The World Is Upside Down

3696 Words
Seven The World Is Upside Down   “Aaaaaaaah! Oh my gosh! Altheaaaaaaaa!” Napabalikwas ako ng bangon ng wala sa oras dahil sa tili ni Cheen. Nadatnan ko na lang si Raikki sa kusina na bathrobe lang ang tanging saplot sa katawan. Anak ng tokwa. Ang laking tao lumalabas ng hubad. Si Cheen naman nakatalikod na sa kanya dahil nga sa nakitang ayos ni Raikki. “Hey. Balik sa kwarto.” Tinapik ko siya pagkatapos ay hinarap niya ako. “Tama na ang mga nakita niya, balik sa kwarto dali.” “Patawad.” Sabi niya kay Cheen na nagtaas lang ng kamay. “Patawad, Kamahalan.” Tinanguan ko lang si Raikki. Bahagya siyang yumuko at nilampasan na ako. Binalingan ko si Cheen na nakatalikod pa rin. “Pfft” at bumunghalit na nga ako ng tawa. “Althea, it’s not funny! Wala na ba?” Tumatawa pa rin ako. What a perfect tandem. A prim and proper shape shifter at isang geeky girl na nagpi-freak out sa mga nakahubad! “Althea, quit laughing already! Pwede na ba akong humarap?” “Oo, pwede na. Takot ka pala sa hubad, ‘no?” “Oh shut up. Bakit ba kung umasta ka r’yan eh parang sanay ka na? Nakahubad kaya siya!” “Oooooh,” I cooed. “so kapag nakahubad dapat nang mag-blush?” “H-hindi ako nagba-blush, ah.” Pfft! Ha! Hindi raw nagba-blush. “Sige na, best friend naman kita, eh.” then I turned on my back para bumalik sa kwarto ko. “Remember that I lived with Raikki in my past life so I’m used to it.” Bumalik ako sa kwarto. Nadatnan kong nakaupo lang si Raikki sa gilid ng kama at tinitignan ang laptop ko na naiwan kong bukas kagabi pa. Napahinto ako sa may pintuan para tignan ang gagawin niya. Nakatitig lang kasi siya roon. “Raikki.” Nakita ko siyang nag-angat ng ulo pero hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nga nakatalikod siya mula sa kinaroroonan ko. Then he stood up. Hindi pa rin ako nagkaroon ng pagkakataong tignan ang reaksyon ng mukha niya dahil sa bilis niyang maglakad papalapit sa akin. Hinapit niya ang bewang ko at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap na rin ako matapos kong ma-shock ng mga ilang segundo. “Nakabalik ka na… Kamahalan.” I was brushing his long white shiny hair up and down. Sa sobrang lambot no’n parang ayoko nang alisin ang kamay ko roon. I know it was weird having that kind of hair but hey, Raikki’s weird already. “Hindi pa. Konti pa. Masyadong malakas ang sumpa para mabali ko ng gano’n kadali. Hindi nga yata tayo titigilan ng mga iyon.” “Kinailangan ka nila noon para sirain ang lahat, Kamahalan. Hahanapin ka nila ulit. Nakasisiguro ako r’yan.” Marahan ko siyang itinulak. I brushed the remaining hairs na nasa harapan ng mukha niya at nginitian siya. “Sa ngayon ‘yang bathrobe na muna ang gamitin mo. Wala akong maipapahiram sa ‘yo, eh. Bibili palang ako mamaya after school, okay?” Tumango lang siya at humiwalay na sa akin. Bumalik ako sa kusina. Nakita kong nakabihis na ng uniform si Cheen. “Late na tayo, Thees. Magbihis ka na!” pangngangarag niya sa akin. “Let’s skip the first class. Sa library tayo tatambay may hahanapin tayo. H’wag kang masyadong magmadali.” “Ditch na naman?” Tinawanan ko siya. “Aminin, masaya ang mag-ditch.” “Ewan ko sa ‘yo.” Nagbihis ako ng uniform sa kwarto. Wala namang kibels ‘yang si Raikki kahit maglakad lang ako ng naka-underwear kaya’t hinayaan ko na lang din. Naupo ako sa may gilid ng kama kung saan siya naka-indian sit. Isusuot ko iyong leather boots na sapatos ko. “Milady. Palagay mo ba nabuhay din siya?” Natigilan ako. Mayamaya eh inayos ko na ang tali ng sapatos saka tumayo. “Saka na natin problemahin si Hydra kapag nand’yan na.” “Wala ka bang nararamdaman?” “Nahihirapan pa ako sa sitwasyon ko, Raikki. Magiging madali kay Hydra kung nauna siyang nakahanap ng anyo para mapagtaguan niya kaysa sa pagsilang ng katawang ito. Tandaan mo. Pinarusahan ako. Ito na lang ang nalalabi nating pagkakataon para mapasakamay ang sagradong sandata. Kung hindi ay baka maghintay na naman tayo ng dalawang daang dekada bago muling mabuhay ang katawan na ito.” Nangunot ang noo niya. “Ang sandata. Bakit…” Ay. Mali. Hindi pala niya alam iyon. Tahimik at pasimple akong nag-retreat patungo sa sala. “Oh ano, tara?” salubong ni Cheen sa akin pagdating ko ng sala na tinanguan ko lang. Sabay kaming lumabas ng gate. Saktong paglabas namin eh lumabas din si Zero sa gate ng Crescent. Nagtago si Cheen sa likuran ko. “Lookie here! Zero Schneider, late ka!” Pfft! Ang sarap niya talagang asarin. “Bakit ikaw, hindi?” “T. A. ako kaya may excuse ako. Neener-neener!” “Prefect ako.” “Wala akong sinabing exempted ang mga prefect sa Spanish Class.” “H’wag mo nga akong kinukulit, Warren.” At naglakad na siya palayo na sinundan namin ni Cheen. Narating namin ang Saint Claire. Naunang humiwalay sa amin si Zero pagdating ng hallway. Mabuti na rin iyon para hindi niya kami masundan ni Cheen sa library. Baka mamaya r’yan may malaman pa siya sa mga hahalungkatin namin, eh. Pumunta kami ng library. Konti lang ang mga estudyanteng nando’n na ikinatutuwa ko. I can do what I want. “So you mean nang maghiwalay kayo ni Raikki dati sa past life n’yo naging limitado na rin ang mga alaala niya?” usisa ni Cheen habang naghahanap kami sa mythology section. “Yep. Gano’n na nga. At dahil din doon, pareho kaming pinarusahan ng Society. Kaya nakulong siya sa pagiging ibon hanggang sa mahanap niya ang master niya so he’d been searching since forever.” “Society?” kunot-noo niyang ulit. “Lost. They are called Lost.” We sat on a table pagkatapos ma-gather ang ilang mga libro ng greek mythology. “Sila ang batas ng mga extra ordinary. Walang nakakakita sa kanila. But they have a hold of every creature except me.” “Oh? Bakit may exemption ka?” “Hindi nila ibinigay ang kapangyarihan ko, Cheen. Ako ang gumawa no’n. Ako ang naghirap para kunin iyon sa demonyo, ‘no.” “Aw. Evil ka pala.” Pambihira. Patuloy kaming naghanap at sa haba ng ginugol namin dito, wala namang kahit ni isang tumama man lang sa hinahanap namin. Puro si Zeus at saka Poseidon lang ang nandito. “Cheen,” tawag-pansin ko sa kanya. “May tanong ako.” “Yep?” “Kilala mo si Aricia?” Napaangat siya mula sa librong binabasa niya. Sinalo ng kamay niya ang baba niya habang nag-iisip siya. Ako naman ay pasulyap-sulyap sa mga inililipat kong pahina ng libro. Parang children’s book ata itong nakuha ko, eh. “Aricia means princess in greek.” My eyebrow shot up in amusement. “Really?” “That’s what I know. Bakit ba? Anong kinalaman sa ‘yo ng Aricia? Well except na sa Greece ka nag-train sa past life mo. Teka, don’t tell me napanaginipan mo iyon?” “No, forget it. Hindi ako masyadong sigurado roon.” Aricia. Princess. Warrior ako hindi princess. Argh! Ang hirap ng limitado ang kinekeri ng memory. “Ano bang hinahanap natin, Ti-Thees?” “Ewan ko rin. Basta something about Greece in the ancient times.” “What? About Poseidon and Odysseus?” “Seesh. No. That’s too far, Cheen. Look for legendary beasts. Mga mythical warriors or whatever. Basta mga gano’n.” Hindi siya nagsalita. Naghalungkat na lang din ako. Until my phone rings. Bawal pa naman ang cell phone sa library kaso nga dahil wala namang masyadong tao eh hindi na namin kinailangang ilagay sa basket ang phone namin. So para hindi na mag-ingay eh sinagot ko na lang ang tawag. “Althea speaking.” “Gross. H’wag ka ngang masyadong nagpapaka-pormal sa akin,” sa paraan pa lamang niya sa pang-aasar, kilala ko na kung sino ang impaktong tumatawag na ito. “Mr. Cain asked me to call you and tell you na magpunta ka raw sa main dormitory mamayang gabi after mo mag-patrol. That’s all.” At pinatay na niya ang linya. Ang bastos na halimaw, bow. “Sino iyon?” usisa ni Cheen. “Si Zero.” Nanlaki ang mga mata niya. “Wow, you exchanged numbers already.” “Wow your face. Magpapakamatay na lang ako kaysa ibigay ang number ko sa kanya, ‘no. Nevah!” Tinawanan niya lang ako. Hindi talaga niya sineseryoso ang mga bagay na may kahalong mga gwapong lalaki. Asar! “Nga pala, when Raikki went back into human form, I had the impression na bagay kayo.” Naku. Ang sarap talagang sabunutan ni Cheen. “Bawal sa mga gabay ang ma-attach romantically sa masters nila. They will be punished if they break that law. Kaya naparusahan si Raikki. He was imprisoned for a hundred years time sa isang madilim at umaapoy na lugar and he’s in a stallion form. Habang may tatak siya sa noo niya, pinarurusahan pa rin siya.” “H-huh? So… so na-inlove siya sa ‘yo? So may tatak pa rin sa noo niya?” “You know what I’m kind ‘a hungry,” pag-iiwas ko sa paksa at saka tumayo. “Taralets, kain tayo.” Hinatak ko siya palabas. Pailing-iling lang siya na obvious na na-disappoint sa pag-iwas ko sa usapan. May mga bagay akong naaalala sa nakalipas na ako. Pero dahil na rin sa barrier na nagli-limit sa akin para makalap lahat ng mga alaalang tinanggal nang parusahan ako, hindi ko pa kayang makita ang lahat mula sa pag-iwan ko kay Raikki hanggang sa naging sanhi ng pagkamatay ko. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sumpa. Kailangan ko pang hagilapin ang reincarnation ng enchanter na iyon sa timeline na ito. And until then, saka lang babalik ang lahat-lahat. “Ay sorry! Apat na ang mata mo hindi mo pa rin ako nakita?” Napatingin ako sa babaeng bumunggo kay Cheen. ‘Tapos doon sa mga kumpol ng estudyante na nakaupo lang sa mesa ng cafeteria. They were laughing at Cheen at nagbubulungan. At ang promotor? Si Zoe. “A-ano… K-kasi…” “Ano? Bulol ka rin? Gosh. Paano ba nakakapasok ang mga katulad mo sa ganitong ka-prestihiyoso na school?” Nakita kong patakbong lumapit si Ryle kay Zoe at parang nakikipagtalo sa ginagawa. Oh I know. She set this up. “Ti-Thees, tara na.” Nakayukong hinatak ako ni Cheen ng dahan-dahan habang hawak ko ang tray na may laman ng orders namin. “Teka, hindi pa ako tapos!” hinila noong babae ang buhok ni Cheen pagkatapos nang akmang hahawakan ni Cheen ang kamay niya ay tumayo ang dalawang lalaki. Paksyet. Hindi ko kayang manood lang. Argh! Goodbye, early dismissal. Hello, detention. Itinapon ko sa mukha ng babae ang tray at inangat ang kamay niya mula sa pagkakasabunot kay Cheen. Umiiyak siyang umatras dahil medyo nadiinan ko ang isang daliri niya. The varsity players na tumayo eh akmang susugudin ako pero naunahan ko silang umatake. I twisted his hand pagkatapos ay ibinalibag ko siya sa mesa. Iyong isa naman, umatras na lang pagkatapos kong ma-sprain ang balikat niya na sapo-sapo niya. “A-Althea…” narinig kong ibinulong ni Ryle sa katahimikan ng cafeteria dahil sa naganap na komosyon. Hindi makapaniwala sina Zoe at parang takot naman sina Tale na kasama niya sa mesang iyon pati na rin ang ilang myembro ng cheering squad. “Oy. Detention.” I heard Zero’s voice behind me. Nagngalit ang ngipin ko saka napabuntong hininga. “H’wag mong sabihing ako lang?” “Hindi ikaw. Sila. Sa President’s office ka. You know what, Althea? I think a little action must do it. Why don’t you suggest such punishments as this?” “Pang-kastigo lang ito, sira. Hindi ka pwedeng manakit.” Tinungo ko ang direksyon nila Zoe at Ryle na shocked pa rin. Napangiti tuloy ako. “Lost your tongue?” hinugot ko ang ID nila isa-isa. “See you at detention later.” Hinatak ko si Cheen. Nakita kong ngumisi si Zero bago kami sundan sa hallway papuntang President’s office. “I’ve been wanting to do that.” Sabi niya na naglalakad kasunod namin. “Kaya naman pala. Kaso parang mali, eh. A prefect with an untied hair na nangbugbog ng schoolmates niya. Patay tayo nito.” “I can’t believe Zoe.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Cheen. “She’s changed, Ti-Thees. Paano niya nagagawa iyon?” Tumahimik na lang ako. Cheen has been a real good friend to Zoe. ‘Tapos anong kapalit? Ito lang. Ganito lang? f**k. I thought wrong about that b***h. Akala ko’y tumigil na siya sa pagpapanggap niyang kaibigan ang turing niya sa amin. Pagkatapos ngayon magpapaka-maldita naman siya? I hate this kind of situations! “Altheaaaaaaaaa!” Sinalubong na naman ako ng yakap ni Mr. Cain na as usual eh tuwang-tuwang makita ako. Pilit ko siyang inilalayo. Kumikinang-kinang pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Maryosep. Ano bang klaseng President ito? “Your hair is so beautiful, Althea.” “Sir, pinatawag n’yo ba ako para lang d’yan?” “S’yempre hindi. Gusto ko lang siguruhing makakarating ka mamaya. Mamaya, ha? Ha, mamaya?” Pambihirang buhay ito.  “TITANS?” Napakamot ako ng ulo. Si Cheen ay halos sabunutan na ng bongga ang buhok niya sa sobrang pagkalito. “Forget about the Titans and the Olympians and the whole Greek mythology. Hindi roon ang focus natin, okay? It’s on some events after the reign of the greek Gods.” “Thea, I don’t think kailangan nating pag-basehan ang greek mythology. After all, it was still a myth. Kahit nga ikaw hindi mo napatunayang may greek Gods nga talaga, eh.” I existed with the belief in different kind of Gods. Walang imposible noon. Lahat maaaring mangyari nang mga panahong iyon. Bakit gano’n? Lahat ng mga natatandaan ko eh hindi pamilyar sa mga tao. Walang records maski na kahit na anong folklore man lang ang nagbabanggit sa mga panahong nagkaroon ng iba’t-ibang legendary talents. Posible kayang sinadyang gawing kwento lang ang bawat talents na may katotohanan naman talaga gaya ng mga tulad ni Raikki? “Althea. Dismissal na.” Untag ni Cheen sa akin. “Mamaya na tayo mag-out. Kailangan nating maghanap ng impormasyon na baka makatulong sa pagtanggal ng sumpang ito.” “Wala rito no’n, okay? Hahanap na lang tayo sa mga libro sa bahay ng tungkol sa sumpa mo over the weekends. Ang gawin mo, ibalik si Raikki sa pangalawa niyang anyo para hindi ka na mahirapan.” “Hindi nam—” Walang kaanu-ano’y tumunog ang cell phone ko.. Nakita ko ang pangalan ng impaktong si Zero sa Caller ID ko nang tignan ko ang tumatawag. “Na naman?” “Oh bakit? Sino ‘yan?” kunot noong tanong ni Cheen na tempted nang silipin ang phone ko. Sinagot ko ang phone matapos dedmahin ang pang-uusisa ni Cheen na matawa-tawang nailing lang nang iwasan ko ang tanong niya. “Seriously? Saan mo ba nakuha ang phone number ko?” “Wow. What a greeting. Edi sa Information Department. As a prefect, malaya akong nakakapasok sa kahit na anong departmento ng school. Teka nga, ba’t ang init na naman ng ulo mo?” He’s acting really really annoying. “Bakit ka na naman tumawag?” “I’ll go on patrol. Ikaw nang bahala sa detention and don’t forget about the visit on the main dormitory at ten sharp.” then he hung up. Ang bastos na nilalang, bow. “Nakakagigil!” “Patrol ba? Sige, mauna na ako para makapag-prepare ng dinner ni Raikki sa bahay.” tumayo si Cheen at nag-ayos ng bag niya. “Call me kapag nagkalat na naman si Zero rito, ah. Hahanap ako ng spell para sa kanya.” “Sige.” Tumayo na rin ako. “Nga pala, paano iyong sa damit ni Raikki?” “Hmm… gusto mo ba bumili na lang ako?” Teka nga. Bakit ba kailangan pang gumastos kung pwede namang may mag-donate?  “H’wag na. Ako na ang gagawa ng paraan.” “Okay.” Nagkibit siya ng balikat saka umalis. Pinanood ko siyang lumakad paalis then I headed to the detention room. Nakasandal sa pintuan si Zero na pinapanood lang ako habang papalapit doon. Nakatayo din doon sina Zoe, Ryle, Tale, at iba pang kinuhanan ko ng ID kanina. Iyong babae na sumabunot kay Cheen ay nagtago sa likuran ni Tale nang dumating ako. “Bahala ka na rito. Kaya mo na ‘yan.” Ang tangi lamang sinabi sa akin ni Zero. “Oy, Zero. Umayos ka, ah.” Tinignan niya lang ako. Mayamaya’y umismid siya. “Don’t you think you’re more dangerous than me?” then he grinned, walking past me. “At least hindi ako mukhang nangangain.” Bulong ko habang binubuksan ang pintuan ng detention. “Oh pasok na. Walang babagal-bagal, pasok bilis!” Tumakbo sila papasok. Nahuling pumasok si Ryle na tinitigan pa ako bago nagtuloy sa loob. Pagkapasok ko roon, ni-lock ko ang pintuan. Nakaupo sila sa tatlong couch na nakalagay doon. Hindi naman nakakatakot ang detention room, eh. Mas nakakatakot ang mga parusa sa detention. “A-Althea… p-pag-usapan na lang natin ito oh,” nauutal na wika ni Tale. “Sige.” Hinila ko ang swivel papalapit sa kinauupuan niya na katabi si Zoe. “Anong gusto mong pag-usapan?” “Ano… iyong punishment… h’wag namang masyadong mahirap oh.” “Iyon lang ba? Sige para sa ‘yo.” Nakita ko siyang ngumiti. Ngumisi ako at tumayo. “Just pick someone who will bear your punishment instead of you.” “P-pero—” “Not fair, is it? Fifty elephant spins, twenty push ups, thirty minutes squat. Stand up.” Pumunta siya sa sulok. Pinasunod ko iyong iba pwera roon sa mga na-injured ko kanina kasama na iyong babae. Hindi ko rin pinasama sina Ryle at Zoe. Ginawa na ng karamihan ang sinabi ko. Sabay-sabay pang magbilang. “Ikaw.” I turned to the girl. “Your punishment will be… to quit on your squad. Hindi bagay ang katulad mo roon. And be my… uh no. Be my friend’s slave. What’s your name?” “J-Jess.” “Alright, Jess, you can leave this room. See you tomorrow.” Patakbo siyang lumabas. Iyong dalawang lalaki naman ang binalingan ko. “Push ups. Until twelve in the midnight.” “Pero may bali kami!” Napairap ako. “I don’t care.” “Pero—” “Fine. Push ups until two in the morning. Reklamo pa?” Mangiyak-ngiyak silang pumunta sa kabilang sulok at sinimulan ang push ups nila. Natawa na lang ako. Varsity players na ‘yan, ah. That’s what you get sa pagiging mean. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone at umupo sa parehong couch na inuupuan nila Ryle at Zoe. Nasa kabilang dulo ako kaya’t may espasyo talagang nakapagitan. Obvious na tensyonado si Zoe. Pero idinadayal ko lang naman ang number ni Zero para alamin kung okay ang pagpa-patrol niya sa Pentagon. “Ano? Tapos ka na r’yan?” paangas niyang bungad sa akin. “Hindi pa. Kailangan kong magbantay baka dayain ako, eh. Pero kapag satisfied na ako saka na ako pupunta ng dorm. What’s up? Okay lang ba r’yan? Wala ka bang ginagawang kababalaghan?” “Shut up. It’s not as if I’m twisting arms sa harapan ng mga tao gaya ng ginagawa mo. You can hide it by telling people na isa kang Ju-do expert or whatever. Pero ang mga gagawin ko, hindi pwede.” Naku, ang daming sinabi. Mamatay na ang nagtanong. “May itatanong ako,” pag-iiba ko ng usapan. “Do you know someone named… Hydra?” “Hydra? Never heard of that name. Bakit?” “All your life, you never knew her?” “Hey,” he paused, his tone laced with suspicion when he asked, “What do you know, woman?” Kaysa sagutin na naman ang mga tanong niya tungkol sa mga ka-abnormalan ng buhay niya at ng mga alam ko, pinatay ko na lang ang cell phone ko at binalingan ang dalawang nakatingin sa akin. “Ryle. May mga damit ka bang pang-extra large? As in pang-six footer na jeans at saka T-shirts?” Naging mapagtanong ang mga tingin niya. Wala akong balak na sagutin ang mga itatanong niya. Parusa niya ang mag-donate ng damit ni Raikki, ‘no. Iwas gastos ito. “M-meron. Sa Kuya ko. Bakit?” “Pwede mong kunin ngayon? I’ll give you five minutes. Kapag hindi ka umabot in time, maiiwan ka kasama ng mga losers na ‘yan.” “P-pero—” “Take Zoe with you. Pero hindi mo siya pasasakayin ng kotse. She will run. Hurry, get back in five minutes, okay? Time starts now.” “I hate you, Althea!” nanggigigil na sigaw ni Zoe bago lumabas ng detention kasunod ni Ryle. Tumawa lang ako. Now the world finally turned upside down. At tama nga sila. Mas kinatatakutan ang may mga kapangyarihan kaysa sa mga naghahangad ng simpleng pamumuhay lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD