Chapter 4

1096 Words
MAY biglaang lakad si Kim kaya hindi ito makakasama ni Fatima na magsimba nang hapong iyon. "Flat na ang gulong mo!" Isang malakas na tinig 'yon nang tapatan siya ng isang kotse. Kilala niya kung sino ang nagmamaneho. "Parang awa mo na, maglakad ka na lang. Kung nakakapagsalita ang kotse mo, siguradong matagal nang nagreklamo 'yan. Baka umiyak pa nga dahil nabibigatan sa 'yo!" "Maligno ka!" "Dambuhala!" "Itabi mo ang kotse at bumaba ka!" "No way!" "Masasaktan ka talaga sa 'kin!" Iniumang niya rito ang kanyang kamao. "Hindi kita tatantanan hangga't hindi napuno ng pasa 'yang mukha mo!" Isang malakas na tawa ang isinagot sa kanya ni Kier. "Magbawas ka na kasi ng timbang! I swear, ikatutuwa ng kotse mo kapag pumayat ka. Believe me!" "Kung banggain kaya kita, ha?!" Uminit na naman ang kanyang magkabilang tenga at parang gustong umusok ng mga butas ng ilong niya. "Bye, Fat!" Humarurot na palayo ang sasakyan. Naiwan na naman ang malutong na halakhak ni Kier. Huminga nang malalim si Fatima. Kinalma niya ang sarili. Ayaw niyang makarating sa simbahan na naiinis pa rin. MARAMI ng tao sa simbahan. Naghanap si Fatima ng mapaparkingan ng kotse niya. Nagulat pa siya nang paglabas niya ng sasakyan ay makita si Kier. "Magsisimba ka?" "Hindi ba halata?" balik-tanong sa kanya ni Kier. "Kung ako sa 'yo huwag ka nang tumuloy," inunahan na niya ang binata. "Walang dudang magliliyab ka. May madadamay pang mga inosenteng tao. Doon ka na lang magsaboy ng kasamaan sa ibang lugar. Huwag sa simbahan." Bumungisngis ang binata. "Wow, nice one. Wala ka na ba ibang maisip na mas epektibo kaysa sa sinabi mong 'yan? Hindi mo ako mapipikon sa ganyang atake." Mukha ngang hindi ito apektado. Ngumiti pa nga ito sa kanya na sinadyang ipakita ang mapuputing mga ipin. Minabuti na niyang huwag magsalita at tinalikuran na lamang ito. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena lalo na't nasa harap na sila ng simbahan. Pumasok na siya ng simbahan. Hindi siya nag-atubiling lingunin si Kier. Wala siyang pakialam sa presensiya nito. Higit sa lahat ay ayaw niyang masira ang mood. Saglit na iginala niya ang mga mata sa loob ng simbahan upang maghanap ng mauupuan. May napili siyang upuan, kinampante na niya ang sarili sa napiling puwesto. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi na siya nag-atubiling lingunin kung sino ito. Diretso lamang ang kanyang paningin. Nag-sign of the cross siya nang magsimula na ang misa. Napatingin siya sa kanyang kanang bahagi. Muntik nang mahulog sa kinauupuan niya si Fatima nang mapagsino ang katabi sa upuan. "Ssh, tahimik..." Inunahan siya ni Kier na magsalita. Napansin siguro nito ang pagbuka ng kanyang bibig. Nananadya ba ang kurimaw na ito? Haist! Ang manhid niya alaga! Pasimpleng iginala niya ang paningin sa loob ng simbahan. Marami pa namang bakanteng upuan. Bakit sa kanya pa ito tumabi? Paano siya makakapag-concentrate kapag hindi mapigilan ni Kier na asarin siya? Hindi na lamang niya binigyan pansin ang lalaking katabi. Itinuon niya ang paningin kay Father Sebastian. Father Sebastian. "But I say unto you, love your enemies, bless them that curse you, do good to them that hate you, and pray for them which despitefully use you, and persecute you." Pasimpleng sinilip pailalim ni Kier si Fatima. Tuwid na tuwid ang leeg ng babae habang nakikinig sa salita ng Diyos. Lihim na napangiti si Kier. Alam ng binatang nagtitimpi lang ang dalaga na huwag mainis. Lihim naman na natutuwa si Fatima. Sa kabuuan ng misa, tahimik naman si Kier. Nirespeto ang kabanalan ng misa. Pero mas gusto niyang isipin na dininig ng Dios ang taimtim niyang dasal na sandaling patahimikin ang lalaki. Mute ba, mute. Pero sa pag-peace be with you, inirapan niya si Kier. "Peace be with you," ngumiti pa si Kier sa kanya. Pagkatapos ng misa ay lumabas na ng simbahan si Fatima. Narinig niyang tinawag siya ni Kier pero hindi niya ito nilingon. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating ang kanyang sasakyan. Bubuksan na niya ang pinto ng kanyang kotse nang may kamay na pumigil sa braso niya. Si Kier ang nakita niya. Sumulak na naman ang dugo niya pagkakita sa lalaki. "Utang na loob, katatapos ko lang humingi ng tawad sa mga kasalanan ko!" Inis na pumiksi siya. Pinalis niya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanyang braso. "Maghanap ka na muna ng ibang maiinis–" "Gusto mong mag-coffee?" Tama ba ang narinig niya? "What?" "May bagong bukas na Café malapit dito sa simbahan. Isang beses pa lang ako nakapunta sa Café na 'yon. Tiyak akong magugustuhan mo ang mga cakes nila. Masarap din ang hazelnut vanilla coffee nila." "Parang hindi mo alam na may business kaming Café. Tiyak akong hindi na bago sa paningin ko ang makikita sa Café na sinasabi mo." "I know. Pero para maiba naman," sabi nito. "Tiyak naman akong lahat ng nasa Café ni Tita Elena ay natikman mo na. Ikaw pa, hindi magpapahuli." "Aba't–" Gigil na ikinuyom niya ang mga kamay. "Halika, samahan mo ako." Tatanggi pa sana siya pero mabilis na hinawakan ni Kier ang kamay niya. "Busog ako!" "Hindi halata!" "Kier, ang kotse ko!" "Hindi mawawala ang kotse mo. Naroon naman si Mang Lando," tukoy ng lalaki sa family driver ng mga ito. "Limited lang ang chocolates cakes nila. Masarap din ang banana muffin, cheese cake, blue berry cake, cinnamon bread with apple at marami pang iba." Parang nagutom bigla si Fatima sa mga cakes na binanggit ng lalaki. Hindi niya namalayan na napapasunod siya nito habang hila ang kamay niya. Weakness niya ang mga sweets. Kaya naman habang naglalakad sila ay abala naman ang isipan niya kung anong cake flavor ang kakainin niya. Nasa likod lang ng simbahan ang Café. Hindi pa man sila lubusang nakakalapit ay nagustuhan na niya ang lugar. Very classy ang dating! Napasinghap siya nang malanghap ang mabangong aroma ng kape. Ganoon na ganoon din ang naaamoy niya sa 'Lover's Café'. Kumilos na siya papasok. Nakasunod sa kanya si Kier. Napakunot-noo siya nang mapansin ang mga customer na naroon. Kung pagmamasdan niyang mabuti ang mga ito, masasabi niyang mag-sweethearts ang mga ito. Kung hindi man mag-asawa, baka magkasintahan. Parang iisa ang paningin ng mga customer na sa kanya nakatuon. Tapos lilipat ng tingin kay Kier. Taas-noo na lamang siya. Wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito. Naroon siya para lantakan ang napakaraming cakes! Alam niyang iniisip ng mga ito na baka magkasintahan sila ni Kier. At alam din niyang lihim na sinasabi ng mga ito na ang malas naman ng lalaking kasama ng matabang girl. I don't care!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD