Chapter 5

1122 Words
MAGING ang nasa counter na babae at lalaki, halatang pilit ang ngiti na ipinakita sa kanya. Pero nakakainsulto ang paraan ng tingin ng mga ito sa kanya. Who cares? Customer siya. Ang offer ng mga ito ay para sa lahat. Naroon siya para lumantak ng cakes at lumaklak ng kape. May pera siyang pambayad kaya wala siyang dapat ikahiya. Napalunok si Fatima. Natakam siya sa mga naka-display na cakes, cupcakes, chocolate cookies at marami pang iba. Nakalimutan niyang kasama niya si Kier. Nahihirapan siyang pumili ng flavor ng cake. Parang lahat ng naka-display ay gusto niyang kainin. Itinuro niya ang chocolate cake with white chocolate drip. Iyon ang gusto niyang unang lantakan. "Anong best seller coffee ninyo?" "Hazelnut vanilla coffee po, ma'am." "Okay. Large size, please?" Kinapa niya ang kanyang wallet sa bulsa ng jeans niya. I'm dead! Naalalang nasa loob ng bag niya ang wallet. At dahil sa pagmamadali ni Kier na isama siya, nakalimutan niyang dalhin ang kanyang bag. Naiwan niya iyon sa loob ng kanyang kotse. "Eherm!" Narinig niyang tikhim mula sa kanyang likuran. Si Kier. Nakangiti ito sa kanya habang nasa loob ng bulsa ng suot nitong jeans ang mga kamay. "Ako na ang magbabayad. Pumili ka ng mesa at ako na rin ang magdadala ng orders natin." Napatingin si Fatima sa counter. Nakita niya kung paano kiligin ang babae nang makita nito si Kier. Panay ang beautiful eyes nito. Hindi na lamang niya 'yon pinansin. Humarap siya sa lalaki. "Okay." Napansin niyang nagbulungan ang mga naroon habang nakatingin sa direksyon nila. Ayaw na niyang pagkaabalahang isipin kung ano ang nasa utak ng mga ito. Hindi naman siguro nakakagulat na may kasama siyang guwapo at makisig na lalaki. Maganda naman siya at healthy. Kabaligtaran sa paningin ng iba na mataba siya. Haynaku! Mangisay kayo sa inggit! May nakita siyang bakanteng table. Hindi na siya nagpaalam kay Kier, basta na lang siya tumalikod. Kinabahan siya nang makita ang silya, gawa 'yon sa kahoy at medyo may kaliitan pa. Huwag sanang bumigay sa bigat niya! Maingat na umupo siya. Mayamaya ay nakita niya si Kier, papalapit na ito sa kanya. May dala itong tray. Inilapag nito ang isang platito sa harapan niya at puswelo ng mainit na kape. Hindi pa man nakakaupo si Kier, nilantakan na agad niya ang chocolate cake. Natakam kasi siya sa white chocolate dripping. Hindi niya alintana kung nakatingin man sa kanya ang lalaki. Hindi niya ugali ang mag-inarte kapag kumakain. "Dahan-dahan baka mabulunan ka," saway nito sa kanya. Umupo ito sa harapan niya. "Masarap kasi," sagot niya. "Kung tutuusin, bitin sa 'kin ang isang slice ng cake." Ngumisi si Kier. Humigop ito ng kape bago magsalita. "Paborito mo ba ang cake?" "Hindi ko masabi," sagot niya. "Gusto ko rin kasi ng chocolates. Nawawala ang stress ko sa katawan kapag nakakakain ako ng chocolates." Ngumiti ito. "What?" "Wala," anito. "Natutuwa lang ako na pagmasdan ka. Para kang batang paslit kapag kumain ng cake, makalat." Mabilis na nag-angat ng mukha si Fatima. Napansin niyang titig na titig sa mukha niya si Kier. "May masama kang binabalak 'no?" Nanulis ang nguso niya. Iniumang niya rito ang hawak na tinidor. "Can I ask you something?" Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Inabot niya ang tasa at humigop ng kape. "Make it sure na hindi nakaka-altapresyon ang itatanong mo." "How are you, Fatima?" "What?" Muntik siyang mabulunan sa iniinom na kape. Nagtatakang napatingin ulit siya kay Kier. Iyon yata ang unang beses na tinanong siya ng lalaki nang ganoon. Wala kasi silang matinong pag-uusap. Palagi silang nagbabangayan at nag-aasaran sa tuwing nagkikita. Kumusta na nga ba siya? Okay naman siya. Graduate na siya ng college. Sa ngayon ay wala pa siyang trabaho. Sabi ng kanyang ama, may posisyon na naghihintay sa kanya sa kumpanya na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Ang 'Madrid Advertising Company'. Pero may kondisyon ang kanyang ama, kailangan daw munang mabawasan ang taba sa katawan niya. Hindi nga niya maintindihan ang parents niya, paulit-ulit naman niyang sinasabi sa mga ito na healthy siya at hindi mataba. Napangiwi siya. Tiyak niyang mahihirapan siyang gawin ang hinihiling ng kanyang ama. Isipin pa lang niyang hindi na siya makakakain ng mga paborito, nanghihina na siya. Nagulat siya nang tapikin sa balikat ni Kier. "B-bakit?" "Mahirap ba sagutin ang tanong ko?" "Ano ba'ng tanong mo?" Bingi-bingihan siya. "Kung kumusta ka na?" "Okey naman ako. Kapag naiinis lang naman ako sa 'yo hindi ako nagiging okey, e." Nakangiting uminom ng kape si Kier. "May boyfriend ka na ba?" "Ouch!" Nakagat niya ang kanyang dila. Mabilis na nasapo niya ang bibig. Mabilis naman na tumayo si Kier at nilapitan siya. "Ayos ka lang?" "I'm okay." Tumango pa siya. "Dahan-dahan lang kasi, hindi naman kita sasaluhan sa kinakain mong cake." Muling umupo ang binata. Akala ni Kier ay nabulunan siya. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Obvious naman na wala siyang boyfriend, itatanong pa. Nagsisimula na naman itong inisin siya. Tumingin siya sa suot na relo. "Quarter to eighth na. Ubusin mo na ang kape mo at aalis na tayo." Naninibago siya kay Kier. Hindi siya sanay na makita at makausap ito nang seryoso. Marahil ay nasanay siyang laging iniinsulto nito. Unang tumayo si Kier. Naglakad ito palapit sa counter. Inubos na rin niya ang kanyang kape at tumayo na rin. "Akala ko ba ayaw mo ng cake?" tanong niya sa binata. Kanina kasi ay inalok niya ito ng cake pero tumanggi. "Take out para sa 'yo," sagot nito pagkatapos magbayad. "Tapos ngayon ay ihahatid na kita." "At bakit?" nakakunot-noong tanong niya. Nagpakawala ng marahas na hininga si Kier at may lungkot sa mga matang tiningnan siya. "Ihahatid kita sa inyo dahil I'm a gentleman enough to do it. Pwede na bang sagot 'yon?" Tinaasan niya ito ng kilay. "As far as I remember, we are not close enough para ihatid ako sa bahay namin. Hindi ka na rin sana nag-abalang bumili ng cake, marami kami niyan sa bahay. By the way, thank you nga pala sa panlilibre." "Kaya nga kita ihahatid sa bahay n'yo dahil niyaya kitang samahan ako rito." "Baka nakakalimutan mong dala ko ang aking kotse?" paalala niya rito. Nagmamadaling lumabas siya ng Café. Ano ba ang nangyari sa lalaking 'yon? Bakit parang may kakaiba sa kanya? Nasapian kaya siya ng mabuting asal kaya nagbago na ang pakikitungo niya sa akin? "Ay! Kabayong pilay!" Napasapo siya sa kanyang dibdib sa gulat nang may humawak sa isang braso niya. "Kier!" "Ibibigay ko lang ito sa 'yo." May inaabot ito sa kanya na paper bag. Alam niya kung ano 'yon. "Mag-ingat ka pag-uwi." Tinalikuran siya ng lalaki. Maang na nasundan niya ito ng tingin. Napakamot siya sa noo. Naiiling ang ulo na ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ay kaloka! Bakit ang weird niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD