Chapter 20

1162 Words
"MUKHANG busy ka sa ginagawa mo." Hindi na kailangan pang lumingon ni Fatima para kilalanin ang nagmamay-ari ng boses. Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang papeles sa loob ng opisina. At sinalubong siya ng nakangiting mga mata nito. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Pero hindi dapat ipakita ni Fatima na apektado siya. Mayamaya, napansin niya ang isang bouquet ng bulaklak na hawak ni Kier. "What are you doing here, Mr. Williams?" kalmadong tanong niya. Lumapit ito sa kanya. Bukod sa bulaklak ay may hawak din itong isang paper bag. Ipinatong nito ang mga 'yon sa mesa. Wala sa loob na napatingin si Fatima sa paper bag. "Favorite mo, chocolates." "No'n ‘yon, hindi na ngayon. I hate chocolates. Ayoko na ngang tumikim, e. Balak mo ba akong patabain ulit para may mainsulto ka na naman, ha?" "Hindi naman. Pero isa kasi ang chocolates sa mga paborito mo. Kapag ba niyaya kitang kumain sa labas, pagbibigyan mo ako?" Napaikot niya ang mga mata. Itinuon niya ang paningin sa computer monitor. "How about the flowers?" tanong pa nito. "Para saan ba ang flowers na ‘yan, peace offering?" tanong niyang hindi nag-abalang tingnan ito. "Peace offering?" ulit nito sa sinabi niya. "Wala akong maalalang may ginawa akong kasalanan sa ‘yo. Bagkus, iniligtas pa nga kita sa taxi driver na nagtangka sa buhay mo." Natigilan siya. Wala raw kasalanan, baka kapag inisa-isa niya ay malunod ito sa dami nang atraso sa kanya. Inangat niya ang mukha. "So ngayon, isinusumbat mo sa ‘kin ang ginawa mong kabayanihan?" "No." May ibinulong-bulong ito. "Kahit man lang sana, thank you." "Huwag kang bumulong diyan, hindi ka bubuyog. Fine, salamat ha? Thank you for saving me." "Your welcome." Ubod tamis na nginitian siya nito. Pareho silang napatingin sa bumukas na pinto ng kanyang opisina. Tumayo siya para magbigay-galang kay Ma’am Cora. "Oh, Miss Madrid, bakit hindi mo man lang pinaupo si Mr. Williams?" "Ah–e..." Napakagat-labi siya. "Maupo ka, Mr. Williams." "Thank you." May pilyong ngiti sa mga labi nito nang tumingin sa kanya. "Asikasuhin mong mabuti si Mr. Williams. Narito siya dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa ‘yo." "Yes, Ma’am." "Miss Madrid, prepare the sales report. I will take it later after you talk to Mr. Williams." "Yes, Ma’am," 'yon ulit ang isinagot niya. Hindi naman nagtagal sa loob ng opisina ang boss niya at lumabas na ito. "I have something important to tell you, Miss Madrid." Napatitig siya sa mukha ni Kier. Hindi niya alam kung kakabahan sa seryosong mukha nito. Napalunok siya. "And what is it, Mr. Williams?" "I just want to say that I have decided that Forever’s Beauty Cosmetics will be the new distributor of Enchanted Perfumes," sabi nito na unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa mga labi. Umawang ang bibig niya pero naroon ang sayang naramdaman. "Talaga?" Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ang kumpanya namin ang napili mo?" "Yes," sagot nito. Hindi napigilan ni Fatima ang sarili. Tumayo siya at lumapit kay Kier. Napakaimportante ng deal na 'yon para sa kanya. Tumayo rin si Kier at inilahad ang kamay sa harapan niya. Pero niyakap niya ito dahil sa sobrang saya. "What are you doing, Fatima? Ganito ka rin ba kapag nakakapagsara ng deal sa iba?" Kumalas siya at tumingin sa lalaki. Salubong ang mga kilay nito at hindi maipinta ang mukha. Nadala lang naman siya ng damdamin kaya niya nagawa iyon. Maging siya nga ay nagulat din sa ginawa niya. "Niyayakap mo rin ba ang mga nakakaharap mo sa ganitong deal?" May himig inis ang tono nito. "I’m sorry," hinging paumanhin niya. "Hindi ko naman sinasadya. Natuwa lang ako." "Sagutin mo ang tanong ko. Ginagawa mo rin ba ang ganito sa iba?" "Hindi." Nagpipigil lang siya ng sarili na ‘wag mainis. Ang arte-arte! "Ikaw lang." Bumalik si Fatima sa mesa niya at umupo sa swivel chair. Lumapit sa mesa si Kier. Ngayon ay nakangiti na ito. "Gusto kong magpasalamat dahil napili mo ang kumpanya namin." "Your company is where I found the qualities we need to be a distributor. It’s way better than the others. And our company is very glad to work with your company." Natuwa siya sa narinig. "I assure you that our companies will have a good partnership. You know, Mr. Williams, this is the biggest deal I've ever closed in my entire career." "Talaga?" Tumango siya. "Yes. Because when I close this deal with your company, I will be promoted as vice president of Forever’s Beauty Cosmetics," masayang paliwanag niya. "Wala kang binanggit sa akin tungkol sa bagay na 'yan," gulat na sabi nito. "Bakit ko naman babanggitin sa ‘yo?" Natawa siya. "Never mind," sagot nitong nakangiti. "I’m proud of you. Gusto ko ring sabihin na walang kinalaman sa atin ang pagpili ko sa Forever’s Beauty Cosmetics. It’s all about business." "Kinalaman sa ‘tin?" Hindi niya alam ang ibig nito ipabatid. "I mean, kapatid ka ng kaibigan kong si Tristan. Magkaibigan ang parents natin. Walang kinalaman 'yon sa desisyon ko." Napatango-tango siya. Mayamaya ay pinag-usapan na nila ang magiging unang proseso ng partnership ng dalawang kumpanya. Pagkatapos niyang makausap si Kier ay nakipag-usap naman ito kay Ma’am Cora. Dinampot niya ang bulaklak na nasa mesa at inamoy ang talulot nito. Unang beses niyang makatanggap ng flowers. Well, choice niya naman 'yon dahil hindi siya nag-e-entertain ng mga lalaki. Tanging si Kier lang ang malakas ang loob na gawin iyon. Sinilip niya ang laman ng paper bag na nasa mesa. Kumuha siya ng isang chocolate bar. Binuksan ito at kumagat siya. "Hmm..." Ibinalik ng dalaga sa loob ng paper bag ang chocolate na kinagatan niya. "Glad, you like it!" Nagulat si Fatima kaya naihagis niya ang bouquet. Paglingon sa pinto ay nakita niya si Kier. Mabilis na pinulot niya ang bulaklak at nilagay sa ibabaw ng mesa. Lumapit sa kanya ang lalaki. "Nagustuhan mo ba ang bulaklak?" Umiling siya, tapos tumango naman. May chocolate sa bibig niya kaya hindi maibuka ang bibig. Kasasabi niya lang kanina na ayaw niya sa chocolate. Bakit ba kasi hindi man lang ito kumatok sa pinto. "I'm sorry kung nagulat kita. I knocked on the door, I don't think you heard it." My telepathy ability ba ito at nagawang basahin ang nasa isipan ko? "What about the chocolates?" tanong pa nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. Agad niya itong hinarang nang aktong sisilipin ang paper bag. Kinuha niya ang paper bag at itinakip sa kanyang bibig. "Salamat sa chocolates," sabi niya. "Bakit ka ba narito?" Kumibit-balikat ito. "Narito ako para magpaalam. Aalis na ako, babalik pa kasi ako sa opisina." "Okay, you can go now." Halos itaboy niya ito. "Go!" Nakahinga siya nang maluwang nang makalabas na sa opisina niya si Kier. Pero biglang bumukas ang pinto at sumilip ito. Nahuli siya nitong kumakagat ng chocolate. "You hate chocolates, ha?" Pilyo itong ngumiti. Tumayo siya. Sinara niya ang pinto at ni-lock. Nahiya siya. Huling-huli siya nito sa aktong nasa bibig ang chocolate bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD