Chapter 13

1046 Words
HINDI makapaniwala si Fatima na may trabaho na siya. Pag-aari ng pinsan ni Kim ang Forever Beauty Cosmetics at na-assign siya sa sales department. Syempre, tinulungan siya ng kaibigan niya. Ang best friend niyang nangangarap na maging kanyang sister-in-law. Gusto na ngang batukan ni Fatima ang kanyang kuya, e. Para mapansin na nito ang kaibigan niya. "Finally, may mapagkukuhanan na ako ng budget para sa monthly membership ko sa fitness gym," natutuwang sabi niya kay Kim. Kasalukuyang naroon sila sa gym at katatapos lang mag-ehersisyo. "Pinayagan ka ba ng dad mo na mag-work sa ibang company?" tanong ni Kim. Binuksan nito ang bottle water at uminom ng tubig. Nakaupo ito sa yoga matt. "No’ng una ayaw pumayag ni dad, pwede naman daw akong mag-manage ng isang branch ng Lover’s Cafe ni Mom. Pero ayaw naman ni mom dahil matutukso raw ako sa milk tea, coffee and cake." "Natutuwa ako dahil nakikita kong may progress ang pagbabawas mo ng timbang. Sana lang ay tuloy-tuloy na." "Ngayon pa ba ako aayaw? Five kilograms nang nabawas sa timbang ko. Titiyakin kong may sapat akong oras para pumunta sa gym kahit may work na ako." "Maiba ako, kumusta na ba si Kier?" Napakurap siya. Hindi masigurado ni Fatima kung gaano na katagal nang huli niyang makita si Kier. Matagal niya na itong hindi nakikita. Huli silang nagkita ng binata ay noong despedida ng pinsan nitong si Draven. Simula noon, hindi na muli pang nagtapat ang landas nila. Almost five months nang nasa Las Vegas ang pinsan nito. Hindi nga niya akalain na ganoon kabilis ang likwad ng mga araw. Parang kahapon lamang iyon nang um-attend siya ng farewell party ni Draven. Hindi naman sa hinahanap niya si Kier. Hindi nga niya ito iniisip. Nabanggit lang ngayon ng kaibigan. "Hindi ka na nakasagot." Napatingin siya kay Kim. Binitawan niya ang dumbbell set. Kinuha niya ang face towel na nakalapag sa yoga matt ni Kim. "Bakit mo naman naitanong sa 'kin ang lalaking 'yon?" "Nagtataka lang kasi ako," anito. “Dati, sa tuwing nagkikita tayo ay bukambibig mo lagi si Kier. Kesyo ganito, ganyan na naman ang ginawa niya sa ‘yo. Pero lately, napansin kong ‘di mo na binabanggit ang pangalan niya." "Hindi ko na siya nakikita. Abala siguro sa trabaho," tipid niyang sagot. Nag-iisang anak lang si Kier at isang civil engineering. Ayon kay Tristan, plano nilang magkakaibigan na magtayo ng construction firm sa probinsya ng Wellington. Ngunit ayon din sa kuya niya, nais ng mother ni Kier na ang binata ang mamahala ng Enchanted Perfume Corporation. "Hindi mo ba siya namimiss?" Nanunudyo ang tono ng boses ng kaibigan niya. "Haller?" agad siyang nag-react. Pinaikot niya ang mga mata. "Bakit ko naman siya mamimiss, huh? Mas gusto ko pang huwag siyang makita. Magkakaroon ako ng altapresyon dahil sa kanya." Tumayo si Kim at nag upper-body workout. "Parte na siya ng buhay mo. ‘Di mo ba namimiss ang pang-iinis niya sa ‘yo?" She looked at her evilly. Ngumisi naman naman ito sa kanya. After one hour ay umalis na rin sila sa gym. Pumunta naman sila sa fun town amusement park ng Wellington. Alas-singko na ng hapon pero marami pa ring tao. Malawak ang park na kabubukas pa lang limang buwan na ang nakalilipas kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng probinsya. May mga rides tulad ng bump car, roller coaster, viking, carousel, Ferris wheel, at kung anu-ano pa. Matatagpuan din sa park ang daan papunta sa Heaven’s Peak–isang mataas na burol kung saan masisilayan ang kabuuan at kagandahan ng Serendipity del Sol, isa sa mga siyudad ng Wellington. Mayroon din open field sa amusement park kung saan maraming naglalaro ng badminton, frisbees, soccer, at kung anu-ano pa. Mayroon ding iba’t ibang activities tulad na lang ng archery kung saan inuubos nila ni Kim ang oras. Buong lakas na pinakawalan ni Fatima ang hawak na palaso. Napasimangot siya nang makitang hindi tinamaan ang target. "Kulang ka na sa praktis, friend," biro ni Kim sa kanya. Kumuha rin ito ng arrow. Mukhang nag-enjoy na rin ang kaibigan sa archery tulad niya. Suwabeng pinakawalan nito ang hawak na palaso. Lumapad ang ngiti nang tamaan ang target. Hinarap siya ng kaibigan at tinapik sa balikat. Kumuha uli si Fatima ng palaso at itinira iyon. Napalundag siya sa tuwa nang tamaan ang target. "Fatima…" Napatingin siya sa gawi ni Kim. "Bakit?" "Si Mayor Rodrigo Williams," bulong nito sa kanya. Hindi natuloy ang pagkuha niya ng arrow. Itinuro sa kanya ng kaibigan ang kinaroroonan ng mag-asawang Williams. "Bakit kaya sila narito?" "Baka nangangampanya?" "Malayo pa ang susunod na halalan," aniya. "Baka binisita lang ang amusement park." Nagulat siya nang hilahin siya ng kaibigan. "Halika, batiin natin sila." "Ayoko!" mariing tanggi niya. Pero wala siyang nagawa dahil patungo na rin sa dereksyon nila ang mga magulang ni Kier. "Magandang hapon po," magalang na bati ni Kim sa mag-asawa. "Magandang hapon din sa inyo," tugon ng alkalde. Tumingin ito sa kanya. "Fatima, kumusta, hija?" "Ayos lang po, mayor." Ngumiti siya rito. Tumingin siya sa asawa nito. "Magandang hapon po, Tita Charo." Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito. "Magandang hapon din, hija." Napalunok si Fatima nang tanungin ng kaibigan ang mag-asawa kung nasaan si Kier. Mamaya ka lang, Kim! Kakalbuhin talaga kitang bruha ka! bulong niya sa sarili. "Ang anak ko ay nasa States," tugon ng alkalde sa tanong ni Kim. Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. "Kailan pa, mayor?" siya naman ang nagtanong. "Medyo matagal na." "Ho?" "Four months na siyang nasa America. Pinag-aral namin siya ng master’s degree sa America. At dalawang taon namin siya isasabak sa kumpanya na pag-aari ng aming isang kaibigan para magkaroon ng proper training. We decided na sa kanya ipamahala ang Enchanted Perfumes Corporation." "Three years siyang mamamalagi sa America?" bulalas niya, ngunit bigla niya rin tinakpan ang kanyang bibig. Gulat talaga siya sa nalaman. Pero iyon ang katotohanan. Kaya pala hindi niya ito nakikita dahil nasa America na. "Saan ho ba siya sa States?" "Sa New York." "Bakit, susundan mo ba siya, friend?" bulong sa kanya ni Kim. Kinurot naman niya ito sa tagiliran ng baywang. Humiyaw naman ito sa sakit. Nagpaalam na sa kanila ang mag-asawa. Hindi na rin naman sila nagtagal sa amusement park, at nagpasya nang umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD