First Piece

4384 Words
Fifteen First Piece   “Tandaan n’yo. A-attend kayo ng nakakaboring na make up class ni Sir Ed kapag hindi kayo nakagawa ng mystical story at mai-submit iyon sa akin, nagkakaintindihan tayo? At saka dapat hindi galing sa internet. I need an original story, okay class?” “Yes, Miss Belle!” World Lit prob’ly isn’t that lit now. Napangiti lang ako habang nililinis ang table ko at nililigpit ang mga gamit na nasa ibabaw no’n. Favorite teacher ng mga estudyante si Miss Cruz. Dalaga kasi at saka medyo hippie. Patok sa mga students ang mga teachers na nakakasabay sa trip nila. “Yo’, Thea. H’wag ka nang gumawa, okay? Alam ko namang mas pipiliin mong umattend ng klase ni Sir Ed, eh.” Nginitian ko lang si Miss Belle na napadaan sa row namin palabas. Cheen nudged me nang makaalpas sa amin si Ma’am. “Hindi ka talaga gagawa? Edi hindi ka kasama sa auditorium?”  Sa auditorium kasi madalas nagka-klase si Miss Belle kapag may mga projects siya kagaya nito. Ewan. Siguro kasi dahil hindi naman masyadong nagagamit ang mga facilities gaya ng auditorium eh free na iyon sa mga gano’ng bagay. Sinusulit na lang ng teachers. Isa pa, kasya kasi ang sampung section kapag sa auditorium dinala. “Kasama pa rin. Wala akong lusot doon kahit pa may klase si Sir Ed. Ganyan ‘yan si Miss Belle, photographic ang memory kaya tanda niya ang lahat ng estudyante niya.” mahirap na, baka pagawain pa ako ng baby thesis. Lumabas kami ni Cheen ng classroom. Pumunta kami ng cafeteria kasi kanina pa nagrereklamo itong sikmura ko. Hindi kasi ako nakapag-almusal ng maayos, eh. “Tingin mo ano nang nangyari kay Zero?” may tono ng pag-aalala sa tanong ni Cheen habang umoorder kami ng makakain. “Okay lang iyon, don’t worry.” May tama si Cheen para mag-worry. Hindi kami inihatid ni Zero sa school, walang tawag, hindi pumasok sa first class, and to think na iniwanan namin siyang lantang gulay kagabi. Namatay na kaya siya? Ano kayang nangyari roon? “Eh sino iyong lalaking sumakal sa ‘yo kagabi? Well… mukhang bad siya pero outfairness may itsura.” Saan naman nanggaling ang outfairness? “I didn’t had the chance to see his face.” “Eh kasi lumayas ka kaagad.” “Sabi ni Zero layas daw, eh.” “Sumunod ka naman?” Naunang tumingala si Cheen dahil nanggaling sa likuran ang tinig na iyon. Pambihira. Hindi talaga siya tao. Wala siyang footsteps, eh! Ni hindi ko nga naramdaman. Halimaw nga talaga. Hinila niya ang isang upuan na nasa tabi ni Cheen at umupo roon. Nakita kong nang-aasar na ngiti ang binitawan ng bruha sa akin. Ay nakakalurkey. Hindi siya papasok ng first class pagkatapos biglang eepal sa usapan namin. What a bummer. “Minsan parang ayoko nang tumitingin sa mata mo.” Seryoso niyang komento matapos makaupo at titigan ako sa mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay. “Sinabi kong tumingin ka?” “I thought I heard you speaking about fatal destruction last night. But then I passed out kaya hindi ako masyadong sigurado sa narinig ko. All I saw was… the dusts around the place pagkatapos naramdaman ko na lang na may binawian ng life essence. It was her, right?” Ayoko rin sanang sumagot. Pero ginawa ko iyon kagabi nang masiguro kong wala nang malay si Zero para hindi niya makita. Yet I guess nakalimutan kong isa siyang pureblooded na vampire kaya malakas pa rin ang senses niya kahit na walang malay. Isa pa nakaya niyang masagap ang mga thoughts ko even without consciousness. “Baka nananaginip ka lang no’n?” “Althea. Hindi ako nakikipagbiruan.” Ginawa ko ang lahat upang magmukhang inosente at walang alam sa mga sinasabi niya. “Ano ka ba, Zero. Abnormal ako, oo. Pero hindi ko kayang gawin ‘yang sinasabi mo. Kahit itanong mo pa kay Cheen.” Bumuntong hininga si Zero. Tipong ayaw maniwala. Nagkibit-balikat na lang ako. Eventually naman ay malalaman din niya. Bakit nga ba kailangan ko pang ilihim? Ah ewan. Ang gulo ko talaga kahit kailan. “I guess that one is what I’m trying to achieve.” “What?” tanong ko na kunwari’y walang alam. “Killer eyes.” Halos maibuga ko ang juice na nainom ko kanina. Agad na tumayo sina Cheen at Zero para umiwas kung sakaling maibuga ko man. Peste. Kumo-comedy na silang dalawa ngayon? “See? Tama ako, hindi ba?” nakangising bumalik ng upuan si Zero. “Gago. Nag-react lang ako kasi parang imposible ‘yang sinasabi mo. Do you know what killer eyes are? Sobrang luma na ng legend na ‘yan. Jusmiyo marimar naniniwala ka pa roon?” “Killer eyes are simply curses.” Sabad ni Cheen. “It’s when you look at someone with envy or curse that brings the victim a disease or something bad to befall upon them.” “There’s another killer eyes.” Zero insisted. “More evil than that.” Hindi na ako umimik at nagpatuloy na lang sa kinakain ko. Nakalimutan kong minsan na ring hinabol ni Zero ang kapangyarihan ko. No’ng hindi pa ako nagigising. No’ng hindi pa napuputol ang sumpa. Hindi nakakapagtakang may alam siya. Bakit nga ba naman ako magtataka eh nabuhay na ng ilang daang taon ‘yan? “Paging the prefects, you are being called at the President’s Office to report. Come to the President’s Office now.” Tumayo kami ni Zero. Sumunod si Cheen sa amin pagdating sa hallway. Gaya dati ay tinginan na naman ang mga nakapaligid. Nakuha ng paningin ko si Ryle na nakatanaw mula sa hagdanan. Hindi na lang ako nagpahalata pero parang nagi-guilty na ako sa pandededma namin sa kanya. “Sir?” Nakaupo siya roon sa sulok, yakap niya ang tuhod niya na parang bata, hindi ko  masyadong makita ang mata niya dahil sa salamin niya. Si Cheen  naman ay naiwan sa labas. Nagkatinginan kami ni Zero. “Sir Cain, okay lang kayo?” “Si Maria—sniff—hindi na siya pumasoooooook!” Napatungo lang ako. Kagagawan ko iyon. It’s a crime killing a person but what can I do? Siya rin ang nag-udyok sa akin na tapusin ang buhay niya. Hell. I shouldn’t have. I’m not the one who’s suppose to do that. “I—” “I killed her, Sir.” Zero interrupted me. Seryoso na ang itsura ni Sir Cain nang tumayo siya at lumipat sa swivel chair. He acts as if he knew Zero is capable of doing that. “She’s a vampire hunter. Maria Anderson.” Zero went on. “Also, The Sector is being tracked down because it was figured to be somewhat illegal. Sir, pasensya na. Kailangan kong gawin iyon.” Pasimple lang na tumingin si Zero. I acted like I didn’t saw it. “Let’s pretend we didn’t heard all these, okay, guys?” Walang sumagot. Wala ring tumango. “By the way, Thea. May transferee nga pala tayo. Gusto ko sanang ikaw ang mag-tour sa kanya around Saint Claire. He’s uhm…” may hinahalungkat na siya sa files niya na parang wal lang nangyari. “Here. Section F. Puntahan mo na lang siya roon, okay? Pagkatapos kung wala ulit kayong gagawin nila Zero pati na rin ni Cheen, punta kayo sa main dorm. May bago akong menu.” Nakangiti na akong tumango kay Sir saka lumabas ng silid. Nagpaiwan si Zero dahil may pag-uusapan pa raw sila ni Mr. Cain. “Cheen, wait mo na lang ako sa auditorium. May itu-tour daw akong bagong student, eh.” “Really? Bagong transfer? Sige. Reserve ko kayo ng seats, ah.” “Tanungin mo muna si Zero. Baka hindi pumunta iyon, sayang ang seat.” “Wokie. Kita-kits.” Tumango ako saka tumalikod na para lumakad palayo. Heto nga lang ang malaki kong problema. Pagpasok ko palang sa classroom ng Section F, nabunggo ko na si Ryle. Buhay talaga oh. “Thea? Anong… ginagawa mo rito?” “Itatanong ko nga rin ‘yan sa sarili ko, eh.” Tumawa siya. Ngumiti lang ako ng saglit habang pasimpleng hinahanap ng mata ko ang estudyanteng sinasabi ni Mr. Cain. “Gusto mong mag-kape, Thees? I mean… bago tayo pumunta ng auditorium. Siguradong mahabang klase iyon.” “Uh… next time na lang siguro, Ryle. May hinahanap ako, eh. Asa’n ba rito iyong transferee n’yo?” “You know him? Wow, he’s quite familliar with girls. Pati ikaw naghahanap sa kanya.” Ang sarap talagang dagukan nitong si Ryle. “Baliw, hin—” “Excuse me? You’re Miss Althea, the prefect?” ngumiti siya, nag-abot ng palad sa harapan ko. “I’m Stanley Reed, a new transferee.” Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. Ngumiti siya. “Althea Warren.” “I’m pleased to meet a woman as beautiful as you.” Hahalikan sana niya ang likuran ng palad ko pero inagapan ni Ryle iyon na parang naalarma kaya’t inagaw niya ang kamay ko mula kay Stanley. Honestly? Ang weird nitong lalaking ito. Parang galing sa panahon ni Cleopatra kung maka-please to meet you naman. Nakakatakot tuloy kasama ito. Nangangamoy playboy. “Huh? Althea, wala kang boyfriend, hindi ba?” Napakunot ako ng noo. “Psychic ka? Paano mo naman nalaman?” “Tinanong ko kay Mr. Cain.” Napairap ako. Tama nga ang hinala ko. “Oh sya magtigil ka lang. Itu-tour daw kita sabi ni Sir.” Nakangiti siyang tumango. Bumaling ako kay Ryle na mukhang hindi pa nakaka-move on sa ginawa niya. “Pssst, mauna na kami. I’ll drop by para singilin iyong kape na ino-offer mo kanina. Pag may free time ako, okay?” “O-okay.” Pinauna ko na si Stanley palabas ng classroom. Baka kasi mang-harass pa kapag ako ang nauna, eh. “Siya na naman?” narinig kong bulong ng isang estudyante na nadaanan namin. “Naku naman. Lahat na lang yata ng heartthrob sa kanya sumasama.” Sagot naman ng isa. “May excemption siya, prefect kasi.” Eh kung sakalin ko kaya kayong lahat? “You’re quite infamous with girls.” Komento ng kasama ko na tila amused na amused pa sa naririnig. Nakangisi siya nang balingan ko. Tuloy kami sa paglalakad habang pinagtitinginan ng mga dakilang usisero at tambay sa hallway. “Tse. H’wag mong pansinin.” Natawa lang siya na hindi ko alam kung bakit. Nakalabas kami ng Pentagon. By then naituro ko na sa kanya ang bawat facilities na nasa loob ng Pentagon. Umabot na nga kami ng library na nasa itaas ng building ng Pentagon pati hanggang rooftop. “Heto iyong garden. Konting lakad pa rito makakarating ka na sa field ng school. At mula roon, makikita mo na ang unahan ng forest. Actually restricted iyon kapag walang activity so you won’t be able to go there anyway.” “Matagal ka na ba rito?” “Mula High School dito na ako nag-aaral.” “Really? Ang laki ng Saint Claire, ‘no? Ang daming pwedeng mangyari rito.” Napatingin ako sa kanya. Although pabulong iyon, malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya. Para bang may gusto siyang ipahiwatig. Shemay. Hindi ako mahilig gumamit ng salitang ‘parang’ ‘no? “So… wala ka ngang boyfriend?” “Bakit ba kung makatanong ka n’yan eh parang gusto mo akong asarin?” He chuckled. “Hindi, ‘no. Nakakapagtaka lang kasi. Common na kasi na kapag sa ganitong school nag-aaral, lahat ng magagandang babae ay either taken o playgirl. Hindi ba? Gano’n kasi sa TV, eh.” “Ang members ng cheering squad ang kausapin mo tungkol d’yan because I’m not one of them. Hindi ako w***e, excuse me.” Tumawa na naman siya ulit. Lilingunin ko sana ang pinanggagalingan ng mga yabag na naririnig ko pero bigla na lang akong tinulak ni Stanley kaya napaupo ako sa bench. He bent down all of a sudden. Is he trying to kiss me? “I think you’re not like them.” Dahan-dahang lumalapit ang bibig niya sa akin. Palapit ng palapit… Palapit… Ng… Palapit… May kamay na humarang sa pagmumukha ni Stanley saka inilayo iyon sa akin. It turns out na ang footsteps na naririnig ko kanina eh kay Zero pala. So now magkaharap na sila. Ako naman ay mukhang engot na nakaupo sa bench at nakatingin sa kawalan. “Hoy. Kung sa’n-sa’n kita hinahanap, nakikipag-harutan ka lang pala. Sinong may sabi sa iyong pwede kang makipaghalikan sa ibang lalaki? Pagkatapos mong bahiran ang lips ko hahalik ka na naman sa iba? Tumayo ka r’yan. Mag-uumpisa na ang literature.” Pambihira. Bigla akong nahimasmasan sa pagka-barumbado nitong si Zero ah. Hinatak pa ako patayo at kinaladkad. Dapat dito ina-awardan, eh. Ina-awardan ng crystal na Black Mist pagkatapos binabaril nang mamatay na. Ang bastos lang sagad. “Sino ba iyon?” iritadong tanong niya habang kinakaladkad ako sa hallway kung saan maraming mata ang nakatingin. “Si Stanley, bagong transfer.” Tumigil siya sa pagkaladkad sa akin at parang gulat at natitigilan na hinarap ako. “Stanley?” “Stanley Reed.” Gumuhit ang kaba sa mga mata niya. Ano na naman kayang itinatago niya? Ano na naman bang meron? Hinatak na niya ulit ako papasok ng auditorium. Tingin ko nagkita na sila ni Cheen kanina kaya alam na niya kung saan naka-pwesto ang upuan namin. Magkakatabi sa isang row ang kinuha ni Cheen na seats para sa aming tatlo. Malayu-layo sa stage pero kita pa rin naman si Miss Belle na nakatayo sa gitna. “Late ka.” Nakasimangot na sita ni Cheen sa akin. “Exemptions.” Kibit balikat kong sagot. “Nako, ginawa na namang reason ang kanyang pagiging prefect. Lagot ka siguro kapag tinanggal ka ni Mr. Cain sa pagiging prefect, ‘no?” Ngumiti lang ako. Si Zero na katabi ko, mukhang ocean deep sa lalim ng iniisip. Ako nga rin dapat nag-iisip na rin, eh. Kaso’y wala ako sa mood. H’wag na muna. Blues clues itong laro namin ni Zero, eh. Kailangan ko pa ng ibang clues para ma-decipher ang iniisip niya. “Ano ba naman ang Section D, walang ka-thrill-thrill naman itong mga sinulat n’yo. O kita n’yo may hindi pa nagsulat ng pangalan dito oh. Kanino ito? Naku, minus five points ito. Aba teka mukhang maganda ang kwento, ah. The Girl Who Spoke To Hecate.” Napatutok kami sa stage incuding Zero nang marinig iyon. Lalo na ako. My heart started to pound hard as if there’s a race going on. “Oh class, kilala n’yo ba kung sino si Hecate?” The students started shouting a joint answers of yes and no. Kami lang nga yata ang tahimik at tulala. “Well sa mga hindi nakikinig sa klase ni Sir Ed, si Hecate ay isang ancient Goddess of the Underworld. Which means associated siya with deaths, crossroads, necromancy, evils, and other things connected to that. So let’s hear the story, shall we?” Para na akong napako sa upuan ko. Hindi nag-iiwas ng tingin, hindi gumagalaw. “Hundreds of decades ago, a very young girl who came from a poor family had the opportunity to speak to the Goddess of the Dead, of witchcrafts, of magic… Hecate.” “The girl is named after a fern tree that only grows within their home that is located in the Southerlands of Europe. Her name is Cyathea. She lived in hatred. In anguish. In sorrow. She was denied the love of a family. She was an orphan adopted by a poor family that lives only in a shabby house.” Mariin akong napapikit. Hindi ko na mapipigilan ang magsisimulang laban. Wala nang makakapigil. “She didn’t had the chance to have lots of friends, only one. Her parents thought they couldn’t bear a child so they adopted her. Unfortunately for her, later came a baby boy who turned Cyathea’s world upside down. “The boy who was used to treating Cyathea as his personal rag doll attempted to take things too far. He wanted to take everything from her… even her body and her soul.  But misfortune befall upon her when she accidentally killed the boy as retribution for what he has taken from Cyathea. While the parents grieved for their lost, the girl was hated by everyone. And she had even hated the people who hated her for no reason.” “She sat all alone in her room, deep in anguish and sorrow. Crying but no single tear fell down. She silently wished for power, power to change her fate, her destiny. She wanted power to avoid grief, to kill… to kill…” “Without her knowledge, she has called Hecate’s attention. The Goddess went to Cyathea, appearing in the form of the wind.  ‘There is no power in this world that I cannot grant you if you wish it, my child,’ the Goddess told  Cyathea and she hesitated. She knew very well that she’s talking to a demon, to someone who may cause her death.” “But death is something she doesn’t fear anymore. She rather acknowledges death as a gift. Hecate knew that. And so the Goddess developed a growing interest for the girl. She made a deal to test her guts: ‘Give me something in return for the power I will grant you.’ and so Cyathea thought about it. She thought about her life. But it was too much of a shame if she give Hecate her rubbish existence. She again began to think of something. Then she saw two things.” “The mirror and the fountain pen she used for writing her wishes and dreams. Cyathea held the pen and without any hesitation, struck her precious eyes with the pen like it was only as easy as tearing some paper. She offered it to Hecate and said ‘that’s the most precious thing I have. I used my eyes for viewing beautiful things and I’ve used it enough. You may use it and see things I’ve seen too.’ But Hecate told her ‘You’ve seen cruel things. Do you want me to see that too?’ that made Cyathea smiled.” “She answered ‘you may do as you wish. But eitherway, you cannot do anything about it.’ Hecate knew that Cyathea don’t recognize her and so she went on ‘what if I can? What if I can change your destiny?’ Cyathea formed a smile once again and replied to the Goddess ‘you may. But you cannot change the certainty that I once seen cruelty and you cannot erase the scars in my heart even if you are able to change my fate because my existence has once been tainted with so much sorrow that no magic in the world can ever erase.’ Hecate was amazed by how a little girl can talk to her with much pain and hatred so the Goddess allowed Cyathea to bring her sight back. But not the same sight anymore.” “The eyes that Hecate returned to Cyathea has its power. The power that her hatred created on its own. The power of the killer eyes.” “And soon Cyathea felt the energy kissed her eyes and she heard a voice speaking ‘Kill those who stand on your way. Avenge your heart, destroy those who broke you.’ And Hecate left, leaving the girl with her eyes wide open to a whole new world.” “THEES! Thees, sandali naman! Hintayin mo kami uy!” Hindi ko na napapansin ang paghabol nila ni Zero sa akin. Hinahanap ko siya sa buong auditorium, sinasalubong ang mga estudyante na naglalabasan. Nandito lang siya. Nararamdaman ko, nandito lang siya. “Althea!” A rough hand pulled my hips tightly saka marahas akong hinarap sa kanya. It was Zero. Seeing them terrified ay parang bigla akong nahimasmasan. Nakita kong wala nang tao sa auditorium. “What are you doing? Have you gone insane?” Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan na nando’n sa malapit. They both looked at me with their worried faces. “The first piece is revealed…” Nangunot ang noo nila at nagkatinginan pagkatapos ay tumingin din sa akin. “A-anong sinasabi mo, Ti-Thees? What piece? Who did?” Napahinga ako ng malalim. Halos masubunutan ko ang sarili ko sa pagkakataong iyon. Hindi ko na napigilan. Am I slacking off that much na ni hindi ko man lang naramdaman ang paggising niya? “That story, it mentioned the killer eyes.” Lumuhod si Zero sa harapan ko. “Tell me everything, Thea. I’m not gonna betray you.”  Umismid ako sa sinabi niya. “How can I ever trust someone who can’t even entrust his secrets to me?” “Mark me, sire me, do whatever you want with me but these are a pureblooded vampire’s words, Althea. I’m not gonna betray you.” I was surpsrised by how his eyes screams their sincerity on me. Parang bigla na lang eh gusto ko siyang paniwalaan. Hindi nga ba niya ako ta-traydurin gaya ng ginawa ng iba sa akin? I sighed. “It’s a made up story.” Gumuhit ang mas matinding pagkalito sa mukha nila Zero at Cheen. Huminga ulit ako ng malalim at saka kumalma. I can’t be in an anxious state dahil mahahawa lang sila sa akin. “Hecate—nobody knows if Hecate is true or not. Pero siguro… the creator of that story thought about using Hecate as an equivalent to the evil Goddess that the girl talked to.” “W-wait. Anong kinalaman mo roon sa story? Why are you so anxious about it?” pagtataka ni Cheen. “I lived hundreds of decades ago… and Cyathea is me.” Halos mapakapit si Cheen sa sandalan ng inuupuan ko. Si Zero naman ay pirmi lang na nakatingin sa akin while I’m looking down. “I am reincarnated,” pagtutuloy ko. “It shouldn’t happen because I am cursed to be unreborn as human so when the first curse is lifted, the second one which was the barrier that interfered with my whole powers was activated by the moment I breathe. It wasn’t Hecate who gave me the eyes. It’s me.” “Pero sabi roon sa kwento—” “I know. Nakausap ko ang isang boses no’n. Maraming glitches ang kwento, patunay lang na hindi buo ang kaalaman ng gumawa no’n sa nangyari nang mga panahong iyon and I’m suspecting only one person who can possibly do that. But I’m also suspecting that she did it to warn me of her presence, to tell me she can and will destroy me at any cost. “The force with the voice came out from the pen when I was insanely stabbing my eyes with it. If you put it in a freaky way, ang life essence ng sarili kong mga mata ang nagbigay ng figure sa kanya as a force at ang galit ko naman ang tumawag ng atensyon niya.” Dinig ko ang tahimik na pagsinghap ni Zero. “A demon exist when there is hatred.” Tumango ako. “Indeed. Pero hindi ko alam kung ano siya. Malakas ang impluwensya ng greek Gods and Godesses dati since it was still during the ancient times. If you can connect to them, you are special. And as a child, ginusto ko nang makipag-communicate sa kanila but hey, not with a demon.” “But really, how did you achieved the eyes?” tanong ni Zero. “May paniniwala dati na kapag nakausap mo ang isang enerhiya ng hindi sadya, it was either you get killed or you’ll absorb the energy itself. I was killing myself when it appeared and talked to me. Yes, ibinigay ko ang mga mata ko sa kanya pero hindi niya iyon tinanggap at ibinalik niya sa akin. Ang hindi niya alam, sinusubukan ko nang patayin ang sarili ko kaya nang ibalik niya sa akin ang paningin ko sumama na rin ang force na dala niya and I was able to absorb a part of it.” “Part. So you mean you didn’t absorbed the whole force?” Umiling ako. “But I was able to absorb destruction and immortality that in my guess, it was sort of its… abilities.” “Teka nga, hindi ko naintindihan.” Singit ni Cheen na marahil ay hindi nakasabay. “Either you’ll get killed or you’ll absorb the energy itself. What does that mean?” “Every single force on that ancient time is believed to be living through eating a life essence. Pero hindi nila makukuha ang life essence ng isang tao kapag hindi sila ang pumapatay. So to be able to eat me, it was already going to kill me. And when it failed to do that, napunta sa akin ang ilan sa mga abilidad niya by returning the broken eyes to me.” Iyon ang first piece. At isa lang ang pwedeng mag-reveal ng puzzle pieces ng history ng Cyathea. Walang iba kung hindi ang pinakamatalik kong kaibigan na hinangad ang mga nakuha ko. Hydra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD