Three

2683 Words
Name: Hydra Ducleff Age: 25 Birthday: January 1,1995 Civil Status: Single Hobbies: *Shopping, *Bar hopping, *Traveling, *Hiking Nationality: *Half Filipino *Half German Degree: *Bachelor of Science in Business Management *Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management Occupation: CEO *Trend Fashion Modeling Company *Beauty and Body Cosmetics *Ducleff Branded Clothing Motto: "Money can buy everything... Including you." Napataas ang kilay ni Keros sa huling nabasa, ang Motto ni Hydra. 'Hanep talaga ang babaeng ito! Nakakalula ang credentials. Sobrang yaman pala talaga nya hhmmm.' Sinara nyang folder na hawak at kinuha naman ang mga litratong nakakalat sa kanyang lamesa. Tiningnan nya ito isa isa. Lahat ng pictures nito ang gaganda ng kuha. Mapa stolen shots, far or near shots, all clear. May kuha dito sa Pilipinas pero mas marami ang kuha sa iba't ibang bansa. 'Napaka ganda talaga ng babaeng ito! Kaya lang kung gaano kaamo ng panlabas nitong anyo, kabaliktaran naman ang pag uugali nito. Tsk, totoo ngang kasabihan na "Don't judge the book by it's cover", parang may mali sa sinabi ko ah! Hmp basta yun na yun, pareho lang naman yun.' Isa sa mga litrato ni Hydra na gustong gusto nya ay yung nakasuot ito ng two piece bikini, nasa Hawaii kuha ang litrato. Maganda ang pagkakakuha ni Griffin dito, nataon na nakatingin si Hydra sa camera habang hinawi ang buhok nito at inipit sa kanyang tenga. Feeling nya tuloy sa kanya nakatingin ang dalaga kaya napangiti sya ng malapad at kinilig. "Hoy! Anuyan?" Biglang sumulpot si Pyre sa kanyang likuran, sa pagkagulat nya nabitawan nyang bigla ang litrato ni Hydra at nahulog sa sahig, sa may paanan pa talaga ni Pyre, kaya syang unang nakapulot nito at agad na tiningnan. "Hayop sa balat ng lupa! Tangnang katawan to parang hindi naman tunay! Retokada ata to K. eh! Hahaha." Naiirita nyang inagaw ang picture na hawak ni Pyre saka nilagay sa loob ng folder, at nilagay naman sa loob ng drawer saka ini lock yun. Saka hinarap ang surot na bigla na lang sumulpot at ngayon nambubwiset na sa kanya. "Ba't ka nandito, anong kaylangan mo?" Nanlalaki ang mga mata ni Pyre na nakatingin sa kanya, saka tinuro nito ang sarili. "Hah! Bakit kamu ako narito? Ako pa talaga ang tinanong mo? Hoy, K., kalahating oras na kaming naghihintay sa'yo sa conference room, tapos nandito ka lang pala! nakikipagtitigan dyan sa imaginary girlfriend mo! Wow nahiya naman kami sa'yo, kasi naistorbo namin ang precious moment nyu." Natigilan sya bigla, at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Pyre na nakasimangot naman sa kanya. 'Fuckshit! Uu nga pala may meeting kami ngayon shit..' "Halika na nga ang ingay ng bunganga mo! Para kang manok putak ng putak." Nauna na syang lumabas ng opisina nya at dere deretsong naglakad papuntang conference room. Nakasunod naman si Pyre na tuloy ang pangungulit sa kanya. Nagkunwari na lang syang pipi at bingi, siguradong hahaba lang ang usapan kapag pinatulan nyang pang iinis nito sa kanya. Agad na umayos ng upo ang mga agents ng pumasok na sila ni Pyre sa loob. "Agents, lahat ba kayo ay may dokomento na sa bagong misyon natin?" Bungad nyang tanong, gusto na nyang tapusin agad ang meeting, ng makapag relax naman bago bumyahe pa Malaysia. "Yes Boss K." Sabay sabay na sagot ng mga Agents na makakasama nila ni Pyre sa bago nilang misyon. "Ok, Good! Agents, dismiss." Pagtatapos nya, saka nauna ng lumabas sa conference room. "Tangna! Kung alam ko lang na yun lang naman pala ang sasabihin mo, sana dina lang kami naghintay, Langya, parang tanga lang! kainis." Reklamo ni Pyre na panay kamot sa ulo nito. Binalingan nya ito at sya naman ang nang asar. "May kuto ka ba?" "Ha! Bakit? "Kanina ka pa nagkakamot eh! Tingnan mo nanlalagas ng buhok mo!" Tiningnan nya pa ito na parang gulat na gulat sya. "Hala! Pyre, nakakalbo kana, madremia santisima! Diba 27 ka pa lang? Bakit mukha ka ng 50?" Nakita nyang kalituhan sa mga mata nito. Pigil ang tawa nyang naglakad at nilampasan ang namutlang si Pyre. Pagkalampas nya dito saka nya lang pinakawalan ang pinipigilang tawa. Naiwan naman si Pyre na nakatulala pa rin sa kinatatayuan, ng marinig nito ang tawa ni Keros, na realized nitong ginu good time lang pala sya nito. 'Siraulo! Naisahan ako ng baliw na yun ah! Teka nga..' Tinawag nyang baliw na boss na tatawa tawa pa rin habang papalabas ng Hainsha. "Boss K., bar muna tayo!" Pumihit agad ito paharap kay Pyre. "Libre mo?" "Alangan! ako ang nagyaya diba? Syempre sagot ko." Sarkastikong sagot ni Pyre, sya naman kaylapad ng ngiti. Inakbayan nya ang kaibigan ng sumabay na ito sa paglalakad nya, saka kinaladkad palabas ng headquarters. "Sandali naman! Ba't kaba nagmamadali? may lakad?" "Wala, excited lang... Kasi libre mo! hahaha." "Gago! Ngayon lang to kaya suliitin mo na." "Ako pa ba? Syempre susulitin ko ng sobra sobra hahaha." Natawa na rin si Pyre sa sinabi nito. Kung tutuusin mas mayaman pa nga si Keros kesa sa kanya, pero kung umasta parang pulubi na mahilig magpa libre sa kanya. 'Hmmm bakit ko nga ba naging kaibigan ang baliw na ito?' ( Kasi, sya lang naman ang nagligtas sa'yo, ng minsang manganib ang buhay mo sa pagliligtas sa sana mag ina mo na ngayon? Kaya utang mo sa kanya ang pangalawang buhay mo ngayon. ) sagot ng isip nya. Napabaling ang tingin ni Pyre kay Keros na pasipol sipol pa habang nagmamaneho. "Wag mokong titigan ng ganyan Pyre, baka iba ng isipin ko sa'yo nyan!" Nakataas pang kilay ni Keros habang pinipigil ang mapa bunghalit ng tawa sa nakitang reaksyon ng kaibigan. "A - anong ibig mong sabihin? na bakla ako! ganun ba?" Napahalakhak si Keros at napahampas pang mga kamay sa manebela. Ng umigkas ang kamao ni Pyre para suntukin sya. Nabitin ang nakakuyom nitong kamay sa ere ng bigla syang magsalita ulit. "Pag sinuntok moko, iisipin kong totoo ngang ganun ka." Lumihis ang kamao ni Pyre na dinaanan ang mukha nya at deretsong tumama sa bintana. Napasipol na lang sya ng mag c***k ang bintana ng kotse nya. "Hoy, Pyre! bayaran mo yang sinira mo, dalhin mo sa talyer tong sasakyan ko.! Nanlilisik ang mga mata ni Pyre na tumingin sa kanya. "At bakit ko naman gagawin yun? eh ikaw ang may kasalanan ng lahat, gagong to ako pang sisisihin." "Eh sino bang sumuntok sa bintana ng kotse ko?" Nag gagalit galitang singhal nya kay Pyre. Na agad namang sumagot kahit halatang nagpipigil lang ito ng galit. "Ako!" "Yun naman pala eh! Ba't kapa umaangal? Ihulog kita dyan eh." Dahil sa nadaramang inis at galit napasigaw na lang bigla si Pyre. "Ahhhhhhhhhhhhh...." Malakas na sigaw nito, na sinabayan nya ng malakas na tawa. Masayang masaya talaga sya kapag kasama nyang kaibigan. Gumagaan ang pakiramdam nya kapag naiinis na nya ito. "Ok kana?" Tanong nya sa katabi na tahimik lang pagkatapos nitong sumigaw ng malakas. Ng hindi sya inimik nito, tinusok tusok ng daliri nya ang pisngi ni Pyre na panay naman ang tapik sa kamay nya palayo dito. "Uuy ... Gusto mo ng candy?" "Tsk .. Ano ako, bata? Baliw ka talaga." "Hehe, salamat!" Nagtatakang nilingon sya ni Pyre. "Ha!" Seryoso ang mukha nyang nagsalita at bumaling pa sa katabi. "Bingi ka ba?" Kaagad na nairita na naman si Pyre. "f**k! Utang na loob! Tumigil kana!" Bigla syang nagpreno, buti na lang naka seatbelt sila, kung hindi baka dumikit ng mga mukha nila sa windshield ng kotse. "Fuck... fuck... fuck.." Sunod sunod na mura ni Pyre, hinihingal ito sa pagpipigil ng inis at galit. "Haah! Bakit, bigla kang huminto?" Galit na asik nito sa baliw na kasama. "Sabi mo tumigil ako!" Inosente ang mukhang sagot naman nya. Samantalang si Pyre napahilamos ang kamay sa mukha. "f**k, your so annoying devil." "I know right! Hahaha." 'Tangnaaa...lumalala ng baliw na'to, bakit ko ba pinagtitiisan ang isang to?' (Kasi may utang na loob ka sa kanya.) 'Haay pesteng utang na loob na yan.' "Hindi na kita ililibre, bahala kang magbayad ng iinumin mu." Sabi ni Pyre makabawi man lang sa pambubweset ni Keros sa kanya. "Sinong nagyaya?" Nakataas ang kilay na sabi nya. "Ako" "See.. It's you! Not me." Tinuro pa nyang sarili. "Kaya ikaw ang magbabayad tapos ng usapan." Nag park sya sa labas ng Boyzone at nauna ng bumaba. Nakasunod naman si Pyre na magkasalubong ang makakapal na kilay. Nangingiting nilapitan nya ito saka inakbayan. "Bati na tayo ha!" Sabi nya pa dito na sinusuntok suntok ang balikat nito. Tiningnan naman sya ng masama ni Pyre, saka itinaas ang gitnang daliri nito. "Ahem! Ayusin mo yang mukha mo at nasa likuran natin ang beautiful neighbor mo.. hehe." Naramdaman nyang natigilan ang katabi, biglang hindi na ito mapakali, saka dahan dahang lumingon sa likuran nila. "s**t! bakit ganyang klase ng damit ang mga sinusuot nya lagi?" Napangiti sya sa sinabi ni Pyre. 'Ahhhh sa wakas umiibig na ulit ang kaibigan ko!' "Eh di ibili mo ng pang madreng damit, para balot na balot, hahaha." "Damn!" Mabilis na naglakad si Pyre papasok sa bar, iniwan syang mag isa na tumatawa pa rin. Ng tumapat na sa kanya ang babae, napasipol na lang sya sa ayos nito. 'Hmmm, flawless! May ipagmamayabang din naman, kaya pwede na rin. Pero syempre 2nd runner up lang sya kay "Girlfriend" hehe.' "Moron! Anupang tinutunganga mo dyan, hindi na talaga kita ililibre kapag dika pa pumasok dito." Sigaw pa ni Pyre sa kanya at agad na pumasok sa loob, na ikinangiti na lang nya. Sinabayan nyang paglalakad ng babae at ng hindi na makatiis binati na nya ito. "Hi, ganda ng dress mo, type ko!" Nakangiti nyang sabi sa babaeng bumaling naman agad sa kanya at ngumiti. "Ah... ito ba?" Sabay ayos ni Daphne sa damit na nililipad ng hangin ang laylayan. Lumapad lalo ang ngiti ni Keros ng inipit na nito sa hita ang damit saka huminto saglit at humarap sa kanya. "San mo binili?" Dagdag pa nyang tanong dito. "Sa Avon lang hihi." 'Aba! Mukhang game ang babaeng to ah! Hmmm ma try nga.' "Avon pala yan, ganda ha! Parang branded lang din." "Haha joke lang, ikaw naman mapapaniwalain. Regalo sakin ni Papa." 'Nak ng teteng! may sugar daddy!' "Kerosss!!.." Napabaling sya kay Pyre na lakad takbo palapit sa kanya. "Oyyy, kilala ko sya! Boyfriend mo?" Pigil ang tawang sumagot sya sa babae, na may pagkailang at pagdududang makikita sa mga mata nito. "Uu, Fafa ko! Sige mauna na'ko ha! Seloso kasi yan baka jumbagin ako." Pakembot kembot pang naglakad si Keros pasalubong kay Pyre na namumula ang mukha sa galit. Kaagad nya itong inakbayan ng mahigpit saka pwersahang dinala sa loob ng bar. Ng makakita ng bakanteng mesa, pinakawalan nya agad ito at malakas ang tawang tinungo ang pwestong bakante pa saka umupo. ===⚔=== Samantalang sa labas naman ay nakatulala pa ring nakatayo si Daphne. Hindi sya makapaniwala sa bagong nadiskubre, tungkol sa hunk nyang kapitbahay. 'Sayang! Bakit sya pa? Nakakainisss... ' Nagpapadyak pa syang naglakad papasok sa loob ng Boyzone bar. Pagkapasok kaagad nyang nakita si Ivy na nakaupo malapit sa joklang kapitbahay nya. Napaismid na lang sya ng maalala ang naganap kanina. 'Siguro para sa kanya ang bibilhing damit ng lalakeng kausap ko kanina. Hay! diko man lang natanong ang kanyang pangalan. Sabagay.. bakit ko pa aalamin? Useless na rin naman.' Nakasimangot pang naglakad si Daphne patungong mesa nila Ivy, saka umupo dun habang pasulyap sulyap sa mesa nila Pyre. Ang lahat ng kilos nito ay hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Keros. "Brandy bang sa'yo?" Narinig nyang tanong ni Pyre kaya bumaling sya dito. "Ha! Ah, Uu brandy saka bulalo at mechado, teka dagdagan mo na rin ng adobo saka kanin na rin pala. Gutom nako! Waiter, pakibilisan lang ha!" "Hanep ah! Patay gutom lang? Baka kulang pa yun dagdagan pa natin ng lechon paksiw at sisig, nakakahiya naman kasi sayo kapag nabitin ka." "Hahaha salamat! Dagdag pang aasar nya pa dito. Naiiling namang kinausap ni Pyre ang waiter. Ng makaalis ng waiter sumeryoso na sya ng tininigan sya ni Pyre. "What?" "Anong kalokohan na naman ang ginawa mo kanina sa labas at bakit kausap mong kapitbahay ko ha?" "Uuuyyy.. nagseselos sya! Hahaha." "Tangna! Mamatay kana!" "Hahaha, hindi nga Tol! Ito ha! seryosong usapan na'to, walang halong malisya purong katotohanan lamang." Nakakunot naman ang nuo ni Pyre na tila lalong naguluhan sa mga pinagsasabi nya. "Yung kapitbahay mo, maganda pala nuh! May laban kay "Girlfriend", Tol." Nakataas ng kilay ni Pyre habang nakikinig lang sa kanya. "At sa tingin ko, Orig! hindi thank you Doc. ang hitsura, mula ulo hanggang paa." Nakita nyang tumaas ang sulok ng labi ni Pyre. Napangiti na rin sya. Pero agad ding nabura ang ngiti nya ng magsalita ito. "Orig talaga! Hindi gaya ng "Girlfriend" mo na parang retokada, mula ulo hanggang paa." Biglang uminit ang ulo nya sa kaharap. "Uy uy.. Mag menor ka rin pag may time Tol, baka makabangga ka't masaktan mo ito." Seryosong sabi nya kay Pyre na nakataas na ngayon ang mga kamay sa ere, na parang humihingi ng pasensya sa kanya. "Hindi ako nanlalait Tol, binabase ko lang sa nakita ko sa kanya nung naka two piece sya." "Nakita mo syang naka two piece? Saan? Kailan?" Natatarantang tanung nya kay Pyre. "Sa Hawai! nakalimutan mo ba na may misyon tayo dun? Tapos niyaya kitang mag beach pero ayaw mo, kasi sabi mo pagod ka?" Mabilis nag rewind sa utak nya nung nasa Hawai sila. "s**t, last week lang yun ah!" "Yeah! At habang mag isa akong naglalakad sa beach, nakita ko si Griffin, kaya boom! Nalaman kong secreto mo." "Tangna! naman... bakit hindi mo ako tinawagan agad nung time na yun ha?" Nanghihinayang na sabi pa nya sa kaibigan na panay ang sulyap sa kapitbahay nitong, nakikipagharutan sa katabi nitong lalake na hindi naman kagwapuhan. "Lam mo Tol, lapitan mo na kasi at umbagin yung manyak na katabi." Nakita nyang kumuyom ang kamao ni Pyre at ang pagtaas baba ng adams apple nito, halatang nagpipigil lang ito ng galit. Inabot nyang balikat nito saka tinapik. Unti unti naman itong kumalma. "Balik tayo kay "Girlfriend", sabihin mo sakin kung flawless din ba sya kagaya nun oh!" Inginuso nya si Daphne na ngayon ay umiinom ng alak sa baso at nagkataong sumulyap sa kanila, agad syang ngumiti at tumango dito. Nagulat na lang sya ng may tumamang kamao sa tiyan nya. "s**t! para san naman yun!" Singhal nya kay Pyre, na madilim ang mukhang nakatingin sa kanya. Hinimas himas nyang tiyan saka nag piece sign na lang sya dito para matapos na. "Wag kang mag alala, kasi ang iyo ay iyo lang at ang akin ay akin lang! Ayan malinaw na usapan yan ha! Hindi pa tayo lasing kaya seryosong usapan ito." "Alam mo Tol, yung iyo palitan mo na!" Kaagad na sumimangot sya. Naiinis na naman sya. "Kasi K., siguradong mamumulubi ka sa kanya! Aba! mantakin mo yun kung gumastos ng pera parang wala lang, kung mag shopping sa Paris o di kaya Hongkong at take note! puro branded pang mga binibili, Tol ha! Allergy kasi sa peke. At ito pa mahilig mag travel, buti sana kung dito lang sa Pinas eh hindi, around the world ang iniikot Tol. Kaya yang mga kayamanan mo, kulang na kulang yan sa mga luho ng "Girlfriend" mo, sinasabi ko sayo, kaya Tol, iba na lang ang syotain mo wag yung si Miss Perfect na yun, mahihirapan ka lang, sige ka!" Habang nagsasalita si Pyre padilim naman ng padilim ang mukha nya. "Tapos ka na?" Seryoso nyang tanong dito. Akmang sasagot na si Pyre ng mag ring ang celpon nya na nakapatong sa mesa. Nalipat ang tingin nilang dalawa sa telepono na nag ri ring. "Girlfriend calling...." Basa ni Pyre. Agad nyang dinampot ang cellphone at sinagot. Basta pagdating kay Hydra natataranta agad sya. Ewan ba nya kung anong meron sa babaeng yun na ikamamatay yata nya, kapag hindi ito napasa kanya. Kasi ang alam nya at nararamdaman nya. Si Hydra ang kaligayahan nya Si Hydra ang buhay nya Si Hydra ang lahat lahat sa kanya At kapag nawala si Hydra sa buhay nya Ikamamatay nya.. Ganun yun!.... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD