Seven

975 Words
'Grabe, ang babaeng to! Parang hindi napapagod tsk. At kung makapag waldas ng pera parang barya lang ang presyo ng mga pinamili nito.' Bumaba ang tingin ni Keros sa mga paper bag na dala, halos dina nya mabitbit ng ayos ang iba dahil sa dami nito. Napaangat ang tingin nya ng may biglang lumitaw na bench paper bag sa harap nya. "Oh ito pa bitbitin mo, saka bilis bilisan mong kilos." Ng hindi man lang sya gumalaw kahit konti, naiinis na ihinampas ni Hydra ang hawak na paper bag sa dibdib nya. Dahilan para mabitawan nyang lahat ng paper bag na hawak. Saka, tumalikod na lang ito basta at iniwan syang nakatanga sa mga paper bag na nakakalat sa lapag. "Sir! Ok lang po ba kayo? Naku! ang mga dala nyu po." "Ok lang ako Miss, kaya ko na'to." Nakangiti nyang sabi sa saleslady ng Bench saka umoklo at isa isang dinampot ang nagkalat sa lapag na mga paper bag.. "Tutulungan ko na po kayo Sir!" Hindi na sya nagsalita pa, basta dampot lang sya ng dampot, ganun din ang ginawa ng saleslady. Ang hindi alam ni Keros kanina pa sila pinagmamasdan ni Hydra. "Boyfriend!" "Teka! Sandali lang naman, matatapos na'ko dito." Sagot ni Keros na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Hydra. Nadagdagan naman ang inis nito kaya tinawag nya ulit si Keros. "Boyfriend!" Medyo pasigaw ng boses ni Hydra kaya napaangat agad ang tingin ni Keros, at nun nya lang napansin at nakita ang nanlilisik na mga mata ni Hydra. Nakapamewang pa ito, habang nasa likuran naman si Nana Maring na sumesenyas sa kanya. Pinapalayo sya sa saleslady na walang kamalay malay sa mga nangyayari. "Ahm Miss, wag mo na akong tulungan, kasi selosa ang girlfriend ko, baka mamaya kalbuhin ka nun, sayang naman yang mahaba mong buhok kung mawala sa ulo mo!" Pabiro naman nyang sabi sa saleslady para hindi ito ma offend sa kanya. Natatawa naman itong inabot sa kanya ang mga paper bag saka naglakad pabalik sa pwesto nito. Ng sa wakas nahawakan na nyang lahat ang mga dala, tumayo na sya't nilingon ang salesgirl na tumulong sa kanya. "Thank you Miss." "Your welcome po Sir, please come again, babye po." 'Nakakainis ang lalakeng ito ah, parang hangin lang ako dito, kung makipaglandian wagas hmp, makikita mo.' At nagmarcha na sya palapit kay Keros at walang sabi sabing hinila nya ito sa tenga at kinaladkad palabas ng bench shop. Tahimik lang ito walang reklamo na sumasabay sa bawat hakbang nya. Hindi pa sana nya ito bibitawan kung hindi namagitan si Nana Maring sa kanila. "Bebey ko! Hende maganda yang pag uugaleng ganyan ha! Masama yung nananaket ka ng walang tamang dahelan, hende keta penalakeng mageng bastos!" Dahil napahiya, hindi nakapag salita si Hydra. Alam nya naman kasi na mali ang kanyang ginawa. At saka ayaw nyang nagagalit sa kanya ang Nana Maring nya. Nakalabi na parang maiiyak na si Hydra, habang pinagkikiskis ang dalawang palad. Naawa naman si Keros sa nakikitang hitsura ng dalaga, kaya nilapitan nito si Nana Maring at pinakalma. "Ok lang po yun Nana Maring, kasalanan ko naman po eh! Wag nyu na pong pagalitan si Hydra." "Kuuu, ekaw talagang bata ka! Masyado kang mabaet sa gerpren mo. Ekaw ng nasaktan ekaw pang humehenge ng sore! Wag mong kunsentehen yang gerpren mo kapag male ang genagawa nya, hende magandang ugale ang ganun, masama yun." Napakamot na lang sa batok si Keros at di sinasadyang napatingin kay Hydra na nakayuko na habang ang mga kamay nito ay namumula na sa kakakiskis nito. Kaagad nya itong nilapitan at hindi na nag iisip na hinawakan nya ang mga kamay nito para pigilan ito sa ginagawa. "Tama na yan girlfriend, namumula ng mga kamay mo oh!" Hindi ito nagsalita panay lang ang hinga nito ng malalim. Parang nagpipigil na huwag mapaiyak sa harapan nya. "Sorry na! kung may nagawa man akong kasalanan sa'yo, okey lang naman kung hindi mo'ko patawarin, kung gusto mo parusahan mo lang ako, hindi ako magrereklamo. Ayos lang sakin kung anong gus - ." Napatigil sya sa pagsasalita ng marinig nya ang mahinang paghikbi ni Hydra. Natataranta naman nyang tiningnan si Nana Maring na nag thumbs up lang sa kanya. "Uy! girlfriend! nag sorry na nga ako diba? Kaya sige na smile kana! Hmmm." Nagulat na lang si Keros ng biglang yumakap sa kanya ang umiiyak na dalaga. Nanigas ang katawan nya habang nanlalaki ang mga mata at awang ang labi. Ilang segundo din syang natigilan bago gumana ang utak nya. "Ssss tahan na! Ako naman ang nasaktan hindi naman ikaw ah! Dapat nga ako ang umiiyak hindi ikaw." Naramdaman nyang umaalog ang katawan ng kayakap. Napangiti na rin sya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. "Gago ka! kasalanan mo, kaya ako napagalitan ni Nana Maring." "Hmmm." Yun lang ang tanging naisagot nya, kasi nasa cloud nine ang pakiramdam at utak ni Keros, dahil ngayon lang sya niyakap ni Hydra, sa mahigit dalawang buwan nilang naging magkasintahan ni hawak hindi nya nagawa dito. Kaya susulitin na nya ngayon dahil baka hindi na maulit ang ganitong pangyayari. "Libre mo'ko! Ikaw ang magbayad kasi ikaw naman ang may kasalanan." "Sige! Kahit san mo gusto, akong bahala hmmm." Biglang tinampal ni Hydra ang likod nya dahilan kaya napabitaw sya dito. "Awwww... Arayko naman! Napakasama mo talaga sakin." Tawa naman ito ng tawa sa hitsura nyang namimilipit sa hapdi na galing sa pagtampal nito. "Boss K.?" Sabay pa silang napalingon ni Hydra sa pinanggalingan ng boses na iyun. Nanlaki ang mga mata ni Keros ng makita sila, Pyre, Eruto, Prick, Griffin at Aeris. "Kilala mo ba sila, boyfriend?" Hydra. "Ay abaw! ka mga gwapo sa ela ba!" Nana Maring. "Wowww! It's raining men eeee!" Mga usyosera. At si Keros naman... 'Oh s**t! Not now, Please!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD