Chapter 7

1022 Words
"MOM, siguro ay kailangan mo nang kontrolin ang pagkain ni Fatima." Ang sama ng tingin niya sa kanyang kuya. "Siguro nga ay tama ang kuya mo," sang-ayon naman ng kanilang ina. Ngumisi naman sa kanya si Tristan. "Kapag pumayat ka, unang-unang matutuwa ay si Kier." "Anong matutuwa?" nakalabing sabi niya saka inirapan si Tristan. "Baka nga malungkot pa ang lalaking 'yon kapag pumayat ako, e. Dahil wala na siyang maaasar. Basta, ayokong mag-diet!" "Puwede ba, anak, pakinggan mo naman kami. Para rin naman sa 'yo ang aming sinasabi." "Ma..." Pinalungkot niya ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Baka magkasakit ako kapag hindi ako makakain ng favorites kong sweets." "Mabuti naman at nabanggit mo ang tungkol sa sweets," sabi pa nito. "Simula bukas, ayoko nang nakikitang may subong chocolates bar sa bibig mo, ha? Kailangan bilangin kung ilang calories at carb ang nakokonsumo mo sa isang araw." Napangiwi siya sa narinig. Para sa kanya ay isa iyong parusa. "Ma, 'wag niyo naman po akong pahirapan." Pero hindi siya pinansin nito. Umiling lang ng ulo na ipinagpatuloy ang pagkain. Tumayo siya. Pasimple siyang lumapit sa fridge. "O, ano'ng ginagawa mo, Fatima?" Napapitlag siya sa gulat. Inis na nilingon niya si Tristan. "Iinom lang ako ng vitamins!" Pasimple niyang kinuha ang isang chocolate bar. Mabuti na lang at dala niya ang kanyang bag. "Mauna na po ako sa kuwarto." NAPILITAN gumising ng mas maaga pa sa normal na oras ng gising niya si Fatima. Kagabi kasi ay kinausap siya ng kanyang ina na siya muna ang sumilip sa 'Lover's Café' sa Sports Lover's Arena sa Wellington sa lalawigan ng Maxvilla. It was an exclusive club made for basketball players and enthusiasts. Ayon sa kanyang ina, nag-resign ang assistant nito sa Lover's Cafe na nakatayo sa Tres Cruses malapit sa exclusive school sa Harvard College University. Kaya walang choice ang kanyang ina kundi maging abala sa paghahanap ng bagong magiging assistant nito. Natuwa naman siya. Isang linggo rin siyang hindi nakatikim ng milky ice tea. Natatakam na rin siyang makakain ng cake. Isang linggo siyang tinikis ng kanyang ina na huwag papuntahin sa Lover's Cafe. Kasama sa listahan ng kanyang ina ang Lover's Café para sa pag-control 'kuno' nito sa kinakain niya. "Yes!" Gustuhin man niyang tumalon sa tuwa ay hindi magawa. Hindi niya maangat ang mabigat na katawan. Sa isang linggong tinikis siya ng kanyang ina na huwag pakainin ng mga paborito niyang pagkain, kahit isang kilo ay walang nabawas sa timbang niya. Paano, palihim siyang kumakain ng ibang junk foods sa loob ng silid niya. Bumibirit siya ng kanta nang lumabas ng sariling kuwarto. "Happy! Lalala! Is so nice to be happ–" Natigil sa pag-awit si Fatima. Well, well, well, ano naman kaya ang sadya ng kumag na ito? tanong niya sa sarili. "Nandito ka na naman? May lahi ka bang singkit at ang aga-aga mo naman mangapit bahay?" nakataas ang kilay na sita niya kay Kier nang mabungaran sa sala ang lalaki. Hindi siya pinansin ni Kier. Pinasadahan lang siya ng tingin saka ibinalik ang pansin sa panonood. Ang kasuotan niya ay maluwang na t-shirt na baby pink color at maong na short na lagpas lang sa ibabaw ng kanyang tuhod ang haba. Naka-tsinelas rin siya instead na sneakers shoes. Wow! Himala! Nakalimutan na yata ni Kier ang curse words na madalas nito gamitin sa kanya para inisin. 'Di ba dapat matuwa siya? Bakit parang mas nakapokus siya sa pagtataka? Oo nga naman! kastigo niya sa sarili. "Goodness! Umagang-umaga, barilan ang pinapanood mo?!" Nagkibit-balikat si Kier. Nakatutok ang mga mata nito sa screen ng telebisyon. Parang sinasabi na wala siyang pakialam kung ano man ang trip nitong panoorin. Itsura nito! Nakikinood na nga lang, e. Pinaikot niya ang mga mata. "Hoy, Mr. Williams, tinatanong kita. Bakit ka nga ba nandito?" "Hinihintay ko si Tristan." Tila nanunudyo ang ngiti sa mga labi niya. "Bakit? May date ba kayo ni Kuya Tristan?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. "Aray!" inis na reklamo niya. Nasaktan siya nang kutusan nito. Hinampas niya ito sa balikat. "Hoy! Ikaw, namumuro ka na!" "Ang aga-aga pa nag-aaway na naman kayong dalawa," si Tristan. "Ito kasing kaibigan mo," sumbong ni Fatima sa kuya niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kapatid. Nakasuot ito ng ternong basketball jersey. May ideya siyang maglalaro ng basketball ang dalawa. "Fatima, 'di ba papunta ka ngayon sa Sports Lover's Arena?" tanong ni Tristan. Ibinaba nito ang sukbit na backpack sa sofa. "Opo, kuya," sagot niya. "Sabay-sabay na tayong tatlo. Maglalaro kami ng basket ball." "What?!" bulalas niya. "Bakit parang gulat na gulat ka?" si Kier, nanunudyo ang ngisi sa mga labi ng binata. "Bakit sa Sports Lover's Arena? Pwede naman kayong maglaro ng basketball doon malapit sa swimming pool. Doon naman kayo madalas maglaro 'di ba?" "Pakialam mo, Taba?" Kier is using his curse words again. Tinitigan ni Fatima sa mukha si Kier. Para bang may hinahanap na kung ano sa mukha ng lalaki. Pimples ba? Blackheads? O baka naman pores? "Sigurado akong manggugulo na naman kayo sa Lover's Café!" Humalukipkip siya saka inirapan si Kier. "Tama na nga 'yang bangayan ninyo," saway sa kanila ni Tristan. "Fine!" inis niyang sabi. "Papunta na rin lang naman kayo sa Sports Lover's Arena, hindi ko na dadalhin ang kotse ko. Sasabay na lang ako sa 'yo, Kuya." "Si Kier ang isasabay ko," sabi ng kuya niya. "Hindi tayo puwedeng tatlo sa kotse ko at baka ma-flat ang gulong." Ang sama ng tingin niya kay Kier nang bumunghalit ito ng tawa. "Tuwang-tuwa ka na naman "kumag" ka!" Napalabi si Fatima. Iniwas ang tingin kay Kier. Nanulis ang nguso niya nang tumingin siya sa kapatid saka ito inirapan. "Hey, Fatima!" "Tse!" Hindi niya pinansin si Tristan. Mahigpit niyang hawak ang strap ng kanyang bag. "Kapatid, 'wag ka nang mainis, pumapangit ka, e. Seryoso, may lakad kasi kami mamaya pagkatapos namin maglaro ng basketball." "Whatever! No need to explain," sagot niyang nakatirik ang mga mata. Nagmartsa siya sa harapan ng dalawa. At nang mapatapat siya kay Kier, sinadyang ibangga sa lalaki ang bag na nakasukbit sa balikat niya. "Tabi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD