A Shrink And A Blink

3036 Words
Two A Shrink And A Blink   “Oh gosh, quit it, I’m sleeping!” Napabalikwas ako ng bangon ng wala sa oras. Letsugas. Tumayo na ako nang marinig kong tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng tubig sa faucet ko so I turned it off saka ako napabuntong hininga. Parang napakatagal na. Nasanay akong magigising sa sobrang weirdong mga bagay gaya ng kusang pagbubukas ng gripo sa kusina ko. Minsan, mga kalabog galing sa sala. Naalala ko nang lahat. Natatakot pa rin naman ako pero sanay na talaga. At pakiramdam ko nga, may kinalaman ang nangyayari roon sa araw na namatay ang biology professor ni Zoe in the same night na nag-black out sa buong village. Well… conclusion ko lang naman iyon. Doon kasi nagsimula ang lahat. But who knows? Baka nasisiraan lang ako ng bait. “Bang bang, Ti-Thees. Taya ka.” Ngumiti ako at walang hintong naglakad lang ng naglakad. “Good mood?” “Uh… not much. Napanood ko kasi si John Cena kagabi kaya happiness ang aura ko.” Tumawa lang ako. Favorite wrestler ni Zoe si John Cena. Hindi ako mahilig sa wrestling so I have no idea kung sinumang John Cena ang tinutukoy niya. Basta ako nakiki-ride. Ayoko namang ma-wrestling ng wala sa oras kapag hindi ko sinakyan ang mga ganyang trip niya, ‘no. “Teka, teka! Sa’n ka pupunta?” pigil niya sa akin nang marating namin ang school library. “May Egyptian artifact research ako. Sabi kasi ni Sir Ed kailangan niya raw, eh.” “Oh jeez, Ti-Thees. H’wag mo akong idamay d’yan.” “Eh, Zoe, naman, eh. I need help, okay?” “Gross. Ayaw. Kita tayo mamaya, ah. Tsk. It sure sucks to be a T. A.” then she left me. Malungkot ang ngiting gumuhit sa labi ko’t napailing na lamang. Teacher’s Assistant ako ng nag-iisang archeology professor ng Saint Claire na si Sir Ed. Hindi ko naman pangarap ang maging archeologist pero gusto kong matuto. Bata pa lang ako mahilig na ako sa ancient histories and stuff na may kinalaman sa ancient times. Gusto ko iyong thrilling stories ng mga sinaunang taon like the pyramids in Egypt, the mummies, and so on. Weird ba? Maybe. But trust me, I’m not a freak. “Science… Math… Literature… Occ—” Kailan pa nagkaroon ng occult section ang school library? Wala ito dati ah. Hindi ako geek pero lagi akong tambay sa library kaya alam kong wala ang occult section na ito dati. Sumilip ako sa librarian. Wala sa kaliwa. Wala sa kanan. Matignan nga kung anong laman ng occult section. Baka comics lang at nagre-react lang ako ng bongga. Ugali ko na ang humahawak sa librong nakahilera kapag naghahanap. But I touched a particular book’s spine pagkatapos ay bigla na lang akong inantok. “Hurry! Get him out! Fast!” Just where exactly am I? Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng isang bahay. Maliit na bahay. Parang bahay ng dwarfs ni Snow White? Ay teka. Masyadong maliit iyon. Basta. Maliit siya. All I can see is trees. Green grass and trees. Mahangin pa. Then a kid was being rushed out of the house. Hindi ko kita ang bata dahil napaliligiran siya ng mga tao pero sigurado akong bata iyon. People were glaring at me. Lahat sila’y parang gusto akong patayin. “Aaaaaaaah!” Bumagsak ang shelf kasama na rin ako na naitulak ng mga nagtakbuhang students sa likuran ko. Nagkahalo-halo ang mga libro ng shelf sa occult section at mga libro ng iba pang subjects dahil nasama rin iyon sa mga bumagsak. “Need a hand?” Mula sa pagkakasubsob sa tumumbang shelf ay nag-angat ako ng mukha. Halos manigas ako sa tindi ng shock when I saw him. No. This can’t be happening. Bangungot ba ito? Can somebody wake me up please? “GUESS what?” “Hindi ko kamag-anak si Madame Auring.” Narinig kong tumawa mula sa kabilang linya si Cheen. Madalas na niya akong tinatawagan simula nang mangyari ang nakakatakot na insidente ng babae sa salamin sa Dahlia. Well… lagi pa rin namang nagpapakita ang babaeng ‘yon pero hindi na ako gano’n kadaling mag-freak out. Sanay na ako sa mukha niya. Eeeesh. “Ang KJ mo, alam mo ‘yon?” “Ano nga kasi ‘yon? Bilisan mo, malapit nang mag-ring ang bell.” “Tsk, fine. Nakausap ko si Ryle kahapon. He’s in Sunny Dale, Ti-Thees.” ‘Tapos narinig ko siyang tumili. “And you know what? He’s out to visit you!” Muntik kong mabitawan ang hawak kong baso ng juice sa sobrang gulat. Nakita kong tumingin sa akin si Zoe na nakikipag-usap sa grupo nila Tale na panay mga lalaki sa cafeteria. Nginitian ko lang siya para hindi siya magduda at lapitan pa ako sa table ko. “What are you saying, Cheen? Ryle doesn’t know I’m in Sunny Dale at lalong hindi rin niya alam kung saang school ako nag-aaral.”  “Ooops. My tongue might slipped a little infos yesterday.” Ay nako. AT NGAYON, nasa harapan ko na siya, flashing his famous boy-next-door smile at me and offering me his hand. Tumayo ako na hindi kinukuha iyon. May mga dumalong mga lalaki para ayusin ang tumumbang shelves at pati na ang mga nagkalat na libro. Hindi naman sila mukhang galit sa akin dahil hindi nila ako pinapansin na nakatayo lang doon. “Seesh. Grabe, Thees. Sobra na yata ang bigat mo kaya pati ang mga shelves sa kabilang section hanggang dulo dinale mo.” Ryle Fleming. High school hearthrob, my rival. Kaming apat nila Zoe, Cheen, at Ryle ang naging magkakasama noong High School. Pero sa kabila no’n, ayoko sa kanya. Well, hindi kay Ryle pero sa atensyong kaakibat ng presensya niya. He’s the ‘it’ guy and we’re basically the simple, ordinary, normal students. Ayoko ng ingay na dala niya. Ayoko ng gano’n. So I tried to beat him at academics. Number one rin siya roon. We secretly hate each other. Nasabi na niya sa akin ‘yan dati. So… ba’t siya nandito? “You’re still the same, Ti-Thees.” Hindi naman sa ayaw kong i-welcome siya pero… my instinct is telling me that I shouldn’t get along that much with him. I mentally shrugged. So I’m trusting my instinct. “He-He-Hey! Thea, sa’n ka pupunta?” Nagpatuloy ako sa paglalakad. “Thea!” Away from you is away from trouble. “Thea, sandali!” nahuli niya ang braso ko so I was forced to face him. Edi no choice. “Ano ba iyon?” “Grabe ito.” sabay bitaw sa akin. “Wala man lang welcome? Wala man lang kahit anong greeting? Para namang wala tayong pinagsamahan n’yan, eh. Tsk. Hindi ka na nagbago.” Para namang nagbago siya. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi ka dapat nandito, ah. Nag-aaral ka na sa New Zealand. Over qualified ka rito.” “Pfft!” Bumunghalit siya ng tawa. “Naka-drugs ka ba, Thees? Anong hinithit mo? d**o, yosi, o katol?” Bumuntong hininga ako saka naglakad na palabas sa library. Nararamdaman ko siyang sumusunod. “Can we talk, Thea?” “Speak.” “No, not here. I mean… h’wag naman sa bulgar na lugar. Ang daming tao eh. Sa cafeteria tayo, pwede? Lilibre kita.” Pwede na. Manlilibre naman eh. Sumunod ako sa kanya papuntang cafeteria. Marami pa rin namang tao roon kaya anong ipinagkaiba? Pinagtinginan si Ryle. S’yempre pinagtinginan na rin ako kasi kasama ko siya. Ayoko talaga ng kasama ang lalaking ito. Sumipol siya mayamaya. “Ang ha-hot ng mga chicks dito.” Nginitian siya ng mga nagdaanang cheerers na maiiksi ang palda. May isa pa ngang dinilaan ang kanyang pang-ibabang dila ‘tapos kumindat kay Ryle. Tsk. Ang laswa nila. “Magseryoso ka nga. Bakit mo ba ako kinaladkad dito? Anong problema mo?” “Kukumustahin lang kita. Ano na bang nangyari sa ‘yo?” Tumayo na ako at naglakad palayo. “Pa-mysterious ka pa, eh! Mangungumusta ka lang pala!” HINDI ko na nakita si Zoe mula noong nagkita kami sa hallway kanina. Maaga akong nag-out sa school. Naglalakad lang ako pauwi kaya hindi maiiwasang mapadaan ako sa may square dahil doon naman talaga ang daanan ng mga sasakyan at mga pauwi sa Block ko. Weird ang feeling ko nang mapahinto ako roon. Malakas ang ihip ng hangin. Para kasing umaakyat iyon sa buong katawan ko kada ihip nito. Eh. Creepy. “No way…” Napahinto ako sa paglalakad. Iyong bata, kitang-kita kong nahagip siya ng ten wheeler truck na rumaragasa. Kitang-kita ko nang makaladkad siya no’n at gumulong sa ibaba ng truck na iyon. Pero lubhang nagtaka ako nang iligid ko ang paningin ko at makita ang mga tao na parang walang nangyari. Pagbalik ko sa kabilang kalsada kung saan ko nakita ang batang babae, nando’n na siya. Buhay, buo, humihinga, naglalakad. Posible nga kayang namalik-mata lang ako? Pero bakit kasabay no’n eh nawala rin ang malakas na hangin kanina? Woah. What’s happening to me again? “Mrs. West?” Nadaanan ko kasing nakalabas ang van nila Mrs. West. Kapitbahay ko sila. Malaki talaga ang bahay nila. As in pwede nang ikumpara sa mansyon. Magarbo lahat ng bahay dito sa Sunny Dale. Pero iba kasi ang kay Mrs. West. May pagka-antique ang datingan. “Althea, hija. Mabuti na lang at naabutan mo pa kami. Makakapagpaalam pa ako sa ‘yo.” “Ho? Bakit ho? Magbabakasyon kayo?” “Hindi, hija. Lilipat na kami ng bahay. Naipagbili ko na ang Crescent kaya may iba nang titira rito. Gusto ko nga sanang ipaalam sa ‘yo kaso medyo busy ka yata sa Saint Claire ngayon.” Crescent. Crescent ang tawag nila sa bahay na ‘yan. Hindi ko alam kung bakit. Pero dadalawang bahay lang ang pinangalanan nila sa Block na ito. Ang akin which they call Cross at ang kay Mrs. West. Hindi ko alam kung bakit Cross pero hula ko nasa shape. Pa-cross kasi ang itsura ng bahay ko sa labas dahil na rin sa second floor ko. “B-bakit n’yo ho ba ipinagbili? M-may naging problema ho ba?” Bahagya siyang natawa at tinapik-tapik lang ang ulo ko ng nakangiti. Honestly, ayaw kong umalis sina Mrs. West. Siya lang kasi madalas ang nakaka-kuwentuhan ko kapag hindi ako umaalis ng weekend. Sa kanya lang ako nakakapamalimos ng meryenda. Ayaw ko siyang umalis. “Na-transfer ang asawa ko overseas, Althea. Kailangan naming mag-migrate. Pero h’wag kang mag-alala. Mababait ang mga titira rito, I swear to you hija makakasundo mo sila.” Nanatili akong nakatayo sa harapan ng gate nila. Nalulungkot ako kasi mawawala na ang kaisa-isang kapitbahay na nakakasundo ko. Wala akong interes sa kung sinong titira r’yan. Kaya hayun. Umalis na’t lahat-lahat sina Mrs. West eh nakatunganga pa rin ako sa harapan ng gate nila. Hindi sana ako kikilos kung hindi lang tumawag si Zoe. “Ti-Thees! Bakit missing in action ka kanina? Oh my gosh! Guess what? Pinuntahan ako ni Ryle! Nandito siya!” Nailayo ko ang cell phone ko sa tenga ko. Napabuntong hininga na lang ako habang nagbibihis ng uniform sa bahay. Black ang uniform namin. Pa-dress ang type niya pagkatapos ay long sleeves. Ang patch naman namin ay may symbol ng cross at nakalagay sa may kaliwang braso ng dress. Madalas akong nagpo-ponytail dahil nga bawal doon ang lugay. “Nakita ko na siya kanina, Zoe.” “Gano’n?” Ramdam ko ang biglang pag-shift ng tone niya sa isang nakakawalang ganang boses. Ewan ko sa kanya. Hindi naman siya ganyan. “Anyway, iyon lang naman ang sasabihin ko.” “Wait, Zoe, don’t you think parang… parang ang weird?” “Ang alin?” “Si Ryle. Bakit daw ba nando’n siya?” Dapat naman talaga wala siya roon, eh. “Edi nag-transfer siya. Anong weird doon eh matalino naman ‘yang si Ryle at saka mayaman ang pamilya n’yan?” “Kahit na. Mahirap pumasok sa Saint Claire ano ka ba. Isa pa, hindi ba ang sabi ni Ryle hindi siya gagamit ng impluwensya at yaman ng pamilya niya para sa mga gusto niya? He’s been going around getting by on his own. Pero, Zoe, mahirap pumasok sa Saint Claire ng scholar ‘no. Tayo nga, eh, kung anu-ano pang pinagdaanan para lang makapasok d’yan. Hindi ba ang weird?” “Ikaw ang weird.” Hindi ako nakapagsalita sa sagot niya. Hindi sa naiinis ako sa isinagot niya. Ayoko ng tono niya. Like she’s uninterested or something. Basta. Naiirita ako sa tono niya. “You’ve been acting real weird lately, Ti-Thees. Napapansin ko iyon. ‘Tapos ngayon naman si Ryle ang pinag-iisipan mo ng ganyan. Don’t you think you have issues unresolved? Why don’t you see a shrink?” Doktor? Doktor sa utak? Magpapatingin ako sa doktor sa utak? Mukha ba akong may sira sa ulo? SLAM! Pinatay ko ang cell phone at hindi na sinagot si Zoe nang marinig ko ang kalabog na iyon. Sumilip ako sa kwarto para tignan kung ano iyon. Wala naman akong nakita bukod sa uniform ko na nasa ibabaw ng kama. Tumalikod na ako para umalis ngunit naramdaman ko ang pag-ihip bigla ng malamig na hangin sa likuran ko kaya napabalik ulit ako ng tingin. What the… Nakabukas na ang bintana ko at nagliliparan na ang kurtina ko dahil sa hangin. Iyong uniform ko na nasa kama kanina lumipat doon sa may mesa ko bigla. Holy… Kailangan ko na ba talagang magpatingin? “I THINK you’re doing fine, Miss Warren.” Wala naman siyang ibang ipinagawa sa akin kung hindi ang mag-drawing, sumagot sa test at kung anu-anong pambatang gawain. Naging madali lang naman. Sana. Kaso alam kong hindi nagtatapos doon. “Ano kasi… tingin ko kasi… may hindi normal sa akin, Dok.” Hindi siya sumagot. Kaya nag-kwento ako. Ikinuwento ko ang mga kabaliwang nangyari sa akin sa pad ko pati na rin ang babaeng iyon sa salamin. Halos lahat. “Nagda-drugs ka ba, Miss Warren?” Nagulat ako sa tanong niya. Ano bang klaseng tanong iyon? “H-hindi po. I swear wala akong tine-take na drugs o kaya kahit na anong  mga ganyang bagay.” “You’re hallucinating. That’s what I think. I suggest you take these medicines I’m prescribing you. Kapag hindi umubra ito in two weeks, bumalik ka. Pag-uusapan natin ang treatment mo.” Treatment? Mental hospital? Rehab? No way! Ayaw! Hindi ako mapupunta roon, matino ako. Just when I was about to argue, biglang umeksena itong si Ryle na nakangiti. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton. Itatanong ko pa lang sana ang kaso’y nauna naman itong si Doktora. “What are you doing? Excuse me, may pasyente pa ako. Will you kindly wait outside please?” Imbis sumagot ay inagaw niya ang niresetang gamot sa akin ng doktor at tinignan. Pagkatapos niyon ay hinatak niya ako patayo pagkatapos ay tinago niya ako sa likuran niya. Kaya wala akong makita. “Kung anumang sinabi sa ‘yo ng babaeng ito, kalimutan mo na, Dok. Nagbibiro lang siya.” Oo, nakangiti siya. Pero naabutan ko ang pagkablangko ng kanyang mga mata gaya ng pagblangko ng mata ng doktor na madali ring bumalik sa dati. Nagkunwari akong walang nakita. Pero nagtaka ako. Ano iyon? “I think you’re doing fine, Miss Warren.” Eh? Iyon din ang sinabi niya kanina ah. Paulit-ulit? Unli? Hinila na ako ni Ryle palabas dire-diretso papasok sa kotse niya. Agad ko siyang tinaasan ng kilay nang makasakay siya sa kabilang parte. “Anong ginawa mo? At saka paano mo nalaman kung nasaan ako? Sinong nagsabi sa ‘yo? Bakit ka nakialam? Ano bang problema mo?” sunod-sunod kong tanong sa kanya dala ng iritasyon. “Woah, slow down, Thea. Answers lang ang may multiple choice, isa-isa lang ang tanong.” Hinampas ko siya. “Magseryoso ka nga! I hate it when you pop up out of nowhere!” Nangiti na naman siya. May sayad ba ito? “I love it when you yell. It’s like… ako lang ang nag-iisang tao na kayang bumali sa pagka-prim and proper ni Althea Warren.” Natigilan ako. Napaisip. Oo nga ‘no. Pero teka. Hindi tama iyon! Naiisahan ako nitong lalaking ito eh. “H’wag mo akong daanin sa ganyan. Sagutin mo ang tanong ko!” Binawi niya ang ngiti niya. Bumuntong hininga siya saka nagseryoso. “Nalaman ko kay Zoe. Pinuntahan kaagad kita. Althea, makinig ka. Kung may mga hindi ka maintindihan na pangyayari, please h’wag mong gagawin ito. Discuss it with Cheen not with Zoe. Ipapahamak ka lang ng mga advices ng babaeng iyon. Alam mong walang maniniwala sa ‘yo. You can’t even believe it yourself. H’wag mo nang ikuwento sa ibang taong hindi nakakaintindi.” Napatitig lang ako kay Ryle. Hindi naman siya ganito eh. Hindi niya sinasabing naniniwala siya sa mga kababalaghan. Basta. Nakikinig siya sa mga ikinukwento ni Cheen pero wala naman sa tipo ni Ryle ang maniniwala sa gano’n. Kung si Zoe nga hindi, eh. Maski na ako hindi. Si Ryle pa kaya? Pero iba siya ngayon. Ibang-iba. “N-naniniwala ka sa gano’n?” “Not until… not until I prove it myself. Pero hindi ko sinasabing hindi. Ayokong magsalita ng tapos. Pero naniniwala akong may mga bagay na hindi dapat pinipigilan. May mga bagay na mas malakas sa atin. May mga bagay… mga bagay na hindi dapat kinokontra.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD