Abalang tumutulong si Keros sa bahay ampunan ng makatanggap sya ng tawag galing kay Erotu. Isa sa mga kasamahan nyang pinagkakatiwalaan sa Hainsha.
"Boss K, confirm! Nahanap na namin kung san nakabase ngayon si Arturo. Apat na bata ang hawak nya ngayon, naibenta na nyang tatlo. Anong plano boss K.?"
Nagtagis ang ngipin nya sa galit. Pero agad syang ngumiti ng may lumapit sa kanyang bata. Humihingi ito ng pagkain.
"Kuya Keros, pede po bang humingi ng isa pang supot ng pagkain?"
"Gutom kapa rin? Nakadalawa ka na Utoy ah! San napupuntang mga kinakain mo ha?"
Lumabas ang sungki sungki nitong ngipin ng kilitiin nyang leeg nitong puro taba. Nagtatatakbo ang bata paiwas sa kanya. Tumatalbog ang mga taba nito habang patalon talong napapalakpak kapag hindi nya naaabutan.
"Hihihi bilisan mo pa kuya, ambagal nyu po." Tukso pa ni utoy kay Keros.
"Boss K.? Andito pako naghihintay ng order nyu boss!" Singit ni Erotu sa harutan ng dalawa.
"Hahaha pasensya na nakalimutan ko na naka Bluetooth pala ako at kausap kita."
"Boss naman, palagi na lang kayong ganyan pag nasa labas kayo."
Reklamo pa ni Erotu sa kanya. Nangiti na lang sya at inabutan ng isang supot pang pagkain ang bata saka ginulo ang buhok nito.
"Utoy, sa susunod na lang ulit tayo maglaro ha! Kailangan na kasing magtrabaho ni Kuya."
Agad na nawala ang ngiti ni utoy at nalungkot ito ng magpaalam si Keros sa kanya.
"Sana Kuya, dalasan nyo po ang pagpunta dito para po may kalaro ako!"
Nakalabing sabi nito sa kanya na parang maiiyak pa.
"Sige ba, basta wala akong trabaho pupunta ako dito, oh wag ka ng malungkot ito dalawang supot na nga sayo, ngitngiti na yan uuuyyy."
Humihikbing napayakap si Utoy kay Keros. Nababaghan naman nyang niyakap at tinapik tapik ang likod nito para kumalma.
"Basta kuya balik po kayo ha!" Sumisinok pa na sabi ni Utoy sa kanya.
Ginulo nya ulit ang buhok ng bata saka tumango. Bago tumalikod at naglakad ng palabas sa bahay ampunan. Sumakay agad sya ng kotse nya at kinausap ulit si Eruto.
"Eruto, ilan kayo ngayon, kasama mo ba si Pyre?." Inistart na nyang sasakyan at nag maneho palayo doon.
"Lima lang kami Boss K., at si Pyre papunta na rin dito."
" Sige, papunta na rin ako diyan sa bahay mo."
"Okidoki." Pinatay na nito ang tawag.
Habang nagmamaneho patungo sa bahay ni Eruto. Pakanta kanta pa si Keros at patapik tapik ang kamay nya sa manebela, ng sa biglang pagliko nya papasok ng subdivision may nahagip ang mga mata nya. Bigla syang napapreno at sinundan ng tingin ang grupo ng kababaehang papasok sa isang boutique.
"Sya yun! Juskolord, hindi ako pwedeng magkamali, sya talaga yun."
Natatarantang ikinambyo nya bigla ang kotse at pumarada sa nakitang parking lot katabi ng boutique kung san pumasok ang grupo ng kababaehan. Pagkababa nya ng sasakyan at maisara ito, tinakbo na nya papasok ang boutique. Agad umikot ang paningin nya para hanapin ang pamelyar na mukhang nagpagulo sa buong sestema nya.
Anim na taon ng nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat kung saan nya iniligtas sa mga kasamahang assassin ang babae.
"Pwede ba Dylan, tigilan mo na ako! Ilang beses ko ng sinabi sayo na tapos na tayo."
Naiinis na singhal ni Hydra sa ex-boyfriend nyang ubod ng kulit. Sana pala hindi na sya sumamang lumabas kasamang mga kaibigan, ayan tuloy nakita na naman nyang antipatiko nyang ex.
"Honey, please forgive me!, hindi ko naman kasalanan yung nangyari samin ni Xandra, sya lang naman ang may gustong mag s*x kami e."
Palusot pa ni Dylan kay Hydra na lalong ikinainit ng ulo nito. Ngani ngani na nyang tuhorin ang pagkalalake nito.
"Lubayan mo na nga ako! Tsupii.. Alis na at parating ng boyfriend ko baka magkagulo pa lalo."
"Girl, diba single ka? Panu ka naman nagka jowa? "
Sabat ni Che, ang tatanga tanga nyang kaibigan . Nilingon nya ito at sinamaan ng tingin. Yumoko naman agad ito at bahagyang lumayo sa kanya. Kahit yung tatlo pa niyang kaibigan naka distansya sa kanya.
Nakangisi naman si Dylan ng tumingin sya dito. Nakakainis ang pagmumukha nito. Pumihit sya patungong entrance ng boutique.
'Naman! Fafalicious coming! San nanggaling ang Adonis na etech?'
Kinawayan nya ito sabay lapit sa kinaroroonan ng lalakeng walang kakurap kurap na nakatingin sa kanya.
"Hi Bhe, kanina pa kita hinihintay! Kainis ka! late kana lang parati."
Niyakap nya ito sabay bulong sa tenga ng lalake.
"I hired you to be my boyfriend today! So act good ok! Pay you later."
's**t! Ang bango naman nya.' Napapikit pa si Hydra habang sinasamyo ang amoy ng kayakap.
"Ha!" Nabigla namang sabi ni Keros.
"Smile" aniya.
Ngumiti naman si Keros at hinayaan ang dalagang kaladkarin sya papunta sa mga kasamahan nitong nakatanga lang sa kanilang dalawa.
"Guys, meet my boyfriend..." ' s**t, diko natanong ang name nya...'
Sumulyap sya saglit sa katabi at tila nakaunawa naman ang lalake.
"I'm Keros, pleasure to meet you all." Malapad ang ngiting pakilala nya.
"Ito bang ipinalit mo sakin Hydra? Eh mukhang lampa naman ito." Nakaismid pa si Dylan.
"Ay teka lang! kung makalait ka, bakit gwapo ka ba? Eh bakla ka naman."
Kaagad na tumaas ang kamay ni Dylan dahil sa narinig, nainsulto ang pagkalalake nya. pero bago pa dumapo yun sa pisngi ni Hydra, nahawakan na ito ni Keros at pinilipit.
"Ang babae minamahal, hindi sinasaktan. Kuha mo?"
Sabi ni Keros kay Dylan na nakangiwi at pilit inaagaw ang kamay sa pagkakahawak nito. Ibinalya nya palayo sa mga babae ang galit na si Dylan.
"Grabehh! girl, hindi lang yummy si fafa Keros tigasin pa! Hihihi!"
"Ay oo saka, mabango pa hmmm! Amoy kapeng barako hahaha."
"San mo ba banda nabili yan, Ng makabili rin ako friend?"
"Me din, want ko rin magka jowa ng ala Robin. Bad boy bah hmmm."
"Heh! magsitigil nga kayo mga haliparot, nag iisa lang yang jowa ko sa mundo kaya maglaway kayo."
Nangingiti naman ng lihim si Keros sa takbo ng usapan ng magkakaibigan. Naaaliw syang tingnan ang mukha ni Hydra habang nakikipagtalo sa mga kaibigan nito. Ng mag vibrate ang celpon na hawak nya. Kaagad na pinindot nya ito at narinig sa Bluetooth ang boses ni Pyre.
"Hoy K, san ka na? Aba! nilulumot na kami dito kakaantay sa'yo ah. Nagmadali pa naman ako kasi urgent daw tong meeting natin."
"Pyre, ikaw na munang bahala sa kanila, busy pa ako ngayon."
Matagal bago sumagot si Pyre, papatayin na sana nyang tawag nito ng hilahin sya ni Hydra palabas ng boutique.
"Ah... Keros right?"
"Yes."
"Give me your number so I can easily contact you! And here, take it."
Nakatingin lang si Keros sa inaabot na pera ni Hydra. Napapailing na hinawakan nyang kamay nito. Sabay ngiti.
"Your always welcome, and, Hydra right?" Tumango naman ang dalaga sa kanya.
"For you my service is free anytime you need me." Sabay kindat pa nya dito.
"Ahhhhaaammmm.... K., sino naman yang kaharutan mo dyan ha?" Sabat ni Pyre sa paglalande nya.
"Oh ok, anyway thank you so much boyfriend. Till next time bye."
Sabay hila ng kamay nito at mabilis ng naglakad pabalik sa mga kaibigan nito. Nakasunod lang ang tingin ni Keros kay Hydra. Napahawak pa sya sa dibdib nyang mabilis ang pagtibok.
"Pyre, nahanap ko na sya." Nakangiting sabi nya sa kaibigan.
"Ha! Sino?"
"Si "girlfriend". " Masayang masaya nyang sabi dito.
"Di nga! Totoo? Baka peke na naman yan K. ha? Wag masyado umasa baka mawala ka na naman sa sarili mo."
Napatawa na lang sya sa sinabi ni Pyre ng maalala nyang mga kagagohang nagawa nya mahanap lang si "Girlfriend". Pero palaging bigo sya. At ng tumigil naman sya sa paghahanap dito saka naman ito biglang nagpakita sa kanya.
"Hoy K. , hinay hinay lang sinasabi ko sa'yo ha! Ayoko ng mag alaga ng asong ulol."
"Hahaha para ba namang matitiis mo ako, ulol! kilala na kita kaya magtigil kana dyan at magtrabaho na."
"Hey! "Boyfriend", I forgot to take your number." Kaway sabay tawag ni Hydra kay Keros.
Napalingon agad si Keros ng marinig ang boses ni Hydra. Ngumiti sya ng pang killer smile na minsan lang nyang ipakita. Kasi priceless ika nga.
"No need, I'll be the one to call you." Maangas nyang sabi dito.
"Really! how?"
"I have my ways "Girlfriend"," sabay kindat. "gotta go. Bye."
'Pa impress konti at medyo pa mysterious ang dating, para may thrill hehe.'
Pagkapasok nya ng kotse kaagad nyang tinawagan si Griffin, isang spy na niligtas nya noon at ngayon kaibigan na nya.
"Yow K., Waz up?"
"Griff, favor! " aniya.
"Send me some details and give me one day ok! Sayonara." Pinatay na nito ang tawag.
'Hmmm busy ata si singkit ah, two minutes pa lang nag goodbye na! '
Kaagad nyang pinadala kay Griffin ang litrato ni Hydra habang nakikipagtalo sa ex nito kanina. Malapad syang ngumiti ng mapagmasdan ang naiinis nitong mukha.
'Ang ganda mo talaga! Sobra, walang tapon mula ulo hanggang paa, PERFECT! mwah mwah.'
Hinalikan nya ng paulit ulit ang screen ng celpon nya kung saan ang litrato ng dalaga.
'Sa wakas nahanap din kita "Girlfriend"! at sisiguraduhin kong hinding hindi na kita pakakawalan pa. Kasi simula ngayon maniniwala na ako sa FOREVER.'
?MahikaNiAyana