Four

1955 Words
Humahangos papasok ng kagubatan si Keros, kasunod nyang tumatakbo si Pyre, Eruto at Prick. Kinausap nya sa earpiece ang tatlo. "Pyre, ikutin mo sa kabila! Hah.. Hah.. Eruto sa kanan ka! Prick, follow me! Hah.." "Copy! Boss K.!!" Sabay sabay na sabi ng tatlo bago nagpulasan. Hinihingal na sabi nya sa tatlo, ito ang gusto nya sa mga kaibigan ,pagdating sa trabaho mga professional ito. Nirerespito sya at ginagalang ng mga ito. 'Hah! Dapat lang, I'm the boss of Asia anyway.' Habang tumatakbo napasulyap sya sa relong suot. Napamura na lang sya ng makitang twenty five minutes late na sya sa usapan nila ni Hydra. Siguradong galit na naman ito mamaya sa kanya. "s**t, move faster! fucker's... go go go." Nakita nyang gumalaw ang halaman sa gilid, walang pag aalinlangang hinagis nyang katana sa direksyong yun, bagsak ang kalaban sa lupa, nakabaon pa sa dibdib nito ang katanang hinagis nya. Agad nya itong nilapitan para kunin ang sandata nya. May naririnig syang hikbi ng bata kaya napalingap sya sa paligid. Nagtaka sya ng walang makita. Hinugot nyang katana mula sa dibdib ng kalaban at akmang tatakbo na ng may maramdamang tumulo sa balikat nya. Sinalat nyang balikat basa ito, malansa alam na nya agad kung ano yun. Tumingala sya, at dun nya nakita ang isang sako na nakabitin, halos magkulay dugo na ito. Hinagis nyang katana sa eri. Pinuntirya nyang lubid na mahigpit na nakatali sa puno. Napalatak pa sya ng maputol ito. Mabilis nyang nilundag ang puno sabay talon sa eri at inabot ang tali. Ng mahawakan nya na ito saka dahan dahan nyang inalalayan makalapag sa lupa ang sako. "Prick, I need your help! To the east now!" Hindi ito sumagot pero alam nyang parating na ito, dali dali nyang nilapitan ang sako saka kinalas ang tali nito. Nabaghan sya ng pagkabukas nya sa sako ay tumambad sa kanya ang duguang batang lalake. Humihikbi ito habang nakapikit halatang tinitiis nito ang sakit na nararamdaman. Nakaramdam sya ng presensya bandang likura, mabigat ang mga hakbang nito. Sigurado syang kalaban ang isang ito. Kaagad syang pumihit bandang likuran nya sabay hagis ng kanyang katana. "Ugh." Narinig pa nyang daing nito bago ang tunog ng katawan nitong bumagsak sa lupa. Umoklo ulit sya para ilabas sa sako ang bata, akma na nya itong bubuhatin ng inawat sya ni Prick na sumulpot na lang bigla sa tabi nya. "Boss K., wait! Let me check him first!" Kaagad naman syang tumabi at hinayaan lang si Prick sa ginagawa nito. Prick, is a bomb expert. Pagdating sa mga bomba, walang nakakalusot dito, ultimo kaliit liitang bomba nakikita at nade detect nito. Gamit ang maliit na pahabang pang sipit na may magnet sa dulo, may dumikit na isang bilog dun. Napangiti na lang sya sa husay ni Prick. Talagang maaasahan nya ito sa ganitong bagay at sitwasyon. "Boss K., hawak namin ang magkapatid na Ractor." Boses ni Pyre mula sa earpiece. "Great! Good job fucker's, kita na lang tayo sa Pinas, mag iingat kayo." "Bakit? Dika ba sasabay samin pauwi? Ani Eruto. "Kuuu! Wag mo ng tanungin yan at siguradong may ibang plano pa yan!" May himig panunuksong pahiwatig ni Pyre. Na ikinangiti lang nya. "How about our inumang session, who will responsible about that? I don't have perang pam pay for the drinks.!" "Tangnang tagalog yan... hahaha!" Natatawang tinapik nya sa balikat ang Russian nyang kaibigan, trying hard talaga itong mag tagalog. Hindi na sya magtataka kung maging katulad ito ni Griffin na baluktot din magtagalog. 'Teka lang bakit kaya biglang nag leave ang isang yun? Hmmm... May milagro yatang ginagawa ang isang yun ah!'' "No worries Prick! Pyre, will pay everything ok!" "Gago, ako na naman ang pagbabayarin mo? eh, halos wala na ngang matira sa sahod ko!" "Ayos lang yan.. sulit naman ang gastos mo, kasi busog naman ang mga mata mo!" Nagtawanan ang magkakaibigan maliban kay Pyre na halatang naiinis na naman sa kanya. "Tsk, bilib talaga ako sa kakapalan ng pagmumukha mong tangna ka." Tawa na lang sya ng tawa sa sagot ng kaibigan sa kanya. Binuhat na ni Prick ang sugatang bata na nawalan ng malay habang nag uusap usap sila. "Ill take care about the kid! Go wherever you want to go!" Ngumiti sya sabay tapik kay Prick, na napapailing na lang habang humahakbang palayo sa kanya. Namulsa naman sya't naglakad opposite sa tinatahak na daan ni Prick. Bago pa sya tuluyang makalayo dito narinig nya pang sumigaw ito sa kanya. "Good luck Boss K.!" Nakangiti nyang nilingon ito at sumaludo pa. Hinugot nyang celpon sa kanyang bulsa, binuksan nya ito agad, bumungad sa screen ang 54 miscalls galing lang sa iisang tao... Kay Hydra. "Holly s**t! I forgot the timeeeee!" Mabilis nyang tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyan nya. Ng makapasok sya sa loob ng sasakyan kaagad nyang hinubad ang suot na damit, nagpunas muna sya ng wetwipes at nagpalit ng damit ng mabilisan, saka nag spray ng pabango, bago pinaharorot ang kose patungong venue ng fashion show ni Hydra dito sa Malaysia. ⚔⚔⚔ Samantalang sa venue naman ng fashion show, panay ang sigaw ni Hydra sa mga staff at models nya. Tanging si Kissy lang ang hindi nya masigawan dahil kababata nya ito at pareho silang Queen b***h. At tanging si Kissy lang ang may alam ng lahat lahat ng sekreto nya sa buhay. "Ganda, bakit high blood kana naman?, meron ka ba at ganyan ka kasungit ngayon?" Tanong ni Kissy sa kanya habang nag aayos ng mga gamit nito. Lalong uminit ang ulo nya ng maalala ang taong pinag mukha syang tanga. "Kainis talaga ang lalakeng yun, pinaasa lang ako! Nakuuuu! Wag lang syang magpapakita sakin at mabubogbog ko sya grrrrrr." "Hahaha, successful naman ang show kahit wala ang boyfriend mo ah!" "Kulang nga eh! Diba ang tema natin Lovers at kaming dalawa ang finale? Eh anong nangyari mag isa akong rumampa! Letche!" Pinagtatapon nyang bawat mahawakang gamit. Naiinis talaga sya kay Keros, ilang beses nya itong tinawagan pero hindi man lang nito sinasagot ang mga tawag nya. Gaano ba ito ka busy na kahit saglit lang ay di magawang sagutin ang tawag nya? Samantalang malinaw ang usapan nilang dalawa, na anytime anywhere basta't kailangan nya ito agad sya nitong pupuntahan kahit busy pa ito. "Ahhhhhh... Kainissss..." Sigaw pa nya sabay dampot ng pinaka malapit na bagay na nahagilap ng kamay nya sa loob ng dressing room, akmang ihahagis na sana nya ito ng matigilan sa sinabi ni Kissy. "Ganda, dyan na boyfriend mu, lentek! kagwapo eh!" "Tse! Landi mo, mag boyfriend kana nga para may maharot ka! Hmp." "b***h" bulong pa ni Kissy na dinig naman nya. Pumihit sya paharap sa pinto, at dun nya nakita si Keros na hingal na hingal at nakahawak pa sa dibdib nito habang humihinga ng malalalim. Ng mahimasmasan ito kaagad na umayos ito ng tayo at nagtama ang mga mata nila. Nakita nya ang pagngiwi nito at pagkamot sa batok. Ng mag umpisa itong humakbang palapit sa kanya kaagad nyang ibinato dito ang hawak hawak nya kanina pa. Lalong nadagdagan ang inis nya ng hindi man lang tinamaan si Keros, mabilis nitong nasalo ang ibinato nya rito. "Girlfriend", sorry na! may inasikaso lang akong importante. Please forgive me! Babawi na lang ako sa'yo!" Pagmamakaawa ni Keros kay Hydra na nagbabaga ang mga mata sa galit. Bumilang sya sa isip at hindi pa umaabot sa lima ang nabibilang nya, nagtatatalak ng babae. Napabuntong hininga na lang sya. "Why your late stupid? Tapos ng fashion show, you ruin everything i***t! Where have you been ha?" Kapag ganito na si Hydra, pinipili na lang ni Keros ang manahimik. Kahit na puro kahihiyan ang natatanggap nya mula dito tinitiis nya, dahil sa maniwala man ito o hindi, mahal na mahal nya ang babaeng ito, kahit na palabas lang ang relasyon nilang dalawa, para sa kanya totoo ito at yun ang pinaniniwalaan nya. "Hydra, tama na! Nakakahiya oh! Daming nakatingin satin." Awat ni Kissy sa kaibigan. "Heh! magtigil ka! ba't naman ako mahihiya sa kanila." Bumaling si Hydra sa mga taong nakatingin sa kanila. "Hey! All of you! Get out of this room now!." Nagpulasan ang mga tao sa loob, isa isang nagsilabasan tanging tatlo na lang sila na naiwan sa loob ng dressing room. "Sa susunod na hindi mo'ko sisiputin sa usapan natin, ipaalam mo kaagad para hindi naman ako mag mukhang tanga! Sigaw ni Hydra kay Keros na nakatingin lang sa mga mata nya ng deretso. Hindi ito nagsasalita basta lang nakatingin sa kanya na kinailang nya. Ng hindi na nya matagalan ang titig nito nag walk out na sya. Pero bago pa sya makalabas ng silid nilingon nya pa ito sabay sabing... "Don't make me feel like s**t! ever again!" puno ng halo halong emosyon ang boses na sigaw ni Hydra sa binata. "Huwag mo akong gawing tanga sa harap ng mga tao. Ako si Hydra Ducliff, hinahangaan, tinitingala sa mundo ng fashion, tapos ikaw lang, sa kagaya mo lang babagsak ang emperyo ko! No way! Hinding hindi ko yun mapapayagan at matatanggap." Sabay walk out nito. Naawa si Kissy sa kaibigan, pero mas naaawa sya sa boyfriend nitong si Keros. Nilapitan nya ito habang hila hila ang maleta nya. Nakayoko lang ito walang kakilos kilos pero napansin nyang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay nito. "Keros, kung ako sa'yo, maghanap kana lang ng iba, yung rerespetuhin ka! Kasi yang si Hydra, di bagay sa'yo yan. Demonyeta yan eh! Hindi langit ang mararanasan mo diyan kundi impyerno." Sa wakas nag angat din ito ng tingin at humarap kay Kissy. "Para mo na ring sinabi na huwag akong huminga!" Ngumiti si Keros sa kaharap, yung klase ng ngiti na walang buhay. Saka huminga ng malalim. "Si Hydra ang buhay ko! At kapag nawalay sya sa piling ko, ikamamatay ko!" Tumalikod na ito at naglakad palabas ng silid. Nakasunod naman ang tingin ni Kissy dito. Nakita nyang nagpunas ito ng mukha. 'Lumuluha ba ito? Ganun ba nya kamahal ang kaibigan ko? Ang swerte naman ng hitad na yun. Kakainggit.' Dere deretso lang si Keros palabas ng Venue, pakiramdam nya lahat ng taong nadadaanan nya ay nakatingin ng may awa sa mga mata. Mabilis ang mga hakbang nya patungo sa carpark. Ng makitang sasakyan pumasok agad sya sa loob. Ipinikit nyang mga mata para pigilan ang emosyong gustong lumabas sa mga mata nya. Ng mapansin ang kani kanina pa nyang hawak, agad na umayos sya ng upo ng makitang parang notepad ito na rainbow color. Naalala pa nyang binato ito kanina ni Hydra sa kanya. Akma syang lalabas ng kotse para ibalik ito sa dalaga ng maalalang galit ito sa kanya. 'Hmmm.. Saka na nga lang! Galit pa si girlfriend sakin eh! Baka kapag sinoli ko ito sa kanya, batuhin na naman ako!' Tiningnan nyang hawak, na curious sya kung bakit di susi ito, ng pindutin nya sa gilid ang lock hindi nya ito mabuksan. 'Aba! Parang may lihim na tinatago itong si girlfriend ah! Teka nga, mabuksan nga ito at baka may malaman pa akong hidden secrets ng babaeng yun.' Naghanap sya ng masusundot sa butas ng lock at ng makakita sa dashboard, kaagad nyang kinalikot ang lock ng rainbow notepad.. Wala pang isang minuto nabuksan na nya ito. 'Yeehah! Ano kaya to, Planner? Hmmmm..' Excited nyang binuksan ang notepad, bumulaga sa unang pahina ang mga litratong pinagdikit dikit ni Hydra. At sa ilalim ng bawat litrato ay may mga caption, pero ang unang una na nakakuha ng pansin nya ay ang pinaka colorful na caption sa pinakagitna. Binasa nya ito .... "Dear Diary❤" Nanlaki ang mga mata nya ng maintindihan kung anong hawak nya. 'Diary? Diary ni Hydra! f**k Yeah!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD