Apart

3456 Words
Eighteen Apart   Nginitian ko lang si Ryle habang kinukuha namin ang mga papers ni Miss Belle na naiwanan niya sa infirmary. Naka-headset ako ngayon at nakikinig sa playlist ng Paramore while ginagawa ang work ko as a prefect kasama si Ryle na tinutulungan ako. Sinasabayan ko ang liriko ng kantang Misery Business. Nakita kong ngumiti sa sarili niya si Ryle kaya nahiya ako at napahinto sa pagkanta. Napailing na lang din ako.  “Sabi ko na nga ba, eh. May nase-sense kasi akong sweet nang dumaan kami rito.” Hindi ko na tinanggal ang headset ko dahil dinig ko naman ng buo ang boses ni Zoe. Humarap na lang ako sa pintuan at nakita kong papasok siyang hihiga sa mga kamang naka-locate sa infirmary na kasunod si Zero. Nagkatinginan kami ni Ryle. “Pero at least, hindi ba, Althea? This switch is better than before.” then she kissed Zero like a hungry beast munching a human for life’s sake. Man eater! Tumalikod ako at inayos na ang dapat ayusin. Gano’n din ang ginawa ni Ryle after mag-hesitate na gayahin ang ginawa ko. Napangiti ako sa narinig na tugtog sa pagpapatuloy ng sound trip ko sa Paramore. The song tackles about second chances that never matter because the composer believed that people never change. Ang sabi pa nga sa kanta, ‘once a w***e you’re nothing more, sorry that’ll never change’. Napahinto na ako kasi naririnig ko nang tumatawa si Ryle. Hindi na rin ako nakapagpigil kaya humalakhak na rin ako. Hinahagisan ako ni Ryle ng papel. May mga plastic na bote kasi roon kaya hinahagisan ko rin siya no’n habang tawa kami ng tawa. “Will you two stop laughing?” nakasigaw nang react ni Zoe. “Infirmary is supposed to be quiet!” “Infirmary is for sleeping and for the sick not for making out  so don’t treat this like a motel kung ayaw n’yong ma-detention.”  “Althea… nakakairita ka na talaga.” “Relax lang, Zoe.” Nakangiti kong sabi habang inaayos na ang kahon na ipapabuhat ko kay Ryle at iyong mga gamit na bubuhatin ko din palabas. “Don’t worry, aalis na kami.” Lalakad na sana kami ni Ryle nang may mahulog mula sa kahon. Tinignan ko iyon sa kabila ng gulo-gulong gamit ko. And as if by cue ay natigilan ako sabay na napatingin kay Zero. He was looking at the stuff too at unti-unti nang nagiging uneasy ang itsura niya. Shemay naman oh. Bakit ba kasi balik ng balik ‘yang Black Mist na ‘yan? Hindi ba talaga mauubusan ng Black Mist dito sa infirmary? Pupulutin ko sana para itapon o ilayo at nang manahimik ang make out ng dalawang ‘yan pero bigla na lang akong nakarinig ng sigaw. Sigaw ni Ryle na nasa harapan ko na pala. Pagtingin ko, hinaharangan niyang pilit si Zero na nagiging crimson red na ang mga mata nang dahil sa krystal. “Umalis… ka… r’yan…” hinihingal na itinutulak ni Zero si Ryle pero hindi niya makaya dahil nanghihina na siya. “Thea… THEA!” Nagpupumiglas siya sa pagtulak ni Ryle sa kanya palayo. Gusto niyang lumapit sa akin. Gusto niyang lumapit… “R-Ryle, okay lang. Dalhin mo na lang itong Black Mist somewhere far pagkatapos i-text mo kung nasaan ka, susundan na lang kita after nito.” Mga sampung segundong nag-hesitate si Ryle bago pakawalan si Zero at kunin ang krystal na nalaglag sa sahig saka umalis ng infirmary. Agad lumapit si Zero sa akin at bumagsak na tipong nakayakap lang pero ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa kaliwang banda ng leeg ko. Gaya ng inaasahan ko, he bit the thin flesh that hinders him to get what he wants and when he did it, walang patid niyang sinipsip ang dugo ko mula roon that I could even hear his swallows. Pakiramdam ko mapipigtal ang hininga ko. Niyayakap niya ako ng mahigpit. Hinihila niya ang waist ko ng mas malapit pa sa kanya so he can get more of my blood. Hinanap ng paningin ko si Zoe. Wala na siya sa loob ng infirmary. Naiinis ako sa sarili ko. Para kasing ngayon ko lang naisip na ito lang naman ang habol ni Zero sa akin. Ano bang inaasahan ko? May pa-touch-touch pang effect kanina kasi gusto niya akong lapitan. Charing lang naman pala. “SO, SIR, totoo nga ang sacred sword?” Nakakahiya. Sa opisina pa talaga kami ni Sir Ed nambubulabog ng mga ganitong bagay. Pero knowing Sir Ed, I’m very sure na tuwang-tuwa siya dahil kahit papaano ay may mga estudyante siyang interesado sa history at archeology kaya kahit makapambulabog kami sa mga ginagawa niya, okay lang. “Iyan ang paniniwala naming mga archeologist. Naisalaysay na kasi minsan ng isang archeologist ang tungkol sa sagradong sandata na ‘yan na ginamit raw mismo ng pinaka-makapangyarihang mandirigma at nilapatan ng kapangyarihan ng mga spiritual God noon. Nakita na raw. Pero hindi kahit kailan nakuha.” Umarko ang kilay ko. Gano’n din ang naging reaksyon nila Cheen, Ryle, at Stanley sa narinig. “Bakit daw ho hindi?” panimulang usisa ni Stanley. “Nakikita lamang ang sandata pero hindi nakukuha. Ayon sa teorya ng mga archeology professors at ng ilang bihasa ukol sa ganitong bagay, kalakip na raw ng sandata ang sumpa.” “Anong sumpa?” “Namatay ang mandirigmang humawak sa espada. Ang sarili niyang sandata ang kumitil sa kanyang buhay. At dahil nga roon ay isinumpa na niya ang sandata. Pinaniniwalaang mabisa ang sumpa ng mga naghihingalo at ng mga malalagutan ng hininga. Kaya’t naging isang sumpa ang kalakip ng kapangyarihang nakapataw sa sagradong espada.” Information processing… Hindi ko naintindihan. “So ano na hong nangyari sa espada? May humawak na ba no’n?” usisa ni Cheen. “Marami. Ngunit walang nagtagal.” “Bakit?” “To any fortune must come ill-fate. To any laughter, must thou tears be shed. Isang lethal weapon ang sacred sword. Pinaniniwalaang baliktad ang talim nito at ganoon katulis ang espada na kayang hiwain ang isang puno kahit hindi pa man lumalapag ang talim dito.” Mariin akong napapikit. Ramdam ko pa nga iyon. Damang-dama ko pa rin hanggang ngayon. “No… no! You can’t die… no! Kill me I beg you, you can’t die!” Napadilat lang ako nang maramdaman kong hinaplos ni Ryle ang mukha ko. Ngumiti lang ako at muling itinuon ang atensyon sa sinasabi ni Sir Ed. “Baliktad ang talim pagkatapos gano’n siya ka-lethal?” hindi makapaniwala si Cheen. “Saan daw po huling natagpuan ang sacred sword?” “Sa Somalia. Wala silang sinabing eksaktong lugar pero bigla na lang daw silang hinila ng isang nakakalinlang na kulay at narating na nila ang kinahihimlayan ng espada. Sa isang crew ng arecheologist na nagpunta roon, isa lang ang lumabas na buhay. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na siya nakakapagsalita at sa katandaan ay hindi na rin nakakasulat ni nakakalakad.” Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na parang sinasabing ‘let’s try’ habang nag-uusap ang mga mata. “S-sino ho iyong archeologist na iyon?” Ryle dropped the question. “He’s a friend of mine. His name is Steven Spencer.” “OVER ka na, Thees, ah! Hindi tamang pagbuhatin mo ako ng mabibigat na mga gamit na ito! Sana kasi tinawagan mo na lang si Ryle para tulungan ka niya rito sa mga gamit mong patapon na!” Saturday ng umaga. Nag-general cleaning ako ng bahay kasi nga madami nang gamit ang nakatambak sa basement ko pati na rin sa sala at sa kung saan-saan pang sulok ng kabahayan ko. Nagpatulong ako kay Cheen since kanina pa ako pawis na pawis sa walang katapusang pagbubuhat ng mga lesheng gamit ko. “Anubey ang arte. Mamaya magpapainom ako h’wag kang mag-alala.” “May trabaho ka, ‘no.” “Edi mamaya after work. Ilang oras lang iyon. Ako na rin ang bibili ng iinumin natin. Anong gusto mo?” “Tanduay ice?” “Hindi naman nakakalasing iyon, eh.” “Ay nako, Ti-Thees! Ayokong malasing, ‘no. Ikaw na lang, hindi ako magpapakalasing mamayang gabi. Nakakatakot kayang malasing. Mamaya d’yan magaya tayo sa mga pelikula, eh. May nangyayaring masama sa kanila kapag wasted sila.” Oh jeez. Major drama queen. “Bahala ka d’yan. Basta sa akin hard ako.” Hinakot ko na ulit ang mga gamit na saglit ko lang inilapag sa may pintuan. Bumalik si Cheen sa loob para hakutin pa ang mga naka-garbage bag na basura at nang mailagay na namin sa labas ng gate para kapag may garbage truck mamaya ay kukunin na lang nila roon. “Althea, can we talk?” Nilingon ko ang soft na tinig na iyon. Nakita kong nakatayo si Zero sa likuran ko. Yaaaacks! Syete barbara! Nakita niya akong naka-baggy Tee shirt habang pinagpapawisan at nagtatapon ng basura! Goodness! Nawala bigla si composure ko. All that I can do in consolation is not to look like it. “Ngayon na? May work ako, eh.” “You’re still my driver, right? Iisa lang naman ang pupuntahan natin, eh. Might as well hop in or better yet drive me to ADN.” “Maliligo pa ako, eh. Magbibihis pa. Magpi-prepare pa ng gamit.” Palusot ko para lang hindi siya makasama. “Okay lang, hihintayin kita.” Dati ang angas-angas nito. Pagkatapos biglang naging nakakaawa pero hindi pa rin nawawala ang angas. Pero ngayon bumait na ng tuluyan. Anong klaseng santo naman kaya ang sumapi sa mokong na ito? Pumasok ako sa loob at naligo. Naririnig ko ang mga kaluskos ni Cheen habang nag-aayos sa basement. Pagkatapos siguro ng thirty minutes ay lumabas na akong nakabihis ng simpleng fit na shirt at jeans. Nagsuklay lang ako saka bumaba ako sa basement. “Cheen, I’m going. Ikaw nang bahala dito, ah.” “Okie. Tanduay ice ko, ah?” “Mag-tequilla na lang tayo.” “Thees, ayoko no’n sabe eh!” “Oo na, oo na. Ako na lang sa tequilla at saka pulang kabayo.” Tatawa-tawang sagot ko. “Sige na, later! Bye!” “Ingat!” pahabol niyang sigaw. Diretso ako sa labas. Nakatayo pa rin si Zero sa labas pero nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa gate. “Protection amulets. Walang makakapasok sa bahay mo ng walang permiso mo kapag meron ka nito.” naalala kong wika dati ni Cheen. At hindi rin dapat niya nahahawakan ang gate kapag masama ang intensyon niya. Interesting. So hindi na masama ang intensyon niya ngayon? “Zero, tara.” Umalis siya mula sa pagkakasandal at nagtungo sa kotse niya. Sinundan ko siya but then naupo siya sa driver’s seat kaya nagtataka akong nakatayo lang sa may tabi at tinitignan siya. “Why?” soft pa rin ang tono niya nang magtanong. “Hindi ba dapat ako ang magda-drive?” “Iyon ba? Kalimutan mo na. Hop in, I’ll drive.” Sumakay na lang ako sa tabi niya at hindi na umangal. Siguro mga thirty minutes ang lumipas bago namin marating ang ground ng ADN. Nauna akong bumaba at nagtungo sa itaas, sumunod siya. Hanggang ngayon wala pa rin kaming imikan. Hindi naman awkward pero ramdam din talaga ang naging gap. Pagdating sa studio, nakita kong ibang photographer na ang naka-pwesto. Lumapit ako sa dating assistant ni Bricks. “Nasa’n si Bricks?” “On leave si Mr. Warren. Nagbakasyon siya, eh.” Wow  nemen. Buti pa ang kumag na iyon, pabaka-bakasyon na lang samantalang ako halos gumapang na sa hirap kaka-trabaho rito. May araw din siya sa akin. Just he wait. “Okay, guys, let’s start.” Kanya-kanya na kami ng pictorial ngayon not unlike dati na magka-partner kami. May pagka-cassual ang kanya, may pagka-seductive naman ng konti ang sa akin. I don’t know pero parang napaka-timing na nagkanya-kanya kami sa pictorial pero iisang studio lang at iisang schedule. Nananadya ba sila? Actually wala na sa isip ko ang mga pino-pose ko. Sunod lang ako ng sunod sa sinasabi ng photographer. Nag-fly-fly away skyline pigeon fly na kasi ang brainy ko kaya hindi ko na mahagilap ang information para ma-process ang nangyayari. Buhay nga naman parang life. “Coffee.” Nang tumingin ako sa side, may inaabot na si Zero na coffee sa akin. Nag-gesture ako na nag-shake ang hands ko pagkatapos umiling din ako. “No, thanks. Lumalakas na rin kasi ang nerbyos ko kakakape, eh.” “Ah okay.” Silence… Hawak pa rin niya iyong kape. Hindi siya naalis sa tabi ko. Alam n’yo iyong feeling na alam mong may gusto siyang sabihin at bwisit na bwisit ka na kasi hinihintay mo siyang magsalita pero ang haba-haba na ng katahimikan wala pa rin siyang ginagawang moves? Hinablot ko ang hawak niyang kape at nilagok iyon ng bonggang-bongga. Eh letsugas kase, natetensyon ako sa kanya! “T-Thea…” “Uuwi na ako. Kailangan ko pang dumaan ng supermarket.” saka inunahan ko na siyang lumabas. Nasa malaking gate na ako ng building ng ADN nang sinundan ako ni Zero sakay ng kotse niya. Napahinto ako kasi naawa ako sa kanya. Pinagtitinginan na siya eh. “Ihahatid na kita.” Pagpipilit niyang alok. “Pupunta pa nga ako ng supermarket.” “Ihahatid na nga kita roon pagkatapos sabay na tayong umuwi.” Eh ano pa bang magagawa ko? Mapilit, eh. De sumakay na ako sa sasakyan niyang nawawala ang bubungan. Ipahanap kaya natin kay Sherlock Holmes ang mga nawawalang bubong ng Ferrari cars? Mahahanap niya kaya iyon? “Iinom ka?” takang tanong niya habang nasa supermarket ako at pumipili ng liquor na magandang inumin. “Treat ko lang kay Cheen. Naglinis kasi kami kanina eh nagkabiruan kami about sa uhaw. So sabi ko paiinumin ko siya.” “Can I join you, guys?” Napatingin ako sa kanya. Mukha akong tangang hawak ang bote ng tequilla while kanda-duling akey sa kakatitig sa mata niyang wala namang reaksyon maski na ano. “S-sigurado ka?” “Oo naman. But drop that Tanduay Ice. Walang tama ‘yan.” “Ayaw malasing ni Cheen, eh.” “Kailangan mo siyang lasingin.” Napapakunot na lang ako ng noo sa kanya. Nakakaloka kasi siya. Parang wala siya sa sarili kung magsalita. At heto pa. Kada masalubong namin nakatingin ng pagka-bonggacious sa amin at parang gusto pa kaming pagkamalang lovers. Jeez, I wanna get out out of here. “DAMN! DAMN! DAMN! WHAT I’D GIVE TO HAVE YOU NEAR! NEAR! NEAR!” I know, I know. Nagsisisi akong nilasing ko siya. Heto na nga’t inaantok na ako kasi pasado alas-dos na ng madaling araw nakasalampak pa rin kaming tatlo sa may sala at nakikinig sa sintunadong kanta ni Cheen na hindi ko maintindihan ang lyrics. Saklap. Hindi ko na nga maintindihan ang tono pati ba naman lyrics? “Inaantok na ako. Bahala ka na sa buhay mo r’yan.” “Teka—huk!—Ayaw n’yo na makinig—huk!—sa kanta ko?” “Matulog ka na! Inaantok na ako!” “Ang—huk!—KJ mo. Buti pa si Zero—huk!—makikinig sa akin. Ayyie, s’yempre may gusto—huk!—‘yan sa ‘yo kaya kumukuha siya ng magandang song para ipang-harana sa ‘yo!” Nagdiretso na ako sa kwarto at dinedma si Cheen. Halos gumapang na nga ako makapasok lang kasi hilo na rin ako, baka tumambling ako kapag tumayo ako at pinilit na maglakad. Gusto ko rin sanang mag-shower ang kaso hindi na ata keri ng powers kong tumayo ng matagal. “Althea? Althea, pwedeng makitulog?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na tinig ni Zero. “Maraming kwarto, h’wag dito!” “Maawa ka sa akin, hindi ko na kayang tumayo. Pagkatapos mong taasan ng half glass ang shots ko at hindi ako bigyan ng citrus hindi mo ako tutulungan?” Nakita ko siyang gumagapang na rin na pumasok ng kwarto ko dahil hindi ko nga nai-lock iyon. Nasa kama na ako that time at naka-indian sit habang pinapanood siyang magsarado ng pintuan at lumapit sa may direksyon ng kama kung nasaan ako. “Masyadong malamig dito sa sahig. Can we share the bed?” “Sobra ka na, ah. Makiki-room ka na nga pati kama makiki-share ka pa rin? Over ka na, ah.” “King size ‘yang kama mo. Kahit apat tayo r’yan magkakasya ‘yan. Para ka namang hahalayin, eh.” Shemay ka, Zero. Shemay kang sagad. At dahil daw hindi ako sumagot eh umakyat na siya sa kama. Pinatay ko na ang ilaw at pabagsak na inihiga ang sarili ko. Naramdaman kong humiga rin siya. Nakabaling ako sa kanan which means na nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko alam kung magkatalikuran kami pero pilit ko na lang din ipinikit ang mga mata ko. “Thees…” Napadilat ako ng wala sa oras. Pero hindi ako gumalaw. Kunwari’y tulog ako. And by the looks of it, mukhang hindi nakatalikod si Zero sa akin. Deng! Is he staring at my back? “I’m sorry for making you feel like that.” Ano raw? Nanatili akong tahimik. Walang imik. Sa gulat ko’y nagpatuloy lang siya. “Althea, tulog ka na ba? If you’re asleep then maybe… maybe it will be more fine with me. Hindi ko kasi kayang sabihin ng nakikita ang mukha mo. Lagi lang akong natatanga.” Ang adik nito ni Zero. Naaaning na ba siya? Noong isang araw lang parang nag-aala-Pacquito Diaz siya sa pagka-kontrabida. Ngayon naman gusto na niya magpaka-Edward Cullen s***h Marvin Agustin sa pagka-torpedo? Adik lang? Anong hinithit nito? “No’ng gabing iyon… ah mali. No’ng araw na iyon pala… hindi naman talaga gano’n ang naramdaman ko. Hindi iyon feelings ng na-traydor. It was more like… jealousy.” Gusto ko na siyang harapin saka sigawan at tampalin. Pero bakit ba parang ang labas eh gusto ko pang makinig sa mga sasabihin niya kahit wala sa hulog? Anak ng kalabasang bakla naman oh. “Hindi ko alam kung bakit gano’n. Basta. Naiinis ako kasi parang wala ka namang pakialam sa mga lalaking nakapaligid sa ‘yo na palihim na ginugusto ka. Si Ryle, si Stanley… si Cyrus…” Natakpan ko ang bibig ko kung hindi eh nakapag-react kaagad ako. Langya namang pati si Cyrus kasama? Anubey na buhay. Hindi nga? Seryoso siya? “He intruded your house just before I did.” Sabi niyang parang nabasa ang iniisip ko. “Una ka niyang nakilala. Hindi ko alam kung paano at saan pero kailan ko lang din nalaman ang bagay na iyon.” Narinig ko siyang tumatawa mag-isa pero mahina. Kunwari nakapikit at tulog pa rin akong bumaling sa direksyon niya. Hindi naman niya makikita kasi madilim na. Binuksan ko iyong isa kong mata. Nakatihaya siya at nakalagay ang isa niyang kamay sa may noo niya na parang hinahawi niya ang buhok niya pero nakatingala siya. Saka mayamaya lang eh humarap siya sa akin. Pumikit agad ako. “Mas lalong nakakairita itong ganito, Thea. Ang lapit-lapit mo na sa akin. Nahahawakan na kita. Nayayakap, nakakausap. Pero pakiramdam ko ang layo-layo mo pa rin. Naiinis ako dahil ang iba, aminado sa nararamdaman nila. Pero ako ayoko. Ayoko na gusto ko.” Confessions of a vampire with a sleeping wasted freak. “I’m not Zoe’s. I’m still yours…” Somehow, those words made it feel like na parang totoong-totoo siya. Na parang hindi ako nananaginip at totoong may isang Zero na nagsasabi sa akin ng mga ganyang bagay. Though alam kong bukas may magbabago, hindi na muna siguro ako papalag ngayon. “Sometimes it may just feel to me like you’re treating me as a slave or as your piece para magamit mong pananggalang. Pero sa tuwing nand’yan ka na, nawawala ang lahat ng iyon. Ayokong lumalayo ka. Ayokong humihiwalay ka kasi pakiramdam ko nawawalan na ako ng silbi kapag mag-isa. Thea… Thea, may hihingin akong pabor. “…please stay by my side. I don’t wanna be apart from you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD