Chapter 3

1125 Words
WEAKNESS niya ang sweets at desserts. Hinding-hindi niya tatalikuran ang chocolates and cakes. Wala siyang magagawa sa katotohanang sarap na sarap siya sa pagkain. Treats are always first on the list of things she wants to eat. Especially cakes, cupcakes, and chocolate chips cookies. At ang mga ito'y libre niyang nakakakain sa Lover's Café. I'm sexy and I'm the only one who knows it! She also believes that being sexy cannot be measured by the body. For her, a person is sexy if they have a sense of humor. If smart! Coincidentally, she understood that word differently than others did. Their knowledge is limited. And one of them is Kier Williams! Uminit na naman ang kanyang ulo nang biglang pumasok sa isipan niya ang binata. Tikwasan ang mga kilay niya. Nginusuan niya ang sarili sa salamin na para bang kaharap ang lalaki. Tuwing nagkikita sila, inaasar siya nito. Para bang ang katabaan niya ang nagbibigay kasiyahan kay Kier. At ang nakapagtataka, hindi pa siya nasasanay sa antics na iyon ng binata. Nasosorpresa pa nga siya kahit na batid niyang pang-aasar at pang-iinsulto ang ibinabato nito sa kanya. Kung may high blood siya, tiyak na si Kier ang magiging dahilan ng kamatayan niya. Knock on wood, 'wag naman! Hindi siya manhid para hindi masaktan sa mga pang-iinsulto sa kanya ni Kier. Makakaganti rin siya sa binata. Kakainin nitong lahat ang mga pang-iinsulto sa kanya. Darating ang araw na iyon oras na gustuhin niya! "ANG pogi talaga ni Tristan," narinig ni Fatima na bulong ni Kim. Napangiwi siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Para itong timang na nakatanaw mula sa bintana ng kanyang kwarto. Nakatalungko ito habang pinapanood ang kuya niya na naglalaro ng basketball kasama si Kier. "Hoy, Kim! Ang bibig mo nakabuka. Baka may maligaw na langaw sa kuwarto ko at pasukin 'yan." "Grabe ang abs. Hot, hot, hot!" nakakagat-labing sabi ni Kim. Parang wala siya sa tabi nito at tanging si Tristan lang ang nakikita. "Architect Tristan Madrid. The boy-next-door type, clean and boyish-looking. Son and the heir of one of the huge Advertising Company. 'The Madrid Advertising Company'. Ano ba ang mayroon sa 'yo at nabihag mo nang husto 'tong puso ko..." Ang corny! hiyaw ng isip ni Fatima. Pinaikot niya ang eyeballs ng kanyang mga mata. Kulang na lang ay buhusan niya ng iniinom niyang Milky Iced Tea ang kaibigan para matauhan. Hindi niya gustong marinig kung gaano ka-hot o sexy ang kuya niya. Hindi na niya maalala kung kailan nagsimula ang pagkagusto ni Kim kay Tristan. At hindi na rin niya maalala kung ilang beses nitong sinabi na kalilimutan na si Tristan kapag nalaman na may girlfriend ang kuya niya. Pero kapag single naman si Tristan, crush na ulit ito ni Kim. "Oh, my! My, oh, my! Ang muscles sa braso... Jusko! Parang ang sarap pisilin!" sabi pa nito. Para itong paslit na nag-beautiful eyes pa. "Ang sarap pupugin ng halik ng aking mi-loves!" Hindi na siya nakatiis. Dinampot niya ang malambot na unan at binato si Kim. Sapol ito sa ulo. Nakasimangot na binalingan siya nito. Hindi pa nakuntento, pinandilatan siya nito ng mga mata. Kulang na lang ay kainin siya. "Problema mo, Fatima?" singhal ni Kim sa kanya. "Panira ka talaga ng moment!" "Anong moment? Kinikilabutan ako sa 'yo, uy! Eew!" nakasimangot niyang sabi. Nagkunwari pa siyang nanginginig para dagdag effect. "Tantanan mo nga si Kuya Tristan." Nang mabanggit ang pangalan ni Tristan ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Masaya na naman ang awra si Kim at ubod tamis na ngumiti. Hindi na naman siya pinansin ng kaibigan. "Tristan... My one and only love!" nangangarap na sabi ni Kim. Balik na naman ito sa ilusyong pag-ibig. Hinayaan na ni Fatima si Kim sa pagtanaw sa kuya niya. Hanggang gano'n lang naman ang kaibigan niya, patanaw-tanaw, pasulyap-sulyap. Kapag kaharap naman nito ang kuya niya, parang basang-sisiw na nagtatago sa kanyang likuran. Maganda at sexy si Kim. Pareho silang fresh graduate sa kursong MBA. Master of Business Administration ang kursong tinapos ni Fatima. Dahil gusto niyang makatulong sa kanilang ama. Ang Kuya Tristan niya ay isang architech at empleyado ng Montero Construction and Development Corporation. Sa hindi nila malamang dahilan, mas pinili nitong magtrabaho sa ibang kompanya imbes na tulungan ang kanilang ama. Itinutok na lang ni Fatima ang pansin sa laptop. As usual, manonood na naman siya sa paborito niyang famous vlogger. "Fat..." Napangiwi siya. "Don't call me that name," aniya. Sanay ang pandinig niya na si Kier lang ang tumatawag sa kanya ng Fat." "Straight naman si Tristan, right?" "What?" Hindi niya naulinigan ang sinabi nito. Nilingon niya ang kaibigan. Nasa labas pa rin ng bintana ang atensiyon nito. "You told me, nagkaroon na ng tatlong nobya ang kuya mo. Pero hindi mo nabanggit na may naging nobya si Kier. Sa tingin mo, sino sa kanilang dalawa ang gay?" Halos lumuwa ang mga mata ni Fatima sa gulat. "You're ridiculous!" Napatayo siya at tumabi kay Kim sa tapat ng bintana. Sinilip niya ang dalawang lalaking naglalaro ng basketball sa tabi ng malawak nilang swimming pool. Naka-short at nakasandong puti si Tristan. Naka-short din naman si Kier pero wala itong pang-itaas. Wala naman siyang makitang malisya sa suot ng mga ito. Pinagmasdan nang mabuti ni Fatima ang dalawang lalaki. Pareho silang guwapo. Lalo na ang "kumag" na si Kier. Pero hindi niya napigilan ang mga matang pagmasdan ito. For the first time, her eyes became sinful. She couldn't take her eyes off Kier's muscular chest. "Tingnan mo silang dalawa ni Kier!" gigil na sabi ni Kim. "Hundred percent na lalaking-lalaki ang Tristan ko. Pero kay Kier, I have doubt!" Napangiwi siya. Hays, angkinin ba naman ang kuya ko... "Ibig mong sabihin na baka gay si Kier?" "Yes!" mabilis na tugon nito at sumimangot. Feeling girlfriend lang! Ang sama ng tingin nito kay Kier. "I'm not against same-s*x relationship. Pero ayoko maging karibal si Kier, best friends sila at wala akong laban. Si Tristan lang ang apple of my eye, Fat!" Napangiwi na naman siya nang gamitin nito ang curse words na madalas itawag sa kanya ni Kier. "Close lang talaga sila," pangungumbinsi niya sa kaibigan. "Ako na ang nagsasabi sa 'yo, hindi katulad ng hinala mo si Kier." "Look at them! Makukurot ko talaga ang singit ng Kier na 'yon. Ang landi! Inunahan pa akong mayakap ang mi-loves ko!" "Napa-paranoid ka lang," umiiling ang ulo na sabi niya. "Manood ka kasi sa telebisyon ng basketball game para naman magkaroon ka ng ideya na normal lang na nagkakayakap ang mga players." Umalis sila sa bintana at naupo sa gilid ng kama. Humalukipkip naman si Kim. "Magsimba na lang kaya tayo mamaya para maalis iyang dumi sa utak mo." Itiniklop niya ang kanyang laptop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD