Eight

1859 Words
"So, they're all your friends huh!" Pinasadahan ng tingin ni Hydra ang limang kalalakihang nakatayo ngayon sa harapan nila. Nakangiti ang mga ito at bahagyang sumaludo pa sa kanya. "Hmmm." Tipid na sagot ni Keros, habang panay ang senyas sa mga kaibigan na umalis ng mga ito. Pero nagmatigas ang lima at nanatili lang sa kani kanilang pwesto. "Eho! agent den ba sela gaya mo? Ke gagandang mga lalake eh! Parang mga model!" Si Nana Maring, na kinikilatis ang mga kaibigan nyang tila naman nagulat sa sinabi ng matanda. Inunahan na nyang mga kaibigan na magsalita baka kasi madulas at ikapahamak pa nilang lahat kapag nanahimik lang sya. "Opo, Nana Maring, lahat po kami mga call center agent." 'Hmmm.. Lahat may hitsura at mukhang yayamanin, sabagay kahit si Keros mukhang mayaman din, hindi mapaniwalaang call center agent lang ito.' Nanunuring tinitingnan isa isa ni Hydra ang mga lalaking kaharap. "Ah ganun ba! Sege nga, magpakelala na kayo samen mga eho! Gusto ko mauna ka!" Magiliw na sambit ni Nana Maring. At itinuro ang lalaking maraming tattoo sa braso. Nakamasid lang si Hydra at nakikinig sa usapan ng mga ito. "I'm Griffin Nylian, half Japanese half Italian. Sharing a quote that says... "Love is not all about giving what they want to be happy and committed but instead trying to understand them and giving them what they need even tho they’re not asking for it." "Ang ganda ng senabe mo eho! Kahit hende ko maentendehan lahat! Hehehe." Humagalpak ng tawa si Griffin, ganun din sila maliban lang kay Prick na seryoso at walang mababasang emosyon sa mukha nito. "Hahah! f**k, she's so funny." Agad sinipa ni Keros ang paa ni Eruto. Ng tumingin ito sa kanya pinandilatan nya ito ng mga mata. Napatikom ito ng bibig halatang nagpipigil lang ng tawa. "Ahmm..Eruto Dryad, American. Ahmm.. saying, "The most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, and forgetting that you are special too." Tumalikod agad ito saka nagmura habang tumatawa.. Napapailing na lang si Keros na napasulyap kay Nana Maring na halata ang paghanga sa mga kaibigan nya. Si Hydra naman ay tahimik lang. Hindi nya mahulaan kung anong tumatakbo sa isip nito. "Prick Lefur, Russian." Naghintay sila sa quote na sasabihin ni Prick, pero ilang minuto ng lumipas hindi na nagsalita ito, tahimik lang itong nakatayo sa isang tabi habang patingin tingin sa mga taong dumadaan. "Heey Prick." Kuha ni Keros sa pansin nito. "Yeah!" "Where's your Quote?" "Quote?" "Yap! Like Griffin and Eruto, they shared their thoughts with us!" "Oh! Sorry! I forgot.. Hmmm.. "Take a lover who gets your strange sense of humour and feels your music. Someone who celebrates your weirdness and adores your creative chaos. Someone who doesn't look at you like you're crazy when you're talking. Someone with eyes to see past your body and straight to the heart of what you are." Pumalakpak pa si Keros at nag thumbs up kay Prick. "Nice one Bro." Nalipat ang tingin nito kay Pyre na abala sa celpon nito. "Pssssttt." Tawag nya dito. Agad naman itong tumingin sa kanya. "Neighbor? Hmmm." Hula nya. Bilang sagot itinaas nitong kamay at pinakita sa kanya ang gitnang daliri nito. Napangiti na lang sya sa ginawa ng kaibigan. "Being happy doesn’t mean that everything is perfect. It means that you’ve decided to look beyond the imperfections... Pyre Tymal, Turkish." 'Lahat may lahi, ibig sabihin hindi ordinaryong tao si Boyfriend kung ganun.' Napapaisip ng malalim si Hydra. "And I'm Aeris Blyze, Australian. "Don’t wait for someone who’s not even sure what they want out of your relationship. Look for someone who finds something new every other day to love about you, even the little annoying things.” Hindi na nakatiis si Hydra kaya nagtanong na sya sa mga ito. "Wow! Amazing introduction! Napansin ko lang, lahat kayo may lahing banyaga, paano kayo naging magkakaibigan?" Nagdududang tanong ni Hydra sa kanila. Lalo na kay Keros. Nagkatinginan ang magkakaibigan at sa ganun lang agad na nagkakaintindihan, bago sabay sabay na sumagot. "Call Center" 'Sabi ko na nga ba! May inililihim ang mga ito sa'min..Hmm malalaman ko rin kung anuman yon.' Natatawang naiiling si Hydra, halata naman kasing may tinatago ang mga ito sa kanya. "How about you? Gusto rin naming makilala ang imaginary girlfriend ng baliw na yan." Tinuro pa ni Pyre si Keros na nakasimangot habang inaayos ang mga paper bag na bitbit nito. Napangiti naman si Hydra dun sa sinabi ni Pyre na "imaginary girlfriend". "Ok! I'm Hydra Ducleff, and my quote .. "I'm not a perfect girlfriend that anyone will have but when I'm in love, I always cross the bridge for the person who will make me smile genuinely." "Wooo! swerte ng isang baliw dyan!" Panunukso ni Eruto kay Keros na kaylapad ng ngiti. "Ekaw eho, hende ka ba magpapakelala samen?" Biro ni Nana Maring kay Keros. Na natatawang sinakyan naman nito. "I am Keros Kitsume, half Korean half Canadian... At ang kasabihan ko ay... "Sarap sigurong mahalin sa paraang kung paano ka magmahal." Habang sinasabi ito ni Keros, titig na titig naman si Hydra sa kanya. At ng magtama ang mga mata nila ng dalaga, kinindatan pa nya ito. "Sa lahat ng mga nareneg ko yung sayo lang eho ang penaka gusto ko!" "Talaga! po Nana? Bakit po yung akin lang, eh yung sa kanila po di nyu ba nagustuhan?" "Eh kase, yun lang ang naentendehan ko! Hehe." Napatawa silang lahat, kahit yung mga taong napapadaan at malapit sa kanila na nakarinig ng sinabi ni Nana Maring, natawa na rin. At sa kalagitnaan ng tawanan may unang nakaramdam ng gutom. "Oh f**k! I'm so hungry." Biglang sabi ni Eruto na panay himas sa tiyan, nagsireklamo na rin ang iba pa nyang kaibigan. Parang alam na ni Keros kung anong kasunod kaya dinampot na nyang mga paper bag na inilapag nya sa tabi ng magsilapitan kanina ang mga kaibigan. Tinulingan naman sya ni Prick sa pagbitbit. "Let's go guys, kain tayo libre ni Keros." Anyaya ni Hydra sa mga kaibigan nya, inakbayan nito si Nana Maring at masuyong hinila patungo sa paborito nitong kainan. "Hell, yeah!." Sabay sabay namang sigaw ng mga ito at ng akmang maglalakad na ang mga kaibigan nya pasunod kila Hydra, pinigilan nyang mga ito. "Hep.. hep.., at saan naman kayo pupunta ha? Magsiuwi na nga kayo!" "At bakit naman kami uuwi? Di'mu ba narinig? Inimbitahan kami ng girlfriend mo, nakakahiya namang tumanggi baka magtampo sya samin diba!" Naiinis na sininghalan nyang mga kaibigan, na tila natutuwa namang nakikita syang naaiinis, kaya lalo pa syang inasar ng mga ito. "At sinong magbabayad ng mga lalamunin nyong mga tangna kayo ha?" Nanggagalaiting sigaw nya sa mga ito. Na tinatawanan lang naman sya. "Ikaw syempre! Girlfriend mong nag aya samin eh! Si Griffin na humahakbang papunta kila Hydra na medyo malayo ng nalalakad sa kinaroroonan nila. "Ah ganun ha! Ang kakapal talaga ng mga mukha nyung mga tangna kayooo.." Sinugod nyang mga ito at pinagsisipa, panay naman ang ilag at sangga ng mga kaibigan nya na nagtatawanan at nagtatatakbuhan kahit saan makatakas lang sa kanya. Ang hindi nya napapansin unti unti na nyang nabibitawan isa isa ang mga paper bag na hawak. "Griffin, damihan mong kain kasi ngayon lang manlilibre si Boss K." Narinig nyang sabi ni Eruto kay Griffin na patago tago sa mga taong naglalakad. "Oh yeah! I'll order the most expensive fooo -." Napahinto ito sa pagsasalita ng maabutan nya ito, agad nyang dinibdiban ang nagulat na si Griffin. Sa kadadaldal kasi nito hindi sya napansin na pasimpleng tumabi sa mga taong naglalakad malapit dito "Ouch, shit... f**k you! K." Sapo ang dibdib na mabilis itong tumakbo palayo sa kanya. "Hahaha, bilisan nyung tumakbo mga fuckers dahil oras na maabutan ko kayo, sa hospital ang uwi nyoooo..." Habang naghahabulan ang limang baliw abala naman si Prick kakadampot ng mga paper bag na nakakalat lang sa lapag, may mga taong napapadaan na tumutulong sa kanya pero karamihan nanonood lang sa mga kaibigan nyang naghahabulan at nagsusuntukan kapag nagpang abot na. "What happened to them? What are they doing? Nagtatakang tanong ni Hydra kay Prick. Iniwan nya muna si Nana Maring sa restaurant at binalikan sina Keros, dahil ilang minuto na silang naghihintay wala pa rin ang mga ito. " Running for their lives, cause crazy Keros wants to take them down, I guess." Hindi maintindihan ni Hydra ang paliwanag ni Prick, kaya nilapitan na lang nya ang mga isip batang naghahabulan pa rin sa gitna ng karamihan sa loob ng Mall. "Boyfriend!" Na estatwa bigla si Keros ng marinig ang boses ni Hydra bandang likuran nya. 'Patay! Bakit ba nawala sa isip ko na kasama ko pala si girlfriend ngayon.' "Anong ginagawa nyu?" "Wala to, nagbibiruan lang kami diba guys?" "Anong nagbibiruan ka dyan! Eh, gusto mo na nga kaming patayin eh! Araaayyy sakit ng likod ko!" Sabi ni Pyre na dumadaing kunyari sa sakit. "Tangna!!! Ulol sa leeg kita tinamaan hindi sa likod, gagong to." "Pareho na rin yun moron, araay sakit ng leeg ko!" "Langya! Wala ka talagang talent sa pag arte Pyre, kaya ka napapahamak eh hahaha!" Sabi naman ni Aeris na parang balewala lang sa kanya ang dumudugong ilong. Habang si Griffin naman himas himas pa rin ang dibdib. "Hey i***t! Pakaingning mo kami, p*****t for hurting us!" Sabi naman ni Griffin na trying hard mag tagalog. Natatawa naman ang mga nakakarinig sa usapan nila. "Anong pakaingning? Baka pakainin, stupid wag kana ngang magtagalog Griffin ang sagwa pakinggan eh!" Naiiritang saway ni Keros sa mga traidor nyang kaibigan. Pumagitna na si Hydra bago pa maghabulan ulit ang mga baliw na ito. Nakakahiya na masyado ang mga pinaggagawa ng mga ito. "Let's go guys! Nana Maring is waiting." Nag umpisa ng maglakad si Hydra pero dipa nga sya nakakalayo narinig na nyang nagtatalo na naman ang mga ito. Pumihit sya paharap sa mga ito at seryosong tumingin kay Keros na nagkataong sumulyap naman sa kanya habang pinag mumura ang mga kaibigan. "Boyfriend!" "Yeah" "Bilisan nyu, alam mong ayoko ng pinaghihintay ako!" Napailing na lang si Keros, sabay hagod sa buhok nyang natanggal sa pagkakatali. "Hayy, ok! coming..." Bumaling sya sa mga kaibigan at tiningnan ito isa isa, at ang mga hudas parang nagpapaawa pang mga mukha na nakipagtitigan sa kanya. "Okey, eat all you can fuckers! Ngayon lang mangyayari ito kaya sulitin nyu na!" "Hell, Yeah! Sabay sabay na sabi ng mga ito at nag uunahang tumakbo papunta sa restaurant na pinasukan ni Hydra. "Thank you Boss K." Sabi ni Prick na tanging naiwan sa tabi nya. "Your welcome Prick. Let's go!." Tinapik nyang balikat nito saka nauna ng naglakad. "Don’t be afraid to start over Boss K. It’s a brand new opportunity to rebuild what you truly want." Napangiti na lang si Keros sa pahabol na salita ni Prick! Nilingon nya ito saka nag thumbs up! Sa lahat ng mga kaibigan nya, tanging si Prick lang ang matino sa lahat. Maswerte sya kasi kahit malayo sya sa kanyang pamilya, may mga kaibigan naman syang kasa kasama sa hirap man o ginhawa. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD