A Twin Trouble

3813 Words
Sixteen A Twin Trouble   I would’ve wanted the peace in my house rather than going to Crescent at makipag-away na naman kaso nagpipilit si Cheen. Inimbita kasi kami ni Zero para roon mananghalian at tumambay dahil walang pasok. Ayoko sana. Kaso hinahatak na ako ngayon ng loka-loka kong supah friend papasok ng malaking bahay ng mga Schneider. “Cheen, umuwi na tayo. Alam mo namang malaki ang galit sa atin ng bahay na ito, eh.” Kaladkad. Kaladkad. Kaladkad. “Gusto ko makita mo ulit iyong lalaki na sumakal sa ‘yo para ma-judge mo siya. I personally think he’s cute.” “De sa ‘yo na. Ayoko rito uy!” “Ano ka aning? Hindi mo ako pwedeng iwanan dito ng mag-isa. Nakakatakot kaya iyong lalaking iyon. Mas nakakatakot siya kay Zero. At saka paano kung pagpyestahan ako noong dalawang iyon?” “Kaya nga h’wag na tayong tumuloy, eh!” “Okay lang kayong dalawa?” Huli na para mag-back out. Dahil sa biglang pagsulpot ni Zero sa doorway eh nagkalakas ng loob lalo si Cheen kaya hinila ako ng bongga. Sinundan niya si Zero habang kinakaladkad ako ng kinakaladkad sa sobrang laki na bahay ng bampirang ito. “Why’d you ever took a house this big eh dalawa lang naman kayo?” nakakunot-noo kong reklamo. “Family heirloom.” Matipid niyang sagot. “Ah.” Dinala niya kami sa kusina niyang super laki rin. Huminto si Cheen sa pagkaladkad sa akin at binitawan ako. I had the chance to look around pero naputol iyon nang lumitaw si Cyrus sa kitchen curtain at nakatingin ng masama sa akin at kay Zero. “Cyrus. Akala ko ba hindi ka lalabas?” “Well I smelled a lovely scent and I thought of going out to have a check. Women.” Heto dapat ang hina-hunting, eh. Impression ko kay Cyrus? Hard to get along. Mas drastic at mas tricky. Zero isn’t the good guy pero hamak na mas mabait siya at madaling pakisamahan kaysa kay Cyrus. You can’t read Cyrus’ thoughts easily. Kapag siya ang tinabla mo, para kang nakikipaglaro sa apoy. “So… you’re here to cook for us, ladies?” “Si Cheen lang.” Baka lasunin pa kita. “Ah, then you’re going to be with us in the living room, right Zero?” he was grinning. Tumingin ako kay Zero. Well actually titingin pa lang sana nang bigla na lang siyang nag-flash towards Cyrus at marahas na hablutin ang kwelyo ng itim na polo na suot nito. He pushed him against the kitchen barrier still holding his collar. “You’re not gonna do anything today, Cyrus.” “Inuutusan mo ba ako, Zero?” Pareho silang tuso. Deym. It sure sucks to be their siblings. I wonder kung may iba pa silang kamag-anak. Kasing-tuso rin kaya nila ang mga iyon? Pamilya ng mga pure blood na tuso? Oh jeez, ayokong maging kamag-anak sila. “Cyrus, please. Just stay in your room.” Zero said with gritted teeth habang kinukwelyuhan pa rin si Cyrus. “Bahay ko rin ito. May karapatan akong lumabas kung kailan ko gustuhin. Let go. I won’t hesistate to kill you once you do this again.” Tinanggal niya ang kamay ni Zero sa kwelyo niya saka nag-walk out. Sinuntok ni Zero iyong pader. I can tell na hindi sila magkasundo no’n. Kapatid niya ba iyon? Hindi sila magkamukha. “Hey, it’s okay. I can handle stubborn vampires.” Lumingon siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at ang pagkairita sa naganap. “Sige na, doon na kayo.” Nakangiting pagbasag ni Cheen sa tensyon. “Ako nang bahala rito. Tatawagin ko na lang kayo kapag ready na ang lunch.” Naunang umalis ng kusina si Zero. Sinundan ko siya. Hula ko’y sinadya niyang hindi bilisan ang paglalakad para masabayan ko siya. Maraming pasikut-sikot na likuan sa buong bahay ng Crescent. Sobrang luwag ng bahay na ito up to the point na nakakaligaw din kapag hindi ka sanay. Nakatatlong likuan nga rin kami bago marating ang sala nila. Ayoko ng ganitong bahay. “Magkapatid ba kayo ni Cyrus?” tanong ko nang maupo kami sa couches nila at bigyan niya ako ng juice. Siya nga sosyal eh. Naka-brandy ng tanghaling tapat. “Parang.” Parang daw? Adik lang siya? “Parehong Schneider ang apelyido n’yo. Ano ba kayo, magpinsan?” “Hindi na oo. We share the same Mom.” Kumunot ang noo ko. “Huy isplika mo ngang mabuti. Para ka namang baliw n’yan, eh. Anong hindi na oo? Pa’nong you share the same Mom?” “Vampires are beasts. In any way, they live like beasts. Royal blood ang parents namin ni Cyrus. There were three of them na siblings sa clan at mga successor ng Schneider. With beasts, they marry their siblings. Dalawang lalaki, isang babae. My Mom married Cyrus’ father which was the eldest of the three siblings but she had an affair with the other one which happens to be my father. So she bore both me and Cyrus in her because of that.” Naloko na. Shemay. Sa’n ka nakakita ng tinutut ang kapatid? Pero sabagay, bampira sila. Kahit nga sina Hera gano’n din, eh. Makapagparami lang talo-talo na. Kaso kinilabutan pa rin ako. Sa paningin ko naman kasi hindi hayop si Zero. Tao siya. Nakasanayan ko na lang din sigurong tratuhin siyang tao kaya nangingilabot ako. “So basically you’re twins.” I concluded after ng nakakabinging katahimikan dahil sa hindi ko pag-imik kanina. “Twins in a vampire clan are taboo.” “Eh? Ano nga?” “Sabi kasi nila hindi pwedeng mabuhay ng sabay ang kambal na bampira sa parehong panahon. So I have to come out first and they have to kill me because they chose Cyrus. My father didn’t agreed so he stole me from the elders and brought me somewhere. Since my father is the one who my Mom had really love, sinundan niya kami after six years. But Cyrus killed her. And so… we really don’t call ourselves as twin. We both hate it.” Umalingawngaw sa living room ang mabagal na palakpak na nanggagaling sa likuran. Hindi tumingin si Zero sa pinanggalingan ng palakpak sa halip ay itinungga lang niya ang baso na may lamang alak. Ako ang tumingin sa papalapit na si Cyrus who was grinning at me na parang nagpapa-kyut na ewan. Maryosep. “Very well. Mukha nga talagang napaka-importante sa ‘yo ng babaeng ito para ipaalam sa kanya lahat-lahat ng isinisikreto mo.” Lumigid siya sa couch na kinauupuan ko kaya napunta siya sa may likuran. Pamilyar sa akin ang amoy na nanggagaling kay Cyrus habang nararamdaman kong papalapit siya ng papalapit sa likuran ko. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa may kaliwang pisngi ko which indicates na malapit na malapit na ang mukha niya sa akin. “Uh… will you get your face off fron mine?” Tinignan ni Zero ang direksyon ko na kaharap lang niya. Para akong na-taken aback sa nakita ko. Iniangat niya ang mukha niya mula sa pagkakainom sa brandy. He looked at me with his dreamy eyes na dala na rin siguro ng reaksyon ng bagong pag-inom niya ng alak. Gets n’yo ako? Iyong tipong itsura kapag kakatapos lang tumungga saka malalim ang mga matang titingin sa ‘yo. Malalim, matalim pero dreamy. Mali itong iniisip ko. Wahaw nemen! Don’t tell me na-attract ako roon? Impossible. Beri beri strawberry blueberry cherry impossible. “Cyrus.” May warning tone na halo ang pagbanggit niya sa pangalan ni Cyrus. He got off my face with a grin pero umupo naman ang kumag sa tabi ko at nananadya pa talagang umakbay ng bongga sa akin. “Since nagku-kwento ka na rin naman, why don’t you tell Althea about your adventures here in Sunny Dale decades ago?” “Tumigil ka na. It’s not funny.” “I wonder why you’re protecting this girl. Nga pala, mukhang masaya sa Saint Claire kaya nag-enroll na ako. Hey, sweetie.” Bumaling siya sa akin. “Do you like me studying there?” What exactly is he doing? “No.” Tumawa lang siya. Baliw ba ito? “As I thought. Gaya ng una kitang makita, you’re still different from others.” Parang engot naman ito oh. Ginagamitan ba niya ako ng charisma niyang wagas kung makasabog? Kainis lang. ZERO? Well he’s the kind of guy na mukhang mabait pero sobrang sungit. Like when he starts talking matatakot ka na at hindi mo na siya kakausapin forever. Pero itong kwarto niya, it was like it’s telling me something different about Zero. Na parang sinasabi nito na mabait si Zero at isang smooth going na gentleman na hindi marunong manakit ng kahit na sino. “I love your room.” Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot at saka malaking kama. Nanunuod lang siya sa akin sa may pintuan na kakasarado lang niya. Tumalon-talon ako sa ibabaw ng kama niya. Talon, higa, talon. It’s confirmed. Ako na nga ang baliw.  “What do you think about Cyrus?” Naupo na ako pagkatapos ng seryoso niyang tanong. Naiwan pa rin ang traces ng tawa ko pagkaharap ko sa kanya. “Cyrus? Why do I have to think about him?” “Pure blood siya. Pwede mo siyang maging kakampi. Two heads are better than one.” Ngayon ko lang na-realize. Pang-basag trip din pala ang laging nakabanggit ng about strategies and everything na may kinalaman sa kapangyarihan. Iyong tipong palakasan. Para kasing wala na akong hangin para langhapin pa na hindi nababahiran ng mga ganitong usapan. “Pwede bang h’wag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa cyathea o sa mga pure blood? Nakakasura na, ‘no.” “Nakaka… sura?” “Nakakasura means nakakasawa. Nakakaumay.” For a moment of silence matapos ng sagot ko, nakatitig lang siya sa akin. Nakakunot na ang noo ko pero parang hindi niya napapansin. Usually kapag gumaganti ako ng tingin, nag-iiwas na siya. Pero ngayon hindi. Ang weird niya ngayon, ah. “Z-Zero? Uh… handa na yata ang lunch. Taralets, labas na tayo.” makaiwas lang. Tumayo na ako at tipong lalampasan na sana siya na nakatayo sa may pintuan pero hinatak niya ako and then hugged me from the back. I was facing the bed from afar dahil nang hilahin niya ako kanina ay napabalik ako. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na unti-unting lumalapit sa batok ko. I heard the door shut behind us. Iyong matulis na bagay na iyon. Sa maraming pagkakataon ay muli ko na namang naramdamang tumutusok iyon sa leeg ko. And the deeper it is buried deep in my skin, the tighter his hands were grasping around my hips. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang niyang ginagawa ito. Two times na siyang sumusulpot out of nowhere at iniinom na lang ang dugo ko ng walang paalam. The first time na nangyari iyon ay sa auditorium. Ngayon naman dito. Samantalang dati ayaw niya ng dugo ko. Sapakin ko na kaya ito? Echos lang. Hayaan na nga natin siyang mag-enjoy sa ginagawa niya. “Lunch is ready!” Nakaalis kami sa kwartong iyon nang walang imikan. Hayun, we started helping Cheen sa paghahain. Sumabay din si Cyrus sa pananghalian. Ramdam ang tensyon sa rining table nang mga oras na iyon kahit patuloy lang kami sa pagkain. Walang nagsasalita. Kaya nagsisikuan lang kami ni Cheen. “I was wondering, Zero. Nagkukunwari ka lang bang gutom para maitago mo sa aming satisfied ka na sa lunch mo kanina?” Nabitawan ni Zero ang utensils niya. Ako’y walang reaksyon. Ngumunguya lang. Automatic na bumaling ang tingin nilang lahat sa akin. Hindi ako umimik. I just simply shrug habang ngumunguya. Cyrus smirked. “Lucky you, Zero. Free supply of blood.” Ginawa pa akong supplier. Buset sagad. “Stop bitching.” Zero said na halatang galit na. “What? I’m just saying. Muntik na nga akong sumugod sa kwarto mo kanina, eh. Ipinaamoy mo lang naman kasi ang super bangong amoy ng dugo ni Althea that it makes me… want her too.” Doon ako nabilaukan. Inabutan ako ng tubig ni Cheen. Nakita kong ngumiti si Cyrus. Zero stood up and walked out na nagdadabog. Naiwan kaming tatlo with Cyrus still grinning like a fool. Damn. He’s dangerous. “AY ANAK ka ng magulang mo!” Humagalpak si Stanley. Pinulot ko ang mga nahulog na books galing sa locker ko. Ibinalik ko iyon doon after kong mapili ang mga kukunin ko for the next class mamayang after lunch. “Sorry. Did I surprised you?” “Obvious? Ano bang kailangan mo?” “Oooh,” he cooed. “straight to the point, I like that beybeh.” Ugh! He’s the type of guy na mukha lang syo-syonga syonga at naglalaro lang pero mukha ring seryoso sa buhay. Paraan lang niya ang pagiging playful niya para linlangin ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nababasa ko kay Stanley. And I have to admit. Mahirap basagin ang shield niya. “Really, dude. What do you want?” “Itatanong ko lang sana. Bakit mo nga pala kasama iyong lalaking prefect? I mean… wala ba siyang ginagawang masama? Okay, I sound weird, ‘no? Teka…” Nag-iisip siya. Naintindihan ko iyon. Kung anong gusto niyang iparating. Anong meron? “You’re talking about Zero?” Tumingin siya sa akin ng seryoso. Naglakad ako. Sumunod siya. Alam niyang pinasusunod ko siya. Diniretso ko siya sa detention. Ini-lock ko ang pintuan pagkapasok niya. “So…” “You’re a hunter, am I right?” Nilingon ko siya ng may ngiti. Bahagya siyang napaatras at hindi makapaniwala pero agad ding nakabawi then smiled at me na unti-unting nauwi sa pagtawa niya. “Wow, may kapareho ba ako? Ano ka, Althea? Uh let me guess. Witch? Teka mukhang hindi. Uh… wolf? Sorceress? Mage? Shape shifter? An enchantress? Nymph?” Nymph? Mukha ba akong nymph? Ang ganda kong ito? Nymph? Abnormal ‘to ah. “Shut up. What if I’m a vampire myself? You’re a vampire hunter, right? You’re looking out for a Schneider, right? So kanino mo nalaman? Sa Sector? Sa mga Anderson?” His face slowly turned cassual. Napangisi ako. Just then ay may kumatok sa labas ng pintuan ng detention. Naglaho ang atmosphere. Tsk. I was this close to swearing in front of a man! “Thea? Ikaw ba ‘yang nand’yan?” Si Zero. He was trying to open the door. Hinayaan ko na lang dahil alam kong may duplicate siyang susi as a prefect. Nakapasok siya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Stanley pero mayamaya ay hinatak niya akong palabas diretso sa may hagdan. Hinahatak niya ako pataas. Hindi ako umiimik. Mukha kasi siyang galit. Dinala niya ako sa rooftop. Tumingin siya sa akin with the most lethal eyes I’ve ever seen in my whole life. “Why are you with him? Tina-traydor mo na ba ako, Thea? Are you finding someone who can help you eliminate me? Are you teaming up with that bastard now?” Alam kong naka-open ang bibig ko pero walang kahit na anong salita ang lumalabas doon. Ewan ko kung bakit. Na-mute ata ako. Bagay na napansin ni Zero kaya bahagyang nagbago ang itsura niya na tila nagsisi sa nasabi niya sa akin. “S-sorry… sorry.” saka walk out. Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan si Cheen habang bumababa ng hagdanan mula sa rooftop. “Thees, where na you? Dito na us sa cafeteria.” “Anong salita ‘yan?” napailing ako. “Anyway h’wag d’yan sa cafeteria. Sa field ka dumiretso, papunta na ako.” “Huh? Ano bang problema? Teka, nag-lunch ka na ba?” “Hindi pa nga, eh. Ikuha mo na lang ako ng food.” “Sige.” Call ended. Diretso ako sa track field na medyo may kalayuan din mula sa Pentagon. Naroon na sina Cheen at Jess na nakaupo sa benches na nakahilera sa gilid. May mga dala silang foods. Tumakbo ako patawid ng race track para puntahan sila. “Hello, Althea.” bati ni Jess pagbungad ko. Nginitian ko lang siya. “Mind if I talk to Cheen personally?” Tumango siya saka bumaba sa bench at naglakad-lakad sa paligid ng track field. Umupo ako sa tabi ni Cheen habang binubuksan ang sandwich na binigay niya sa akin. Nakatingin lang si Cheen. “Nagi-guilty ako.” “Bakit?” Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng ulo at sinalaksakan ng sandwich ang bibig ko habang bumubuntong hininga. Oha. Ako na ang magaling sa multi tasking. “Tanda mong sinabi ko sa iyong may hindi magandang aura si Zero kay Stanley Reed? Apparently I confirmed na he’s a hunter. Nakita ni Zero na magkasama kami. Nagalit siya dahil ang akala niya tina-traydor ko siya so he walked out on me after niya akong sigawan.” “Anong sinabi mo sa kanya?” “Hindi nga ako nakasagot, eh.” Binatukan niya ako ng malakas. Muntik pa akong masamid dahil doon, mabuti na lang nalunok ko agad. “Aw nemen! Masakit iyon, ah.” “Para matauhan ka. Hindi ka pala nakapagsalita pagkatapos sasabihin mong nagi-guilty ka. Akala ko naman ginamitan mo ng cyathea.” “Hindi iyon. It’s just that… sumagi sa isip kong magpanggap na kakampi ni Stanley.” Nakatikim ulit ako ng isang malakas na batok mula kay Cheen and this time, wala nang reklamo. I deserved that. No. I deserved more than that. Ni sa hinagap hindi ko dapat iniisip ang gano’n. I’m such a bad person. “Bakit mo naman naisip iyon? Kahit gano’n si Zero natutulungan ka naman niya, ah. Pinoprotektahan ka niya. Isa pa… mabait naman siya sa ‘yo. Wala naman siyang ginagawang masama pwera sa mga rough moments niya with you.” Bumuntong hininga ulit ako. “I know it was really wrong. Pero gusto ko siyang tulungan. Gusto ko ring maging piece ko si Stanley because I know he’s got something. I’m trying to hit two birds using one stone.” “Pero eitherway may masasagasaan ka.” “I know.” Napayuko ulit ako, lihim na iniisip muli ang plano ko. Kung magagawa kong paniwalain si Stanley na kakampi ko siya at may binabalak ako para tuluyang magwakas ang buong clan ng Schneider, maaari ko siyang gamitin para malaman ko kung nasaan ang sagradong espada. Because from the looks of it… I think he’s a sorcerer. “A-Althea… look there.” Tumingin ako sa tinitignan ni Cheen. Nasa malayo-layo si Jess and she was talking to someone. Holy potato Lhamborgini! That someone was Cyrus! Napatigil ako sa sana’y pagtayo nang makita kong nagawi ang tingin niya sa akin. He simply smiled pagkatapos mukhang nagpaalam kay Jess at umalis na. Lumingon si Jess sa amin. Nakangiti siyang kumaway. Jeez. Cyrus is really freaking me out. AS USUAL, patrol na naman. Umuwi na si Cheen para magluto ng hapunan. Wala na ulit katao-tao sa Pentagon. Pati nga sa President’s Office ay nakapatay na rin ang ilaw. Hindi naman sadyang napadaan ako sa infirmary kaya pumasok ako. “Kamahalan. Ramdam ko pa rin.” Pati ako nararamdaman ko pa rin ang pamilyar na paghagod sa sistema ko ng pinaghalong lamig at init ng krystal ni Maria. Sabi nila, gano’n daw ang reaksyon ng Black Mist sa mga taong natikman ng isang bampira ang mga dugo. So nevertheless, gano’n ang epekto sa akin ng Black Mist because I’ve been bitten by Zero for a lot of times. Nandito pa ang kahati ng Black Mist. Dinampot ko iyon mula sa pagkakahimlay nito sa ilalim ng lamesa. Mula roon ay nakita ko rin ang mga ipinakitang bala ni Maria sa akin na sinasabi niyang nakakapatay sa vampires. Kinuha ko ang mga iyon at balak na sanang itapon pero naisip kong pwedeng magamit ni Cheen ang mga iyon sakaling galawin siya ni Cyrus o kahit na sino sa magkapatid na iyon. “What are you—” Dug-dug! Napalingon ako. Hawak na ni Zero ang kwelyo niya at parang nasasaktang napahawak siya sa may marble na harang sa labas ng Pentagon. Automatic na napatingin ako sa hawak kong krystal. “Aw, sorry.” Gamit ang cyathea, nawasak itong bigla. Sumabog sa ere ang mga natira nitong bakas. Unti-unti ay bumabalik sa normal ang paghinga ni Zero. Pero unti-unti rin ay bumakas sa mga mata niya ang galit na nais niyang ipahatid sa akin. “I thought you were different.” Natigilan ako sa naging tono niya. There was no hint of any sincerity and it was just pure coldness that I can hear and feel from him. “Zero—” “Don’t ever try to speak, Althea. Tama nang pinaikot mo ako. Tama nang pinaniwala mo akong kakampi kita when in reality, naghahanap ka rin pala ng paraan para masira ako. Gano’n ka ba ka-duwag para itago mo pa ang sarili mo sa katauhang ‘yan? You’re horrible.” Nilayasan niya ako. And as if by cue ay umihip ang malakas na hangin. Ipinarating sa akin no’n ang masamang pwersa na hatid ng hindi magandang intensyon ng isang nilalang na nakapaligid sa akin. “I really wish I can have everything you have. Do you think I can? Do you think I can achieve it, Cyathea?” Nakuyom ko ang mga palad ko at hindi ko namalayang nagbasagan na pala ang mga salamin na nakapalibot sa akin nang dahil sa galit ko. Dahil nasisiguro kong iisa lang ang may dala no’n. Iisa lang at nakasisiguro akong may kinalaman siya sa nangyayari kay Zero. “Sa kaliwa, Kamahalan.” Gaya ng tinuran ni Raikki ay tumingin ako sa kabila. Nakita kong nakangisi si Cyrus habang pinapanood ako sa malayo. Nag-iwas ako ng tingin at naglakad na lang. Twin trouble. I have Zero going against me now. There’s Cyrus that I have to take care of. And there’s Hydra who’s starting to show her presence to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD