Six

1259 Words
"San na ba kasi yun, san ko ba nailagay ang diary na yun?" Natatarantang mangiyak ngiyak na si Hydra sa paghahanap ng kanyang Diary. Nahalughog na nyang lahat ang laman ng kanyang maleta, binaliktad pa nga pero wala talaga hindi nya makita kita, kahit yung hand carry bag na bitbit ni Nana Maring naibuhos na nyang laman nun sa kama nya. "Nanaaaaa!," Nagtatakbo naman papasok ng kwarto nya ang 55 yrs old nyang Nana na si Maring, bisaya, tubong Iloilo. Halos ito na ang nagpalaki sa kanya, simula ng mamatay ang mama nya nung walong taong gulang pa lang sya. "Bebey, endi ko man maketa ang Dayare na senasabe mo eh!" "Nanaaa! Nandun po lahat ng memories ko!" Naiiyak nyang niyakap si Nana Maring, na panay naman ang hagod sa buhok at lilod nya. Para ng ina ang turing nya dito, at anak naman ang turing nito sa kanya. "Tahan na Bebey ko, bebele na lang tayo ng bago, yung mas malake na para maketa naten kaagad ha!" Pang aalo pa nito sa alaga, masyado nitong spoiled si Hydra, ayaw na ayaw talaga nitong nakikitang umiiyak ang dalaga. "Si Nana talaga!" Natatawang mas niyakap pa nya ito ng mahigpit. "Bebey ko, wag kana eeyak ha! Sya mag ayos kana at magmo Moll tayo, belesan mu ha! Hentayen na keta sa baba." Pinunasan pa nito ang pisngi ni Hydra, bago lumabas ng silid. Masamang masama ang loob ni Hydra dahil mahalaga ang Diary na yun para sa kanya. Lahat ng lihim sa buhay nya halos sinusulat na nya sa Diary na yun. Ng bigla nyang naalala si Kissy, nagmamadali nyang hinanap ang cellphone at agad tinawagan ito. "Hey b***h, nakita mu bang Diary ko?" Umaasa syang baka na kay Kissy ito, at nakalimutan lang nitong sabihin sa kanya. "Duh! Anu naman ang gagawin ko sa Diary mu? saka hindi ako interesado." Naiinis talaga sya minsan sa mahaderang ito, sobra pang kamalditahan nito sa kanya. "I'm just asking b***h, your so rude." "Enough! I'm busy, Goodbye." "Nakuu! Ahhhhhhh..." Naihagis nyang cellphone sa inis..basag na itong bumagsak sa sahig. "s**t, now, I have to buy a new one." Kainis. "Bebey ko, may beseta ka, penatuloy ko na." Boses ni Nana Maring na nasa labas lang ng kwarto nya. 'Bisita? Sino naman kaya yun, wala naman akong appointment ngayon ah.' "Nana, sino po?" "Aba'y boypren mu raw, ang poge, Bebey, saka mabaet naman kaya nga penapasok ko na. Belesan mo dyan ha! bumaba kana agad. Baba na ako Bebey ko!" 'Si Keros? Nandito si Keros? Panu nya nalaman ang tirahan ko? Sa pagkakatanda ko pa nga ni minsan hindi ko nabanggit sa kanya ang address ko.' Takang taka si Hydra kung san nito nalaman ang address nya, at kung ano ang pakay nito sa kanya. Ng maalala nya noon ang sabi ni Keros sa kanya. 'I have my ways.' Minsan napapaisip sya, kung anong klaseng buhay meron ito, kung ano bang trabaho nito. Kahit minsan hindi man lang sya nag abalang magtanong dito. Basta magaan lang ang loob nya sa binata at para sa kanya sapat na yun para pagkatiwalaan nya ito. "Ok, sige po Nana, bababa na rin po ako." "Oke! Belesan mo ha! Kausapen ko muna para hende maenep." "Oho!" Kaagad syang pumasok ng toilet at nanalamin, nakita nyang bahagyang namamaga ang mata. Kaya kumuha sya ng concealer at tinakpan ang namamagang bahagi ng kanyang mga mata. Nag retouch na rin sya para fresh syang tingnan. Ng makontento sa hitsura nya dali dali na syang lumabas ng silid at bumaba sa sala. "Heheheh, kung ako yun eho, tenaga ko ng hayop na eyon eh!" "Nakakaawa po kasi, kaya pinakawalan ko na lang po." Dinig nyang usapan ng dalawa, hindi man lang sya napansin ng mga ito, Basi sa nakikita nya parang matagal ng magkakilala ang dalawa. May pahampas hampas pa si Nana Maring sa braso ng binata. "Anuba trabaho mo eho?" Nakita nyang biglang natigilan si Keros, parang nagdadalawang isip pa itong sagutin ang tanong ni Nana Maring. "Isa po akong Agent." "Ah eyong col center ba eho?" "Hahaha Opo, yun nga po, isa nga akong call center agent." At nagtawanan na naman ang dalawa. Napahinto lang ang mga ito ng biglang tumayo si Keros at binati sya. "Hello! Girlfriend?" Kaylapad ng ngiti nito. "Why are you here?" Nakataas ang kilay na tanong nya kay Keros. mula sa pagkakangiti nito, biglang naging seryoso ang binata. Nakita nyang may hinugot ito sa loob ng leather jacket nitong suot. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang hawak nito. "My Diary!." Hinablot nya ito sa kamay ni Keros, patalon talon pa sya habang yakap ito. "Nanaaa.." Naluluha nyang tinakbo si Nana Maring at mahigpit na niyakap. Nakatingin lang si Keros, nangingiti na lang sya sa inasta ni Hydra, para talaga itong bata. "Bebey ko, hende ka ba magpapasalamat sa boypren mo? Ibenalek nyang Dayare mu, kaya hala, pasalamatan mo sya." Imbis magpasalamat, iba ang nasabi ni Hydra. "Bakit na sa'yo tong Diary ko ha?" "Binato mo sakin nung nasa Malaysia tayo." Seryosong sagot ni Keros sa kanya. Somehow, she felt guilty and pity for the man standing in front of her now. Naisip nya, mabait naman ito sa kanya, lahat ng utos nya sinusunod nito ng walang reklamo, madalas nga lang late ito. "Binasa mo bang Diary ko?" May pagdududang tanong nya dito. "Di ah! naka lock kaya panu ko mababasa yan?" Mabilis na depensa ni Keros, saka kinalma ang sarili, pagdating talaga kay Hydra bahag ang buntot nya. Parang maamong aso sa amo nya. "Malay ko ba kung may ginawa ka para mabuksan ito!" "Tsk! Grabe, imbes na magpasalat pagbibintang pa ang napala ko." Mahina lang ang pagkakasabi nya pero narinig pa rin ni Hydra, na ikinainis naman nito. "Anong sinabi mo?" "Wala naman akong sinasabi ah! Grabe ang tenga mo ang talas tsk!" "Kasalanan mo kung bakit ako naiinis sa'yo, stupid b***h!" 'Heto na naman po sya, mumurahin na naman ako,.' "Bebey ko, bawal mag mura remember dat!" "Sorry po Nana!" Napataas ang kilay ni Keros sa narinig. 'Aba marunong din pala mag sorry ang babaeng ito, pero siguro, dun lang sa mga taong pinahahalagahan nito, at hindi ako kasali sa listahan ng mga taong mahalaga dito'. "Bebey ko, deba mag Mo Moll tayo? Rede na se Austen, sama ka samen eho kaen tayo lebre ne Bebey ko!" Anyaya sa kanya ni Nana Maring, mabait ang matanda sa kanya ayaw nya sanang tumanggi kasi ayaw nya itong magdamdam, pero ibang usapan na pagdating kay Hydra. "Pasensya na po Nana Maring, may lakad pa po kasi ako, baka sa susunod na lang po ako sasama sa inyo." "Sayang naman eho, gusto pa naman keta kasama!" "Pasensya na po talaga! Sige po aal - ." Naputol ang sana sasabihin ni Keros kay Nana Maring ng magsalita si Hydra, pagkatapos ilapag sa sofa ang diary nito, inakbayan si Nana Maring at masuyong inakay palapit kay Keros. "Sumama kana, ang arte mo." Nagulat pa si Keros ng hawakan sya sa kamay ni Hydra at hilahin palabas ng bahay. Habang akbay naman nito sa kabila si Nana Maring. At ng magtama ang mga mata nila ng matanda, kumindat pa ito sa kanya at inginuso si Hydra na nakapagitan sa kanilang dalawa. Malapad ang ngiting tumango sya kay Nana Maring, saka bumaba ang tingin nya sa kamay nila ni Hydra na magkahawak. 'Haaay, nasa langit na ba ako?' Yun ang akala ni Keros, dahil first time nyang makakasamang mag shopping si Hydra, ngayon nya lang mararanasan at masasaksihan kung paano magwaldas ng pera ang babaeng sinasamba nya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD