Chapter 8

971 Words
NAPATINGIN si Fatima sa pinto ng Lover's Cafe nang bumukas iyon. Bumungad sa kanya ang may-ari ng Sports Arena na si Norman. "Kumusta ang business ng iyong ina, Fatima?" nakangiting tanong ni Norman nang makalapit sa counter kung saan siya nakapuwesto. Mabait si Norman. Guwapo pa. Minsan nga sinubukan niyang magpa-cute sa lalaki pero nang mahuli siya ng kanyang kuya, binatukan siya at sinabon ng sermon. Kung umasta ang kuya niya parang menor-de-edad siya. Kahit healthy siya, ayaw pa rin nakikita ni Tristan na lumalandi siya. "Maayos naman. Maraming dumadayo kasi marami kayong fans," pagbibiro niya. Pero totoo ang sinabi niya. Pugad kasi ng mga guwapo, mayayaman at mga sikat na tao ang Sports Arena. Kaya hindi rin maiwasan dumugin ang Lover's Café nila. "Iba na talaga kapag habulin ng chiks," nakangising sagot nito. Natawa siya. "Oo na. Ikaw na ang guwapo." "Wala yata 'yong buntot mo?" Kumunot ang kanyang noo. "Buntot? As in tail? Jeez... chubby lang ako pero hindi mukhang demonyo." Si Norman naman ang natawa. "Si Kier ang tinutukoy ko." Natawa siya nang malakas. "Sira! Hindi ko buntot 'yon. Mortal enemy ko kaya ang lalaking 'yon." "Ows?" Ngumiti ito sa kanya. "Palagi ko kasi siyang nakikitang malapit palagi sa 'yo." "Pinaglihi kasi siya sa kabute ni Tita Charo. Saka, ako lang naman ang lagi niyang nakikita para inisin. Haynaku! 'Wag na nga natin pag-usapan si Kier at baka masira pa ang mood ko." Bago pa makapagsalita si Norman ay may kamay nang pumatong sa balikat nito. Marahas na itinulak palayo ng kung sinumang may-ari ng kamay na 'yon ang lalaki. "Norman Echenique, nakaharang ka sa counter." Napangiti si Norman saka napakamot sa batok. "Sorry, Kier. Ano'ng order mo?" Tumaas ang sulok ng labi ni Kier. "At kailan ka pa naging parte ng Lover's Café?" "Ngayon lang." Tumatawang lumayo si Norman. "Bibili na lang ako ng soft drinks sa ibang tindahan. Bye, Fatima!" Naiinis na tiningnan ni Fatima si Kier nang makalabas na ng Lover's Café si Norman. Sayang ang income kung 'di lang umepal si Kier. Buwisit talaga siya! "Kainis," sambit niya. "Customer ko si Norman! Ayan tuloy, umalis siya dahil sa 'yo. Gagastos din sana siya ng mahigit two hundred pesos kung hindi ka dumating dito." Um-order si Kier ng isang hazelnut flavor coffee. Hindi nito pinansin ang pagsusungit niya. Iwinasiwas niya ang kamay. "Kahit hindi mo sabihin alam kong hazelnut coffee na naman ang order mo." "Wala kang pakialam." Tinignan niya ito nang masama. "Para ka talagang kabute. Bigla ka na lang sumusulpot." "Bilisan mong gumawa ng coffee, nauuhaw na ako." Galit ang ekspresyon ng mukha nito. Marahil ay natalo sa basketball. "Nasaan si Kuya Tristan?" tanong niya. "Nasa basketball court siya." "Bakit mo siya iniwan?" "Kasi nga gusto kong mag-coffee," tila naiinis na ito sa katatanong niya. Naglapag ng three hundred pesos si Kier sa mesa. "Keep the change." "Anong keep the change? Kulang pa nga ito. Kung hindi umalis si Norman, five hundred pesos sana ang maidadagdag sa income." Naglapag naman ng two hundred pesos sa mesa si Kier. Napanganga siya. Hindi niya akalain na seseryosohin nito ang sinabi niya. "Ayan, binigyan na kita ng five hundred pesos." Akmang kukunin niya ang pera nang pitikin nito ang kamay niya. "Ouch! Mapanakit ka talaga!" "Sandali!" "At bakit na naman?" "Binayaran ko na ang posibleng order ni Norman. Kaya dapat lang na hindi ko siya makita rito sa Lover's Café ngayong buong araw." Tinalikuran siya nito saka pumuwesto na sa palagi nitong inuupuan sa café. Wow, kung makapag-utos! MAAGA siyang nagsara ng Lover's Café dahil naubusan sila ng creamier na hinahalo sa coffee nila. Pagkatapos bilangin ang pera sa kaha ay pinad-lock niya na ito. Alas-tres pa lang ng hapon kaya naisipan niyang dumaan sa clubhouse ng Wellington. Dumaan siya sa basketball court at sinabi sa kapatid na pupunta siya ng clubhouse. Fatima positioned herself on the driving board. Pagkatapos ay tumalon siya at mabilis na lumangoy papunta sa kabilang bahagi ng pool. Kasalukuyang nasa clubhouse na siya. May pool naman sa bahay nila pero pinili niyang sa clubhouse mag-swimming dahil mas gusto niya ang malaking pool doon. She wanted to take a dip to put her mind at ease even for a short while. Masyadong stressful ang mga nakaraan niyang araw dahil madalas siyang inisin ni Kier. Nakapagtataka ngang hindi siya nito tinatawag sa bansag niyang Fat. Baka wala siya sa mood na inisin ako! Inilibot niya ang paningin sa buong pool. Nakita niya ang ibang kababaihan na naroon. Nakasuot ang mga ito ng two-piece swim suits. Seksing-seksi sila sa swimming attire. Samantalang siya ang suot ay maluwag na plain black t-shirt para hindi makita ang big belly niya. Nakasuot din siya ng itim na cycling short. Humugot siya nang malalim na hininga. Kahit 'di niya aminin sa sarili, ninais din niyang masubukan makasuot ng seksing swim suit. Pero hindi niya iyon magagawa dahil umaapaw ang bilbil niya sa palibot ng kanyang tiyan. Napansin siguro siya ng mga babae na nakatigin sa mga ito dahil nagsimulang magbulungan. Nakita niya kung paano humalakhak ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Oo na! Kayo na ang seksi at ako naman ay healthy! bulong niya sa sarili. Ayaw niyang tawaging mataba o obese ang sarili. Mas maganda kasing pakinggan kung 'healthy' ang tingin niya sa sarili. Naiiling ang ulo na sinipa niya ang tiled wall para lumangoy pabalik. Natigil sa paglangoy si Fatima at inangat ang ulo sa tubig. Napailing siya dahil kaunti na lang at mararating na sana niya ang dulo kung hindi lang siya napagod at hiningal. Lumubog uli siya sa tubig at parang patay na hinayaan ang sarili na umilalim. Ngunit nagulat siya nang isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa neckline ng t-shirt niya at biglang humila sa kanya paahon sa tubig. "Are you trying to kill yourself?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD