Chapter 12

1063 Words
"BAKIT naman ganyan ang ayos mo?" tanong ni Fatima sa kaibigan. Sitting pretty ito sa isang silya malapit sa entrance door ng Lover’s Café. "Kanina pa ako naghihintay sa ‘yo." Nakataas ang kilay na sabi nito, nasa hawak na cellphone ang atensiyon. "Late na kasi ako nagising," katuwiran niya. "Sandali nga, bakit naka-gym suit ka?" Nag-angat ito ng ulo at ngumiti sa kanya. With matching headband pa ang friend niya. "Pupunta tayo sa gym para mag-ehersisyo. Feeling ko kasi tumaba ako sa ilang araw na pamamalagi sa probinsya. Opsy–hindi ko intensiyon masaktan ang damdamin mo, friend." "Duh... No hurt feelings,” saad niya. "Alam ko naman na healthy ako. Nasaan na ang fruits na pasalubong mo para sa 'kin?" "Nilagay ko sa fridge," anito at tumayo. "Tumawag ako kay Tita Elena, sinabi ko sa kanyang isasama kita sa fitness gym." "Ano’ng sabi niya?" "Haller? Syempre, pumayag agad ang mommy mo. Narinig ko pa nga siyang napasigaw sa tuwa." Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano naman ang gagawin ko sa lugar na 'yon?" "Syempre, mag-eexercise. Kung ayaw mo naman, libangin mo na lang ang iyong sarili sa panonood sa mga handsome and masculine men na naroon sa fitness gym." "Akala ko ba si Kuya Tristan lang ang guwapo sa mga mata mo? Salawahan ka rin, e." "Wala naman akong sinabi na attracted ako sa mga lalaking nakikita ko sa fitness gym. Si Tristan pa rin ang apple of my eye.” Kinuha nito ang backpack at isinabit sa balikat. "Please, samahan mo na ako..." "Fine,” sagot niya. "Sandali lang at kakausapin ko ang isa sa mga tauhan ng Lover’s Café." Matapos niyang makausap si Carla, ang bagong supervisor ng Lover’s Café, pinuntahan niya ang kaibigan na naghihintay sa kanya sa labas. "Ayos lang ba kung ganito ang suot ko?" tanong niya kay Kim. Bumaba ang tingin niya sa suot na triple large t-shirt. Nakasuot din siya ng makapal na jog pants at sneakers. "Okay lang ‘yan. Mas madali kang pagpapawisan." "Wala akong balak magbuhat ng mabibigat na fitness equipment. Ayokong parusahan ang sarili ko para lang mabawasan ang bilbil ko sa katawan." "Subukan mo lang." Kumibit-balikat siya. "Ewan ko ba, makita ko lang ang mga fitness equipment ni Kuya Tristan, feeling ko pagod na agad ako." "How I wish na makasama ko si Tristan minsan na mag-gym." Day dreaming na naman ang ito. "Tara let's, baka kung saan na naman makarating ang ilusyon mong pag-ibig." Sumakay sila sa kotse ni Kim. Pagdating nila sa fitness gym ay agad silang binati ng isa sa mga gym instructor. Marahil ay madalas magpunta roon si Kim, napansin niya kasing parang magkakilala ang dalawa. "Jorge, gusto ko pa lang ipakilala sa ‘yo ang best friend ko. Si Fatima." "Hi, nice to meet you, Fatima." Inilahad nito ang kamay sa kanya. Napatitig siya sa maskulado nitong katawan. Halatang batak sa pagbubuhat ng mga mabibigat na fitness equipment ang lalaki. "Same to you, Jorge." Nag-shake hands sila. "Si Jorge nga pala ang personal trainer ko," sabi ni Kim. "Kung gusto mong maging member ng Health Fitness Gym, maaari mong kunin ang serbisyo niya na maging personal trainer mo." Napatingin siya sa kaibigan. "Narito ako para samahan ka lang." Pinulupot ni Kim ang braso sa leeg niya. "Fatima, subukan mo lang. Malaki ang maitutulong sa ‘yo ng ehersisyo to lose weight. Para matigil na rin si Kier sa mga pang-iinis niya sa ‘yo. Hindi ka naman maiinis sa kanya kung hindi ka affected sa mga sinasabi niya sa ‘yo." "Kim, ako na ang bahalang kumausap sa kaibigan mo," sabat ni Jorge. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Fatima, may ipapakita ako sa ‘yo." "Go!" Halos ipagtulakan pa siya ni Kim. "I can handle myself kahit wala si Jorge." Dinala siya ng lalaki sa isang maliit na silid. Agad niyang napansin ang mga before and after pictures na nakadikit sa wall. "Ako ito." Itinuro ni Jorge ang isang picture ng isang lalaki. Palipat-lipat ang tingin niya sa lalaki at sa picture. Ang lalaking nasa tabi niya ay masculine at pangangarapin ng sino mang babae na maging boyfriend. Ang lalaking nasa picture, sobrang taba at tingin niya ay wala nang pag-asang pumayat. "Ikaw ‘yan?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ngumiti ito sa kanya. Lumabas ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. "Yes. Hindi ka makapaniwala 'no? Nang mag-umpisa akong mag-gym, umabot ang timbang ko ng 200kg. Sipag, tiyaga at determinasyon, ang mga 'yon ang motivation ko para ma-achieve ang goal weight ko." "Ilang years bago mo na-achieve ang katawan mong ‘yan? I mean, you’re so sexy. Ang waistline mo, kasing sukat lang yata ng binti ko." "Isang taon. Ginamit ko ang mga masasakit na salitang naririnig ko mula sa ibang tao para magpursige magpapayat." "Itong babae, pumupunta pa rin ba siya rito sa fitness gym?" Turo niya sa isang picture. "Yes. Isa na siya ngayon sa mga personal trainer. Dahil sa pagiging obese ay malimit siyang tuksuhin ng mga kaibigan niya. Pinaglaruan din ng isang lalaki ang puso niya, kaya naman ang pag-eehersisyo ang naging sandalan niya sa mga sandaling nalugmok siya." Naalala niya si Kier. Siguro nga ay panahon na para magsimula siyang magbawas ng timbang. Hindi na makatarungan ang araw-araw nitong pang-aasar sa kanya. Below the belt na ang mga pang-iinsulto nito sa kanya. "Maganda ka. 'Wag mong sayangin ang gandang 'yan," sabi pa nito at muling ngumiti. Nag-blush siya. Bigla yatang humaba ang hair niya. "Thank you." Marami pang picture na ipinakita sa kanya si Jorge. Tuloy ay naengganyo na siyang magpa-member sa Health Fitness Gym. "Membership rates: 12-month membership: P2,500 per month (regular rate) Joining fee: P1,000 (one-time payment) Key fob: P2,500 (one-time payment)." In fairness, medyo pricey ang membership sa Health Fitness Gym. Kailangan niyang maghanap ng work para masuportahan ang buwanan niyang membership sa gym. Ang problema ay ayaw pa siyang payagan ng kanyang ama na magtrabaho sa Madrid Advertising Company. Pag-aari iyon ng pamilya Madrid. My origin. Naunawaan naman niya ang ama. Ayaw kasi nitong kutyain siya ng mga empleyado ng Madrid Advertising Company. Baka siya raw ang maging dahilan para maubos ang mga empleyado sa kumpanya kung araw-araw ay magtatanggal ito ng employee. Tuwang-tuwa naman si Kim nang isa na siya sa member ng Health Fitness Gym. Hindi na nga makapaghintay ang bruha na makita siyang nagbubuhat ng barbel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD