Chapter 5- Accidental Bride

2234 Words
"Hindi maaari ito.... anong gagawin ko? Ayokong pakasal sa prinsipe na iyon. Ayokong matali sa tradisyon ng pamilya namin. Masyado pa akong bata para magpakasal. Marami pa akong pangarap para sa mga tinutulungan ko para na rin sa sarili ko. Hindi maaari ito... ilang oras na lang ay magaganap na ang pinaka kinatatakutan ko. Mahal naming Allah! Huwag mo po nawa ipahintulot na mamayani ang pagmamanipula ng mga magulang ko sa buhay ko. Ayokong makasal sa taong hindi ko rin minamahal." Paulit ulit na umuusal si prinsesa Hayana sa isang kweba na medyo may kalayuan sa kanyang bahay. Naroon siya sa tabi ng pampang ng batis at mataimtim na nagdarasal sa kinikilala nitong panginoon habang may silab ng apoy sa loob ng kwebang iyon. Ilang oras na lang ay magaganap na ang pag iisang dibdib nito sa prinsipe ng Silanganan na walang iba kundi si prinsipe Rushmir. Ang sagradong okasyong iyon ay pinagkasunduan ng kanyang mga magulang gayundin ang mga magulang ng nasabing prinsipe. Dalawang beses pa lang silang nagkikita nang mamanhikan ang pamilya ng lalaki sa kanilang kaharian. Kalaunan nang magdesisyon na siyang bumalik sa kanyang sariling bahay, napansin niyang nagbabantay na sa paligid ng kanilang bahay ang batalyong sundalo na pinadala ng kanyang mga magulang para masiguro nila na ito ay makakarating sa kanyang sariling kasal. "Hala nako po! Mahal kong Allah, wala na po bang atrasan ito? Malakas ang pakiramdam ko na gusto mo pa akong gamitin para sa mas seryosong misyon bukod sa makulong sa pagiging prinsesa lamang na nakakulong sa bisig ng magiging susunod na hari. Na magiging tagasunod lamang sa lahat ng gustuhin ng magiging asawa ko. Mahal na Allah, paano ho ba ako makakawala sa ganitong nakatakdang sanib pwersa? Wala na po bang pwedeng pumalit sa buhay na mayroon ako ngayon?" mataimtimang panalangin na pakikipag usap nito sa kanyang kinikilalang panginoon habang panaka naka pa rin ang pagtatago nito sa isang malaking puno na nakatayo di kalayuan sa kanyang bahay. Pagkalipas pa ng sandali nang magdesisyon na siyang magpakita sa kanila ay saka naman niya nasaksihan na may inilalabas ang grupo ng mga sundalo mula sa loob ng kanyang kwarto. Nakita niya na inilabas nga nila ang kanya sanang sasakyan habang hinahatid siya papunta sa kaharian ng prinsipe hanggang doon sa harapan ng altar kung saan sila magtatagpo sana. "Anong kahangalan ang nagaganap ngayon sa aking pamamahay? Bakit nila iyon binubuhat palabas ng aking bahay? Sandali nga lang....." Akma na sanang magpapakita si prinsesa Hayana subalit may bigla siyang napansin. "Hala, diyos ko po maryosep mahal kong Allah, sino yung binibining iyon na sumilay mula sa loob? Suot suot niya ang bridal dress ko para sa araw ng kasal ko? Isang tampalasan ang nakapasok sa aking munting tahanan. Sino iyon? Siya na ba ang sagot sa hinihiling ko sa iyo mahal na Allah? Siya na ba ang pinadala mong papalit sa kasal ko?" Sobrang daming katanungan ang nanunuot sa kaisipan ngayon ng prinsesa habang pinapanood niya ang pag alis ng grupo ng mga sundalo mula sa kanyang pamamahay. Nang makaalis na ang nasabing mga sundalo, mabilisan ang pagpasok ni prinsesa Hayana sa kanyang kwarto saka siya biglang nagtaka sa kanyang nakita. "Huh? Anong klaseng mga damit ang nakasabit dito sa kwarto ko? Isang mahabang damit na sobrang nipis ang tela. Napakalaswa pa ng disenyo. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kasuotan. Teka nga lang, parang wala pang ganitong disenyo ang nakikita ko sa lugar namin. Baka galing siya sa ibang karatig bansa." Patuloy pa rin ang pakikipag usap nito sa kanyang sarili habang siniyasat nito ang long spaghetti dress na kulay puti ni Krishmarie na nakasabit sa kwarto niya. Pagkalingon niya sa kanyang antik na lamesa ay natagpuan niyang nakapatong doon ang napaka garang kamera ng babae na hindi pa naiimbento sa kanilang panahon. "Wow naman, ano itong bagay na ito? Paano kaya gamitin ito? Teka nga.... hala baka patibong ito ah..." usal nito habang sinisiyasat niya kung paano gamitin ang hawak hawak niyang kamera. Halos magbale balentong na ang kamera sa kanyang mga kamay habang iniisip nito kung saan ito ginagamit hanggang sa napindot niya nang hindi sadya ang pihitan para makakuha ng litrato saka ito biglang tumunog at nagsplash sa kanyang harapan dahil nakatutok ito sa kanya. "AHHHHHHH! Diyosmiyo mahal kong Allah ano iyon? Buhay pa ba ako? Anong liwanag iyon?" Sobrang nataranta si prinsesa Hayana saka niya hinagis sa sahig ang nasabing kamera at napatalon ito sa sobrang takot. Nagkapa kapa ito sa kabuuuan ng kanyang katawan habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. Inikot niya rin ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto kung may mga bagay mang nasira roon nang dahil sa splash mula sa DSL Camera. Dumaan ang saglit na katahimikan at halos hindi na ito makakilos sa kanyang kinaroroonan bago siya nagdesisyong kunin mula sa lapag ang nasabing kamera. Sa pag angat nito ay sobra siyang nagulat dahil nakita niya ang kanyang itsura sa screen ng kamera. "Diyosmiyo mahabaging Diyos! Mahal kong Allah.... bakit naroon ang mukha ko sa loob ng bagay na iyon? Paano nangyari iyon?" Sa sobrang pagtataka nito ay halos ipukpok na nito ang kamera sa kanyang kanang palad saka siya biglang tumigil. "Naku baka masira ko pa ito. Hindi dapat maganap iyon. Kailangan ko siyang makausap... kailangan ko pa siyang makita muli.... Marami akong katanungan na siya lamang ang makakasagot lalo na kung paano siya nakarating dito sa loob ng pamamahay ko." Kalaunan, nag desisyon si prinsesa Hayana na pumunta sa magaganap na kasalan sa kaharian nila prinsipe Rushmir. Sa kabilang banda, nagpanggap itong isang ordinaryong lalaking mamamayan sa kanilang lugar nang magsuot ito ng panlalaking kimono at pinusod nito ng todo ang kanyang mahabang buhok saka itinago sa isang malapad na malaking sumbrero. Nagsuot din ito ng pekeng bigote saka nagmadaling magtungo sa sagradong okasyon na iyon habang nakasakay sa isang kabayo. Sa kabilang banda..... "Ahhhhhhh! You are f*****g idiot Krishmarie! What you will gonna do now to escape from this f*****g and hilarious madness? Mag isip ka?! Ugggggrrrrrrhhhh.... sandali lang... ano iyong natatanaw ko? Isang napakagandang kaharian. Isang Dungeon? Bakit Dungeon? Akala ko ba nasa Palawan ako? Bakit para atang nasa China o Japan ang peg ng lugar dito? Ang alam ko nasa Pilipinas lang ako bakit para atang ibang lugar na itong pinupuntahan na namin?! WAAAHHHH! No way! Gabriel where are you?! Help me!" Natataranta na sobra si Krishmarie sa loob ng sasakyang antik na di buhat na karosel na iyon. Halos sobra na siyang namumula sa sobrang takot, pag aalala dahil hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na isa palang magical portal ang lagusan na pinaglusutan niya sa kagubatan ng Palawan na nagshift sa kanya para mapunta siya sa sinaunang panahon. Sa panahon ni Magellan subalit nasa bansang Korea siya. "What the f**k?! Bakit puro gubat dito? Walang sasakyan? Puro kabayo sa paligid ko?! Puro espada at karwahe sa paligid ang nakikita ko?! Ang daming tao.... puro nakakimono... nakasama ba ako sa nagaganap na shooting ngayon? Bakit lahat sila nakasuot ng custome? Oh Lord! Bakit ba kasi ako pumasok pa rito eh! Ang tanga tanga ko naman! Mapapasama pa ata ako sa ongoing na movie nito dito sa Pilipinas? My bago bang pelikula si Lee Min hoo o kung sino pang oppa? Wahhhhhh! GABRIEL NASA'N KA NA BA?!" Halos na babaliw na sa kakaisip si Krishmarie sa sobrang pagtataka habang nilulukot nito ang suot suot nitong kulay pulang malapad na sumbrero. Sobrang daming tao ang naroon sa bawat gilid ng kalsada ang halos nagkukumpulan na para lamang masilayan siya. Napakasaya nila, ang ilan naman sa kanila ay kumakaway kaway pa at nagtatawanan upang ipakita sa mga sundalo na sobra silang masaya para sa prinsesa dahil sa napipintong kasal nito sa prinsipe ng kanilang bansa. Nagmistula siyang artista na inaabangan ng buong sambayanan dahil halos alam ng lahat na kasalan ang paroroonan nito. "WOOOOHOOOOO! Mahal na prinsesa masaya kami para sa magiging kasal mo! Yahhooooo! "Mahal na prinsesa sumalay ka naman kahit saglit lang sa iyong bintana. Mahal na prinsesa! Excited kaming makita ka sa personal! Woooohooo!" Iba't ibang pagtawag pansin ng mga taong nadadaanan ng kanilang pagmamartsa. "What?! Kasal?! Sinong ikakasal?! OH MY GOODNESS! REALLY?! It is a huge f**k and crazy damn decision that I did?! Kasalan pala ang hahantungan ko?! f**k! f**k! f**k! Ka Krishmarie! Inagawan mo pala ng moment ang totoong prinsesa! Anong gagawin ko?! Anong gagawin ko oh Lord?! Ang prinsesa dapat ang ikakasal kaso ninakawan ko siya ng eksena?! Nako paano ba iyan?! Naiwan siya sa bahay na iyon?! Katapusan na ng buhay ko Lord?! Paano nang gagawin ko?! Paano kung mahuli ako? Paano na ang buhay ko?!" Halos hindi na kayang pakalmahin ni Krishmarie ang kanyang sarili sa loob ng lungga niya.. Paulit ulit niya sinasabunutan ang kanyang ulo sa sobrang takot na nararamdaman niya. Dahil do'n ay hindi niya napansin na umaalog alog na ang karosel na pinaglalagyan niya na naging dahilan para maramdaman iyon ng ilang mga sundalo na nagbubuhat niyon saka dinagsa naman sila nang matinding pag aalala sa nangyayari sa prinsesa sa loob kung kaya't sumenyas na ang isang sundalo sa kanilang heneral na malapit sa unahan nila para ipakita ang nangyayaring pag alog alog ng binubuhat nila. Sa pagkakataon na iyon ay biglang huminto ang kanilang pagmamartsa saka lumapit ang heneral at kumatok ng bahagya sa bintana ng karosel na iyon. TOK! TOK! TOK! "Mahal naming prinsesa ayos ka pa ba? May nangyayari bang hindi maganda sa iyo riyan?" bungad ng bahagya ng heneral. "Huh?Bakit sila biglang huminto?" bulong ng isip naman ni Krishmarie nang maramdaman niyang huminto sila sa paglalakad. "Huh?! Ahhhh... wala naman problema. Sige lang tuloy lang kayo." Sumeryoso bigla sa pagsasalita si Krishmarie na sobrang pigil sa kanyang sarili na umiyak na sa kanyang sitwasyon. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpatuloy na nga ulit sila sa pagmamartsa hanggang sa nakapasok na sila sa tarangkahan ng malaking ginintuan gate ng palasyo. Sobrang panlalamig na ang buong katawan ni Krishmarie saka siya kumalma at kinausap muli ang sarili. "Mukhang seryoso na talaga itong problema ko. Kumalma ka lang Krishmarie ah... muntik ka na tuloy mapahamak kanina. Ok sige ganito ah.. all you have to do is to think wisely. Kailangan makaisip ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito." Sumilay muli sa labasan ito para magmasid habang nag iisip siya nang paraan para makatakas. Napansin niya na nasa looban na pala sila ng kaharian na iyon. Nalagpasan na nila ang isang damakmak na kumpulan ng mga tao sa labas ng kahariang iyon. Pagkapasok nila sa loob ng tarangkahan ng kaharian ay my isang napakahabang redcarpet ang naroon sa gitna. Napapapalibutan din ng puro sundalo ang paligid ng gate na iyon saka nakapilang sundalo sa bawat pagitan ng nabanggit na pulang carpet habang silang lahat ay nakasaludo sa kanila. Halos nanginginig na sa sobrang kaba at takot si Krishmarie dahil natanaw niya sa pinakadulo niyon ang ilang mga masasabing matataas na tao sa lugar na kanilang pinasukan. May napansin siyang isang lalaking may suot na korona sa gitna ng dulo ng red carpet na iyon ang naghihintay sa kanila. "Patay ka na Krishmarie... paano ka pa makakatakas nito kung sobrang dami ng sundalo sa paligid? Halos sarado na rin ang tarangkahan ng lugar na iyon kung doon ka naman magpupumilit lumabas? Paano na ito? Ahmmmm.... ahmmmm... paano nga ba ako makakatakas dito? Paano? Ahmmmm.... ahmmm..." Halos na bubulol na ito hapag nag iisip siya ng matinding paraan para makaalis sa lugar na iyon. Pagkaraan ng ilang sandali ay bigla silang tumigil sa pagmamartsa. Saka lumapit sa may pintuan na sliding door ang heneral at bahagya itong kumatok doon. TOK! TOK! TOK! "Mahal na prinsesa, maaari na kayong lumabas mula riyan sa loob," bungad sa kanya ng naghihintay na heneral sa labas. "Ano raw? Lalabas na ko? Ahmmm... sige na... bahala na... titingnan ko kung ano ang maaari kong gawin kapag nasa labas na ako." Nakapagdesisyon na nga si Krishmarie na lumabas mula sa loob. Sa paglabas niya roon ay inilalayan na lamang siya ng Heneral. Nakatayo lamang siya sa labas ng karosel na iyon habang hinihintay siya ng heneral na maglakad na sa gitna papuntang harapan. Hindi pa rin makita nang lahat ang kanyang mukha sapagkat nakatago iyon sa isang kulay pulang mahabang panyo na nasassaklawan ng malaking kulay pula rin na malapad na sumbrero. Pinandilatan siya ng heneral para magbigay ng senyas na maaari na siyang lumakad sa gitna ng red carpet subalit nalilito siya sa ibig ipakiwari nito kung kaya't nagdilat din siya ng sobrang laking mata pabalik sa kausap. "Prinsesa, maaari na po kayong maglalakad sa gitna papunta sa harapan. Huwag kayong mag alala may apat na sundalong mag eescort sa inyo papunta sa gitna. Naghihintay din pala sa gitna yung mga magulang ninyo. Ayon po sila sa gitna nakapwesto na," suhestyon na lang ng heneral sa kanya. "Ano raw mga magulang ko? Patay ka na?! Katapusan mo na?! Malalaman nila na hindi ikaw ang anak nila?! Ahhhh... Ahhhhh... isip paano na ito?!" Mga ideyang naglalaro sa isipan ni Krishmarie habang dahan dahan siyang lumalakad sa gitna na parang isang zombie. Wala na siya sa kanyang katinuan habang lumalakad na nakayuko. Sinubukan niyang sumilay sa gitna. Naroon nga ang dalawang mag asawang nakatingin sa kanyang direksyon na nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD