Chapter 22

1141 Words
NARINIG ni Fatima ang halos magkapanabay na pagsinghap ng mga nakasaksi sa ginawa niya. Kasabay niyon ang matagumpay na pagbukas ng pintong sinipa niya. Lihim siyang natawa sa reaksiyon ng mga naroon. "What the…?" From inside the office came bewildered Kier. "F-Fat?" 'di makapaniwalang bulalas nito. "Hi, Mutant!" she greeted in between her gnashing teeth. "What a cute surprise, Fat. I’m so flattered na dumaan ka rito." Napalitan ng ngisi ang kunot ng noo nito. At kumulo ang dugo niya. "Don’t be. I wouldn’t be here if I didn’t need to talk to you. The show’s over!" aniyang nilingon ang mga empleyado nitong pasimpleng nanonood sa kanila. Mabilis nagsialisan ang mga ito. "Shall we go inside then?" Humakbang si Kier paatras. "Five minutes." Tinabig niya ang nakaharang na katawan nito sa bungad ng pinto. "Please, have a seat." "No, thanks." "So, what brings you here, wifey?" "Cut the sarcasm, Kier, baka hindi kita matantya." Pinandilatan niya ito ng mga mata. "You really look cute when you’re angry, did you know that?" Humalukipkip ito at tinitigan siya. His legendary grin started to form on his luscious lips again. "Unang-una, hindi 'ko nagpunta rito para makipagbolahan sa ‘yo. Pangalawa, naubos na ang three minutes ko dahil sa pagpapa-cute mo. Kaya pangatlo, sasabihin ko nang totoong pakay ko. Pigilan mo ang ama ko at ang ama mo sa masamang balak nila. Iyon lang. You have less than two minutes to say yes or no." "Ano naman ang balak nila?" Nag-isang linya ang mga kilay nito. "Don’t give that crap, Kier. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Feigning innocence makes my blood boil. Then it doesn't suit you." "What makes you think that I’ll agree with your plan?" Naglakad ito at naupo sa isang couch. "Have a seat, Fatima." "Bingi ka ba? I said no, thanks. Now answer me, is it yes or no?" Tinitigan niya ito nang masama. "Um-absent ako sa trabaho para lang puntahan kita rito. Ayaw pa nga mag-sink in sa utak ko ang nalaman ko kagabi." "What do you think my answer will be?" "I guess I’m wasting my time talking to you." Akma siyang aalis na nang bigla itong tumayo at hinawakan siya sa braso para pigilan. "Fat…" "What?" Inis na tiningnan niya ito. "Aalis ka na agad?" "Isn't it obvious? Ayaw na kitang makausap. Wala kang kwentang kausap." Sa wakas naalala na rin niyang pumiksi sa pagkakahawak nito sa braso niya. "Is this how you treat your childhood friend after three years na muli tayong nagkita?" "Yes. So be grateful for small mercies. Hindi ko na siguro kailangan ipaalala sa ‘yo ang ginawa mo sa 'kin ten years or maybe twelve years ago." Matalim ang tingin niya rito. "Akala mo siguro nakalimutan ko na ang mga pang-iinsulto mo sa pagiging mataba ko 'no?" "Fatima…" "'Di ba wala kang maisagot?” She irately frowned. Huminga ito nang malalim. Nakita niyang malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa mukha niya. “Alam mo bang na-miss ko iyang pagsimangot mo?” "Whatever." She rolled her eyes. She ignored him sweet tone. Umiwas siya ng tingin nang mapansin titig na titig pa rin sa mukha niya si Kier. "You’re too affected by my presence, Fatima. Kahit noong una tayong muling magkita sa restaurant ay napansin ko na iyon, why is that?" he asked in an amused tone. Humalukipkip pa ito. She tried not to notice how handsome he was in his usual suit. Hindi pa rin ito nagbabago. Ipinilig niya ang ulo. "Correction, hindi ako affected sa presensya mo. 'Wag ka ngang assuming!" Parang may bumara sa lalamunan niya. Marahil ay ayaw niya lang aminin sa sarili na may katotohanan ang sinabi nito. Akala mo lang affected ako sa presence mo, hindi mo ba alam na habang nakatitig ako sa mukha mo ay pinag-iisipan ko kung paano kita aakitin? Pero ayoko nang gawin ‘yon dahil ayokong mapalapit sa ‘yo! Sa isip-isip niya. "Fat…" "You keep calling me, Fat. Tawagin mo pa ako sa pangalang 'yan at masasapak na talaga kita." Inis na hinampas niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Sino ka ba para tawagin ako sa pangalan na ‘yan, ha?" "I'm the one that you're going to marry." "Marry my foot!" "Tell that to your old man." Tukoy nito sa kanyang ama. Natigilan siya. Inarok kung nagsasabi ito ng totoo. Napaungol siya nang makita ang kumpirmasyon sa mga mata nito. "Don’t tell me, they’re really up to that stupid idea of us marrying each other?" "I’m afraid so." Napabuntong-hininga siya. God, nahilo siya. "We need to convince them that we’re not meant for each other." "How?" "Look for someone who’ll pretend to be your lover. Para malaman nilang may mahal kang iba. Marami ka naman sigurong babae, ‘di ba? Isa na sa kanila si witch girl." Nabanggit minsan ni Tita Charo ang tungkol sa babaeng 'yon nang minsan ay dumalaw ito sa bahay nila. "Witch girl?" Mayamaya ay ngumiti ito. "Si Savannah ba ang babaeng tinutukoy mo?" "I don’t know." "Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?" "Nanghuhula lang ako," pagsisinungaling niya. Hindi niya maaring sabihin na nabanggit ng ina nito sa mommy niya ang tungkol sa babaeng 'yon. "Never mind. Tama naman siguro ako nang sapantaha na marami kang babae. Ang problema mo na lang, kung paano pipili sa kanila." "Do I hear a hint of jealousy there, wifey?" Inis na sinipa niya ito sa paa. How dare he use that endearment to her? Isusumpa niya ang salitang ‘wifey’ kung ito ang tatawag niyon sa kanya. "Ano 'yon?" she sarcastically retorted. "Come on, I can’t break my dad’s heart," anito habang hinihimas ang paang sinipa niya. "When will you stop being your dad’s puppet?" nasabi niya 'yon dahil no'ng nasa kolehiyo pa ito nais nitong maging architect gaya ng kuya niya. Pero hindi nangyari, dahil nangialam ang ama nito sa kursong gustong kunin. "That’s foul!" he barked in a dangerous tone. "Truth hurts," she muttered. Bahagya siyang lumayo sa binata na mukhang anumang sandali ay sasakmalin siya sa sobrang inis. "Are you whispering something, Fatima?" "Makaalis na nga," sa halip 'yon ang sinabi niya. Natigilan siya dahil sa biglang pananahimik nito. His cold gaze captured hers. She felt her hands perspiring. She looks away. "Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" tanong nito. "Binibiro lang naman kita noon." "Alam mo ang sagot ko." Muli itong lumapit sa kanya at sinubukan siyang hawakan kaya mabilis siyang humakbang paatras. Ngunit mukhang may sa malas yata talaga siya dahil namali sa pagtapak ang kanyang kanang paa. Naging dahilan iyon upang mabuway siya at munting matumba. Only Kier’s swift move was able to save her. Napakapit ang mga kamay niya sa batok nito, while his firm hands were clasped around her tiny waist. For a moment, they stayed looking into each other’s eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD