VIVIAN DE VERA
“Vivian! Nasaan na ang scoop natin?!” Umalingawngaw sa buong opisina ang boses ng aking boss.
Halos maibuga ko ang ininom na kape dahil sa gulat. Binaba ko ang tasa sa ibabaw ng mesa ko at nagkunwari na busy sa harap ng monitor.
Hinampas ni Sir Kiko ang nakalamukos na papel sa aking mesa at napakislot ako dahil doon.
“Vivian! Nauubos na ang pasensya ko sa iyo!”
“Sir!” Ngumiti ako. “Nagkape na po ba kayo? Masyado naman po kayong highblood diyan.”
“Namumuti na ang buhok at mata ko sa iyo, Vivian. Kailangan ko ng balita sa project mo. Ano na?”
“Sir, I’m working on it. By Saturday ay may report na ako. Don’t worry.”
“Sabado pa?” Huminga ito ng malalim at ginawang pamaypay ang nakalamukos na papel. “Alam mo ba kung ilang beses na akong nakikipag-usap sa nakakataas?”
“Boss, ako rin naman. Paladasal din ako.”
“Naku! Vivian! Vivian!” Tinalikuran na niya ako at habang naglalakad palayo ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. “Ako na ang susuko sa iyo! Panginoon, bigyan mo pa ako ng mahabang pasensya!”
Dahil sa reaksyon nito ay hindi ko alam kung makakapagpaalam pa ba ako sa kanya. Umiisip ako ng butas para makalabas sa proyekto na ito.
Ayaw ko na makitang muli ang lalaki na iyon. Hay nako! Pati ba naman matanda?! Sabagay, baka nangangailangan talaga siya ng pera para sa mga luho niya. Pero yuck, galing pa sa tita ko ang tip niya sa pagsayaw ko!
Ugh, hinding-hindi ko kakailanganin ng sugar daddy or sugar mommy para suportahan ang mga gusto ko. Bawat kusing na gagastusin ko ay aking paghihirapan!
Hindi ako sasandal sa kahit na sino man!
Kaya ko! Kakayanin ko! Hindi ako susuko hangga’t hindi ako mayaman!
Nakadalawang ring lang ay sumagot na ang tao na nasa kabilang linya.
“Dad?”
“Ha?! Sino ‘to?!”
“Daddy, it's me. Your only baby girl.”
“Buchik?!”
Hindi ko na makuhang mainis dahil sa pagtawag sa akin ni Daddy ng palayaw ko.
“Daddy… may sasabihin sana ako sa iyo.”
“Teka. Bago ang lahat, alam mo ba na alalang-ala ang mommy mo sa iyo. Sinugod pa niya ako dahil akala niya ay tinatago kita.”
Nagulat ako na kinausap ni mommy si daddy. Halos sampung taon na silang naghiwalay at may kinakasama ng iba si dad. Hindi ko akalain na ako ang magiging dahilan para lapitan siya ni mommy.
“Okay lang ako, dad. Alam mo naman si mommy, ayaw niya sa lahat ng ginagawa ko.”
“Hindi naman sa ganoon, buchik.” Napabuntong-hininga ito. “Gusto lang ng mommy mo na mapabuti ka. Alam niya kung saan ka mas magiging successful.”
Ipinatong ko ang aking siko sa ibabaw ng office table ko at sinuklay ang mga daliri sa buhok.
“Hindi nga ako masaya sa plano niya. Ayaw kong maging tulad niya na puro pera ang iniisip. I don’t want to be like her. I want to be you.”
“Don’t say that, cupcake. Anyway, ano nga pala ang dahilan kung bakit napatawag ka?”
Tumikhim ako upang mawala ang bara sa aking lalamunan. “Dad, uhm, may nakita akong bagong bag. And I really like it. Uhm—”
“I’m so sorry, buchik. I can’t help you this time. Just go back to your mom and—"
“Papabayaan mo ba ako na matulog sa lansangan?”
“Matutulog ka sa lansangan dahil sa pride mo, anak.”
“Daddy…” sinumulan ko na magkunwari na papaiyak para makumbinsi ito na bigyan ako ng pera.
“I love you, buchik. But I won’t tolerate this behavior.”
“Sige. Magiging stripper nalang ako,” pagbabanta ko.
“Feel free if it will make you happier, my dear.”
Sa inis ko ay pinutol ko na ang tawag. Ibinulsa ko ang cellphone at umayos ng upo. Sinara ko na ang aking laptop at tinago iyon sa bag.
Mangiyak-ngiyak akong sumakay ng elevator habang nagbo-book ng masasakyan. Sa totoo lang ay hindi ko gagastusin ang ibibigay sa akin ni daddy na pera sa bag.
Gusto ko sanang gamitin ang pera na iyon bilang allowance habang naghahanap ng panibagong gig. Bago mag-uwian ay nakatanggap ako ng email mula kay Boss Kiko na terminated na ako, effective immediately.
Umilaw ang cellphone ko at nag-pop ang notification na may nakuha ng sasakyan. Buti nalang ay nakita ko pa ang kulay niyon at plaka bago ma-deadbatt ang phone ko.
Tumayo ako sa harapan ng building habang pasikretong pinupunasan ang luha sa aking pisngi.
Mahirap para sa akin na mawala ang trabaho na ito. Kahit na madalas ay stress ako, alam kong masaya ako sa aking ginagawa.
Tumigil ang isang itim na sasakyan sa aking harapan. Hindi ko na tiningnan kung ano ang plaka niyon at basta sumakay nalang dahil tugma naman ang description ng sasakyan sa na-book ko.
“Vivian po,” saad ko gamit ang mahinang boses.
Napansin ko na may katabi ako ngunit hindi ko siya tiningnan. Baka sa sobrang depress ko ay napindot ko ang ride-share na function.
Kumuha ako ng tissue sa aking bag at ikinusot iyon sa aking mata.
Iiyak lang ako ngayon pero bukas ay babangon pa rin ako. Bakit? Dahil ako si Vivian De Vera.
Walang De Vera na duwag!
Walang De Vera na mabilis sumuko!
“Kahit magsama-sama pa sila. T*ngina nila,” bulong ko.
Gusto kong mag-rant kay Maan pero wala ng baterya ang phone ko. Nahihiya naman ako na maki-charge kay manong driver.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Tulala lang ako habang sumisinghot.
“Things didn’t work as planned?”
Nanigas ako nang marinig ang malalim na boses na iyon.
Pamilyar.
Wynter.
Nanindig ang aking balahibo. Tiningnan ko ang repleksyon nito sa bintana ngunit hindi sapat iyon para makita ko ang mukha ng nagmamay-ari ng boses.
“Bakit hindi ka makalingon?”
Nakaramdam ako ng panic nang mas lumapit ang boses nito sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking balikat.
Lumunok ako ng maraming beses at nilingon ito. Rinig ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso nang magtama ang aming mga mata.
Nakasuot ito ng three-piece suit— ibang-iba sa porma niya noong nagkita kami sa club at hotel. He looks expensive.
The air charged, electricity arcing among the two of us.
Pinanliitan ko siya ng mata. “Well, we’ve met again, mister milf lover.”
He just c****d his head to the side and gave me a smirk.
“Hello, miss stripper. Life…” pinasadahan niya ako ng tingin. “…hasn’t been well to you, I suppose?”
Sumimangot ako. Naghalo-halo na lahat ng nadarama ko— stress, frustration, pagod, at kawalan ng pera.
“Kasalanan mo kung bakit ako nawalan ng trabaho! Kung hindi dahil sa iyo—”
“Bakit ako ang sinisisi mo? You got all the pictures.”
His intense eyes focused on me.
Nilapit niya ang mukha sa akin. Dahil sa pride ay hindi ako kumilos o lumayo.
Bumaba ang mata nito sa aking labi. He didn’t hide the desire in his eyes.
“I’ve showed you everything, haven’t I? Tinulungan kita. I made it easy for you.”
The man had a lot of nerve, and my palm itched with the need to slap the smug look off his face.
“Why did you chicken out?”
Nagpakatatag ako upang hindi mahipnotismo. Lumunok ako at kinuyom ang mga kamay.
My vocal cords refused to work, so I shook my head rather than embarrass myself.
“You sure?”
His smile was so promising, so sexy my knees turned to jelly.
“Then, I’m expecting that you’ll complete the article about me tomorrow?”
“Hindi na ako nagtatrabaho sa kanila. Tinanggal na nila ako.”
Umayos ito ng upo at nagbuntong-hininga. “You’ve got a lot of excuses, miss stripper.”
Pinanliitan ko ito ng mata. “Bakit ba gusto mo na may issue na magawa sa iyo? Pagod ka na siguro sa tahimik na buhay.”
Sa gulat ko ay mahina siyang natawa. Hinaplos ng isang kamay niya ang baba habang nakangiti ito.
“My life is far from peace and quiet. At isa pa—”
“Wait… narinig mo iyon?”
Kumunot ang noo niya. “Ang ano?”
“Na wala akong pakielam,” masungit kong saad. “Manong… manong pakitigil ang sasakyan!”
Mula sa rear view mirror at tumingin ang driver sa akin at pagkatapos ay kay Wynter.
Tumango siya at agad namang hininto ng driver ang sasakyan. Mabilis kong binuksan ang pinto at nagulat nang na limang hakbang nalang ay nasa apartment na ako.
Bago ko isara ang pinto ng sasakyan ay sumilip pa ang lalaki.
“Wynter Salvador.”
“Huh?”
“Wynter Salvador. Not Mister milf lover. Never forget my name.”
“Sorry, may dumaang motor. Ano ulit ang sinasabi mo?”
“Wynter Sal—”
Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi at sinara na ang pinto ng sasakyan. Patakbo akong pumasok sa aking apartment dahil baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.