahil sa sinabi niya pero dahil na rin sa nakakairita niyang boses. Walang lingon akong umismid. “I can kill you right here and right now.” “Oh talaga? De gawin mo.” “I will. Just wait.” pagkatapos ay nilagpasan ko siya. Nagdiretso ako sa classroom. Nando’n na si Cheen, nakikipag-usap siya kay Ryle. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng lalaking ‘yan sa Section namin pero hindi ko na pinansin at naupo na lang ako sa desk ko. “Wala sa mood?” nakikiramdam si Cheen. “Kasi, Thea… sabi ni Miss Belle kailangan daw nating mag-TA sa Section F para sa literature. Magsisimula na ang klase, eh.” Pabuntong hininga akong tumayo at lumabas. Nakasunod sina Cheen at Ryle sa akin. Dala ko na ang gamit ko nang tumuntong ako sa klase ng Section F. Nando’n na si Miss Belle at nag-aayos ng mga gamit niya sa desk nang makita kaming pumapasok. “Mabuti naman nandito na kayo.” Iniabot niya sa amin ang mga libro niya pagkatapos ay pinag-ayos kami sa desk. Dahil siguro alam ni Ryle na mainit ang ulo ko, tinulungan niya akong mag-scatter ng papers sa desk ng mga students. Mayamaya rin ay nagdatingan na ang mga karamihan sa students ng klase nila Ryle. And that includes Stanley. “Thea, usap tayo mamaya.” Tumango lang ako. After all, kailangan ko ring mag-proceed sa plano sa kabila ng nangyari sa amin ni Zero noong nakaraang gabi. I just have to act like nothing happened. Like it’s nothing at all. Basically, para lang kaming nag-aassist kay Miss Belle. Siya ang nagtuturo, taga-abot kami ng kailangan niya. “Now, we will discuss about legendary beasts and folklore para sa project n’yo kay Sir Ed dahil kapag siya ang nagtuturo, ayaw n’yong makinig. De ako na lang.” “Eh Ma’am boring ‘yan, eh!” “Does twilight bore you?” Sigawan. Tuwang-tuwa sila. “Okay. So since nabanggit na rin ‘yan, we will start with vampires. Usually ang nakikita nating mga vampires ay mga ala-prince charming, shining shimmering, gwapo, matalino, bata, kasing-edad n’yo. But vampires in the old times isn’t meant to be like that. Para silang zombies. Though they don’t eat people, they feed through human’s blood. So it’s all the same.” “Eh Ma’am, bakit sa Vampire Diaries hindi naman sila panget? Bakit gano’n?” “It is not necessary for a vampire to have looks and all. Pero ang sabi, kailangan nila no’n para ma-delude nila ang mga victims nila ng walang kahirap-hirap. Now let’s go to compulsion—isa sa mga ability ng mga vampires and other superhuman na malakas ang telepathic power.” All those times ay nakatingin lang sa akin si Stanley na parang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko sa bawat topic na idi-discuss ni Miss Belle simply because he was figuring what am I. Alam kong nahiwagaan na siya sa akin since the day I made him think if I am a vampire or not. “Compulsion is persuasion with force. Some superhumans such as sorcerers and vampires can compel. At most time, pinagbabawalan ang compulsion. Persuasion is allowed but not compulsion.” Pasimple akong dumako ng tingin kay Ryle. Nakikinig lang siya ng tahimik sa desk niya. Nahuli niya akong nakatingin. Ngumiti siya at nag-gesture ng maliit na kaway towards me. Siniko ako ni Cheen. Nakangiti siya nang balingan ko ng tingin. “Nginingiti-ngiti mo r’yan?” pabulong kong tanong sa kanya. “Anubey. Edi si Fafa Ryle. Tignan mo naman oh. Mas matamis pa sa caramelized brown sugar ang pagkakangiti sa ‘yo. Aysus, aminin, Thees. Kilig to the bones and tagos to the atay and balun-balunan ka, ‘no?” Sarap sampilungin ng maharot na babaitang ito. NASA Villa kami ni Stanley. Doon kami nag-uusap habang nakaupo sa staircase ng stage. And for some mind-boggling reason, wala akong nararamdamang bad vibes sa kanya. I could sense that he’s not one of my enemy. Nasisiguro ko iyon. “So what you are… is that something I can’t know?” Ngumiti ako ng malamya. “Maybe, maybe not.” “Look, Thea, I’m not here to harm anyone. Neither Zero or his brother. But that’s unless they provoke me. Kaya humihingi ako ng tulong sa ‘yo. As a prefect may kapangyarihan kang kontrolin ang mga nangyayari sa school. You can prevent fatal events to happen if you’ll just cooperate.” Napahinga ako ng malalim. Sa loob-loob ko, wala naman na talagang silbi kung po-protektahan ko pa si Zero. Sinong matinong tao ang po-protekta sa kaaway mo? Pero kung bakit ba naman kasing may parte sa akin na nagsasabing kailangan ko siyang protektahan. Kailangan kong gawin ang lahat para sa ikabubuti niya. What’s up, mehn? Hindi ko maintindihan. “What do you plan to do, Stanley?” “Observe the Schneiders. I’ll be hands off with matters concerning the whole school pero ibang usapan na kapag may nasaktan. Just… just let me  handle matters involving those two.” “Fine. But it doesn’t mean I’m letting you kill Zero.” Napatingin siya sa akin. “Why are you protecting him? Why are you protecting a vampire?” Hindi ko sinagot. Or rather hindi ko nasagot. Hindi ko rin kasi alam, eh. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. May mga times na nagsisisi akong hindi ko nagawang magpaliwanag. May mga times na pinagsisisihan kong hindi man lang ako pumalag nang sigaw-sigawan niya ako. Minsan iniisip ko nagiging tanga na rin yata ako. Hinahayaan ko lang na mangyari ang mga gano’n. Dammit, Althea, why are you like that? What’s up with you? Nag-decide kami ni Stanley na pumunta ng cafeteria. Kaso hindi kagandahan ang bumungad sa amin ni Stan pagpasok namin. May umabot pa ngang tray sa direksyon namin at tatamaan pa sana ako kung hindi lang sinangga ni Stanley iyon.  “Syataaaaaaaap!!!” Tumigil sila at nagtinginan sa pintuan. At ang una kong nakita ay ang kumpol nila Zoe, Tale, Zero, Cyrus at kung sinu-sinong naka-varsity jackets ang nakaupo sa isang pabilog na table at panay nakangising pinanonood ang komosyon. Ang bida? Walang iba kung hindi sina Cheen at Jess na pinagbababato ng kung anu-ano. Tinutulungan na sila ni Ryle dahil tambak sila ng kung anu-anong pagkain at mga nagkalat na tray. “Shoot.” Si Stanley iyon na tumulong din kina Cheen para itayo sila. Lumapit ako sa kinaroroonan ng mga nakaupo sa table at hinugot ko lahat ng mga ID nila. Ang nakakainis lang, nakangisi pa rin si Zoe nang hugutin ko ang ID niya which I ignored to keep my calm. Pagdating sa ID ni Zero, walang reaskyong pinigilan niya ang kamay ko sa paghatak sa ID niya at tila naghahamon na tinitigan ako. Doon na sumabog ang pasensya ko. Mula sa pagkakahawak ni Zero ng kamay ko, binaligtad ko iyon para mawalan siya ng kapit at hinatak ko ang necktie ng uniform niya. S’yempre he was forced to kneel down kaya tinuhod ko siya na saktong tumama sa mukha niya. Dumugo ang ilong niya. Doon ko na lang hinatak ang ID niya. “I-detention mo ang sarili mo, Thees.” Zoe’s tone was taunting. “Bawal manakit sa Saint Claire.” “Zip your mouth, I don’t need your opinion, you’re not a f*****g prefect.” “I’m a prefect.” Sabad ni Zero. “I don’t care and I’m not talking to you. Don’t worry, you’re close to being an ordinary student, Schneider.” Saka ko hinatak ng walang kahirap-hirap ang ID ni Cyrus. Tumalikod na ako pero hindi ako satisfied kaya inihagis ko rin sa kanila ang mga nakalagay na trays na may lamang order na foods sa may counter ng cafeteria. Pinasunod ko sina Cheen sa washroom para makapaghugas. Pinasuyo ko naman kina Stanley at Ryle ang mga extra shirts uniform nina Cheen at Jess sa locker hall. “It’s Zoe, Thees. I heard Zero contradicting her pero wala na siyang magawa when Cyrus agreed. Thees, hindi kasama roon si Zero.” Giit ni Cheen na inilingan ko. “Wala akong pakialam.” “Pero, Thees naman, eh. Hindi pwedeng basta-basta ka na lang nagja-judge ng wala namang kasalanan.” “Cheen, hindi mo ba naiintindihan?” napasigaw na ako dahil sa galit ko kanina na hindi na-satisfy. “Zero’s not an ally anymore! He’s Zoe’s! Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo kagabi? The battle’s starting and we cannot trust anyone who’s going against us! We don’t have the same enemy and we don’t have the same goal anymore too!” Biglang may kumalabog mula sa labas. Nagulat pa si Jess kaya nahulog niya ang uniform niya na hinubad niya. Nagkatinginan kaming tatlo. Sakto namang may kumatok din sa pintuan. “Thea? Heto na iyong uniform.” Boses ni Ryle. Bahagya kong binuksan ang pintuan para maiabot nila ang mga uniform. Sumilip din ako para makita ko silang dalawa. “May nakasalubong ba kayong galing dito?” tanong ko kasi malamang nakasalubong nga nila iyon dahil minuto lang naman ang pagitan. “Ha? Si… Zero nakita namin kanina pero hindi ko alam kung galing dito.” Napatingin ako kay Stanley. He looked at me with the you-know-what’s-next look. I hate this life. I hate it! NIGHT Class. Ilaw na lang sa detention room ang nakabukas. Iniwanan ko ring naka-open ang pintuan no’n para makapasok sila habang inaayos ko ang klase sa Section D. Pagbalik ko roon, nakaupo na silang lahat sa loob. Matalim ang tingin sa akin ni Zero pero s’yempre hindi ko pinansin. “What kind of a prefect you are, Althea? You’re abusing your power. Akala mo dahil lang sa ikaw ang inilagay ni Mr. Cain sa position na ‘yan tatagal ka? Magrereklamo kami. Sisiguraduhin kong mawawalan ka ng ipagmamayabang!” “Quit the blah-blah-blahs. Manahimik ka, nag-iisip ako ng ipapagawa ko sa ‘yo.” Narinig kong tumawa si Cyrus. Nakasandal ako sa may wall na katabi ng pintuan at nakahanukipip habang nag-iisip ng punishment. Nakayuko ako at nakapikit kaya senses ko lang ang ginagamit ko to determine their moves. “Mas makabubuti siguro kung maihihiwalay mo sila sa mga mag-aaral, Kamahalan.” Siguro nga. Baka nga kailangan nang magkaalamanan. Tutal ito rin ang bagsak no’n, eh. Magpapatagal pa ba naman? “Zero, Cyrus, Zoe, sa race track. Fifty laps around the oval, sixty push ups, twenty elephant spins. Iyong mga natira maiwan dito, magsulat kayo sa isang whole intermediate pad. Lagay n’yo ‘I’m such a loser’ punuin n’yo isang pad saka kayo mag-push up. Out!” Napipilitang lumabas sina Zero, Cyrus, at Zoe. Sumunod ako. Ni-lock ko ang pintuan ng detention para walang makalabas. Sinundan ko silang tatlo. Nakikita ko ang pagngiti ni Zoe habang palabas ng Pentagon. “Say hello to Raikki for me, Cyathea.” “He says go to hell.” “Drag me.” “No worries, Hydra. I will. Soon, I will.” Hindi pa nakakatuntong ng oval ay napaluhod na si Zoe. Tumatawa pa rin siya and that alone irritates me. Susugod sana si Cyrus when someone shot him from the back. Gaya ni Zoe, napaluhod siya. Nakita ko si Stanley na nakatutok na ang baril kay Zero habang lumalapit. Nanggaling naman sa likuran ko si Ryle na tumatakbo rin. “Allies. Very good. Now I think the hand is fair, isn’t it, Cyathea?” “Mukhang hindi. I don’t think your allies know who you really are.” Tumawa siya. In between her laughs ay lalo ko lang pinalala ang kalagayan niya. I thought of throwing her away and so my eyes did what I thought about. Humagis siya sa may gitna ng oval. Nilalapitan ko siya as the wind blew and the trees swaying along na parang may bagyong paparating. “Hindi ka pa rin nagbabago. Matigas pa rin ang ulo mo, Cyathea!” “Alam mong wala kang magagawa.” “At Alam mo ring hindi mo ako kaya.” Yes. Not until that moment… Pero sa kabila niyon ay ipinilit ko pa ring saktan siya at pagdusahin sa sakit kahit alam kong hindi iyon ang magiging katapusan niya. Gustong-gusto ko siyang patayin. Gustong-gusto ko siyang patayin at pahirapan ng husto hanggang sa lahat ng hirap na idinulot niya sa akin ay maibalik ko sa kanya. “Althea! Tama na, Althea!” Humarang si Zero sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya. “Stop or else, I’m gonna hurt you.” Nakikita ko na ang pulang bagay na humaharang sa mga mata ko. Not so long ay nasapo ko na ng isa kong kamay ang kaliwa kong mata. Nang ibaba ko iyon para tignan, nakakita na ako ng dugo sa palad ko. Tumalikod akong hawak ang mga mata ko. Narinig ko ang paglapit ng dalawang tao mula sa hindi kalayuan. Hinigit naman ni Zero ang isa kong kamay and he was forcing me to turn to him pero pinipigilan ko. “Darn it, Althea, don’t hold it off!” sigaw ni Ryle. Lalong tumindi ang pag-agos ng dugo mula sa mga mata ko kahit pa parang gusto kong pigilin iyon by holding my eyes. “Tama na. Ano bang nangyayari sa ‘yo!” Pakiramdam ko’y umiiyak ako. Sa likod ng paningin ko ay nakita kong nakahandusay na si Zoe sa gitna ng oval. Walang masakit. Umiiyak ako ng dugo pero walang masakit. “Bitawan mo ako.” Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko mapakalma ang sarili ko dahil sa sobra-sobrang galit na nag-uumapaw at naghihintay na maibalik ko sa babaeng iyon. “Althea!” May naramdaman akong humila sa akin mula sa hawak ni Zero. He clasped me in his arms na parang itinatago ako sa mula sa kung kanino. At ang huli ko na lamang nakita ay si Stanley na nakatutok ang baril kay Zero at ang mukha ni Ryle na nag-aalalang nakatingin sa akin. NAGISING ako sa pinaghalong ingay nila Cheen at Stanley. Natagpuan ko si Ryle sa tabi ko na nakatulog na rin sa kamang hinihigaan ko habang nakadantay ang kamay niya sa may mukha ko. Marahan akong bumangon at pinagmasdan lang siya. Nasapo ko ang noo ko at mariing napapikit. Ryle had always loved me. Matagal ko nang alam ang katotohanang iyon but instead, binalewala ko at pinilit kong itulak siyang palayo even until now. Dahil iyon sa iisang tao. Si Zoe. Alam kong ikasisira ng pagkakaibigan namin ang maging isang hadlang sa pagkakagusto niya kay Ryle. Pero ang labas, kinokompetensya lang naman talaga niya ako. And I let Ryle get hurt with that simple stupidity. “Oh gising na pala si Althea.” Narinig kong anunsyo ni Stanley na hula ko ay sumilip sa pintuan. Binalingan ko na sila ng tingin. Alam ko kasing magigising na si Ryle. Papalapit na sa akin sina Stanley at Cheen na may kanya-kanyang hawak na spatula na ewan ko kung para saan. “Thea. Okay ka na?” kinapa-kapa ni Ryle ang noo ko saka iniharap niya ang mukha ko sa kanya. “Anubey. Oh de kayo na matamis.” Wala talagang kupas itong si Cheen. “Okay lang ako. Did I pass out?” Tumango silang tatlo. Binitawan na ako ni Ryle. “Just as I thought. But don’t worry, it always happen.” Cheen lightly tapped my head using the spatula na hawak niya at ngumiti siya. “May bago ka nang kakampi. And these two have the same enemy as you.” Napatingin ako kay Ryle. Napatungo lang siya. Well si Stanley baka maniwala pa ako. Pero si Ryle? Kaaway si Hydra? Si Hydra na nasa katauhan ni Zoe? Hindi nga? Seryoso? “Weh?” Ngumiti siya saka tumingin sa akin. “I have this… this certain power. Ever heard of geas?” “Geas? As in geis? Iyong taboo?” “Yes and no. Myth says it’s taboo in exchange of immortality and safeness. Close to that. But still, no.” Hindi ako sumagot. Lahat kami nakikinig lang sa kanya. “Sa ibang timeline, post apocalyptic na ang mundo nang dahil sa kagagawan ng isang kemikal na pinag-eeksperimentuhan ni Hydra. Wala na halos mga halaman. When you breathe that chemical, wala pang segundo mamamatay ka na. And so, it was like an animated world full of masked people because of the polluted air. You were… there.” Napakunot ako ng noo sa sinasabi niya. “Nagpumilit kang mag-sacrifice para maipanganak ako sa timeline na ito and bestowed me a power to destroy Hydra in this timeline para hindi na maulit pa ang nangyari sa mundong iyon. The power is called geas. Pero dito, geis ang tawag nila.” “It’s geis. Geas and geis are the same. If it wasn’t taboo de ano pala?” “Power to compel and persuade.” Natigilan ako. naalala kong nasabi nga ni Zero na kayang mag-compel ni Ryle. “But I’m associated with fire.” Edi lalo nga akong natigilan. Ang alam ko lang para akong engot na nakabuka ang bibig pero walang lumalabas na salita sa akin. “Teka lang, tol, nalilito na ako.” Sabad ni Stanley na bumasag sa katahimikan. “So kung titignan mo ako sa mata at uutusan mo akong patayin ko ang sarili ko, gagawin ko iyon?” “Alam mo dapat ‘yan. Sorcerer ka.” “Oo pero banned ang compulsion sa amin. Buhay ang mababawas sa amin kapag gumamit kami ng compulsion. We use pure persuasion but not compulsion like yours and Thea’s.” Close kami? Naka-Thea siya. “So…” I cleared my throat. “So all this time nakadikit ka kay Zoe dahil alam mong sa kanya magre-reincarnate si Hydra? Pagkatapos binalak mo siyang tapusin bago pa man magising si Hydra sa katauhan niya? Gano’n?” Tumango si Ryle. Wala sa loob na nasapo ko ang noo ko. Alam ni Ryle kung bakit. Pero sina Cheen at Stanley, takang nakatingin sa aming dalawa. “B-bakit? Anong meron?” clueless na tanong ni Cheen. Bumuntong hininga ako at seryoso silang hinarap. “Walang kapangyarihan si Hydra. Pero ang tanging ginagamit lang niya, ang utak niya. Nililinlang niya ang mga tao para maging kakampi niya. Marami siyang alam tungkol sa mga gamot at kung anu-anong lason. Pero wala talaga siyang kapangyarihan. Ang tanging bagay lang na nagiging problema…” Pinasadahan ko sila ng tingin. Naghihintay sila sa sasabihin ko. Si Ryle ay nakatungo na lang na malamang na malamang eh alam na ang sasabihin ko kung talagang nakabantay siya para patayin si Hydra. “…hindi natin mapapatay si Hydra hanggang hindi pa nagiging ganap ang pagkain niya sa katauhan ni Zoe. Until then, hihigupin lang niya ang mga ibabato natin sa kanya na lalong magpapatagal sa proseso niya.” Tumakbo si Cheen palayo. Narinig ko na lang na sumusuka siya. Walang reaksyon ang dalawang lalaking naiwan kasama ko. “Habang hinihintay na mangyari iyon, kailangan n’yo akong tulungan.” Napatingin sa akin ang dalawa. Nginitian ko lang sila. “Tulungan saan?” tanong ni Stanley. “Tulungang hanapin ang sacred sword na pumatay sa akin noon. If I have that sword, everything will go as it is. Hindi na tayo mahihirapan kay Hydra. Pero kapag nauna niyang naalalang hanapin iyon, tayo ang malalagot. Minsan nang napasakanya ang sandatang iyon. Minsan na niyang tinapos ang buhay ko gamit iyon. At kapag nangyari ulit iyon, wala nang Cyathea ang mabubuhay sa ibang panahon o sa ibang timeline dahil hinding-hindi na ako mare-reincarnate ulit.” Nagkatinginan silang dalawa. Tumayo na ako at sinundan si Cheen sa kusina. Kasalukuyan siyang umiiyak. Hinagod ko ang likuran niya habang umiiyak siya sa may kitchen sink. “Si Zoe, Thea… bakit?” “Nagpalamon siya sa inggit, Cheen. Hindi mabubuhay si Hydra sa kanya kung hindi niya hinayaang kainin siya no’n. Wala siyang ibang sisisihin kung hindi ang sarili lang niya. Gusto niya ang lahat, Cheen. At walang pinipiling tirhan si Hydra kung hindi ang mga pusong puno ng paghahangad ng mga hindi dapat.” Tumigil sa pag-iyak si Cheen at yumakap sa akin. Sabi nga nila, you should know your friends and your enemies. Because more often than not, nagiging kaaway mo ang mga kaibigang minsang pinaniwala kang isa kang kaibigan para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD