VIVIAN DE VERA
Mahaba ang pila papasok sa back door. Lahat ng anggulo ay tinitingnan ng mga guards. Ang gamit namin ay ini-scan at kinakapkapan kami.
Inayos ko ang butones sa bandang leeg dahil doon nakatago ang maliit na camera. Kahit matagal ko na itong ginagawa ay hindi pa rin maalis ang kaba sa aking dibdib.
Hindi ko alam ang mangyayari kapag nahuli nila ako o kapag nalaman nila ang aking balak.
Nakapasok na ang nasa unahan ko at ako na ang sumunod. Humarang ang dalawang malaking lalaki sa aking harapan.
“ID?”
Tinaas ko ang hinihingi niya. Tiningnan niya iyon at pagkatapos ay binalik sa akin ang tingin. Blangko ang kanyang ekspresyon.
“Uhm, may problema po ba? Hindi niyo ba ako kakapkapan?”
Nagbigay ng makahulugang tingin ang dalawang lalaki at pagkatapos ay tumingala sila. Kumunot ang noo ko at sinundan ang tinitingnan nila.
CCTV?
Ano’ng mayroon doon?
Kumislap ng dalawang beses ang maliit na ilaw sa gilid niyon at muling bumalik sa akin ang atensyon ng guards pagkatapos ay naghiwalay sila upang bigyan ako ng daan.
“Kuya, hindi niyo ako kakapkapan?”
“Hindi na. Pumasok ka na.”
“Sigurado po kayo? Bakit?”
“Pumasok ka nalang bago pa maubos ang pasensya namin sa iyo,” inis na sambit ng nasa kaliwa.
“Dalian mo. Nakikita mo ba na mahaba na ang pila?” Saad ng nasa kanan.
Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok na sa loob. Nagkakagulo ang mga tao habang kinukuha ang mga pagkain ng kanilang pinagsisilbihan.
Napaatras ako nang may humarang sa aking daraanan. “Hoy, ikaw. Dalhin mo ito sa booth six.”
“Po? Pero sa booth ten po ako naka—”
Inikot niya ako at tinulak ang likod ko. “Dalhin mo iyan sa booth six. Huwag kang tatanga-tanga. VIP ang nandoon.”
“Teka, sandali, ate.”
“Sumasakit na ang tenga ko sa iyo. Sundin mo ang sinasabi ko. Makinig ka!”
Pagkatapos niya akong sigawan ay iniwan niya ako. Putek! Booth ten ang target ko! Bakit ako sa booth six?!
Upang hindi makahalata ang iba ay ginawa ko nalang ang inuutos nila habang nag-iisip ng paraan kung paano makalusot. Nilagay ko sa tray ang mamahaling alak sa tray at naglakad palabas ng F & B quarters.
Madilim ang paligid at piling lugar lang ang may ilaw. Matagal bago maka-adjust ang mata ko sa dilim.
Isang malaking stage ang nasa gitna at napalilibutan iyon ng salamin. Sa paligid niyon ay nakaharap ang dalawang palapag na booths na para sa mga bidders.
Makikita sa taas ng bawat booth kung magkano ang bid nila sa bawat item na ilalagay sa stage. Huminto ako sa tapat ng pinto ng booth six at binuksan iyon.
Mas madilim sa loob dahil hindi naming dapat makita ang itsura ng mga bidders. Nakaupo ito sa malapad na upuan at nakatalikod sa akin.
Marahan akong lumapit sa kanya, walang imik dahil bawal kami makipag-usap sa kanila.
Binaba ko ang wine glass sa maliit na mesa at maingat na binuhos ang wine. Pagkatapos ay tumayo lang sa gilid habang hinihintay ay susunod nitong utos.
Pinagmasdan ko ang pag-abot niya sa wine glass.
“You’re flexible, huh?”
Nanigas ako nang makilala ang tao na nagmamay-ari ng boses na iyon. His low sexy voice set my body to a slow burn.
“From being a stripper…”
Tumayo ito ngunit nanatili pa rin na nakatalikod sa akin. Ang malapad niyang likod ay natatakpan ang ilaw.
“A spy… journalist… and now…” Humigpit ang hawak ko sa wine bottle nang unti-unti siyang humarap. “…a butler.”
His smile was all kinds of devilish promise and hit me like a punch in the gut.
What had I got myself into?
“What are you gonna be next— my lover?”
As if!
Inipon ko lahat ng lakas ng loob bago sumagot. “Don’t try to think too hard. It might sprain your brain.”
Naku! Katapusan mo na, Vivian! Ang huling kahilingan ko lang ay mabura sana ang browser history ko at huwag iyon makita ng Mommy ko.
Imbis na magalit ay inubos ni Wynter ang alak sa kanyang baso ng hindi pinuputol ang tingin sa akin.
“Watch your words, kitten.” Dalawang hakbang lang ay nasa harapan ko na ito. Hinawakan niya ang aking baba upang matingala ako. “We want you to walk out here in one piece, don’t we?”
Napalunok ako. Kahit na sinambit niya iyon gamit ang kalmadong boses ay batid ko na gusto niya akong matakot.
“What are you doing here, Vivian?”
Matalim ko siyang tiningnan at inalis ang kamay niya na nasa baba ko.
“Wala kang pakielam.”
Binasa ng dila nito ang ibabang labi bago ngumiti. “I’m here to do my job.”
Bago pa man ito makasalita ay inagaw ng tunog mula sa speaker ang atensyon namin.
“Bidders! Good evening!”
Napatingin ako sa salamin at nakita na nasa stage ang emcee habang may mesa na papaangat sa gitna. Tingin ko ay may sikretong kwarto sa ilalim ng stage at naroon ang lahat ng mahahalagang item.
“Our first item for today is the Ru Brush Washer Bowl,” anunsyo ng emcee.
“A little dish like this used for washing small brushes might not look like much, but it set a world record for porcelain in 2017. From the Northern Song Dynasty, this 900-year-old dish measuring just 5.125 inches was listed as "highly important and extremely rare" in the auction catalog.”
Maingat na naglakad ang emcee palapit sa item.
“The Intense blue-green glaze and “ice-crackle” pattern–are extremely rare because the kiln in China’s central Henan province had a brief production run of only around two decades. Let’s start the bidding. The starting bid is… fifty million pesos.”
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko kung paano ako titigan ni Wynter.
“Do you want to play?”
Nilingon ko siya.
Umangat ang isang gilid ng labi ko. “Ipagkakatiwala mo sa akin ang pera mo? Paano kung maubos ko? Sisingilin mo ba ako?”
Umupo ito at nilagay ang isang braso sa sandalan ng upuan at ang kabilang kamay nito ay nilalahad sa akin ang parang remote.
“Kung mauubos mo.”
“Is that a challenge?” tanong ko pagkatapos kuhanin ang remote.
Inabot ko sa kanya ang wine bottle at umupo sa dulong bahagi ng upuan.
Ito na mismo ang nagbubuhos ng alak sa baso niya dahil busy na ako sa pagtipa ng numero sa remote.
Umusog siya palapit sa akin at halos isang dangkal nalang ang layo namin.
“Fifty-two million? Baby, are you trying to insult me?”
“Huh?”
Lumingon ako at nanindig ang aking balahibo nang mapansin ang lapit ng mukha niya sa akin.
Bumaba ang mata niya sa aking labi.
His mouth hovered over mine, close but not touching. My breath hitched, then increased to a rapid rhythm. Anticipation overtook me.
“If you want that tiny piece of porcelain, you have to bid higher,” he whispered, lips just inches from mine, dying for a taste. “Don’t be a scaredy cat. Press the numbers, love.”
“I’m… I’m…” Nauubusan na ako ng salita at ng hininga. “That tiny piece— it’s not worth the price.”
“It isn’t?”
“Fifty-eight for booth twelve. Going once? Going twice?” Pahina ng pahina ang boses ng emcee sa pandinig ko. “Sold to booth twelve!”
“D-mn, you let the chance slip through your fingers, love.” Nanghahalina ang boses nito.
Tila lahat ng pinaglalaban ko ay mawala at na hipnotismo sa mapang-akit nitong mga mata.
“Wynter, ano ang ginagawa mo sa akin?”
Bago pa ito makasagot ay idinikit ko na ang aking labi sa kanya.
He didn’t respond when my lips pressed against him. Didn’t respond when I used my tongue to trace its outline. Hindi ko alam kung sinusubok niya ako pero kilala ko ang aking sarili.
Mataas ang pride ko at hindi basta-basta sumusuko.
“This is a messy kiss.”
Sisinghalan ko sana siya ngunit sinakop na niya ang aking labi at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.
Letting the kiss, the contact, continue was probably a mistake I’d regret later, but for now, who cares?
I hadn’t felt so alive in ages.
Hadn’t felt this fire, this wanton desire in long, cold years.