Chapter 21

1018 Words
TATLONG buwan pa bago niya palitan si Misis Lucia Torres bilang vice presidente ng Forever’s Beauty Cosmetics. At ayos lang 'yon sa kanya, hindi naman siya nagmamadali. Nang hapon na 'yon ay pagal na pagal ang katawan niya dahil sa mga inventory reports ng mga produktong ilalabas pa lang sa market. Pagpasok niya ng bahay ay agad niyang nakita ang mga magulang sa may sala at seryosong nag-uusap. "Hi, Dad!" bati niya sa ama at humalik sa pisngi nito. Gano’n din ang ginawa niya sa ina. "Hi, Mom!" "Mabuti at nakauwi ka na, Fatima," anang kanyang ama sa seryosong mukha. "May problema po ba?" tanong niya sa ama at aktong uupo na sa sofa. "Marry, Kier." Nabigla siya sa narinig kaya napasalampak siya sa sahig. Agad din naman siyang tumayo. "Isa ba itong biro, Dad?" Nagawa pa niyang tumawa. "Hindi ito isang biro." Napatingin siya sa kanyang ina. Tahimik na nakaupo ito sa tabi ng kanyang ama. "Tama ang 'yong narinig, kailangan mong pakasalan si Kier." Ang malakas na pagbagsak ng dala niyang laptop ang sumagot sa sinabing 'yon ng kanyang ama. She composed herself. Pinulot niya ang nahulog na laptop. Sayang! Bagong bili pa naman ang laptop niya! "Dad, pagod po ako. Kadarating ko lang galing trabaho. I want to rest." "I am not requesting you to marry him. It’s an order." Bigla ang pagkirot ng sintido niya dahil sa narinig. Kahit pagod siya sa trabaho she was so excited to come home, only to find out that her parents planned her ‘funeral’ ahead of her. Biglang lumitaw sa kanyang isip ang nakangising mukha ni Kier. Napahawak siya sa kanyang kumikirot na ulo. "Dad, have you forgotten na mortal enemy ko si Kier?" Nabaling ang tingin nya sa ina. "Mom, hindi lingid sa kaalaman nyo kung paano ako tratuhin ng lalaking 'yon!" "Ang buong akala ko kasi ay nakalimutan na ni Rodrigo ang aming napagkasunduan fourteen years ago." Bumuntong hininga ang kanyang ama. "A promise that has been made should never be broken. Pakakasalan mo ang anak ni Rodrigo dahil 'yon ang nakatakda." "That’s absurd. We’re in the twenty-second century, for Pete's sake!" Pinigil niyang 'wag mainis. "Saka, bakit ngayon lang ninyo nabangit sa 'kin ang tungkol dito kung talagang may napag-usapan kayo ni Tito Rodrigo?" "Dahil ang buong akala ko nga ay nakalimutan niya na ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero kahapon habang nasa Batangas Golf Club kami, bigla niyang binuksan ang tungkol sa usaping 'yon." "Ayokong pakasal sa lalaking 'yon!" Tumalikod siya at mabilis na tinungo ang hagdan paakyat sa kuwarto niya. "Fatima!" sigaw ng kanyang ama. "Kinakausap pa kita!" "You can't do this to me, Dad!" sigaw niya rin. She hastily locked herself inside her room. Hustong naisara niya ang pinto ay impit siyang sumigaw at napasandal doon. Bakit ganoon ang parents niya ngayon? Dati-rati naman ay hindi nangingialam ang mga ito sa usaping pag-ibig niya. Tapos ngayon, gugulatin na lang siya para ipaalam na nasa isang sitwasyon siya ng arranged marriage with Kier. From the very start, her relationship with Kier was not as smooth sailing. Sinaktan at ipinahiya siya ng lalaki simula pa siguro nang matuto silang magsalita at maglakad. Wala itong pakundangan kung ipangalandakan ang pagiging mataba niya kahit marami naman nakakaalam no'n. Nasaktan ang bata niyang puso sa lahat ng mga pang-iinsulto nito. Hanggang sa tumuntong sila sa tamang edad, hindi pa rin nabago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi pa nga niya nasisimulan ang pinaplano niyang paghihiganti sa binata, tapos malalaman niyang ipapakasal siya rito. "I will not marry that guy. Tamaan na ako ng kidlat ngayon pero hinding-hindi ako papayag na magpakasal sa lalaking iyon." Nagpahid siya ng mga mata. Natigilan si Fatima. Hindi naman siya umiiyak. Inaasahan niyang 'yon ang magiging reaksyon, ang lumuha sa sama ng loob. Pero kamalas-malasan, ni butil ng luha ay walang tumulo mula sa kanyang mga mata. She exhales heavily. Pagkuwa'y tinungo niya ang kanyang kama at dahan-dahang naupo roon. Gusto niyang umiyak sa labis na pagkainis pero ayaw naman makisama sa kanya ng mga mata. Ni butil ng luha ay wala talagang pumatak. Jeez... She would do whatever it took, para matakasan lang ang detestable destiny her father created. At isa lang ang paraan para matuldukan ang kanyang problema. Kailangan niyang makausap si Kier. Tiyak siyang hindi rin ito papayag sa nais mangyari ng ama nito. Pero paano kung may kinalaman si Kier sa arranged marriage nila? PASIMPLENG sinipat ni Fatima ang sarili sa makintab na pinto ng kinalululanang elevator. Hinawi niya ang bangs, tucked them behind her ears, ang flipped her long and shiny black hair. She hated vanity but her hair was an exemption. She exhaled heavily as she walked out of the elevator. Taas-noong inignora niya ang nagtatakang tingin ng mga tao sa opisinang tinungo niya. Why, she was wearing a black t-shirt with a tribal print on it, worn out jeans, sloppy sneakers that were her favorite and cottony black body bag. Iisa lang ang pakay niya roon, at wala siyang panahon para pag-aksayahan ng pagod ang mga echoserang office girls na harap-harapan siyang pinagtsitsismisan at kinukutya. Bakit, ano ba ang mali sa suot niya? Iyon kaya ang uso ngayon lalo na sa mga new generation. Hindi naman siya ipinanganak taon 1920. The male species gave her an opposite welcome though. Naroon ang paghangang madalas niyang nakukuha kahit saan siya magpunta. Tatak Madrid, she thought. "Miss, bawal ang estudyante rito. Kailangan kumuha ng appointment sa lobby kung may gusto kang makitang tao," pambungad ng babae na tiyak niyang secretary ni Kier. "First and foremost, I am not a student. Secondly, I don’t need an appointment just to see the president of this company." Dere-deretso niyang iniwan ang hindi makapaniwalang babae. Agad na hinanap niya ang exclusive office ng presidente ng Enchanted Perfumes. Nakita naman niya 'yon. As expected, it was locked. Asar na lumayo siya sa pinto at naghanda ng isang mas mabisang pambukas. Isang sipa ang pinakawalan niya. Last night, narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang. Hinding-hindi siya magkakamali sa narinig. Alam ni Kier ang tungkol sa arranged marriage nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD