Chapter 4- Magical Portal

2164 Words
Krishmarie POV "Wohoo! Ang ganda ng tubig oh ate Krishmarie... Hayss! It's been a long time since no'ng huling pagpunta natin dito hindi ba? Napakaganda pa rin ng mga beaches dito sa Palawan," masayang saad ni Trisha sa akin. Kasalukuyan kaming naglalakad sa napaka gandang dalampasigan ng dagat. Masarap sa pakiramdam na maglakad lakad sa mapino at maputing buhangin ng beach na aming napuntahan pagkatapos naming umukupa ng kwarto sa Island Resort na iyon. Napag desisyunan naming siyasatin ang magandang view ng beach na iyon. Maraming tao ang mapapansing nakahiga sa mismong buhanginan habang nagsusun bating samantalang ang iba naman ay gaya rin naming naglalakad lakad sa gilid ng dagat saka kumukuha ng maraming litrato bilang baon na memorya sa hatid nang experience na iyon. "Hmmmm.. Tara, gusto mo ba umakyat muna tayo sa matarik na bundok banda roon? I think, makakakita tayo ng mas magandang view roon para mas makita natin ang kalawakan ng lugar habang nagsho shoot din ako ng video for vlogging. Ano tara?" excited na biglang saad ko sa kausap sabay hatak ko sa kanang braso nang todo ni Trisha para maglakad paparoon. "Wow! What a great idea! Yeah sure para makapag update din ako sa social media. Hahaha... maiingggit na naman ang mga bakla kong friendlalu kapag nalaman nilang narito ako ngayon sa Palawan for traveling." Halos patakbo na kaming pumunta sa itinuturo kong daan dahil ramdam namin parehas ang sobrang excitement sa mga view na nakikita namin. Umabot din halos mahigit tatlumpung minuto ang ginawa naming paglalakad lakad at pagpipicture picture sa mga nadaanan namin. Sa aming paglalakad lakad, bigla akong may naaninagan na isang anino na medyo malayo sa amin na kulay puti. Isang sobrang puting nilalang na masayang kumakaway kaway sakin habang tumatalon pa ito para lang makuha ang aming atensyon. Hindi ko maaninagan ang kanyang mukha sa distansya nito sa amin. Pagkaraan ng ilang minuto, parang may kung anong malaking hatak ang nagawa nito sa atensyon ko. Bigla ko na lamang nakita ang sarili kong lumilihis ng ibang daan. Bigla ako parang nahypnotize nang mga oras na iyon sa direksyon ng kakatwang nilalang na iyon. Hanggang sa nagulat na lamang si Trisha sabay todong tawag nito ng aking pangalan subalit hindi ko na magawa pang lingunin ito. "Ate Krishmarie! Ate Krishmarie! Uy! Bakit diyan ka nagpunta sa gawi na iyan? Para atang nakakatakot na riyan ah. Ate Krishmarie! Sandali lang! Huwag mo naman akong iwanan dito!" Halos patakbo nang nagtungo si Trisha sa pinupuntahan ko. Habang papalapit ako sa isang napakalaking puno ng balete na may anyong madilim sa likod nito ay biglang lumakas ang hangin. WOOOOOOOOOOOOHHHHHHHH...... Isang maugong na ingay ng hangin ang umalulong sa kabuuan ng kagubatang iyon. Bigla parang nawala ako sa aking sarili. Patuloy lamang akong lumalakad sa napakalaking balete na nasa aking harapan. "Ate Krishmarie! Uy! Ang lakas ng hangin oh... para atang may isang napakalaking ulan na darating. Tara na! Huminto ka na sa paglalakad diyan." Halos gumulo na ng todo ang mahabang buhok ni Trisha na tumatakip sa kanyang mga mata. Hindi na rin niya magawang maglakad papasok sa kagubatang iyon dahil halos parang nilalayo siya papalabas nang napakalakas na hangin na iyon. Habang lumalapit ako ay biglang nawala sa aking paningin ang kaninang sumulpot na isang kakatwang nilalang na sobrang puti. Bigla naman akong huminto sa tapat nang nasabing baleteng iyon saka nahimasmasan ang aking diwa saka ako nagtaka bakit bigla ko na lamang nakita ang aking sarili na naroon sa gawi na iyon. "What the f**k?! How am I doing here?! Damn it!" sigaw ko sa aking sarili saka ko napataas ang kanang kamay ko na napasabunot ko sa aking buhok. Pagkatalikod ko'y umakma akong humakbang palayo sa nasabing puno subalit ang napakalakas na hangin doon ay mas lalo pang lumakas na para bang tinulak ako ng hangin na iyon papa atras. Sa paghakbang ko papa atras ay nakatapak ako sa isang sikretong patibong sa harapan mismo ng punong iyon. Parang biglang nag slide ang lupa sa aking likod at lahat ng mga tuyong dahon na nakakalat sa lupa ay tumilapon lahat sa loob ng isang nakatabon na bangin. Bigla akong nadulas palusot sa nasabing bilog na bangin na iyon. Saka ako napasigaw nang... "AHHHHHHHHHHHHHH! HELP ME GOD!" Tuluy tuloy akong bumagsak at lumulusong papailalim sa nasabing bangin na iyon. Lusong lang nang lusong parang walang hanggang katapusan ang aking pinaroroonan. "AHHHHHHH! AHHHHHHH! AHHHHHH!" Sobrang sigaw na halos mapigti na ang aking lalamunan kakasigaw. Hanggang sa may naaninagan akong liwanag mula sa aking ilalim nang minsang napalingon ako sa aking ibaba. Isang sobrang masilaw na liwanag na halos hindi ko matagalang tingnan ang aking malapit nang paroonan. Kalaunan ay lumabas na ako sa liwanag na iyon. Saka ako dumiretcho sa isang batis. Tumalbog ako sa tubig papailalim saka ako biglang nagmadaling lumangoy papaitaas. Pagka angat ko'y bigla akong tumingala sa itaas. Doon pala ako lumabas sa lagusan ng tubig na bumabagsak sa batis kung nasaan ako naroon. "Huh? Where am I? What is this place? I guess, this is not part of Palawan or should I say that a hidden area of the woods that I entered a while ago? Unbelievable!" tanging nasabi ko na lamang sa aking sarili. Inikot ikot ko ang aking ulo sa kabuuan ng lugar na aking napuntahan. Pero halos walang isa mang tao ang naroon. Napansin kong masyadong mahamog sa paligid at halos papunta na sa dapit hapon. Sobra talaga akong nagtaka dahil sa pgkakaa alam ko'y nakarating kami sa Isla ng Palawan bandang alas otso ng umaga subalit bakit doon sa napuntahan ko'y malapit nang magdilim. Nagdesisyon akong umahon mula sa batis. Nang nagsimula na akong maglakad sa gilid ng pampang nito'y ramdam na ramdam ko ang sobrang lamig ng paligid. Sobrang lamig parang katulad ng lamig sa snow sa Amerika. "Oh my gosh! It is super lamig! Nasa Amerika ba ako? Kanina lang sobrang tirik ng araw sa dalampasigan, bakit para atang nag iba ang klima ngayon?" gulong gulo ang aking isip habang naglalakad ako na nakayakap sa aking katawan at sobrang pangangatog nito. Sa aking paglalakad lakad ay naaninagan ko ang isang napakagandang bahay na isang bunggalo na istilong parang makaluma na tanging makikita ko lamang sa mga historical features. Bigla ko na lamang naisip na pumasok doon dahil halos hindi ko na kaya ang pangangatog ng aking katawan. Sakto at wala naman akong nakitang tao na nagbabantay banda sa may gate. "Wowowohhhh.... sobrang lamig sa labas. Hayss! Anong bahay ba ito? Parang pang japanese ang dating? Hindi ko akalain na mayroon palang ganito rito sa Palawan? Puro sliding door..." mahina kong usal sa aking sarili habang sinusubukan kong pasukin ang bahay na iyon. "Ahmmmm... is there anyone here? Hello? Hi? Please pardon me if I will going to enter na inside your house. It is super lamig na po kasi sa labas. Basang basa po ang damit ko. Sorry po.... hello?" paulit ulit kong saad na may paglakas ng boses sa loob ng bahay na iyon. Sa aking pagmamatyag ay wala akong natagpuan na tao sa loob hangggang sa nakarating ako sa isang sild na kwarto. Pagkasilip ko roon ay may nakita akong damit na nakasampay sa tapat ng isang malaking salamin. Nilibot ko muna ang kabuuuan ng kwartong iyon subalit wala na akong iba pang nakita na damit kaya no choice na ako kundi suotin ang damit na nakita kong naka hunger. "Ayos sakto! May damit.. kaso wala na talaga akong choice super lamig ng damit ko baka mamatay naman ako sa super lamig kapag hindi ako nagpalit," usal ko na lamang sa aking sarili habang nagmamadali akong pumasok sa loob saka mabilisang nagbihis ng damit. Pagkatapos niyon mabilisan ko ring tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin na naroon. "Wow! Ang cute cute naman ng kimonong ito woohooo! Para tuloy akong may pinoportray na isang anime hahahahah. Ang ganda naman nito! Sakto lang pala ang size sa akin. Super ganda ng matingkad na kulay pula. Piling ko ngayon parang isa na akong maharlika hahahaha." Hindi ko napigilang paglaruan ang aking sarili sa harapin ng salamin. Halos nagawa ko pang magsasayaw sayaw na para muli akong bumalik sa isang bata. Hindi pa ako nakontento saka ko naman naisipan na ayusan ang mukha ko at buhok. Nang mga oras na iyon, biglang sumagi sa isipan ko ang mga napapanood ko sa K drama na mga makalumang panahon na pang dungeon na series ang bigla kong naisipang gayahin. May natagpuan din ako roon na mga pulbo at ilang pangkulay sa mukha na nakasalansan ng maayos sa harapan ng antik na lamesa kumbaga sa ibang katawagan ay "Vanity Powder area" Nawala sa isipan ko na isa pala akong trespasser sa loob ng bahay na iyon. Pagkalipas ng ilang saglit ay mag bigla akong narinig na mga mabibigat na yabag ng mga paa na parang may isang grupo ng mga sundalo ang papalapit sa kwartong iyon. "Sandali.... ano iyong naririnig ko? Ano iyon? Hala diyos ko po!? Baka may cctv kamera rito sa loob ng kwartong ito kung kaya't pupunta na sila rito para ako'y arestuhin. Nako po! Krishmarie ano ba itong gulong pinasok mo!" Napataranta akong tumingin sa kabuuan ng bawat sulok ng kwartong iyon subalit wala akong nakitang cctv kamera sa buong paligid. Halos lahat ng mga gamit sa kwartong iyon ay puro makaluma. Halos magtata talon ako, lakad dito lakad doon ang ginawa ko saka nagpa ikot ikot ako sa lahat ng kwartong iyon upang makapaghanap ng area kung saan ako magtatago. Hanggang sa may nakita akong parang isang taguan na gawa sa antik na upuan na may maliit na sliding door. Nagmadali akong pumasok sa loob saka ako naghanap na pang talukbong sa ulo ko para maitago ko ng lubusan ang sarili ko. May nakita nga ako na nakapatong sa isang upuan na malapit sa malaking salamit na kulay pula rin katerno sa damit ko na hugis pang sumbrero. Saka ako nagmadali pumasok sa loob. Pagkalipas ng sandali... "Mahal na prinsesa.... oras na po para sa kasal ninyo. Handa na po ba kayo? Maaari na po ba kaming pumasok?" sigaw ng isang baritonong boses ng isang lalaki mula sa labas. Pagkalipas ng ilang sandali ay walang salitang namutawi na pagsagot mula sa loob ng kwartong iyon saka muli nagsalita ang lalaki sa labas. "Mahal na prinsesa? Nandiyan ka po ba?" Biglang napapasok ang lahat ng mga soldier sa loob ng kwartong iyon saka nila hinanap ang prinsesang sinasabi nila. Sa paglibot nila ng kanilang paningin ay huminto silang nakatitig sa aking kinaroroonan. Nang napansin ko mula sa loob ng pinagtaguan ko na lahat na sila ay nakatingin sa akin ay bigla akong kinabahan ng sobra. Halos nanigas ang lahat ng kalamnan ko sa kabuuan ng aking katawan. "Naku po! Lord please help me! Mahuhuli na ako ng mga soldier dito! Nakita na nila ang pinagtataguan ko Lord! Huhuhuhuh... Iligtas mo po ako! Ayoko pa pong makulong! Sorry sa trespassing na nagawa ko!" usal ko nang paulit ulit sa aking sarili na mahina. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay bigla ko na lamang napansin na nagsipag lihuran silang lahat sa harapan ko. "Patawad po mahal na prinsesa sa aming kapangahasang pumasok sa inyong sagradong silid. Ang akala po namin ay may nangyari na sa inyo ng hindi maganda mula ng kayo ay hindi sumagot" saad ng isang nakaluhod na heneral banda sa unahan ng lahat ng soldier na naroon. Bigla akong nagulat sa kanilang asal na pinakita saka ako namangha dahil inakala nilang ako ang prinsesang hinahanap nila. "Totoo ba ito? Is it happening in real life? Ano ka ba ambisyosa kang Krishmarie. Remember isa kang trespasser sa kwartong ito. Sa isang prinsesa pala ang kwartong ito hayss! Pag nagkataon malaman nila na nagpapanggap ka lang, ulo mo ang kapalit! No choice ka na darling kundi ipagpatuloy na lang ang kahibangan nila sa iyo!" dikta na naman ng pasaway kong isip. "Huh? Uhuummm uhuummm .." pasimple na lang akong umubo para lang ipakita sa kanila ang pagtugon ko. "Maliwanag po aming mahal na prinsesa.... ngayon din po ay bubuhatin ka na namin para sa iyong sagradong okasyon." Pagkatapos niyon ay pumalibot na lahat ng mga soldier sa pinagtaguan ko na lalong nagpagimbal sa akin. Naramdaman ko na lamang n binubuhat na nila ang lungga na pinasukan ko saka na kami lumakad papalabas ng kwartong iyon. "Holy s**t! Oh no! Totoo ba ito? Binubuhat na nila ko... Oh Lord! Help me! Anong okasyon ang sinasabi nila? Hindi ko maintindihan oh Lord!" paulit ulit kong usal habang nagdarasal ako ng mataimtim sa loob. Pagkalabas namin ng kwartong iyon ay saka ko naaninagan sa net style ng dingding ng lunggang pinagtaguan ko ang isang batalyong sundalo sa harapan at likuran ko na nakabantay sa akin. Dahil doon ay lalong tumaas ang nerbyos ko kasabay ng pag alog ng kaunti ng kinaroroonan ko habang binubuhat nila ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD