Three
The Dove
“Life must go on.”
“I know. And I know… I should go on.”
Dalawang boses. Akala ko nakikita ko sila pero hindi pa pala. Patuloy pa rin akong nakatingin pero wala namang tinitignan. Isa lang ang nakasisiguro ako. Hindi maganda ang pangyayaring iyon para sa kanya. Sigurado ako…
SILIP. Lingon sa kanan. Clear. Lingon sa kaliwa. Clear. Pasok sa classroom. There he go. Mukha siyang surprised nang makita ako. Hindi ko rin naman gustong gawin ito, ‘no. Wala lang akong makausap.
“Good morning.”
Bakit ba lagi na lang siyang nakangiti? Wish ko lang makita ko siyang umiiyak o kaya nakasimagot man lang kahit na minsan.
“Hey, morning din. Tapos na ang klase mo?”
Tumango siya. Unconsciously ay napatitig ako sa kanya mula ulo pababa. Wow. Bumagay sa kanya ang uniform ng Saint Claire. It was a white pair contrary sa suot ng mga babae na black. Red necktie, white blazer and white pants. The cross symbol of Saint Claire is placed on the chest side of the blazer.
Pagdating sa uniform bawal naman ang naka-open ang butones ng blazers ng lalaki. Detention iyon.
“Bawal ‘yan, Ryle.”
“Ah. Sorry.”
Isinara niya ang butones ng blazer niya saka inayos ang necktie. Pagkatapos niya ro’n, naglakad kami palabas ng classroom niya. Gaya dati, pinagtitinginan na naman siya ng mga babae. Siya naman ngumingiti lang. Pati tuloy ako nadadamay sa mga tingin eh.
“You look bothered, Thees. May problema?”
“Wala. Iyon pa rin naman.”
“May nangyari ulit na weird? Tinawagan ko na si Cheen. Baka raw dalawin niya tayo kapag lumala ‘yang problema mo. Nagpakita na naman ba iyong babae sa salamin na sinasabi mo?”
Umiling ako. Tuloy lang kami sa paglalakad sa may hallway pero nakikita ko namang seryoso na siya.
“De ano pala?”
“Iyong panaginip ko. Napanaginipan ko ulit siya, Ryle. Iyong babaeng walang mukha. This time may kasama na siyang lalaking walang mukha. Weird lang. Nag-i-english sila.”
Tumawa si Ryle. Nakakahiya nga naman kasi. Bakit kasi english ang language ng panaginip ko?
“Bakit ba kasi pati language ng panaginip mo gusto mo pang pansinin? The dream alone is weird, Althea. At saka sabi mo napapanaginipan mo na iyon mula pa noong bata ka. Natapos mo na ba? I mean… para na ring episodes ‘yan, eh. Narating mo na ba ang pinaka-ending?”
“You know I wish I have. Pero the longer I kept dreaming of strange places with the same faces, the more na hindi ko matatapos ang panaginip na iyon. Aw!” nabangga kasi ako pagkatapos hindi man lang nag-sorry. Ang babastos din talaga ng mga taga-Saint Claire minsan kahit ay dapat disiplinado sila.
“Okay ka lang?”
“Yeah.”
“Baka naman may gusto siyang sabihin sa ‘yo?” pagbabalik niya sa topic gaya ng pagbalik namin sa paglalakad.
“Sino? Si faceless?”
“Wow. May pangalan na siya. Yeah, si faceless. Wait, ano bang naging panaginip mo kanina? May naulit ba? Sino iyong lalaki?”
“Hindi ko alam, eh. Boses lang ang pinagbasehan ko. I couldn’t see them. Pero I know there was a cliff there. At least I supposed it was.”
“What’s a cliff got to do with a girl and a boy?” he was wondering out loud. “Ano pa bang mga eksena roon ang nakita mo except sa nasa simbahan siya at may kasamang lalaki?”
“Once I saw her crying. Noong bata ako nanaginip ako ng gano’n. Paggising ko umiiyak na rin ako. Pero iyon iyong time na magkaaway kami ni Kuya. Iyong time na galit ako sa kanya.”
Nakita ko siyang nag-iisip. Nag-isip na rin ako. Eh kaso occupied ng thesis ang utak ko kaya’t wala nang natira para sa ibang bagay kahit gustuhin ko man.
I’m so exhausted.
OKAY. Great. Time to panic.
“Heeeeeeeeeelp! Help! Tao po! Yuhoo, may tao ba r’yan?”
First time. Nakulong ako sa sarili kong banyo. Hindi ko alam kung paanong nangyari dahil wala namang makakapag-lock no’n sa labas dahil walang tao kung hindi ako. What am I gonna do? Wala akong cell phone, nasa labas. All I have is the toilet stuff. Paano na ito?
“Argh! Kung sinumang tao r’yan o kung anong nilalang ka pakitulungan naman ako oh!”
Click!
Dahan-dahang bumukas ang pintuan. Lumingon ako sa salamin. She was there. Kumurap lang ako ng saglit at nawala na. Napabuntong hininga ako saka lumabas na at nagbihis.
Sunday. May usapan kami nila Zoe at Ryle ngayon dahil unang weekend ni Ryle dito. Gusto ko sanang sila na lang kaso pinipilit ni Ryle na kaming tatlo ang lumabas magkakasama.
Nag-ring ang telepono ko. Rumehistro ang pangalan ni Zoe sa caller ID. “Zoe.” I answered the call.
“Ti-Thees—haaaaaaatchuu! Sorry—hatchu!”
“What’s happening to you? Are you sick?”
“You bet. Hatchu! Hindi ako makakasama. May sakit ako. Pakisabihan na rin si Ryle. Sorry, Ti-Thees. Haaaaaaaatchu!”
“W-what? Huy, Zoe, ayokong sumama kay Ryle mag-isa, ‘no. This thing shall better be off kaysa kaming dalawa lang.”
“Eh bahala kayo. Basta kapag matutuloy ito sabihan n’yo ako, ah.”
“Yeah, yeah.”
Call ended. Tinawagan ko si Ryle. Agad siyang sumagot after five rings. Sana lang wala pa siya sa plaza para hindi naman nakakahiyang bumalik pa siya dahil lang nagkasakit si Zoe.
“Nasa’n ka, Ryle?”
“Nasa bahay, maliligo pa lang.”
Phew. Buti na lang. “Nagkasakit si Zoe, hindi na raw tuloy.”
“G-gano’n? Edi tayo na lang.”
As expected kay Ryle. Kung si Zoe ang nasa posisyon ko malamang pumayag na iyon. But not me. No, never me.
“Magtatampo si Zoe kapag lumakad tayo ng solo. Next weekened na lang. Maghahanap din ako ng sideline, eh.”
“Sige.”
Sa gano’ng kaikling pagpayag niya eh naputol ang tawag. Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas. Wala naman akong kailangang gawin kung hindi ang maglakad lang papunta ng plaza. Walking distance lang kasi halos iyon.
Pagdating ko ng plaza, kailangan ko pang makisiksik para marating ang kalagitnaan no’n at matanaw ang nangyayari. Noon ko lang naalala na malapit na nga pala ang yearly festival ng Sunny Dale kaya may pre-celebration na ngayon like this. Isang magic show.
“Oooooh!”
Lumipad iyong kalapating ginagamit ng magician para sa trick niya. Pinapanood lang niyang lumipad-lipad iyon sa ibabaw ng maraming tao. May mga batang pumapalakpak para matawag ang atensyon ng ibon. Pagkatapos mayamaya bigla na lang nag-landing sa kaliwang balikat ko ang puting kalapati.
“Waaaaaaaw.”
The kids looked at me with amusement. May ibang pumapalakpak. Ako naman ay bahagyang naiilang. Bumaba ang magician at nilapitan ako. Inaasahan kong kukunin niya ang ibon niya pero hindi. “Well then, I guess the bird is yours. Take care of him, will you?”
May accent siya. Mukha siyang foreign pero Asian ang skin tone. Pero sure akong imported itong si Manong.
“Uh… Um… can I just give it to someone else?” nose bleed!
“No, please no, Madame,” may pakiusap sa kanyang tinig nang pigilan ako. “The bird chose you. You must take responsibility for him from now on.”
Alright, this is weird. Totally weird. Una, iyong pagpunta sa akin ng ibon. Ngayon naman, ang responsibilidad kong alagaan ang ibon dahil ako ang pinili nito. Hindi nga? Seryoso?
Pero kung sabagay. Kawawa nga naman ang ibon. “I guess… I’m keeping him.”
Ngumiti ang magician. “I wish you luck with your search.” Pabulong iyon pero nadinig ko ng malinaw. Ni hindi na nga ako nakasagot hanggang sa bumalik na lang siya sa stage. Wow. Creepy…
“Excuse me?”
Lumingon ako. Nakalagay na sa cage niya ang ibon noong time na iyon. Nakatayo sa likuran ko ang matangkad na lalaki na medyo may dark brown ang hair. He was dressed casually with a simple black tee shirt topped with a black leather jacket and a rough slacks bottom. Matalim ang mga mata niya kapag tumitingin. Pero pormal lang naman ang itsura niya sa akin kaya hindi masyadong pansinin ang mata.
“You need something?”
“I’m thinking if… interesado ka ba sa ibon? Kasi… gusto ko sanang bilhin na lang sa ‘yo. I mean saves me the trouble of finding one that looks the same like yours.”
Napatingin ako sa ibon. Nakatingin din ito sa akin na parang may gustong sabihin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayokong ibigay ito sa iba. After all, sabi noong magician ako na raw ang may-ari nito.
“S-sorry, I’m keeping it.”
Tumango lang siya at umalis na. Hindi ko alam kung bakit ko pa siya sinundan ng tingin. Pero nang makasalubong niya ang ilang kumpol ng collge students sa malayo, lumingon siya sa akin. Gusto kong matakot. Ngunit bigla na lang gumuhit ang isang ngisi sa labi ko. Nagulat ako pero parang hindi naman iyon ipinakita ng mukha ko. Tinitigan niya ako ng masama. Then suddenly I just felt that weird feeling na pamilyar sa akin ang tingin na iyon.
Nang umuwi ako, inayos ko ang cage ng ibon. Sinabit ko iyon sa may bandang kaliwa ng pintuan ng kwarto ko. Tinititigan ko lang iyon habang iniisip kung bakit ko nga ba tinanggap ang ibon na ito. Bigla na lang nasira ang salamin ko na parang sumabog kahit wala namang gumagalaw no’n.
“Anong ginawa ko?”
Alas kwatro pa lang ng hapon nananakot ka na ng ganyan!
Wala akong nagawa kung hindi ang pulutin isa-isa ang mga nagkalat na bubog. Pupulutin ko sana ang isa sa mga tumalsik malapit sa silya nang mapansin ko ang isang kwintas. Color blue ang pendant no’n. It looked like a gem though hindi pa talaga ako nakakakita ng totoong gem. Sa tingin ko naman ay may kalumaan ang strap no’n. I do not own any necklace na gaya nito. Saan nanggaling ito?
“PREFECT?”
Tumango ang President. Nga pala, he’s the forty six years old President ng Saint Claire, si Mr. Cain. Hindi siya istrikto. Ang mga teachers oo pero hindi siya. Madalas siya sa botanical garden ng Saint Claire at gumugupit ng mga rosas para ilagay sa mesa niya.
“I’m giving you the chance, Thea. Isa pa gustong-gusto ko kasing tignan kung paano mo sila sasawayin.”
“Sir, hindi ko naman po alam kung anong ginagawa ng isang prefect.”
Itinaas niya ang salamin niya gamit ang kaliwang kamay niya at sumandal sa swivel chair niya.
“Saint Claire’s rules, Miss Warren, please.”
Napalunok ako.
“Rule one –wear your uniform properly. No open buttons, no sleeves up, no missing neckties and patches. Rule two –untied hairs are prohibited as well as bleached ones. Rule three –fighting with uniform on and fighting inside the school is prohibited. Rule four—”
“That’s enough.”
Mahaba-haba rin kasi ang rules. Kung ire-recite ko lahat baka abutin kami ng umaga ni Mr. Cain dito. “Naku! Ang cute-cute mo talaga, Thea!”
Pambihira naman talaga itong si Mr. Cain. “Sir, ano nga kasi iyon? Bakit ako magiging prefect at saka ano ba ang prefect?”
Nagseryoso na naman siya ulit. Pambihira. Lakas ng sayad ni Mr. Cain.
“Maraming transferees ngayong taon, Althea. Hindi naman sa binibigyan ko ng importansya ang mga bagong papasok pero gusto ko rin sanang maging maayos ang Saint Claire at sa tingin ko, ito na ang pagkakataong iyon.”
“Ano pong… kinalaman ko roon?”
“You’ll be Saint Claire’s prefect. Alam kong mabigat na trabaho ito para sa isang first year pero sana tanggapin mo. Alumni ka na ng Saint Claire High School. Kilala ka halos ng lahat. Hindi ka na mahihirapan.”
“Ano nga ho ba kasi ang prefect?”
“Taga-saway ng estudyante.”
“Sir, hindi ko ho kakayaning mag-isa iyon.”
Ngumiti siya sa akin. Tumayo bago tinapik ang ulo ko. “Alam ko. May makakasama ka. Iyon nga lang medyo matatagalan pa ang dating. Sa ngayon kayanin mo na munang mag-isa, Althea. Heto.” Inabot niya sa akin ang isang patch na may pin. Nakaimprenta sa patch ang cross na simbolo ng Saint Claire pagkatapos sa ibaba no’n eh nakalagay ang salitang ‘Prefect’. “Ilagay mo sa balikat mo ‘yan. Nagpagawa na rin ako ng blazer jacket para mahalata pa ng iba ang pagkakaiba mo sa kanila.”
Bigla akong natakot doon. Pagkakaiba sa kanila. Hindi ko talaga malaman kung bakit pakiramdam ko may favoritism si Mr. Cain sa akin. Hindi ako assuming. For years na scholar ako ng Saint Claire, hindi ako nilalaglag ng eskwelahan kahit pa bumabagsak ako sa ilang subject. ‘Tapos ngayon naman gagawin niya akong prefect?
“Sir, hindi ho ba parang lalabas na favoritism ito? Freshman lang po ako. May mga seniors ding gustong mabigyan ng ganitong pansin at pagkakataon. Pakiramdam ko ho parang hindi tama.”
“Trust me, Thea. Isuot mo na lang ‘yan at lumabas ka na. Start na ang klase.”
Hindi ko na kinuwestyon pa si Mr. Cain at isinuot na lang sa kaliwang balikat ko ang patch na pabilog saka lumabas ng opisina niya. Naghihintay doon sina Zoe at Ryle na siyang mga kasama ko kaninang ipina-page ako sa cafeteria. “Oh anong sabi? Laglag ka sa scholarship?”
“Hindi.” Then I showed them the patch na nakakabit paikot sa balikat ko. “Ginawa akong prefect.”
“Prefect?” halos magkasabayan nilang echo sa sinabi ko.
Tumango lang ako. “In other words, guardian ng mga estudyante.”
“So magpa-patrol ka rin sa Night Class?”
Iyan na nga ba ang sinasabi ko.
Tinapik-tapik ko sa balikat si Ryle saka naglakad. Naramdaman kong sumusunod sila. May Night Class nga pala ang Saint Claire. Iyon iyong mga umaabsent sa day class. Sabi nila special class daw ang Night Class. Nah, I doubt it. Humahabol lang sila sa mga lessons kaya sila special palibhasa rare ang Night Classes ngayon.
“What do you know about prefects, Ryle?” nagsimula nang usisain ni Zoe si Ryle.
“Konti lang. Pero wala akong nakikitang babaeng prefect. Laging lalaki. Mas nasasagupa kasi nila ang mga trespasser at saka mas nakakaawat sila sa mga away ng mas madali than girls do.”
“Ibig sabihin magpa-patrol si Thea sa Night Class?”
“She’s a prefect, she has to do that.”
“Eeek. Scary.”
This is not good.
NIGHT Class.
Ingay lang ng mga kuliglig sa forest ang dinig ko. Ang tahimik na ng hallway. Maski na ang boses ng teacher na nagtuturo sa may Pentagon eh halos hindi ko na rin marinig. Malalim na talaga ang gabi.
“Ouch!”
Ano ba iyon? Stone or something? Sa sobrang dilim kasi sa hallway ng Pentagon hindi ko na makitang may makakasalubong ako. Pero weird. Hindi ba dapat maririnig ko siya o kaya ang foot steps niya? Well not unless galing siya sa itaas na tumalon lang pababa.
Naramdaman kong nilampasan niya ako. Teka.
“Hey! Hindi pa tapos ang klase!”
Tinutukan ko siya ng flashlight. Lumingon siya. Hinarangan niya ng kamay niya ang mga mata niyang nasisilaw. Nakita ko siyang naka-uniform pero hindi tama. “Violation din ‘yang uniform mo. Open lahat ng buttons ng blazer mo. Detention. Akin na ‘yang ID mo.”
“Just who the hell are you?” asik niya sa akin na ikinagulat ko ng bahagya. “Ibaba mo nga ‘yang flashlight mo.”
Sa halip na ibaba eh lalo ko siyang tinutukan saka nilapitan. Hinugot ko ang ID niyang naka-clip sa necktie saka ko lang inialis ang flashlight na nakatutok sa kanya. “Bumalik ka sa klase mo. Lagot ka bukas.”
“A goddamn prefect.”
Now I’m being hated. Ugh!
Nakita kong ipinamulsa niya ang dalawa niyang kamay sa loob ng kanyang pantalon saka niya ako nilampasan. Saktong humangin. Lumingon ako. Wala na siya.
Eh? Ano siya, naglalahong parang bula?
DEVON. Akala ko talaga hindi na ako makakabalik sa bayang ito. Akala ko hindi ko na ulit makikita ang pamilyar na pananamlay ng bawat bukiring madadaanan ng tren. Akala ko hindi na ulit ako makakatuntong sa bahay na ito. Pero napaka-tragic ng muli kong pagtuntong sa lugar na ito.
My father died.
“What a catastrophic event.” Ryle mumbled habang pare-pareho kaming nakatayo sa harapan ng libingan ng tatay ko.
“Yeah, same thought.”
“Althea.” I felt him holding my hand. “Okay ka lang ba?”
Parang ang dali-dali lang sa aking sagutin ang tanong na iyon ng oo. Nilingon ko sina Kuya Bricks at Mama. Kagaya ko, gano’n din ang itsura nila. Wala, blangko, wala.
Siguro dahil na rin sa naging trato ni Papa sa amin. Well… he used to love us. He used to love his family. Pero nanaig ang pagmamahal niya sa pera. Nalulong siya sa sugal at alak. Hindi naman siya nanakit. Pero sabi nga nila, mas masakit ang dulot ng p*******t sa emosyon kaysa pisikal. Kaya siguro ganito na lang kami mag-react sa pagpanaw ni Papa.
“Mama?”
Naabutan ko siyang nagbabasa ng bible. Ibinaba niya iyon sa lap niya at nakangiti akong sinalubong ng yakap sa kama.
Natapos ang libing ng gano’n lang. Maswerte nga si Kuya, eh. Nandito na siya during burol at noong naospital ang Papa. Eh ako, tinawagan na nga pero hindi makaalis dahil sa school. Kailangan ko pang ipaalam kay Mr. Cain na namatay na si Papa para lang paalisin ako kaso lang during weekend lang so Sunday kailangan na naming bumalik sa Sunny Dale.
“Kumusta ka na, Mama?”
Hinaplos niya ang buhok ko. I love it when Mama does that. Nararamdaman ko kasing mahal na mahal niya ako.
“No one loves you here!”
Napalunok ako at natigilan. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses na iyon na sumigaw sa tenga ko. Alam kong hindi iyon galing dito pero… what the hell was that?
“Althea?” untag sa akin ni Mama. “Okay ka lang, anak?”
Nagpalinga-linga ako. Iyong boses na iyon… pamilyar pero sa pagkakaalam ko hindi ko pa naririnig ang tinig na iyon sa tanang buhay ko. Para siyang tunog ng pinupunit na papel. Gano’n kabasag.
“Althea! Namumutla ka.”
Nahawakan ko ang mukha ko saka napatingin kay Mama. “M-mama…”
“Okay ka lang? Gusto mo ng tubig?”
Umiling ako. “Okay lang ako, Mama.”
Hinaplos niya ang mukha ko. Nginitian niya ako.
“Ma, anong sinabi ni Kuya tungkol kay Papa? Noong hindi ako nakarating? Anong sinasabi niya?”
“Wala. Wala siyang sinabi na kahit na ano tungkol sa ‘yo. Wala rin tungkol sa Papa mo. Binayaran lang niya ang mga gastusin at iyon na. Sa tingin ko rin naman ay wala nang dapat pang kahit na anong salitang maungkat lalo na’t wala na ang inyong Papa. Hindi ba, Althea?”
“Opo, Mama.”
Nagpatuloy lang siya sa paghaplos sa mukha ko pati na rin sa buhok ko. Hindi kami mayaman. Mahirap din naman kami dati. Kaya nga buong buhay ko isa lang akong scholar. Pero ngayon? Nagtatrabaho si Kuya sa isang modeling agency bilang photographer and at the same time eh co-editor ng isang magazine.
“Ma, ayaw n’yo po bang sumama na lang sa akin sa Sunny Dale? Malaki na rin naman po ang bahay na nabili ko roon, eh. Doon na lang po tayo. At least medyo malapit kay Kuya kaya pwede tayong magkita-kita tuwing Sunday.”
Umiling siya. “Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang bahay na ito. Dito na ako lumaki, dito ko kayo pinalaki, dito kayo binuhay. Nasaksihan ng bahay na ito ang lahat-lahat ng nangyari sa pamilya natin, Althea. Hindi ko kayang iwanan na lang ng basta ang bahay na ito.”
Hindi na rin naman bago sa tenga ko ang pagtanggi ni Mama. Lagi naman siyang tumatanggi sa tuwing yayayain ko siyang lumipat na lang sa tinitirahan ko. Kaya lang, naisip kong baka iba na ngayong wala na si Papa. Hindi pa rin pala.
Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko sila sa sala. Isinama ko sila tutal naman eh Friday at wala nang pasok bukas. So okay lang. Aliw si Cheen at Zoe sa pagtingin sa dala kong ibon. Dinala ko na. Wala kasing mag-aalaga sa bahay, eh. Nakakahiya namang iwanan sa mga kapitbahay. Si Ryle naman ay nakikitingin din pero may hawak na baso ng tubig.
“Saan mo ba napulot itong kalapating ito?” tanong ni Zoe.
“May magic show sa plaza last week. Nakuha ko ‘yan doon. Inuwi ko na para may makasama ako sa bahay.”
“Para kapag nagsasalita kang mag-isa, may kinakausap ka.” Pambubuska ni Zoe sa akin.
“Mukhang imported.” komento ni Ryle.
“Talaga? Magkano kaya kung ibebenta?”
“Ano ka ba, Ti-Thees. Bakit mo naman ibebenta ito eh kailangan mo ito. Mag-isa ka lang. Alam mo bang sabi nila in some way napo-protektahan ka rin ng mga hayop? Like kittens and fishes. Dogs. Mga gano’n.” Sabi naman ni Cheen.
“Weh? Hindi nga?” tatawa-tawang sakmat ni Zoe.
“Ay nako, Zoe, h’wag kang maniwala kung ayaw mo. Basta, Thea,” hinahaplos-haplos ni Cheen ang kalapati habang kausap ako. “H’wag mong ibebenta ito, ah. Matutulungan ka nito.”
“Psh. Weirdo.” saka nag-walk out si Zoe na umiiling.
Nagkatinginan kami ni Ryle. Patuloy naman si Cheen sa paghaplos sa ibon na parang bata lang ito.
By ten PM nagpasukan na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Ipinasok ko na rin ang kalapati sa kwarto ko. Just when I was about to lay down, napansin ko siyang sinusundan ako ng tingin.
Nakita ko kung paanong hawakan at haplusin ni Cheen ang kalapating iyon. Parang kinakausap niya ito. Parang naiintindihan niya ang bawat tweet tweet ng ibon kahit hindi siya nagsasalita. Weird si Cheen. Pero nagiging weird na rin naman ako so what’s the big deal?
“May… may gusto ka bang sabihin sa akin?”
Hindi siya sumagot. Malamang. Ibon ‘yan, eh.
Pero ano nga bang meron sa ibon na ito? Bakit nang dumating siya eh parang lalong gumulo ang mga nangyayari sa akin? Ang mga bagay na hindi ko napapansin dati, mas napapansin ko na ngayon. Iyong mga bagay na hindi ko na pinakikialaman, parang gusto ko nang pakialaman.
“Don’t you wanna… talk to me?”
Hindi pa rin sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Niloloko ko lang ba ang sarili ko o talagang may kakaiba sa ibon na ito?