Driver Ng Monster

3065 Words
Nine Driver ng Monster   Sa Jelo’s kaya? Nope. Baka magkaroon pa ng away sa pagitan namin ni Zoe kapag isiniksik ko ang sarili ko roon. Pero iyon lang naman kasi ang tanging restaurant dito sa Sunny Dale na tumatanggap ng working students na suma-sideline, eh. This is hard. “Sorry, Miss, hindi pwede ang mga estudyante, eh. Kailangan namin ng full time.” “Gano’n po ba?” “Ooh! Althea! Althea, my dear Althea!” Inundayan ako ng yakap ni Mr. Cain na nasa Morning Kettle din kasama si Zero na umiiwas ng tingin sa akin though I know he’s glaring. Problema nitong halimaw na ito? “Anong ginagawa n’yo rito, Sir?” tanong ko habang pilit na inilalayo si Sir Cain sa akin. “Nag-almusal kami rito. Masarap kasi ang cereal dito, Thea. Ikaw anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga? Kumain ka na ba?” “Ano kasi… naghahanap po ako ng trabaho.” Napakunot si Sir sa narinig. Si Zero napatingin sa akin na nakaarko ang kilay like he wants to ask me what happened, ang kaso nga’y hindi niya maitanong dahil nandito si Sir Cain. Eh bakit nga ba kasama ni Sir ang halimaw na ‘yan? “Bakit? May nangyari ba? Hindi ba sumasapat sa ‘yo ang allowance mo, Thea?” Ay nako lagot na talaga. “Enough na po iyon para sa studies ko, Sir. Ang kaso lang… sa personal finances ko sa bahay, kinukulang ho ako. Hindi naman na ako natutulungan ng Kuya ko, we had a fight, so I have to go on my own. Kaya naghahanap ako ng trabaho.” “No, no,” agad na agap ni Sir. “Hindi mo na kailangang gawin ‘yan, hija. Let me help you.” Umiling ako. “Hindi na, Sir. Sobra-sobra na ang tulong n’yo sa akin. Ako nang bahala, Sir. Kaya ko ito.” “Thea… hindi dapat kita pinababayaan.” Nginitian ko lang si Sir. Bumuntong hininga siya at tumingin kay Zero na parang nag-uusap sila sa mata. Pareho silang weirdo. “Wala kang mahahanap na trabaho rito bukod sa Jelo’s.” Biglang epal ni Zero.“Not if you want to gather every night with old men.” Gross. “Gusto mo ng trabaho? May alam ako.” Now we’re talking. “Weh? Hindi nga?” Pumalakpak si Mr. Cain na parang tuwang-tuwa. “That’s great. Althea, sumunod ka lang kay Zero bibigyan ka niya ng trabaho. Sige, mauna na ako. See you guys in school.” Ang adik talaga. Tinignan ko si Zero. He seems so serious about the matter. Kaya sinundan ko na lang siya. Naglakad kami pabalik sa Block namin. Hindi ako umiimik. Hindi rin naman siya nagsasalita. Pagkatapos kung makapaglakad siya akala mo mauubusan ng kalye. Bakit ko ba kasi naisipang sumama rito? Nakalimutan ko yata ng slight na isa palang abnormal itong si Zero at kay laki ng problema sa mundo. Hay buhay, parang life. Mayamaya’y tumunog ang cell phone ko na ikinapitlag ko mula sa pag-iisip. “Hello?” “Thees! I met Ryle! Sumunod ka mamaya rito kapag tapos ka nang maghanap ng sideline, ah. May binili akong mga damit para sa ‘yo. Check these all out. Ang gaganda talaga.” Nai-imagine ko na ang itsura ni Cheen ngayon. “Sige, sige. I need to hung up. May gagawin pa ako.” “Okay! See you later!” Naputol ang tawag. Ibinulsa ko iyon sa jacket ko saka binalingan si Zero na nasa harapan ng gate ng bahay niya at hinihintay ako. “Oy. Wala ka namang balak na mabalian ng kamay ng ganito kaaga, hindi ba?” bahagya kong pagbabanta sa kanya kung sakali lamang na may balak nga siyang masama sa akin. “Wala. Safe ka rito. Pasok na.” Then he opened the gate at pinauna ako. Napapaisip tuloy ako, eh. Bakit ba ako nakikipag-usap at lumalapit sa kaaway ko? May binabalak ito, eh. Kung hindi ko lang talaga kino-consider ang lugar at pati na ang school, matagal nang nagkaroon ng giyera. “You’re going to be my personal driver.” Pagkatapos ay may inihagis siyang susi sa akin na nasalo ko naman. Sa isang pindot niya ng buton sa kotse ay umaangat na ang takip niyon. Convertible pala ang kotse ng mokong na ito. “Marunong ka namang mag-drive, hindi ba?” “Marunong. Pero ikaw? Magiging driver mo ako?” “Three thousand a week. Okay na sa ‘yo iyon?” Wow. Eh kaso halimaw ang amo ko, eh. “Zero, sideline lang ang hanap ko. I can’t drive you while nasa ibang lugar ako. Like how can I drive you home kung may make up classes ako? Paano kung maaga ako sa school dahil teacher’s assistant ako ni Sir Ed? Paano kung may tutorial classes ako?”  Sumandal siya sa kotse niya. Pakiramdam ko super pagod siya sa paraan ng pagtingin ng mga mata niya sa mata ko. Really. What kind of creature he is at para bang sa pakiwari ko ay napakalungkot niyang tao? “Do what you want. You just have to drive me whenever I told you to.” “Demanding kang tao. I know you won’t let me pass.” “I can consider your special schedules, Thea.” Nope. Not buying it. “Ows?” “Dammit, woman! Ikaw na itong binibigyan ng trabaho, bakit parang ako pa itong nakikiusap na ipag-drive mo ako?” Hala nagalit na. Para siyang isang alon. Unexpected ang mga galaw, hot and cold. Bipolar. He’ll attack on the least time you expected he will. Pero ang mga katulad niyang tao ang mas madaling basahin para sa akin. “Fine. Three thousand a week.” OMG! Instant job! “Right. Drive me from school to home. Even on weekends which you have to be more available dahil marami akong pinupuntahan kapag weekends.” Naman. Hanep. Mukhang hindi lumalabas ng lungga niya pagkatapos sasabihin sa aking lagi siyang may pinupuntahan kapag weekends? Dagukan ko kaya ito? “Deal. Mauna na ako. Pupunta pa ako ng Sunshine. Nando’n sina Cheen, eh. Bukas na lang ako mag-uumpisa, okie?” He cleared his throat pagkatapos ay nag-iwas ng tingin sa akin. Ano bang sinabi ko? Bakit gano’n siya mag-react? “Ano… magsimula ka na ngayon. Papunta rin ako ng Sunshine Mall, drive me there.” Napamaang ako. “Weh? Seryoso ka? Limang minutong lakad lang ang papuntang plaza, ‘no. Maglakad ka na lang.” “Bakit ba palag ka ng palag? Nasa iyo ang susi, ipagmaneho mo ako then meet your friend in there.” Anong tingin niya sa akin, aso niya? Pambihira. Sumakay na siya sa kabilang parte ng kotse. At dahil nga nasa akin na ang susi de wala na akong choice kung hindi sumakay na rin sa driver’s seat. Nasa tabi ko siya at parang at ease pang sumandal sa may likuran at ipinikit ang mga mata niya. Pinaharurot ko na ang Ferrari niya na open top. Wala pa sigurong five minutes eh nakarating kami ng Sunshine Mall. Ibabalik ko sana ang susi kay Zero para siya na lang ang mag-drive pero mukhang nakatunog siya at nauna nang nilampasan ako para pumasok ng mall. Kita mo nga naman kung gaano kabastos ang halimaw na ito. “Oy! Hintayin mo ako!” tumakbo ako para makahabol sa kanya. “Tawagan mo na ang kaibigan mo. Alamin mo kung nasaan siya para makaalis na tayo. Gusto ko nang magpahinga.” “Buang ka ba? Bakit kaya hindi ka na lang umuwi at magpahinga sa bahay mong nangwe-welcome ng bad energy kaysa utos ka ng utos sa akin na feeling mo aso mo ako.” “H’wag ka na ngang maraming satsat. Tawagan mo na lang ang geek na iyon para makaalis na tayo kaagad!” De tawagan. Sinagot kaagad ni Cheen ang tawag ko pagkaraan ng ilang ring. “Nasaan ka na?” agad kong tanong. “Kasama ko si Ryle. Nasa’n ka na ba? Pupuntahan ka na lang namin—ARAY!” Nabunggo ni Zero si Cheen kaya napaupo sa gitna ng daanan ang bruha. Papunta na sana ako para tulungan siya pero nauna si Ryle na itayo si Cheen kaya tumabi na lang ako kay Zero na kaharap na nila ngayon. “Oh? Magkasama kayo?” gulat na reaksyon ng bruha. Anla. Hindi ko pa pala nasasabi kay Cheen.  “Sort of.” “Anong sort of? Tinatanong ko kung magkasama kayo pagkatapos sort of ang sagot mo? Haling ka ba, Thea? Wala ka sa hulog sumagot.” Nagkatinginan kami ni Zero. Pinandidilatan ko siya. But all I can see in his reaction is exhaustion. Pagod nga siguro siya. I wonder what he did overnight that made him tired. Hindi kaya namboso ito magdamag? “Let’s eat.” Bigla siyang nag-iwas ng tingin at lumakad na mag-isa niya. “Follow me. I’m starving.” Akala ko sa akin lang. Gano’n pala talaga siya sa lahat ng tao. Uber demanding. Akala mo’y siya ang nagpapalamon sa mga taong makakasalamuha niya, eh. “Thea?” untag ni Cheen. “Utang na loob sundan na muna natin siya.” Pabuntong hininga akong sumunod kay Zero. Naramdaman kong nasa likuran ko na rin ang dalawa. We walked until makarating kami sa isang restaurant sa loob ng mall. “Mukhang mamahalin dito, ah.” Pabulong na hirit ni Cheen. Pasimple ko siyang siniko at pinandilatan. Sumusunod pa rin kami kay Zero. He was being escorted ng isang waiter sa isang mesa. Doon kami naupo. Tama si Cheen. Base kasi sa mga chandeliers ng lugar, mukhang fine dining ang napasukan namin. “Here’s the menu, Sir, Ma’am.” Inabutan kami ng tig-iisang menu. Halos malula ako sa laki ng presyo ng bawat cuisine nila. Mukhang masarap pero naman. ‘Pag bente pesos na lang ang laman ng wallet mo magmumukha pa bang masarap ang ganitong pagkain? “Wow! May beef stew sila! Isang beef stew at saka melon shake. Thank you.” umorder na si Cheen. “Sir?” “Chicken porridge,” sumunod naman si Ryle. “Steak. Coffee, no cream,” at pagkatapos ay si Zero naman ang sumunod. “Ma’am?” Hala. “Ano… tubig na lang.” “Althea? Okay lang, ililibre na lang kita.” Alok ni Cheen na inilingan ko. “Ayaw. Tubig na lang, tubig lang ang kailangan ko.” Nahihilo ako sa laki ng presyo ng mga order n’yo. Marahas na bumuntong hininga si Zero. Malay kung bakit. “Okay po, wait for a few—” “Isa pang steak. Any juice will do. Make it tender.” “Y-yes, Sir.” Umalis iyong waiter dala iyong menu. Pesteng restaurant ito. Bakit ganito kamahal ang mga pagkain nila rito? Pwede namang kay Aling Nena na lang ako kumain, eh. At least doon sampung piso lang may limang pirasong shanghai rolls na ako. At iyong kanin nila seven pesos lang. “Uh… CR lang ako.” Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nakailang hakbang na ang paglalakad ko nang may maalala ako at napabalik sa mesa. Hinatak ko si Cheen patayo at kinaladkad sa restroom. Lucky me walang tao roon kaya ni-lock ko ang pintuan. “Grabe! Anong klaseng restaurant ito? Just a piece of pork costs three hundred pesos? One meal nila minimum na ng two hundred? God, I’m gonna die!” “Kaya ba hindi ka umorder? Hindi ka kumain ng almusal kanina, ah. Gugutumin mo ba ang sarili mo dahil lang gusto mong makatipid? Ililibre naman kita, ah. Hindi ka na dapat tumanggi.” “Sinabi ko na, hindi ba? Ayokong nagiging kargo ako ng ibang tao. Isa pa… magkakaroon na rin naman ako ng income so konting tiis na lang. Makakaluwag na rin ako.” “Nakahanap ka? Anong trabaho?” “Driver. Ni Zero.” “E-eh?” Bumuntong hininga ako. Naglabas ako ng tissue mula sa bag ko at pinunasan ang konting lipstick na nilagay ko kanina to show off. Madalas ko na nga ring ginagawa ito, eh. Kaso parang ayokong mapansin ngayon. Though alam kong marami pa ring lilingon. Basta. Ayokong maging atensyon ngayon lalo na ng mga babae na titingin doon sa dalawang kasama namin ni Cheen. “He offered me the job. Three thousand a week.” “Ang laki no’n, ah! Althea, that’s too much for a part time driver already!” “I know. Eh kesa naman magwaldas lang siya ng magwaldas ng pera niya, might as well sa akin na lang niya waldasin ang pera niya. At least may mabait na makikinabang.” “Asus. Mabait daw. O sya lumabas na tayo. Baka lumamig ang pagkain.” Hinatak niya ako palabas. Naaaninagan kong nagse-serve na ang waiter sa table na iyon. Naupo si Cheen sa tabi ni Ryle. Katabi naman ako ni Cheen at nasa kanan ko si Zero dahil nga paikot ang sitting arrangement ng mesa na iyon. “Althea? May problema ba?” Napatingin na silang lahat sa akin na nakatingin naman sa steak na nasa harapan ko. “T-tinutukso ako ng steak.” Tumawa si Ryle. Binatukan ako ni Cheen. “Kainin mo na ‘yan. Babayaran na lang natin kay Zero mamaya ang ginastos niya r’yan. Papatayin ako ng Mama mo kapag nalaman no’n na pinababayaan kitang magutom kasi sobrang kuripot mo. Sige na, Thees, kumain ka na. Hindi ka nag-almusal kanina, eh.” Bumuntong hininga ako saka bumaling kay Zero na nakatingin lang sa akin with his blank reaction. “Sorry, ah. Kakainin ko na muna itong steak mo. Babayaran ko na lang sa ‘yo mamaya.” Nag-iwas na naman siya ng tingin. Sa pagkakataong iyon ay naningkit na ang mata ko. May itinatago ito, eh. O baka naman kasi gano’n lang talaga ako ka-cute kaya ayaw niyang masilaw sa kagandahan ko? SINUNDAN ni Cheen si Zero papasok sa isang drugstore. May bibilhin daw kasi si Zero roon bago umuwi. Si Cheen naman ay naisipang bumili ng face mask. Meron naman iyon sa drugstore kaya hindi na niya kailangang magpunta sa cosmetic store. Hayun. Naiwan kami ni Ryle sa labas. “May… may relasyon ba kayo ng lalaking iyon?” Ay syonga. Oo nga pala. Ryle and Zoe saw us the other night na naghahalikan. Ginawa ko lang naman kasi iyon para mapasok ang isipan ni Zero, eh. “I don’t know,” kibit-balikat ko. “Complicated.” “Thea… You shouldn’t have done that in the first place. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ‘yan.” Hinarap ko si Ryle para tignan. Nakakaawa siya. Minsan talaga gusto ko nang maging totoong kaibigan para sa kanya pero hindi ngayon, eh. Nope. Hindi pwede. Ayokong nadadamay siya. Isa pa, hindi buo ang tiwala ko sa kanya. Lalo na ngayong madalas na siyang kasama ni Zoe. “Don’t worry about me. I can handle myself.” “Pero, Althea, ayoko talaga sa lalaking iyon.” Sorry, Ryle. I’m really sorry. “Wala naman akong pakialam sa ayaw mo. Eh sa gusto ko. Anong magagawa mo?” Dali-dali akong pumasok sa loob ng drugstore para sundan sina Cheen at layasan si Ryle. Pambihira, ang sama kong tao. “Oh, Thea. Anong ginagawa mo rito?” Nakasalubong ko si Cheen. Dumating naman sa likuran ko si Zero na galing sa kabilang shelf. “Uwi na tayo, Cheen. Tara na.” “Huh? Bakit?” “Uuwi na rin ako. Nabili ko na ang kailangan ko,” sabay sabi ni Zero na nagpalingon sa akin. “Don’t tell me ihahatid pa kita?” “Course. The meal you ate earlier. I’ll let it pass, just drive me home.” At dahil doon, binalingan ko si Cheen. “Hiwalay tayo. Basta go home. H’wag ka nang magtagal dito, okay?” “O-okay.” Sinundan ko na sa paglabas si Zero. Nilampasan si Ryle at nagtungo sa parking area. Nasa akin ang susi kaya ako na rin ang nagbukas ng lock. Sumakay si Zero sa kabila then I went in after. Pinaandar ko na iyon pabalik sa Block C. “That guy. What’s his name?” Napasulyap ako kay Zero. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. “Ryle.” “He can compel.” Natigilan ako. Inihinto ko ang kotse bago pa man din kami makarating sa Block namin. Sa puntong iyon lamang bumaling siya ng tingin sa akin. “A-anong sinabi mo?” “I said he can compel. That Ryle, alam kong kaya niyang gawin iyon. May kakayahan siya, I can sense it.” “Kamahalan…” Raikki heard it. Honestly? Alam ko nang may kakaiba kay Ryle dahil simula pa man noong Elementary kami, may mga bagay na siyang nagagawa na hindi namin kayang gawin. Mga abilidad gaya ng nangyari sa akin ng makailang beses. Naiirita na ako, Raikki. How can Zero sense it and I can’t? “Mahina ka pa, Kamahalan. Hindi pa ganoon kasensitibo ang pakiramdam mo sa mga klase ng bagay na kagaya no’n. Isa pa ay hindi pa naman nawawala ang sumpa. Kailangan nating maghintay.” Oh, God! Nakakainis! I can’t stay like this forever! “Althea. Baka masira mo ang manibela ko.” Nahigpitan ko kasi ang hawak sa manibela niya sa sobrang panggigigil ko sa mga nangyayari. Kasi naman, eh! Kung kaya ko lang talagang mahanap kaagad ang solusyon para mawala ang barrier hindi sana ako mauulusan ng mokong na ito. Nakakahiya talaga. “Pasensya naman, na-carried away lang.” “Aalamin mo ba kung anong klaseng nilalang ang kaibigan mo?” “Hindi na.” Sagot ko na pinaaandar ulit ang sasakyan. “Saka na lang kapag kailangan na. Ayokong mag-aksaya ng oras.” Nagkibit-balikat lang siya at tumingin na naman sa labas ng bintana. Nakakaloka. Para sa pera, naging driver ako ng monster. Ano ba namang buhay ito oh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD