Seldom

3037 Words
Eight Seldom   Habol hininga si Zoe nang mapansin siya ni Ryle pagkatapos ibigay lahat ni Ryle sa akin ang mga kinuha niyang damit. Actually lumampas na sila ng five minutes pero okay lang. Kaibigan ko naman sila, eh. I glanced at my wrist watch. Naiinip na rin ako kaya tumayo na ako. “Ryle, pwede ka nang umalis kung kailan mo gustuhin. Zoe, bantayan mo ‘yang mga ‘yan. Remember may CCTV camera ang detention. Kapag chineck ko bukas at nakita kong may isang nagpahinga sa inyo na hindi pa natatapos ang punishment, kick out kayo rito. Nagkakaintindihan?” Tumango silang lahat. Nagba-bye lang ako pagkatapos lumabas na ng detention. Dumaan ako sa may cascade para marating ang main dormitory. Basically, isa siyang mansyon. It’s Mr. Cain’s mansion na ginawang dormitory para sa mga nanunuluyang estudyante ng Saint Claire. “Althea!” The usual greeting ni Mr. Cain. Sa pintuan pa niya ako sinalubong ng yakap. Pinapasok niya ako after ng ma-drama niyang salubong. Kay Mr. Cain ang buong fourth floor ng mansyon. May sariling kusina iyon at sariling mga kwarto. Para na ring bahay pero naka-separate sa mga estudyante sa ibaba. Madalas ako rito. Lagi kasi akong pinapatawag ni Sir para pakainin ng mga bine-bake niyang cookies. “Zero? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong nang makita ko siya sa loob na penteng-prenteng nakadekwatro pa. “Eh? Hindi mo sinabi kay Althea ko na pinapupunta ko kayong dalawa rito?” takang baling naman ni Mr. Cain kay Zero. Zero simply glared at me. Inirapan ko lang din siya at dumulog na sa hapag kainan. Si Sir, gaya ng dati, siya ang nagse-serve ng mga pagkain. “Hindi nga? Wala ka talagang balak na sabihin sa akin na magkasama tayo, ‘no? What are you planning to do, Schneider?” “Stop suspecting me like I’ve done something horrible, Althea.” Sagot niya sa malamig na tinig. Nawala ang gaan sa kanyang pagsasalita at maging ang titig niya ay naging matalim. Natigilan ako. Lagot. Mukhang napapasobra ang pang-aasar ko sa kanya. Nagalit na. “Ano… S-sorry… Nagbibiro lang ako.” Kakamot-kamong paghingi ng paumanhin. Tumayo siya saka lumabas. Eksaktong dumating na si Mr. Cain kaya nagtataka siyang tumingin sa akin. Napabuntong hininga ako at napakamot. “Sorry, Sir. Nasobrahan kasi ang pagbibiro ko, eh.” Ngumiti siya at naupo sa harapan ng mesa. Nilagyan niya ang pinggan ko ng umuusok pang chicken tinola. Minsan nga nagtataka ako, eh. Bakit kaya walang pamilya si Mr. Cain eh ang bait-bait naman niya? Hindi obvious sa mukha ni Sir na forty six years old na siya. Kung ako ang tatanungin parang nasa around thirties lang siya. Pero as far as I know, walang asawa’t anak si Mr. Cain. “Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, Althea. Ikaw na sana ang bahalang mag-handle sa katigasan ng ulo niya. Heto, tikman mo itong marinated na pork na inihaw ko kanina.” Nginitian ko si Sir. “Bakit ho ba rito sa Saint Claire lumipat si Zero? Where did he came from anyway?” “I see. So si Zero nga ang pumasok sa Information Department noong nakaraan? I thought it might be you.” Natigilan ako sa out of the blue na hula niya. Napatingin ako kay Mr. Cain. Could he possibly know what kind of creature Zero is? Posible rin kayang may nalalaman siya tungkol sa akin? Alam ba niyang hindi rin ako normal na tao gaya ni Zero? “Aricia…” Napatingin ako lampas sa kinauupuan ni Mr. Cain. Hindi ko naaninagan ang mukha ng bata pero nakita ko siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay tumakbo. Sigurado akong boses niya iyon. Isang soft at mahinhin na tinig ng bata. “Althea?” untag ni Sir sa akin nang marahil ay mapansin ang pagkatulala ko. “May problema ba?” “Bata. May bata bang nakatira rito?” “Bata? Wala. Althea, mag-isa lang ako rito.” Pinaglalaruan na naman yata ako ng imahinasyon ko. “Sorry, Sir. Uhm… balik tayo kay Zero. Bakit siya nasa Saint Claire? I mean… may iba bang naging problema sa dati niyang school?” “Si Zero kasi… hindi siya isang normal na bata, Althea. Isa siyang—” “Sir, oras na po para sa dismissal!” bigla namang epal ng isang estudyante sa Night Class. Panira. Sayang tuloy iyong ire-reveal ni Mr. Cain. Hayan nilayasan na tuloy ako. Palagi namang nangyayari ang ganito tuwing nandito ako pero ngayon lang talaga ako nanghinayang sa chance na makausap pa si Mr. Cain. Malalaman ko na sana kung anong klaseng nilalang ‘yang si Zero, eh. Kainis lang. Kaasar. Lumabas na rin ako ng dorm dala ang bag na ibinigay ni Ryle na may lamang mga damit para kay Raikki. Patay na ang Kuya ni Ryle kaya wala nang mangangailangan ng mga damit na ito. “Ay kabayong gala!” bulalas ko nang may biglang sumulpot sa kadiliman ng pasilyong dinaraanan ko. Tuluyan na siyang umalis sa pagkakasandal niya sa madilim na sulok ng Pentagon. Nagulat ako kasi iyong pulang mata lang niya ang nakita kong palatandaan na may tao pala sa hallway na iyon. Hindi naman kasi talaga pula ang kulay ng mata ng mokong na ito. Nagiging crimson red lang iyon sa mga oras na gusto niya akong takutin. “Magwo-walk out ka sa dining table pagkatapos tatambay ka rin pala rito?” “I just don’t want to hear your voice.”  “Eh ba’t mo ako inabangan?” Nawala na ang pula ng mata niya as he was about to reach the area to where I stand. “Nagtataka lang ako. Bakit ba gustong-gusto ka ng isip batang President na iyon? Maybe you’re something.” Tumahimik na lang ako kaysa naman i-defend pa si Mr. Cain. I don’t know what that President is up to. Isa lang ang sigurado ako. May koneksyon ang pagkabuhay ko sa kung anumang itinatago ni Sir. Nararamdaman ko iyon. At kung pagtatagpi-tagpiin ko ang mga nagaganap mula nang pagkabata ko, baka nga makuha ko ang eksaktong sagot. But there are a lot of puzzle pieces missing. “Althea.” “Oh?” “Tatanungin kita ulit. Hindi ka ba natatakot sa akin?” Tinignan ko siya. Pirmi lang siyang nakatingin sa kawalan na parang ewan pero wala namang reaksyon. I found myself silently laughing na kumuha ng atensyon niya. “Nabuhay akong samu’t-saring takot ang nararamdaman. Wala namang magbabago kung patuloy akong matatakot sa mga taong makakasalamuha ko sa araw-araw. Sa ngayon, gusto ko lang munang sundin ang gusto ng katawan ko bago ang puso’t utak ko.” “And you’re talking about?” “Everything that spells thrill.” “I won’t let you get away with that. Masyadong mapanganib ang gusto mong gawin. Isa pa… nagkakamali ka ng inaakala, Thea. Hindi ikaw ang—” I pinned him against that tall polished pole barrier na nasa hallway and kissed him. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya na nagulat sa naging move ko. Well he’s not that really alert after all. Then suddenly I felt his hands wrapping around my waist, pulling me more against him. Now what can I possibly find out about him? Memories flashed before my eyes. Killings… There were hundreds… thousands… I’m not sure. May binabasa siyang papel na naglalaman ng mga clippings ng tabloids. He hid it inside a box. The scene shifted. A cliff. Pamilyar iyon sa akin. Then it went blurry. Nawala. Jeez. His memories were pretty jumbled. Ang likot ng utak nitong taong ito. “Ah! Sorry, sorry!” Istorbo. Bago kami tuluyang maghiwalay ni Zero, he looked at me with such blank eyes. Ngumiti lang ako and patted his head saka hinarap si Zoe. Nakatalikod siya sa akin. Si Ryle naman na hindi ko inaasahang kasama niya eh shocked at hindi makapaniwalang nagpapalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Zero. Ay nako lagot. Issue ito panigurado. “May kailangan kayo?” Zero spoke na paangas ang tanong. Doon lang humarap si Zoe. “May sasabihin daw si Ryle kaya sinamahan ko na.” “Sa akin?” I smirked. “Hindi ‘yan makakapagsalita kapag nand’yan ka, ‘no. Ano ba iyon?”  “Sasabihin ko lang sanang marami pang damit na natira sa bahay. Medyo nagmadali kasi ako kaya hindi ko nahakot lahat. Kung kailangan mo pwede kitang isabay sa kotse para makuha mo iyon lahat.” “Damit? Nino?” nakakunot noong usisa ni Zero. “Ipapakuha ko na lang kay Cheen kapag may time. Kailangan ko nang umuwi.” Lalampasan ko na sana sila but Zero caught my hand so I was forced to face him back. “Tell me what’s happening.” Compulsion. Now I’ve narrowed it down. Ang mga malalakas lang ang telepathic power ang nakakagawa ng compulsion. Malas lang niya. Hindi gumagana sa akin ang mga ganyan. And that alone made me smirk na nagpa-confused kay Zero. Wala nga siyang alam. “Sa susunod na gawin mo ‘yan, sasabihin ko na kay Mr. Cain lahat-lahat ng mga pakay mo rito sa Saint Claire.” “How the hell…” “Don’t think too much, Zero. Good night.” Nilayasan ko silang tatlo. Ewan ko sa kanila. Bahala silang magsama-sama r’yan. Mga adik sa paliwanag. Gusto laging nakatanong, eh. INIWANAN ko na si Cheen sa kwarto niya para makapagpahinga pero sumunod din ang loka-loka sa akin sa kwarto ko kung saan naghihintay si Raikki na nakaupo lang sa kama. “Ano ba kasi iyon? Ang daya n’yo nagso-solo kayo, eh.” nakangusong angal ni Cheen saka naupo na sa tabi ng inupuan kong silya. “Bahala ka sa buhay mo r’yan. Kapag nakatulog ka sa klase bukas hindi kita maililigtas sa detention,” pagbabanta ko sa kanya. “Thea naman, eh!” Buang talagang sagad. Napailing ako at hindi pinansin si Cheen saka bumaling kay Raikki. “Wala rin sa mga libro rito ang naglalaman ng mga nangyari matapos kong mamatay no’n. Wala sa internet, wala rin sa library. Posible kayang sinadyang burahin ng Council ang existence ko para walang makaalam at hindi ako mabuhay? Posible iyon, hindi ba?” “Tama, Kamahalan. Ngunit paano ka nga ba maipapanganak muli kung walang nakakaalam ng tamang orasyon upang mabawi ka sa sumpang iyon?” Oo nga, ‘no. I should ask Mom about this. Sigurado akong may alam sila. What’s more weird with this eh… imbis na maging good luck charm ang pagiging asul ng mga mata ko ay naging sumpa iyon sa mismong bayan na pinagsilangan sa akin. Bakit? “Hindi ko kayo maintindihan.” Sabad ni Cheen. “Ano bang sumpa kasi iyon? Anong orasyon?” “Barrier. Sinabi ko na sa ‘yo dati. Me and Raikki, our lives are linked. The silver cord that binds us can never be broken dahil kapag nangyari iyon, pareho kaming mapaparusahan at hindi na maaaring magkaroon ng tsansa sa pangalawang buhay. That’s what happened to me because I was the one who decided to leave Raikki.” “So anong nangyari sa ‘yo?” “Limitado lahat ang kaya ko not unless maputol ko ang sumpa na parusa sa akin. Madaling mabali ang kay Raikki as long as I have the Seldom. Pero ang akin, mahihirapan ako kung hindi ko matatagpuan ang reincarnated body ng enchanter na gumawa ng sumpa.” “Paano siya mahahanap?” “Kamahalan, minsan ka nang naging hangin bilang buhay mo sa mga nakalipas. Hindi mo ba siya nakasalamuha kahit na minsan?” “Pfft!” pigil na pagtawa ni Cheen. “Hangin? Ano ka, Thees, masamang hangin?” Buset.  “Hindi ako kahit na kailan naging tao sa mga nakalipas na buhay ko dahil kasama iyon sa punishment ko, ‘no. Lahat ng pinaparusahan ng Council nawawalan ng karapatan para maging human sa susunod nilang buhay. Hindi ko nga alam kung nag-e-exist pa rin ‘yang council na ‘yan, eh.” Masyado nang rare ang mga so called ‘talents’ ngayon dahil on the verge of extinction na ang mga beasts and super humans dito sa mundo. Kung saang parte man ng universe na ito nagtatago ang mga council ng Lost Society, maaaring nasapawan na sila ng mga tao at nawala na rin ng parang bula sa ngayon. Eh paano kung hindi pa? May possibility kayang makikialam pa sila sa mga agenda ko? Eepal pa ba sila ngayon sa pagkakataong ito? “Kamahalan, panahon na marahil upang ibalik ako bilang gabay mo. Hanapin na natin ang gumawa ng sumpa. Kailangan mo nang mahanap ang dapat mong hanapin. Nasasayang ang oras.” Humilig patabi sa akin si Cheen para lang bumulong. “Masyadong formal ‘yang gabay mo, Thees. Turuan mo mag-bekimon.” “Tumigil ka nga ng kagagahan mo. Seryoso ang usapan nagloloko ka na naman d’yan. Lumabas ka nga muna.” “Why?” “May gagawin kami.” “Eh? Don’t tell me… iyong ano… gagawin n’yo iyong ano…” Inis na hinataw ko siya sa braso. “Malisyosa ka. Kung ayaw mong umalis bahala ka r’yan.” Inunat ko ang paa ko para tanggalin ang pinulupot kong necklace doon. Eh bakit ba. Kailangan safe, eh. Umilaw ang pendant ng kwintas gaya ng inaasahan ko. Hinawakan ko si Raikki sa noo niya. Nakita ko ang pagkairita niya nang mahawakan ang noo niya na natural lang sa mga kagaya niya. Sa mga kagaya niyang kabayo. Mayamaya’y sumigaw si Cheen nang napuno ng liwanag ang buong silid. “T-Ti-Thees? Asan ka?” “D’yan ka lang. H’wag kang gagalaw, h’wag kang tatayo.” Naglabas ng nakakabulag na ilaw ang pendant ng kwintas habang unti-unti ko nang naaaninagan ang pagpapalit ng anyo ni Raikki sa isang maputing kabayo na agad ding naglaho at tila hinigop ng kwintas. Pagkatapos niyon ay nawala na ang liwanag. Isinuot ko ang kwintas at kitang-kita ni Cheen na naglaho ito sa dibidb ko. “I-iyong… iyong kwintas! Thea, nalusaw ba iyon?” “Hindi.” Kalmado kong pakli. “Eh ano? Anong nangyari? Nasa’n si Raikki?” Ngumiti ako kay Cheen. “Keeper ko si Raikki, isa siyang enerhiya na naninirahan sa isang kwintas na tinatawag ng marami na Seldom.” “Seldom?” Tumango ako. “Mm. Alam mo bang bago maganap ang giyera ng mga guardian laban sa Lost Society eh hinahayaan lang nila sa pagiging human form ang mga keeper? Pero simula no’n, naging marahas na ang karamihan sa talents. Pinakamatitinik na pumatay ay ang mga shapeshifters. Bigla na lang silang lilitaw ng hindi inaasahan at ico-compel ang keeper ng mga priestess para maging keeper nila at maagaw mula sa mga kawawang babaylan.” “Ang sama naman pala ng naging aftermath ng war na iyon.” “Tama. At kaya naisip ng ilan sa mga sorcerers na kakampi ng mga priestess na gawin ang isang kwintas in which they can turn their keepers as an energy. Tinawag nila itong Seldom. Sa ganitong paraan, wala nang kahit na sino ang makakaagaw ng kanilang mga keeper kahit pa i-compel nila ng paulit-ulit ito. It’s because keepers now know their home. Wala na silang magagawa once na nagkaroon ng rehistro ng enerhiya ang isang keeper sa Seldom.” Nahaplos ko ang leeg ko. Ramdam ko pa rin ang init na gawa ng paglalaho ng Seldom sa katawan ko. Raikki can hear me. Nakakausap din niya ako kahit pa nasa loob siya ng Seldom na nasa loob ko naman. Nakikita niya ang mga nangyayari. That’s one hell of a magic, isn’t it? “Eh teka. Makakabalik pa ba si Raikki sa pagiging tao?” “Yes, of course. Sabihin mo lang sa akin kapag nami-miss mo na siya, ilalabas ko siya para sa ‘yo.” “Althea naman eh!” Pambihira. Ang harot talaga. “Teka, check ko muna ang laman ng wallet ko. Hindi ako nakakain kanina kaya nakatipid ako.” Tumayo ako para maghalungkat sa bag ko. “Thea… ayaw mo ba talagang tulungan kita sa financial problems mo?”  Nag-offer na kasi siya ng ilang beses sa akin na siya na ang sasalo sa mga gastos sa bahay even groceries dahil nga I always ran out of stocks. Tinatanggihan ko. Well I don’t want to be abusive with Cheen. Okay na iyong nakakatulong siya sa akin sa mga nangyayaring ka-abnormalan sa buhay ko. Ayoko nang tumulong pa siya sa ibang aspeto. Kaya lang heto ang problema. Malaking problema. Currently, bente pesos na lang ang laman ng wallet ko. “Thea? Okay ka lang?” “May tao bang okay lang kapag twenty pesos na lang ang laman ng wallet niya?” Ano ba namang buhay ito! Pumalatak siya. “Sabi ko na kasi sa ‘yo, eh.” Hinagis ko ang wallet ko sa cabinet pagkatapos ay nahiga sa kama. Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan si Bricks. “Yo’, brotha’. Tanong lang. Kailangan mo ba ng model? O kaya kahit na anong extra lang d’yan?” “You’re kidding, right? Ikaw magiging model? Ng ano? Ng napkin? Ng bed sheets? Ng toilet paper?” Tumatawa siya sa kabilang linya. Si Cheen naman dahil naririnig niya ang boses ni Bricks eh nabu-bwisit na. I rolled my eyes in secret. “I’m pretty, Bricks. C’mon, I need cash. Kung ayaw mong magbigay ng trabaho pautang na lang.” “Get your own cash on your own. Matanda ka na, Althea. H’wag ka nang umasa sa amin ni Mama.” Then he hung up. Nagkatinginan kami ni Cheen. Jeez. I really need a job kung hindi ay magugutom ako nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD