Nine

3100 Words
From: Nana Maring 'Eho, nawawala se Bebey ko, nag aalala na kame ng Daddy nya. Tulungan mo kameng mahanap sya eho!' Nabalot ng takot at pangamba si Keros ng mabasa ang text message ni Nana Maring. Marami ring miscall na hindi nya nasagot dahil nasa misyon sila at ngayon lang natapos. Nagmamadali syang nagligpit ng mga gamit, bitbit lahat ng kakailanganin nya tinakbo na nyang pagitan ng kotse mula headquarters nila. 'God, sana walang nangyaring masama kay girlfriend!' Pagkasampa sa kanyang sasakyan, kaagad nyang pinaharorot yun patungo sa bahay nila Hydra. Papasok pa lang sya ng subdivision marami ng police ang nakakalat sa loob at labas nito. Mahigpit din ang security ng subdivision ng sya ng nasa check point, hindi sila basta basta nagpapapasok ng walang id, kaya napilitan syang ipakita ang credentials nya bilang agent saka lang sya pinapasok. Malayo layo pa sya sa bahay nila Hydra pero nakikita na nyang mga nbi, police at military na nakapalibot sa buong bakuran ng mga Ducleff. Halatang mataas at may posisyon sa lipunan ang Ama ni Hydra, hindi maikakaila na malakas ang impluwensya nito. Pagkahinto pa lang ng sasakyan nya sa harap ng bahay nila Hydra, kaagad na pinalibutan ng mga militar ang sasakyan nya. Napapalatak na lang sya at agad lumabas ng sasakyan. Magsasalita pa sana sya para despensahan ang sarili ng marinig nyang boses ni Nana Maring na papalabas ng gate at halos tumakbo na ito makalapit lang agad sa kanya. "Ehooo... Bute nakarating ka, haleka pasok ka sa loob, kanina pa naghehentay se Ser Archer sa'yo." Hindi na sya nagsalita pa, basta na lang nya hinayaan si Nana Maring na hilahin sya papasok ng mansyon. Pagkapasok nila sa loob ng bahay agad nyang nakita ang medyo may edad ng lalake na nakaupo sa pang isahang sofa. Seryoso itong nakatingin lang sa kanya. 'Teka! Parang pamilyar sakin ang taong ito ah! Hmm saan ko nga ba sya nakita?' "Maupo ka Agent Kitsume, may mahalaga tayong pag uusapan." Natulos sa pagkakatayo si Keros ng marinig nyang pamilyar na boses na yun, hindi sya maaring magkamali ito ang boses na palaging naririnig nya kapag may mga secret mission sila. Ang misteryosong boses na nagbibigay ng order sa bawat misyon nila at ang ama ni Hydra ay iisa? Imposible! No way! Nanlalaki ang mga matang napatigtig sya dito, ng ma realized nya, na ang taong kaharap nya ngayon, ay isa sa mga founder ng Hainsha Organization. Tanging sila lang na mga Head Boses ng iba't ibang contenente ang nakakakilala sa mga Founder ng Hainsha. Buhay nila ang kapalit kapag may nakaalam ng lihim na pagkatao ng mga ito. "Sir!" Kaagad syang napatuwid ng tayo at sumaludo dito. Kung hindi sya nagkakamali ang kaharap nya ay si 'RAKTOR" ang codename ng 2nd founder ng Hainsha. "Sit down! I have documents to show you." "Thank you, Sir." Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Kaagad naman syang umupo sa bakanteng upuan kaharap nito. Inabot sa kanya ni Raktor ang makapal na folder. "Open it!" Kaagad naman nyang binuksan ang folder, at duon tumambad ang mga litrato ni Hydra na walang malay at nakakadena ang paa at kamay nito habang patihayang nakahiga sa kama. Nanginginig ang mga kamay nya habang pinapasadahan ng tingin ang bawat litrato ni Hydra. May kuha itong hinihipuan ng isang lalake, meron ding sinasabunutan ito, at ang mas malala pa ay ang nakikita nyang mga sugat sa braso, binti at putok ang labi nito. Napapikit na lang sya ng mga mata ng maramdaman ang pamamasa nito. "Girlfriend.." Mahinang sambit nya, pero narinig pa rin ng kaharap nya, hindi rin nakaligtas sa matalas na mga mata nito ang pagtulo ng luha ni Keros na kaagad naman nitong pinunasan, sunod sunod din ang paghinga nito ng malalim para siguro kontrolin ang emosyong nararamdaman. Ang lahat ng nakikita ngayon ni Raktor sa boss ng Asia ay nakapagpasaya sa kanya. Napangiti sya ng lihim, ngayon masasabi nyang nasa mabuting kamay ang kaisa isa nyang anak. Simula pa lang ng pumasok si Keros sa Hainsha, magaan ng loob nya dito, napahanga sya sa kakayahan nito kaya inerekomenda nya sa mga kasamahang founder na gawing Boss ng Asia si Keros na sinang ayunan naman ng mga kasamahan nya. "Hahh! f**k! Haah!" Nakita nyang tinapik tapik ni Keros ang dibdib nito saka malalim na huminga ng sunod sunod. Kaya inalok nya ito ng maiinom. "Have a drink first, here! " "T- thank you, Sir!" Kaagad namang inabot ni Keros ang isang baso ng malamig na orange juice. Ng bahagyang kumalma na ito saka sya nagsalita. "You ok now, Agent Kitsume?" "Yes Sir!" Napaangat ng mukha si Keros at deretsong tumingin sa mga mata nya. Namumula ang mukha nito lalo ng mata at ilong. 'He really love my daughter,.' Tumango tango muna si Raktor saka inilapag sa mesa ang pangalawang folder na nakabukas na. Nakita kaagad ni Keros ang limang litraro at kilala nyang tatlo dito. Mga Mafia ang mga ito. Matagal na nyang tina track ang location ng mga ito, pero madudulas kaya hindi nila mahuli huli. "That five Mafia leaders is the one who responsible for k********g my only one beloved daughter. Inside that folder, all the information you needed. Go save my daughter, bring her back to me as fast as you can! And please take care of her! I trust you Agent Kitsume. Goodluck!" "I will Sir! and thank you for trusting me!" Napahigpit ang hawak ni Keros sa folder, nakatiimbagang sumaludo sya at saka nagpaalam. Ng makalabas sya ng bahay, agad nyang nakita si Nana Maring sa hardin, agad itong tumayo at pinahid ang luha ng makita sya. "Eho, pakeusap e uwi mong beybe ko ng legtas deto ha! Saka mag eengat kayo!" "Opo Nana, wag ho kayong mag alala mamaya lang nandito na si Girlfriend, kaya huwag na po kayong umiyak! Sige po alis na po ako." "Epagdarasal ko ang kalegtasan nyo!" Tinapik pa ni Keros ang kamay ng matanda para kumalma ito, saka nagmadaling tinungo ang sasakyan at pinaharorot yun paalis ng subdivision. Kinontak nyang "team crazy". Napangiti sya sa bagong pangalan ng team nila, si Hydra ang nagpangalan sa grupo nila, kasi mga baliw daw silang anim, kaya yun daw ang bagay na itawag sa grupo nila. "Boss K., naka ready na po kaming lahat dito!" Ani Pyre. "Location?" Tanong nya dito. "Forest, near the beach!" "Good! Griffin, your location?" "Rooftop, Right side of the mansion." Sagot ni Griffin. "Prick?" "Inside the mansion with Eruto, Boss K." Ani Prick. "Ok! Aeris! Update me, how many people inside that mansion?" "More than one hundred inside, two hundred outside and five hundred upstairs guarding your Girlfriend." "f**k!" "Yeah! and there's more coming, so better to move fast now.. Boss K.!" Suggest ni Aeris sa kanya na nakasakay sa Helicopter at tina track ang mga Mafia na paparating sa lugar na kinaroroonan nila. "Team Crazy, ready all your agents, wait my order I'll be there in a minute." Kumambyo si Keros, halos lumipad ng sasakyan nya patungo sa kinaroroonan ng mga kasama. Ngayon nya pinagsisihan kung bakit hindi sya gumamit ng chopper para sana napabilis sya, nawala kasi yun sa isip nya kanina sa sobrang pag aalala sa kalagayan ni Hydra. "Boss K, they're taking out the hostage! Sh - " "Erutooo!" Boses ni Prick. Biglang nawala sa linya si Eruto. Naririnig naman nya ang pagsigaw ni Prick, na parang dinaluhan si Eruto. Wala na syang choice kundi i order sa mga agent nya ang execution ng mga kalaban nila. "Ok! Men, move faster!" "Wait!" Bulong ni Eruto na biglang sumingit sa kanya. "What! Why? Tangna kang hayop ka! Umayos ka! Mapapatay talaga kitang hayop ka!" Singhal nya dito na sinagot naman ni Eruto ng.... "Ssssshh...we're close!" Pabulong ang boses nito sa earpiece.. Natahimik naman sila at nakinig na lang. "If your father, won't do and refuse our bidding we better to send him your head to get even." Anang boses na naririnig nila mula sa earpiece. "Go to hell stupid i***t! My father will never kneel on a traitor like you!." Napatiimbaga si Keros at agad na ipinarada na lang ang sasakyan sa isang liblib na lugar, saka inabot ang katana sa backseat at ikinabit sa sarili, kumuha rin sya ng lubid at itinali sa bewang nya. Ng masigurong handa ng lahat sa kanya, dali daling lumabas sya ng sasakyan at tumakbo ng mabilis patungo sa likod ng mansion. Ng makalapit sa pader inakyat nya iyon ng walang kahirap hirap at ng lumapag ang mga paa nya sa loob ng mafia compound. Mabilis nyang tinakbo ang puno sa gilid ng Mansion at naglambitin paakyat dun. Kinalas nyang lubid na nakatali sa bewang saka ihinagis pataas sa terrace na medyo may kataasan, ng kumagat ang angkla sa beranda mabilis syang gumalaw paakyat. Ng maabot at makahawak sa balustre ng beranda sinilip nyang loob nun. 's**t! Napakarami naman ng bantay sa palapag na ito.' "Eruto, Prick!, san kayo banda, anong floor kayo?" "2nd floor, near the terrace area.." Napakunot ang nuo nya sa sagot ni Prick. Inikot nyang tingin sa paligid at nakita nyang dalawa, nasa kanan si Eruto na kumakaway sa kanya at nasa kaliwa naman si Prick na abala kakabutingting ng wire at may bombang ikinakabit dun. Ng magtama ang mga mata nila ni Prick sumenyas na ito ng ok! Alam na nyang ibig sabihin nun. Tuluyan na nyang inakyat ang beranda saka tumalon papasok dun. Saktong paglapat ng paa nya sa lapag sabay nyang hinugot ang katana na nakakabit sa likod nya. Sumenyas sya sa dalawa at sabay sabay silang tatlo na pumasok sa loob. Kahit tatlo lang silang nakikipaglaban, di nila alintana ang sangkatutak na mga kalaban, bawat wasiwas ng kanilang katana kung hindi dalawa tatlo ang nasusugatan o napapatay nila. unti unting nababawasan ang mga kalaban at ng mga limampo na lang ang natitira sa mga ito, lumihis na sya ng daan pahiwalay sa dalawang kasamahan para hanapin ang kinalalagyan ni Hydra. At ng matagpuan ang dalaga na nakaupo sa isang sofa sa sala na mag isa. Alam na nyang nasa paligid lang nito ang kalaban. At nasisiguro nya ring may bombang nakakabit sa katawan nito kaya kaylangan nyang mag ingat sa bawat galaw na gagawin nya. "Prick, I need you here in third floor, left side living room now!." "Copy that! I'm near." Gumapang sya palapit sa kinauupuang sofa ni Hydra. Pumirme lang sya dun at hinintay ang pagdating ni Prick. "I'm in! Where are you? "Just behind Hydra!" "Ok! Got it!" Matapos sabihin ni Prick yun narinig nyang sunod sunod na ingay ng pagbagsak ng mga kalaban nila. Dun na sya kumilos pakabilang bahagi at sinugod ang nagkukumpulang nakabantay kay Hydra. Palibhasa mga nagulat hindi na nagawa ng mga itong bumunot ng sandata, sa bilis at liksi kumilos ni Keros limampung bantay kaagad ang napatumba nya at lahat wala ng buhay, sinadya nya talagang tamaan ang mga vital organ ng mga ito para hindi na mabuhay. "Agent! Move now!" Pagkatapos nyang sabihin yun narinig nyang pagpulasan ng mga kasamahan nya. Nakita nyang nilapitan na ni Prick si Hydra na nakapiring ang mga mata, kaya hindi nito alam ang mga nangyayari sa paligid nito, ingay lang ang naririnig nito. Sesenyasan nya sana si Prick na huwag tanggalin ang piring ni Hydra pero huli na sya, natanggal na nito ang nakatakip sa mata ng dalaga. 'Hay! Sabagay may mga maskara naman kaming suot, huwag lang talaga magsasalita ang isa samin, hindi kami makikilala ni girlfriend.' Agad na sinuri ni Prick si Hydra. Napamura ito ng mahanap ang bombang nakakabit sa katawan nito. Napakunot ang nuo ni Keros ng marinig na magmura si Prick, kapag kasi nagmura ito isa lang ibig sabihin nun "DANGER" napalapit sya bigla dito at naki usyuso. Napamura rin sya ng makita na hindi lang isa, kundi limang bomba ang nakakabit sa iba't ibang parte ng katawan ni Hydra. "Tangnang bomba yan! Hindi pa ginawang sampo eh! Nahiya pa sila tsk." Di nya napigilang sabihin, huli na ng mapagtanto nyang nagkamali sya. Napapikit na lang sya ng mga mata saka napatalikod ng marinig ang boses ni Hydra. "B - boyfriend! Is that you?" Titig na titig si Hydra sa lalakeng nakatalikod na ngayon sa kanya, kanina pa sya naghihinala dahil sa mga kilos nito pamilyar na pamilyar sa kanya. At nakumpirma nyang tamang hinala ng aksidenteng magsalita ito. Napangiti na lang sya dahil kahit bibig lang ang makikita sa mga mukha ng tagapagligtas nya nakilala pa rin nya ang mga ito. Bumaba ang tingin nya sa lalaking nakaupo sa harapan nya na abalang kinakalikot ang bomba bandang taas ng dibdib nya. Alam nyang si Prick ito dahil sa seryoso at tipid magsalita nito. 'f**k! Me and my big mouth! shit.. shit.' Sisi ni Keros sa sarili nya, nadagdagan pang inis ni Keros ng biglang pumasok ang dalawang peste sa buhay nya. Si Eruto at Griffin na nag aasaran sa isa't isa. At sinundan pa ng isa pang peste na dere deretsong naglalakad patungo sa kanila. "Boss K. all clear.. Ther - ." Napahinto si Pyre sa pagsasalita ng mahagip ng tingin nito si Hydra na malapad ang pagkakangiti sa kanya. "There will be no survivors Left behind.... Tama bang pagkakasabi ko Pyre?" "Pakingshet! Takbo na tayo, Pyreeeee!!!..." Sigaw ni Eruto na kumaripas ng takbo palabas ng sala. Nag uunahang nagsipag takbuhan naman pasunod dito sina Griffin at Pyre na nagawa pang humingi ng paumanhin kay Keros. " Sorry Boss K.... Wahhhhh...!" Naiiling na natatawa na lang si Keros. Samantalang si Hydra naman ay tawa ng tawa na agad sinita ni Prick. "Stay still please! Don't move!" Kaagad namang umayos ng upo si Hydra at pinigilang gumalaw para mapadali ang pag alis ni Prick sa mga bombang nakakabit sa katawan nya. Napatingin sya kay Keros na panay ang mura sa mga kaibigang nagsitakbuhan palabas ng bahay. "Ang mga gagong yun kahit kelan mga peste talaga sa buhay ko!" "Boyfriend, pssstt.. hoy! Boyfriend!" Kuha nya sa pansin ni Keros. Na napabaling naman sa kanya at agad na lumapit saka hinawakan ang kanyang kamay. Napangiti sya sa ginawang yun ni Keros. Napaka sweet talaga nito. Mula noong maging sila hanggang ngayon wala man lang nagbago dito. Napakabait nito kaya ok lang sa kanya kung palamura man ang binata, siguro nakasanayan na nito, lalo pa nga't palamura rin ang mga kaibigan nito. Nagulat sya ng biglang tumayo si Prick at walang sabi sabing tumalikod na lang ito basta at naglakad palabas ng pinto. "Thank you Prick! see you later." Pahabol na sigaw ni Keros sa kaibigan na nagkibit balikat lang. "Thank you so much, Prick!" Nakigaya na rin sya, tinulungan sya ni Keros na tumayo at inayos ang damit nya. May hinugot ito sa bulsa, isang maliit na pouch, saka may inilabas na puting plastic, binuhos nito sa mesa ang laman nun saka masuyo uli syang pinaupo. Nakatingin lang sya kay Keros habang ginagamot nito ang mga sugat nya, kahit yung mga pasa nilalagyan nito ng ointment. Umangat ang isang kamay nya para tanggalin ang maskarang suot nito. Ng mawala ng sagabal sa mukha ng binata at natitigan nya ito ng mabuti, napatawa sya ng maalala ang una at pangalawang pagkikita nila. "Ikaw yung nagligtas sakin dati, ng muntik na'kong chopchopin ni Pyre diba?" "Hmmmm." "At ikaw din yung nagtanggol sakin kay Dylan diba?" "Hmmmm." "Aksidente lang ba yung mga nangyari satin?" "Hmmm" "Hindi mo yun sinadya?" Umiling lang si Keros, tuloy lang ito sa pagpapahid ng ointment sa mga pasa nya. "Salamat boyfriend! Sa pagliligtas mo sa'kin ha! kahit na ang sama sama ko sa'yo hindi mo pa rin ako pinabayaan." Napahikbi na sya, ngayon nya lang na realized ang lahat ng kasamaan na ginawa nya sa binata. Ang sama sama ng pagtrato nya dito, lalo ng pamimilit nya na magpanggap ito na boyfriend nya para layuan lang sya ni Dylan. In short ginamit nya lang ito para sa pansarili nyang kapakinabangan. "Sorry, Boyfriend! kasi naging bad ako sa'yo! Sorry talaga!" Napaiyak na sya ng tuluyan. Nangingiti na lang si Keros at masuyong niyakap ang dalaga. Napakasaya nya dahil sa wakas may natatanaw na syang pag asa. "Sssss... Ok lang naman yon, saka wala yun sa'kin, tama na! wag ka ng umiyak ha! Ibibili kita ng ice cream kaya tumahan kana." "Tado! Ano ako bata? Para kang tanga dyan hmp." "Ayan kana naman, minumura mo na naman ako! Ugali mo talaga, parang bata!" Biro nya sa dalaga na panay naman ang hampas sa kanya. Hinuli nyang mga kamay nito saka dinala sa kanyang labi at masuyong hinalikan. Seryoso nyang tinitigan ito sa mga mata saka sinabing... "Hydra, pwede na ba kitang maging girlfriend? Yung totoo na ngayon, na hindi yung fake boyfriend mo lang ako, pwede bang maging totoo na tayo ngayon ha! girlfriend?" Nangingiting tumango si Hydra. Ang sumunod na nangyari ang hindi nya inaasahan na gagawin ni Keros, bigla na lang itong tumakbo palabas ng bahay habang sumisigaw sa kagalakan. "Yooohhoo, kaming dalawa na ni girlfriend, hindi na ako fake boyfriend ngayon whoooooo... Ang saya saya koooo.." Biglang nagsilabasan ang ika ngay peste nyang mga kaibigan at nakipag saya sa kanya. "Yeeeeyyy... Congratulations Boss K." Sigaw pa ng mga ito. "Hell, Yeahhhh! Manlilibre si Boss K., Yeeeyyy!" Sigaw naman ni Pyre at Eruto na nag apiran pa sa harap ni Keros. Na napatigil sa katatalon at kasisigaw. "Hep... May sinabi ba akong manlilibre ha! Tangnang mga to mapag samantala sa kahinaan ko." "Yeeeyyy! tara na crazy agents sa Boyzone tayo... Let's gooooo.." "Hiiiyaaaa! Eat all you can again wooo." Nagsipag takbuhan ng mga kaibigan nya patungo sa mga sasakyan ng mga ito. Ni hindi man lang sya nilingon ng mga ito. "Mga tangnang to ah! Hooyy.. magsibalik kayo dito mga animal kayoooo.." "Hayaan mo na sila boyfriend! Halika na umuwi na tayo pagod na ako, gus - ." Biglang hinimatay si Hydra sa sobrang pagod, mabuti na lang at kaagad nya itong nasalo, binuhat nya ito at patakbong dinala sa kanyang sasakyan, at ng masigurong ligtas na itong nakaupo sa passenger seat pinaharorot na nyang sasakyan paalis sa lugar na yun. Habang nagmamaneho, pasulyap sulyap sya sa katabi. Napangiti pa sya habang inaabot ang kamay nito, maya't maya nyang hinahalikan ito kapag napapahinto sila dahil sa traffic. Hinalikan nya ulit ito at sa nuo naman saka bumulong dito. 'I don't care what you do to me, but I don't want you to hurt me. I've had enough hurt already in my life. More than enough. Now, I want to be happy in life with you, Girlfriend!.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD