Ang Babae Sa Salamin

4178 Words
One Ang Babae Sa Salamin   “Yawwn!” Beep beep! Beep beep! Nakapikit kong inabot ang alarm clock sa side table at hinampas ang itaas na bahagi. Tumigil iyon sa pagbibeep. Napabuntong hininga ako. Naunahan ko na naman ang sarili kong alarm clock. “Patayin… ” Tumayo ako at dumeretso sa banyo na nasa kwarto ko. Toothbrush. Where’s my toothbrush? Ilang beses sa isang linggong nagigising ako sa gano’ng panaginip? Mga tatlo. Kapag sinuswerte, mga dalawa. So kung kukwentahin iyon, mga nasa twelve times a month. Twelve times akong binubulabog ng panaginip na iyon. At twelve times din kada buwan akong nagigising ng mas maaga kaysa sa pagtunog ng bunny alarm clock ko. “What is it about again?” Iba-ibang panaginip, iba-ibang lugar. Pero parehong mga mukha, parehong mga boses. Minsan naiintindihan ko. Minsan naman, sa sobrang panonood ko na yata ng vampire films kasama si Zoe ay nagiging foreign na ang language ng panaginip ko. Kulang na lang nga’y gawin ko siyang kuwento at baka sakaling kumita pa ako. “Morning, Althea!” Ngumiti ako at kumaway sa lalaking naglilipat ng mga pinamili niya sa kotse. Welcome to the bright city of Sunny Dale. Ang pinaka-moderno, pinaka-hitech, pinaka-buhay at pinaka-malaking syudad higit hamak sa mga karatig syudad nito.  I bought the pad sa Block C. Doon ako nakatira ng apat na taon na sa ngayon. Let’s just say na iyon ang pinakamurang pad sa buong Sunny Dale kahit maliit at medyo marumi pa nang lipatan ko noon. Mag-isa lang naman ako so it suited me just right. Malapit kasi sa school ko kaya’t convenient na tirhan. “Bless the early bird.” Napangiti ako at huminto. Hinataw niya ang sukbit kong backpack at sinabayan ako sa paglalakad. “Eight’s not early, Zoe. Eight thirty ang start ng first class ko. Isa pa, kailangan kong mag-bibo. Graduation na sa susunod na taon, ‘no.” “Napaka-sipag mong bata, Althea. You deserve an award.” Si Zoe ang kasama kong lumipat sa Sunny Dale noon. We transferred from Devon to Sunny Dale then finished High School saka nag-enroll sa Saint Claire Academy. Kababata ko siya. Kaklase ko na siya mula pa Elementary hanggang sa nag-High School kami at nag-College. “Parang commercial ng coat saver, ah.” Komento ko sa pagpasok niya ng on time. Madalas kasi’y late si Zoe. “Milagrong pumasok ka ng maaga.” “Next time kapag nagjo-joke ka, ‘yong nakakatawa.” Tinawanan ko lang siya. Matapang si Zoe. As in warfreak. Sanay na ako sa kanya. Lagi naman siyang ganyan magsalita. Bastos. Mataray. Nakaka-offend. Pero ganyan lang talaga siya. Mabait naman ‘yan, eh. “But you know, Thees.” She and Cheen na isa ko pang kababata at best friend ay madalas akong tinatawag na Thees. Thees for Thea. “Super relieved akong hindi ko na kailangang gawin ang term paper na itinambak ng biology professor ko. Iyon nga lang, kapag hindi ko ginawa baka multuhin niya ako sa bahay at pagalitan.” Napatigil ako na nagpatigil din naman kay Zoe. “Multuhin?” Kumunot ang noo niya. “Weh? Anong reaksyon ‘yan? Don’t tell me hindi mo na naman alam? Aba, Althea, wala ka sa labas ng kabihasnan, ah. Daig mo pa ang mga taga-bundok. Nasa Sunny Dale ka na huli ka pa rin sa balita?” Napakamot ako sa ulo. Lagi namang sinasabi ni Zoe na huli ako sa mga bali-balita. Hindi naman kasi ako tsismosa kagaya niya, ‘no. “Ano nga kasi iyon? Anong balita ba ‘yan?” “Ay nako. Lumabas-labas ka nga kasi sa pinakamamahal mong lungga para may nalalaman ka naman ng kahit na konti sa current events hindi ‘yong sa TV ka lang nagde-depend.” Ang daming sinabi, eh. “Tapos na? Oh ano na nga iyon?” “Well… namatay kahapon ang biology prof ko. De hayun. S’yempre burado lahat ng term papers, ng assignments, experiments at kung anu-ano pang mga naiwanan niya sa amin. Buti nga eh. Nakalimutan ko kasing i-memorize ulit ‘yong parts ng brain kaya siguradong bagsak ako ngayon kung pina-recite iyon.” Ang sadista niya. “H’wag kang magdiwang. Namatay ang teacher mo, ano ka ba. Kaya hindi ka tinataasan ng grades sa Personality Development, eh. Wala ka kasi no’n.” “De ikaw nang magalang at mabait. Honor student ka, role model sa sobrang bait. Sya sige, ikaw na.” Ngumiti lang ako na nauwi sa pagtawa. Siguro pinanganak na nga talaga akong prim and proper. I mean modernized prim and proper. I’m not a geek. Lalong hindi rin ako nakasalamin. I dress like the others. Hindi ako iba. Tahimik lang talaga ako kapag hindi si Zoe ang kasama ko. “But I find it strange though.” Nakapasok na kami ng building nang magsalita siya ulit. Marami nang estudyante roon na walang pakialam sa mga naglalakad at nakatambay sa hallway. “Ang alin?” “Iyon. Iyong pagkamatay ng prof ko.” “Why?” Huminga siya ng malalim pagkatapos ay nakita kong parang may kung anong shallowness na rumehistro sa mata niya. “I was there noong dumating ang mga ambulansya at pulis, Althea. Nakita ko ang bangkay, eh. Walang dugo, walang pasa, walang sugat.” I laughed. Pero napatigil ako nang seryoso pa rin siya, not cracking the joke na binitawan niya. “Z-Zoe. Seryoso ka?” “Hell yes, Althea. Naririnig ko ang mga paramedics na nag-uusap no’n. Sabi nila kahit na ano raw na bakas ng p*******t sa kanya wala.” “Baka naman sakit sa puso? Baka inatake lang kaya gano’n?” “Wala raw talaga. Hindi sakit sa puso. Sabi pa nga ng mga kamag-anak niya malusog daw ang pangangatawan no’n, eh. Walang posibilidad na bigla na lang siyang humandusay sa gitna ng square ‘tapos makalimutang huminga.” Tumawa na naman ulit ako. Like ko ‘yong part na nakalimutang huminga. Kumusta naman iyon? “Nakakainis naman itong taong ito oh. Nag-joke ako? Mystery ang kinukwento ko uy!” saka inis niya akong nilampasan. Sumunod ako sa kanya na tumatawa. “Next time kapag magku-kwento ka, iwasan mong magbitaw ng punchline para hindi nasisira ang atmosphere.” “Tse!” Naghiwalay kami ni Zoe pagdating sa elevator. Sa second floor pa kasi ang classroom niya. Nasa first floor lang ang akin. Maingay pa pagpasok ko roon. Malapit ang silya ko sa may bintana so most of the time, doon lang ako nakatingin. Hindi naman ako loner. Nagkataon lang na wala akong kasundo sa klase. Iba kasi ang hilig ko sa hilig nila. I don’t want noises. I don’t want anything na gaya nito. Pagkatapos ay bigla na lang nanahimik. Naisip kong baka parating na ang professor namin. Pero nakarinig ako ng mga sumisitsit at bumubulong ng hindi ko maintindihang mga salita sa paligid lang ng tenga ko. Nagpalinga-linga ako. Wala naman akong katabi eh. Wala rin namang nag-iingay na iba. Nangunot ang noo ko. Nababaliw na yata ako? Naisipan kong buksan ang bintana. May ingay ngunit hindi pareho ng naririnig ko. Nanatili akong nakatunghay sa labas ng bintana. Nakikita mula roon ang malaking gate ng Saint Claire. Nang ibaba ko ang blinds ay saka lamang bumalik ang ingay. Mas maingay na ito ngayon. Pakiramdam ko ang dami-daming tao sa paligid ko gayong wala namang ibang nagsasalita. “Wake up… ” Nabitawan ko ang pinaglalaruan kong clip. Sigurado ako sa narinig ko. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ko maipaliwanag ang accent ng tinig ngunit alam kong sa kaliwang tenga ko nanggaling ang tinig na iyon. Lumingon ako sa kaliwa kung saan naroon ang mesa at ang Egyptian and African artifacts chart na nakasabit sa pader. Akala ko wala. That’s until I smelled an unusual smell. Sa sobrang bango niyon ay napapikit ako. I opened my eyes sa takot na baka hindi na ako makaalis sa sensasyong iyon. Nakita ko. Ipinakita niya sa akin. Hindi man kapani-paniwala, nagliparan ang mga pahina ng nakasabit na chart pataas na para bang inilipad ito ng hangin. Huminto. Ipinakita nito ang isang ancient sword na hindi ko kahit kailang nalaman na nag-e-exist pala. Nang magbabaan ang mga pahina ay wala na akong nakita kung hindi ang imahe ng pahina na iyon sa aking isipan. NAKAKATAMAD. Ano pa nga ba eh halos araw-araw naman akong nabo-boring sa bahay na ito. Mahirap mag-isa. Laging ganito ang kinahahantungan. Kung hindi TV, cell phone. Kung hindi cell phone, laptop. Wala nang ibang mapaglibangan. Hindi naman ako pwedeng mangapit bahay. Sobra naman kaya ang nipis ng mukha ko, ‘no. “Kay hirap nga namang mamuhay ng mag-isa,” pabuntong hininga kong sabi. “Konting pagkabagot pa at baka maisipan ko nang kausapin ang sarili ko.” Napapangiti lang ako sa mga kalokohang sinasabi ko. Sino ba namang hindi maloloka sa ganito? Napansin kong nagbu-blur ang TV. Distorted ang imahe sa commercial sa pinapanood kong channel. Marahil ay dahil sa antenna. Nagpunta ako sa kwarto at binuksan ang bintana. Inilabas ko ang ulo ko at tiningala ang bubong. Nasa bubungan kasi ang antenna. Paano ko naman maaayos ito? Naririnig ko na ang mga ingay na ginagawa ng TV ko mula sa sala. Hindi na ito malinaw sa pandinig. Natigilan ako nang makita kong nagpapatay-bukas ang ilaw sa poste sa labas. Pati ang ilaw ko sa loob ay ganoon din. “Eh? Magba-black out?” Eksaktong namatay ang lahat ng ilaw pati na ang aircon ko sa loob at ang TV. Agad kong iniwanan ang bintana at naghanap ng flash light. Nang makapa ko sa side drawer ang flash light, binuksan ko iyon. Dumiretso ako sa kusina. I was almost half way there nang makarinig ako ng malakas na kalabog. Napahinto ako. Sinusubukan kong alalahanin kung naisara ko ba ang bintana nang umalis ako. Hindi nga pala. Hindi na ako bumalik pa roon para i-check lang kung may nakapasok. Alangang makipagbakbakan pa ako sa loob ng kwarto kung sakaling may nakapasok ngang magnanakaw? Mas okay na rito. Mas may laban ako. Ang dami kayang kutsilyo sa kusina ko. Walang lumabas. Wala na ring kasunod ang kalabog na iyon. Nagsimula nang bumukas ang ilaw. Umingay na rin ang TV ko sa inabutan nitong Midnight News. Saka ako bumalik sa kwarto. Wala namang nabago at wala ring nagulo. Baka naman guni-guni ko lang? “O baka may nahulog?” Bumuntong hininga ako at isinara ang bintana. Binalikan ko na ang ginagawa ko sa sala. Nang tignan ko ang notebook ko, nakakita ako ng patak ng kung anong pulang bagay. Could it be blood? Saan nanggaling? Sa pag-aalala, muli akong bumalik sa silid. Sarado pa rin naman ang bintana. I looked around. Alam kong iyon pa rin naman ang dati kong kwarto. Pero parang may iba. May naiiba. “HOY, okay ka lang?” Puti. Ang puting kisame lang ang nakikita ko. Sa peripheral vision ko naman ay si Zoe at ang dalawa pang estudyante mula rin sa classroom ko. Alam kong hinimatay ako. But things before that, nakalimutan ko na. Hindi ko na matandaan maski katiting. Alam kong may nangyari just before I passed out pero hindi ko matandaan kung ano iyon. “Althea, buhay ka pa ba?” Nagbangon ako at nginitian siya. “Good girls live long.” “Gano’n? De madali akong mamatay?” “Hindi ko sinabi ‘yan.” Ngumuso siya na tinawanan ko lang. Napatingin ako sa dalawang kaklase kong lalaki. Nakatayo lang sila sa harapan ko na worried ang mga itsura. “Huy. Problema n’yo?” “Tss. Nakakatakot ka kasi, eh.” “Oo nga. Ano bang nangyari?” Hala. “Kayo ang nakakita, eh. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong n’yan?” “Oo nga naman,”sang-ayon ni Zoe na tumingin din sa kanila. “Si Thees ang hinimatay kaya dapat kayo ang tinatanong ko. Ano bang nangyari kanina? Siguro may putok ang isa sa inyo kaya hinimatay sa baho itong si Ti-Thees ko.” “Don’t call me like that, Zoe!” nahihiya kong sigaw at nagtakip pa ng mukha. “Alin? Ano iyon? Iyong Ti-Thees?” Yuck. Ang bahong pakinggan, inulit pa. Tumawa si Zoe ng pang-sadista niyang tawa. Napailing ‘yong dalawang lalaki. Palibhasa’y kilala nila si Zoe na  mapang-asar. “By the way, Thea.” Sabi noong isa. “May hawak ka kaninang ballpen na mukhang fountain pen ‘tapos maliit at saka gawa sa kahoy yata? Ang weirdo mo, ah. Nagdadala ka ng gano’n?” “Pen? Fountain pen? Wala naman akong fountain pen, eh.” “Meron kaya.” He insisted. “Hindi ko lang alam kung saan nailagay iyon. Eh basta meron! Meron meron meron!” “Enough na, Tale. Hindi ikaw si Carlo Aquino.” Hindi ko na sila napansin nang magkanya-kanya sila ng usapan. Iniisip ko lang ng iniisip ang pen na iyon. Kahoy na panulat. Where am I gonna get that pen in the first place? GOOD GIRL. Good girl nga raw ako. Ewan ko kung paanong nangyari iyon. Hindi naman porke ayoko sa away, ibig sabihin good girl na ako. Maybe wala lang talaga akong interes sa gano’n. Pero kahit anong gawin kong tanggi, alam ko sa sarili kong gano’n talaga ako kahina. Ayoko ng away dahil hindi ko kayang makipag-away. That simple. “Wengya ka naman, Thees oh. On Sunday night sabi mo ako ang kasama mo. Bakit ka pupunta ng Dahlia?” reklamo ni Zoe habang sabay kaming umoorder sa cafeteria. “Gusto ko ngang dalawin si Cheen. Kung gusto mo, sumama ka.” “Ayaw. Boring iyon.” Salbahe. “Matagal na nating hindi nakikita si Cheen, Zoe. Maybe it’s time to have our reunion.” “Not this week, Ti-Thees.” Kumuha siya ng hash brown sa counter pagkatapos ay naglakad ulit. “I have a side line at Jelo’s this Sunday. Sabi mo sasama ka kasi gusto mong magkaroon ng side line so that hindi na sagot ni Bricks ‘yang mga pangangailangan mo kapag nasho-short ka ng budget.” Scholar ako ng Saint Claire. For years, unknown ang nagsusustento sa akin. Basta nag-apply ako for scholarship. Natanggap ako. Simula no’n hindi na ako binitawan kahit nang bumagsak ako ng isang beses no’n. Pero kasi, minsan sa isang buwan nakukulangan din ako ng panggastos kaya kailangan kong humingi ng tulong sa kapatid ko. Kaya gusto kong magkaroon ng side line gaya nitong si Zoe. “Sige na, bruha. Drop Jelo’s. Hindi ka naman matatanggal doon kung isang araw ka lang na hindi papasok, ‘no.” Pangungumbinsi ko sa kanya. “No, no, no, at isa pang no! Ayaw. I’m not dropping my work, okay?” Natigilan ako at napatulala na marahil ay napansin ni Zoe. “Ti-Thees? Oy. Anong nangyayari sa ‘yo?” Lumunok ako ng ilang beses. I think I’m sweating. Hindi naalis ang titig ko sa salamin na nasa gilid ng counter. Pen. I saw it. She was holding it. Hindi ko siya kilala. I knew I have seen her once pero hindi ko siya kilala. Pagkatapos, para akong inantok. Naramdaman kong nabitawan ko na ang hawak kong tray. In seconds time para akong nag-divert sa ibang lugar. May nakikita akong bahay. Kubo. Isang rural area na parang pamilyar sa akin. Berde ang paligid. Much like Devon pero hindi gano’n kalungkot. Parang ang sari-sariwa pa ng hangin doon. “Althea! Althea, okay ka lang?” Nahila ako pabalik ni Zoe. Thank God. Dahil kung hindi, baka may iba nang nangyari sa aking masama. “IPALIWANAG mo kung anong ginagawa mo sa harap ng pintuan ko.” Wow. Welcome to Cheen’s house, Althea. Grabe. Ang warm ng welcome niya sa akin. “Hindi ba parang panget tignan kung sa harapan ng bintana mo ako makikita?” “Psh,” umirap siya pero binuksan niya rin naman ang pintuan. Si Cheen. Sa Dahlia siya nakatira. Mayaman sila pero kapag siya ang tinignan mo, hindi halata. Nakasalamin siya, laging ngarag ang itsura na akala mo’y dinaanan ni Ondoy ang buhok at damit. Walang kaarte-arte sa mukha. Hindi marunong maglagay ng mga kolorete pwera sa itim niyang wrist band na hindi ko alam kung bakit lagi niyang sinusuot. “Nice house,” puri ko nang nagpalinga-linga ako sa loob ng bahay niya. Maganda ang bahay niya para sa isang tao lang. Maluwag at saka malinis. Well, that’s what I expected sa dirt-conscious na gaya ni Cheen. “Anong hangin ang nagdala sa ‘yo rito, Thees?” “Kung anumang hangin iyon, I just hope hindi polluted.” Tumawa siya at niyakap ako. Nahagip ng paningin ko ang salamin niya sa may bandang kusina. Natakot ako. Inaamin ako. Nagpunta ako ng Dahlia para ipahinga ang sarili ko sa mga bagay na nae-encounter ko na lang ng biglaan sa Sunny Dale. Pakiramdam ko maloloka ako. Nakakaloka sa Sunny Dale. Kung anu-anong nakikita ko, kung anu-anong nararamdaman ko. Something’s telling me that it wasn’t right anymore. Hindi na tama. Baka nababaliw na ako. “Ti-Thees, are you okay?” Tumango ako pagkatapos ay kumalas sa kanya. Naupo ako sa couch habang iniiwasang mapatingin sa salamin. Umalis si Cheen at kinuhanan ako ng juice. “What’s up, Thees? Anong ginagawa mo sa Dahlia?” “Heto, dito ako magwi-weekend. Dinadalaw kita. Nami-miss na kasi kita, eh.” “Wala bang pasok?” “I dropped my weekend tutorial classes. Okay lang iyon. Kailangan ko rin namang magpahinga, ‘no.” “You’re such a busy bee,” ngumiti siya sa akin bago sumipsip sa kanyang inumin. “Dadalawin sana kita sa Calcite kaso hindi pa ako nagkakaroon ng time. May tutorial classes ako, may extra curriculars, may ginagawa akong—” “We-weyt. Wait, wait, hold on,” kunot-noo niya akong pinaningkitan ng mata nang patigilin ko siya samantalang ako ay litong-lito sa mga sinasabi niya. “Anong Calcite? Bakit mo ako dadalawin sa Calcite, Cheen?” “Sa Calcite ka nakatira, hindi ba?” Huh? “Kailan pa ako tumira sa Calcite? I’m studying at Saint Claire, right? So I live in Sunny Dale.” “What?! You live in Sunny Dale?!” Echo ko siya? Teka nga. Nakalimutan kong nagbalak din akong tumira sa Calcite dati. Kaya naman pala. Baka ang alam ni Cheen eh tinuloy ko talagang lumipat sa Calcite. “Hindi ka dapat na nando’n, Althea. Sunny Dale is cursed.” Heto na naman tayo. We were a group of freaks. Ako, si Cheen, at si Zoe. Kanya-kanya kami ng karakter. Si Zoe matapang. Laging nato-trouble dahil sa kaaskadahan niya. Ako? Loser daw ako. Noong College lang din ako nakabawi at kahit papaano, nakapamuhay ng normal. Pero si Cheen? She’s the most infamous freak of all. Ang mga magulang ni Cheen ay naniniwala sa mga lumang histories ng kung anu-anong elemento. Not the local ones that we have like tyanak, lamang lupa, mambabarang. Nope. Pero mga foreign elements and monsters. Sa pagkakaalam ko, may lahing Russian itong si Cheen. May mga books pa silang kulay itim dati na makakapal na nakikita ko sa mansyon nila. I thought that’s a complete weirdo. Cheen is a weirdo so no big deal. I went to Dahlia ng Sabado. Linggo pagkagising ko wala na si Cheen. Palagay ko’y namalengke lang siya. Lokang iyon. Hindi man lang nag-iwan ng note. Sumilip ako sa labas ng bahay ni Cheen. Bakuran na iyon. May puno pero hindi ko ma-recognize kung anong puno iyon. Isinara ko na ang screen niyang pintuan saka pumasok ulit sa kwartong ipinahiram niya sa akin. Nagtuloy-tuloy ako sa kama pero bago ko pa man marating iyon, napahinto ako sa pagkakarinig ng pintuan na unti-unting sumasarado. Pagkalingon ko, sarado na talaga siya. Nilapitan ko iyon para buksan pero pakiramdam ko’y parang may humihila no’n sa labas kaya kahit anong hatak ko eh hindi mabuksan. “Cheen? Hoy, Cheen, nand’yan ka na ba?” What to do, what to do? Nagpalakad-lakad ako sa harapan ng kama. Nag-iisip ako ng gagawin but to no avail. Bumalik ako sa kama at nahiga. Pinikit ko ang mga mata ko. Honestly? Kinakabahan ako. Who wouldn’t? Nakulong ako sa kwarto. Sinong hindi magpi-freak out doon? The door suddenly creaked. I opened my eyes. Narinig kong bumubukas ang pintuan. Pero nang balingan ko ng tingin iyon, naka-lock pa rin. Eh ano iyong tunog na iyon? Alangang hangin? Hanging tunog ng nagbubukas na pintuan? “Cheen! Nasa loob ako! Cheen!” Panic mode. Tumayo na ako. Hindi ko sure kung anong gagawin pero naisip ko ang cell phone ko. Tinungo ko ang direksyon ng bag ko. Naghalungkat ako. Nahanap ko ang cell phone ko pero nakapatay. Nagpatuloy ako sa paghahalungkat. Daig ko pa naghahalukay ng ube. Parang ang lalim-lalim ng bag ko but in reality ay maliit lang naman iyon. Then may nakapa akong pahabang bagay. Inilabas ko. Napaarko ang kilay ko nang makita ko iyon. Lumang panulat na gawa sa kahoy. Naalala ko ang sinabi ni Tale. Fountain pen. It does looked like a fountain pen na maliit. “No… ” Ilang beses akong napalunok. Mula pa kagabi ay hindi ko napansin ang full sized mirror na nasa tabi ng desk na pinaglapagan ko ng bag ko. Nakatayo ako sa gilid kaya’t hindi ko dapat nakikita ang reflection ko sa salamin. Eh sino iyon? She stood exactly my height. Pareho kami ng buhok, pareho ng damit. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nasa gilid ako. Nakita kong titingin siya sa direksyon ko. Pero ang tanging nakita ko lang ay ang sarili kong repleksyon sa salamin na hawak ang fountain pen. “Oh my gosh! Althea! H’wag! Stop right there, h’wag!” Next thing I knew, Cheen was already in front of me, grasping my hand which still holds the pen. Puno ng pag-aalala ang itsura niya nang makita ko. Para siyang tumakbo ng milya-milya dahil sa pawis na tumatagaktak sa mukha niya. “Uh… saang marathon ka galing?” “Are you alright?” Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Binitawan niya ako pero inagaw niya ang hawak kong ballpen saka kami lumabas ng kwarto. Naupo kami sa sala. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. What did I do? “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Ti-Thees?”  “What do you mean?” Marahas siyang bumuntong hininga. “Sabihin mo na. Ano bang ginagawa mo rito sa Dahlia? You don’t believe anything that I say. Hindi ka naniniwalang masama para sa ‘yo ang Sunny Dale. Hindi ka naniniwala sa mga elementong sinasabi ko. Wala kang pinaniniwalaan sa mga sinasabi ko sa ‘yo. Anong nangyayari sa ‘yo, Althea?” Napatitig lang ako sa kanya. She’s paranoid. Napa-praning siya. Pero bakit? “A-ano bang… ginawa ko?” “Hindi mo alam kung anong ginawa mo?” itinaas niya ang wooden pen na hawak ko kanina. “Saan galing ito?” “M-malay ko. Hindi naman akin ‘yan eh. Bigla ko na lang nahanap sa bag ko ‘yan and I don’t even know where on earth that thing came from.” “Ano bang nangyayari?” Bumuntong hininga ako. Siguro nga’y may karapatan siyang malaman. Tama si Cheen, nandito ako hindi lamang para magtago pero dinala ako ng subconscious ko rito dahil nais nitong humingi ng tulong sa tanging tao na alam kong makalulutas nito. “Kung natatandaan ko lang kung anong mga nangyari, Cheen, sinabi ko na sana. Pero hindi, eh. I just woke up one morning and… and that’s it. Parang biglang naging weirdo ang lahat bukod sa mga panaginip kong weirdo rin. Last time hinimatay ako sa school. Alam kong may nangyari pa bago ako mawalan ng malay pero hindi ko na maalala iyon. Laging gano’n. And up to now wala pa rin akong maalala sa mga nangyari sa akin.” Matagal na nanahimik si Cheen. Nakatingin lang siya sa kwarto na parang may kung ano siyang nakikita roon. Kinakabahan na ako. Sanay akong matakot. Lagi akong natatakot noong bata pa ako. Pero ngayon, ibang takot ang nararamdaman ko. Iba na ito. Hindi na takot sa mga tao. Kung hindi’y takot sa mga bagay at nilalang na ngayon ko lang nakasalamuha. “M-minumulto ba ako, Cheen?” lakas-loob kong tanong. I knew the question didn’t sounded right. Hindi tama dahil hindi ko pinaniniwalaan. But this time, mukhang magbabago iyon. “It’s with you, Althea. And it’s not going away.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD