Chapter 3- Unexpected Tragedy

2119 Words
KRING! KRING! KRING! "Hey wake up honey!? It's morning na... please get up.... you know what? I brought you something special! My homemade breakfast! Only just for you! I hope that you will gonna like it?!" malambing na whisper ni Krishmarie sa kaliwang tainga ni Gabriel sabay hampas nito nang malakas sa pwetan nito at pisil habang sinisikap pa rin nito na gisingin ang takaw tulog na lalaki. "Uhmmmmmm... honey please 5 mins. more pa... uhmmmmm----" bulong na saad na lamang ng lalaki habang humihilik hilik pa ito na nakadapa sa kanyang super lambot na malaking kama. Sa mga sandaling iyon ay nakapatong na nga sa kama nila ang nilutong breakfast ng babae para sa lalaki saka ito bumisangot nang hindi man lang naging effective ang trick nito kung kaya't bumangon muli si Krishmarie mula sa pagkakadapa sa kama saka niya inilipat ang pagkaing dinala niya sa kwartong iyon sa kabilang lamesa. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang may kakatwang pilyo itong naisip na maaaring magpagising sa takaw tulog nitong boyfriend. "Hmmmmm... ayaw mong gumising ah.. 9 AM na pasado. Ganyan na lang ang buhay na gusto mo? Tutulog na lang sa buong araw? Hmmmp! Teka nga......" Biglang naisipan ng babae na gumapang sa ilalim ng kumot ng lalaki. Nagsimula sa paanan nito saka dahan dahang gumapang papaakyat sa ibabaw na katawan ng binata habang hinahagod nito ang kanyang katawan. Sinadya nitong ibangga ang malaking dibdib nito sa maselang pwetan ng binata at tuluy tuloy na nga itong gumapang papaakyat hanggang sa naabot na nga nito ang nakaside view na mukha ng lalaki saka niya sinubukang kagat kagatin na mababaw ang tainga nito. Hindi pa nakontento ang babae saka naman niyang sinubukan na dilaan at ilubog sa ilalim ng tainga ng lalaki ang mainit init na dila nito. "Ohhhhoooooo..... ano iyon?!" biglang hiyaw ng lalaki saka ito dumilat ng pagkalaki laki sabay hawak nito sa kanyang namamasang tainga hanggang sa dumako na nga ang kamay nito sa pagkapa kapa sa makinis na mukha ng dalagang nakadagan pa rin sa kanya. "Oh honey..... bumaba ka nga riyan sa ibabaw ng likod ko? Ang bigat mo mahal..." - Gabriel "Hayzzz.... naman honey ko... yun lang pala ang magpapagising sa iyo. Grabi ah, ang hirap mo pa rin gisingin... hmmmp! "pagkatapos nito ay bigla na lamang napaupo si Krishmarie. Pagkalipas pa ng sandali, naisipan nitong ibalik muli sa kama ang pagkaing inilipat niya kanina sa kabilang lamesa. "Hey my honey ko.... kain ka na oh... super late na kaya. Ito oh.... I made it so special for you... gusto mo subukan pa kita?" Biglang dumampot ng isang grape na kulay green mula sa tray ang babae saka niya iyon isinubo sa loob ng bibig nito. Inilapit niya naman ito roon sa bibig ng lalaki nang nagawa na nitong makaupo sa kama. . Saka nito sinakop ng buo ang bibig nang humalik na ito at inilipat niya ang isang butil na grape na iyon sa loob ng bibig ng lalaki. Bago niya tuluyang nilisan ang bibig nito ay kumagat pa muli ito ng masuyo sa ilalim na parte ng bibig saka ito sumilay ng malagkit at diretso sa mapungay na mga mata ng binata na nakatingin na rin sa kanya. "What do you think honey? Is it sweet? Hmmmm?" - Krishmarie "I think mas gaganahan akong magbreakfast kung ikaw ang kakainin ko mahal ko heheheehhehe. What do you think of that?" malagkit na pang aakit ng mga mata ng lalaki na sumisilay sa magandang mukha ng dalaga. "Ano ka ba honey?! Ang aga pa masyado. Hindi ka ba napagod kagabi? Kulang pa ba?" - Krishmarie. "Sus! Kunwari ka pa mahal ko.... dali na please pagbigyan muna ako?" malandi pang pagsusumamo nito habang pumapailan ilan itong halik sa balikat ng dalaga. Sa kalagitnaan ng kanilang paghaharutan ay biglang may kumatok ng tatlong beses sa labas ng pintuan saka ito biglang bumukas.. "AYYY!! JUSKO KO PO PALAKA! SORRY KUNG NASIRA KO ANG MOMENT NINYO HEHEHHEH... ahmmmm.... akala ko nasulit na ninyo iyan kagabi sorry talaga kuya ahmmmm... ahmmmm," pautal utal na pahayag ni Trisha habang natataranta ito sa harapan ng dalawa nang bigla nitong nasaksihan ang harutan ng dalawa habang nasa kama pa sila. "Hi naku.. panira ka talaga kahit na kailan... oh? bakit ka nga pala narito ngayon?" dismayadong sita bigla ni Gabriel sa kanya habang nakatingin ito na may panlilisik sa kapatid niyang nakatayo pa rin sa tapat ng pintuan niya. "Huh? Ahhh ok ayun! Naalala ko na hehehe... grabi kasi yung mga kaganapan dito halos muntik na akong madestruct. So by the way.... ayun na nga... ahmmmm.. kuya ano pa ba ang plano ninyo ngayon diyan ni ate Krishmarie huh? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin? Yung plano natin? Remember?? Yung ano??? "pataranta pa ring pagpapaliwanag nito habang winawasiwas ang dalawa niyang mga kamay. "Yung ano nga?! Ang gulo mo naman kausap oh?" Pagkalipas ng sandali ay biglang nanigas sa pagkakaupo si Gabriel kasabay nang biglaan ding panlalaki ng mga mata nito na napatingin muli sa kanyang kapatid. Sabay nila nabigkas ang mga kataga na.... "YUNG RESERVATION NATIN SA FLIGHT MAMAYANG 2PM PAPUNTANG PALAWAN!" "Nayari mo kuya?! Naku naku naku.... magmadali na kayong maghanda ng mga gamit na dadalhin ninyo para sa vacation trip natin sa beach sa Palawan. Piling ko hindi pa kayo nakakapag ayos niyan-----" Naputol ang sasabihin pa dapat ni Trisha nang biglang nagsalita si Krishmarie. "What? Anong vacation trip? Para atang wala akong alam sa pinag uusapan ninyong dalawa ah. Can you please explain that?" pagtatakang saad bigla nito sabay lingon kay Gabriel. "Ahhhhmmmm... kasi kasi..." Hindi pa nagsisimulang magpaliwanag nang maayos si Gabriel ay bigla namang lumapit si Trisha sa kanila saka ito umupo sa tabi nilang dalawa. "Ok sige na kuya.... mukhang hirap ka pa rin sa pag eexplain eh. Ako na mag eexplain para sa iyo. Ganito kasi yan ate Krishmarie. Ahhmmm.. bago ka pa man din umuwi rito, nagplano na talaga kami na pagpareserve na ng flight papuntang Palawan. Magstay kasi tayo roon ng mahigit 1 week. Siyempre ito na naman ang bagong pakulo ni kuya Gabriel. Debale surprise niya iyon para sa iyo. Don't worry ate. Bayad na lahat iyon pati iyong para sa iyo. Saka doon na lang daw tayo maghanap ng beach na matutuluyan natin pagkarating natin doon. Hmmmmmm.... nagulat ka ba?" mahabang pagpapaliwanag nito sa harapan nila. Hindi na naman naiwasan nito na magpabibo sa kanila. "Ohhhhhhh... really..... ang sweet naman talaga oh... kahit kailan talaga... hindi mo ako binibigo sa mga pa surprise mo honey... kaya nga love na love kita eh." Habang sinasabi ni Krishmarie ang mga kataga na iyon ay paulit ulit naman nito pinipisil pisil ang mga pisngi ng lalaki. Pagkalipas ng sandali.... Maraming tao ang mapapansin na nakapila sa loob ng NAIA terminal 1. Pagkarating nila sa loob ng nasabing establisyamento, ay abala na silang naghahanap ng mauupuan para abangan ang announcement para sa availability ng designated airplane na sasakyan nila for boarding. "Ayun! Sakto may mga bakante roon... tara na kuya at ate Krishmarie bago pa tayo unahan ng iba." Mabilis na pumaroon sa nasabing bakanteng upuan si Trisha saka naman sumunod ang dalawa sa kanya papuntang lobby area. Sa mahabang paghihintay ay bigla na lamang nila narinig ang pagtawag pansin ng announcer sa nakatokang airplane for boarding para sa kanila na bibiyaheng papuntang Palawan. Masaya na silang tumayo nang sabay sabay saka nagtungo papasok sa screening area ng mga bagahe sa loob nang biglang may tumawag sa phone ni Gabriel. RING! RING! RING! "Ahhh... wait lang.. may tumatawag lang,"- Gabriel. "Ok honey, don't worry. We will wait you here beside you," simpleng sambit na lang ni Krishmarie na katabi si Trisha. Humakbang ng ilang beses papalayo ang lalaki mula sa kanila saka naman niya sinagot ang patuloy pa ring tumatawag sa kaniya. "Yes hello speaking"- Gabriel. "Boss... si Engr. Rizo ito... pasensya na boss kung maaabala kita sa mga oras na ito. Kaso kasi, nagkaroon tayo ng malaking problema sa project natin. Yung mga powerline natin sa apat na branch.... halos sunud sunod na araw na nagsipag putukan. Mayroong nagsabotage sa project natin boss. Kanina lang din may emergency meeting kami. Galit na galit yung boss natin pati ilang mga business partner ng project natin. Hinahanap ka nila rito," pagbabalita na lamang na engineer nito sa proyekto na hinahawakan niya. Biglang napapitlag at sumeryoso ang aura ni Gabriel ukol sa kanyang nalaman. Tumahimik muna siya ng ilang segundo saka muli ito kinausap ang nasa kabilang linya. "Bakit hindi mo kaagad nireport sa akin yan kahapon? Pero ok sige, pupunta na lang ako riyan sa project. Icacancel ko muna ang flight ko ngayon," seryosong sagot naman nito. "Naku Sir, flight ninyo pala ngayon? Nako pasensya na po talaga sa abala Sir. Eh.... wrong timing talaga yung pagsasabay ng insidente."- Engr Rizo "Ok lang.... mas importante na mapagtuunan natin yan ng solusyon. Painform na lang sila boss na pupunta ko." Pagkatapos niyon ay saka na nito binaba ang kanyang phone. Pagkaraan pa nang ilang minuto... "Ok ka lang honey? What's wrong with you?" Lumapit ng kusa sina Trisha at Krishmarie kay Gabriel nang napansin nila na biglang dumilim ang awra nito at napaka seryoso ng mukha nito na nakatingin lang sa malayo. Bigla na lamang nito hinwakan ang kanyang batok sa pag iisip nang sobrang lalim. "Kuya, ano yung narinig ko na icacancel muna ang flight ngayon? Bakit kuya? Sayang naman ang pinagplanuhan natin pati ang nagastos-----" Naputol bigla ang pagsasalita ni Trisha nang biglang nagsalita si Gabriel na nakaharap na sa kanila. "Ako lang ang magcacancel muna sa ngayon pero kayo matutuloy. Hahabol na lang ako roon. Just go on." - Gabriel "What? What the hell you are talking about? Paano pa kami magiging masaya kung wala ka roon? Hmmmmm... hindi na lang ako sasama kapag ganyan." Bigla nang nagmaktol si Krishmarie sa sinabi ni Gabriel. "No honey...... ahmmmm... ahmmmm... I promise... susunod talaga ako roon. May kaunting problem lang na dapat asikasuhin sa site." Nagtaas pa ng kamay si Gabriel para patunayan nito sa kanila na may bahid ng katotohanan sa mga sinabi niya. Lumapit pa ito sa babae saka nito hinawakan parehas ang magkabilaang pisngi nito at tumitig nang nangungusap sa kanya para maparamdam nito na sinsero siya sa kanyang mga salita. Dumaan ang mahabang segundo saka ito biglang nagsalita... "Haizzz.... ok sige. Tutuloy pa rin kami basta tuparin mo ang promise mo na susunod ka roon huh? Ingat ka na lang sa work mo. Hihntayin ka namin do'n." Parehas na hinawakan ni Krishmarie ang magkabilaang palad ng lalaki na nakadantay pa rin sa kanyang mukha habang nagsasalita ito. Sa kabilang banda naman, napasingit naman sa kanilang moment si Trisha na naroon lamang sa kanilang gilid. "Basta mag uupdate kami madalas ng mangyayari sa amin doon kapag naroon na kami kuya don't worry. Ahhhhhmmmm.... I think, we should have to go inside na ate Krishmarie at baka maiwan na tayo ng airplane?" mungkahi naman ni Trisha na palipat lipat ang tingin sa dalawa. Bago tuluyang kumalas si Krishmarie kay Gabriel ay humalik muna ito ng sobrang diin sa labi ng lalaki at tumagal pa iyon ng ilang segundo hanggang sa kumalas na ito. "Bye bye na honey ko... susunod ka huh... panghahawakan ko iyan..." Habang palakad na silang dalawa ni Trisha papasok sa boarding area ay nakalingon pa rin ito sa direkyon ng lalaki. "Don't worry honey ko! Stay safe and happy trip! Just enjoy the moment. I'll be there asap! I love you honey! Just wait for me!" Halos sumisigaw na ang lalaki hanggang sa nawala na ang dalawa sa panigin nila nang nakapasok na sila parehas sa boarding. Pagkalipas ng ilang oras..... Narating na nga nila Krishmarie at Trisha ang province ng Palawan. Pagkatungtong nila sa mismong paliparan nang nakalabas na sila ng airplane ay suminghot ng malalim at nag exhale nang matindi si Trisha habang nakapikit pa ito na nakahawak sa kanyang mga balakang ang dalawang mga kamay nito. "HMMMMMM... AHHHHHHH.... ang bango naman ng simoy ng hangin dito sa Palawan! WOOOOHOOOOO! WELCOME PALAWAN! Ate Krishmarie, stop muna yang worriness mo. Palagay ko naman na susunod talaga si kuya rito eh. Kung ako sa'yo, enjoyin muna nating dalawa yung moment dito. Minsan lang tayo pumasyal sa Palawan... Wohooooo!" masayang saad ni Trisha. "Ok as you wish... wow naman! Ang ganda talaga rito.. I think ang kailangan muna nating gawin ngayon ay yung kumain no? What do you think sis? Shall we? Hanap tayo ng restaurant na malapit lang diyan," pag aya na lang ni Krishamarie saka na sila lumabas nang tuluyan sa nasabing paliparan. "Yeah! Let's go wohoooo!" - Trisha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD